Chapter 7: Single


Start na ng summer class at ang awkward na sumasabay ang exam ko sa enrollment ng mga magre-retake ng failed units nila. Parang nagpaparamdam ang pagbagsak ko kahit hindi pa naman ako nag-e-exam.

Kapag ganitong panahon, maliban sa wala akong kasamang mag-exam, masusukat talaga ang talas ng utak ko kasi two days akong wala sa school, wala akong mapagtanungan ng naging coverage ng exam—nganga ang Chyna Mendoza. Haaay. Malas.

Nasa library ako, binabantayan ng assistant ng mga prof ko dahil anim-anim na exam ang pinagsasabay ko sa loob lang ng tatlong oras. Sana nag-take na lang ako ng battery exam for the whole second sem last November kung ganito lang din pala ang aabutin ko.

Wala na 'kong nakikitang mga classmate ko o kahit nga mga ka-batch ko na irregular student. Puro mga naghahabol na lang ng units nila galing sa ibang year ang nakikita ko sa campus at mga enrollee na umaasang makakapasok dito sa university kahit mahirap ang entrance exam.

I answered my test booklets. I did my best. I closed it and let it go. I'm not as genius as Kuya Chan-Chan. Feeling ko nga, latak na lang ng IQ niya ang naiwan sa utak ko. It felt like 200 minus IQ niya, that was what I got.

Nag-review naman ako. Last sem, wala akong failed courses. I passed all of that, and I got a lot of 4s since 5 is our highest grade. Now, apart from distracted ako, I was taking my exam alone.

I knew some of the questionnaires, and I answered them confidently. But the thing was the fact that I was taking six different exams within three hours. I got 450 items na dapat tapusin within that span of time.

I couldn't do it kaya nagpa-extend na 'ko kasi sobrang lugi ko talaga rito. The assistant asked my professors sa faculty room. They agreed naman. Another two hours of agony na hindi ko na rin naman pinatagal because my neurons were crying out loud, begging for me to stop burning them alive.

Tinapos ko na ang paghihirap ko. If I pass, thank you, Lord. If I fail, failure is part of human life, and we must embrace it wholeheartedly.

It was sad kasi confident akong madali lang ang BA program. Light nga lang daw, sabi ni Nathan. Kaya nga medyo sumasama na ang loob ko kung makakapasa sila ni Vicky tapos babagsak ako. I mean, for sure, between me and Vicky, I'm smarter than her. Kaya nga ang lakas ng loob kong mag-asam ng engineering.

Summer na kaya isa-isa na silang nagbabakasyon. Lumabas ako ng library at balak ko sanang gumala. I was scanning my notification board nang makita ko ang mga invitation sa 'kin para sumama bukas sa so-called high school reunion namin.

That was last year lang, kung tutuusin. Kakatapos pa lang namin sa freshman year namin. Fresh na fresh pa talaga ang lahat kaya hindi ako sure kung gugustuhin ko pa bang sumama sa kanila.

Crush sa buong campus si Nathan dati. Chinito na good-looking, ano pa ba ang i-e-expect ko? Trophy boyfriend na talagang sobrang lucky ng girl kapag naging girlfriend niya.

Well, I have a different opinion about that.

I was reading the comments para malaman kung sino-sino ang mga pupunta, and Nathan and Vicky replied na sasama nga raw sila.

Hmm, parang ayoko na.

Then I read one of my classmates' comment:

Oh.... So di na sasama si Chi?

Yeah, ayoko nang sumama. Nawalan na 'ko ng gana.

Then Vicky replied:

Hahaha di na siguro, bhie. Mag-isa lang kasi sya :'((

A very thin line passed from my right ear to the left, and without a second thought, I replied:

Sure! Sama ako. Where ang location?


• • •


Yeah, I'm single . . . but not lonely.

Marami namang single na masaya! Dapat ba kapag single, required malungkot kasi mag-isa? No! Siyempre, hindi. Kaysa naman may boyfriend akong touchy na willing pala akong ipagpalit sa puwede niyang maka-French kiss any time, anywhere—hard pass!

"Gosh!"

I let out a noisy sigh and thought about going alone or going with someone.

Hindi kaya ng pride kong pumunta nang mag-isa. Magmumukha akong kawawa at ayoko n'on.

Una kong naisip si Cody. Sure akong hindi nila kilala si Cody kasi sure din akong wala sila sa list niya ng gusto niyang kilalanin. He's very guwapo. Ang daming may crush sa kanya sa school at kapitbahay. But Cody is one of the worst options I could think of kahit pa sure akong eye-catching siya.

Kung available lang si Draco—well . . . hindi ako magha-hard pass sa kanya, pero siya ang sure na magha-hard pass sa 'kin kahit pa ialay ko sa kanya ang lahat ng allowance ko sa buong taon.

Bakit ba kasi ang layo nilang dalawa ng kapatid niya? Puwede bang maging Draco siya pero may kaladkarin side siya like Cody?

Puwede siguro si Kuya Rion o kaya si Kuya Rhyann kaso tinatapos nila ang thesis nila. Ga-graduate na sila ngayong April, uunahin ko pa ba ang reunion ko para lang magpabibo?

Final answer, I'll go alone. Ipapakita ko sa kanilang lahat na strong, independent woman ako. Bakit ba? I can conquer the world all by myself. I am the master of my fate, I am the captain of my soul. William Henley, you should be proud of me.

Sa flat daw na ni-rent ng mga ka-batch ko noong high school ang location somewhere malapit sa Zapote. Entire house ang nirentahan nila na may outdoor pool na. Two days, one night lang ang stay, and I thought that it was fine. One night is enough.

I asked Pops the night bago ang gala ko. "Sa may Zapote lang po ako. One night na stay. I sent the location sa GC. You can go there any time kung kailangan akong sunduin."

"Sino'ng mga kasama mo?"

"Sina Nathan." Then I rolled my eyes.

"Okay, sige. Turn on your locator, ha?"

"Yes po."

Daddy Coco would always tell us na "kaladkarin" nga raw ang daddy at Tita Rex ko. Basta gagala, they were so okay with it. Kaya rin hindi ako nahihirapan kapag umaalis kasi . . . I dunno? Siguro nga, sobrang okay kina Popsie na gumagala kami ng mga kapatid ko?

Si Naynay, madali rin namang kausap. Basta ang lagi niyang reminder, if there's danger, kill people.

Of course, that's a joke. But I'm not sure why kapag nanggagaling kay Naynay, parang hindi naman siya nagjo-joke. For someone na working sa pharmacy, Naynay sounded so deadly, I dunno why.

I packed my things. Two pairs of shorts, undies, bikinis, toiletries, nagpahabol pa ng two T-shirts, and my device accessories. I got my wallet, and that was it. I'm good to go.

Pine-prepare ko na ang sarili ko sa walang katapusang tanong ng mga classmate ko kung bakit ba kami nag-break ni Nathan, yada, yada, but shit happens all the time. Let it go.

Hindi ko kasi puwedeng sisihin si Vicky at sabihan siyang mang-aagaw, when in fact, more than one month na kaming break ni Nathan nang umeksena siya.

I took my scooter with me. Eight in the morning, pumunta agad ako sa location. Nine ang call time, and I thought I was so early pero ang dami na nila sa house na 'yon. Parang kagabi pa sila do'n at ngayon lang ako nakarating.

May malaking parking space sa pagpasok ng gate. Walang masyadong naka-park doon kaya feeling ko, ako lang talaga ang nakamotor na pumunta.

Ang daming plants everywhere kahit modern naman ang design ng buong bahay. Nakikita ko agad ang pool kahit sa parking space pa lang na nasa right side after ng gate. Color light blue and gray ang pintura ng bahay kahit sa labas. Hanggang second floor lang kaya umaasa na 'kong maghahati-hati kami sa bed—or puwedeng magkakanya-kanya na kami ng lugar na tutulugan sa kahit saan dito.

"Chi! Hey!"

May mga nasa pool na. After a year, nakita ko na naman ang mga classmate ko dating mga ka-close ko pa.

I wasn't a campus sweetheart. Vicky wasn't either. Kaya nga kami naging mag-best friend. But not because I wasn't that sweetie pie bitch sa high school, that also means I was a nobody. Vicky was the nobody. Kaya nga kami naging mag-best friend!

I was that girl student na nakakapasok sa school nang walang service because I drove my black and silver motor with me. My helmet looked like I was gonna transform into a Power Ranger black or something.

Cool kiddo. Maangas na chick. My hair was so silky back then no'ng hindi pa kami ni Nathan (mukha na 'kong bruha ngayon). Everyone was thinking na kaya kami bagay ni Nathan because I have a fair skin gaya kay Popsie. I looked like Japanese-American kahit pa part Danish-Egyptian ang daddy ko. I got my mom's Japanese eyes. I'm taller than my classmates. Basketball member ng women's basketball team. Power forward, rebounder, 3-time MVP since Grade 7.

Tapos pagdating ng college, basura! Ugh! I hate my life.

Vicky was my best friend kasi wala siyang friend no'ng high school. So I thought, sad ang life niya kasi wala siyang friend. We were okay, until nga maging ganito na.

Vicky underwent a fucking metamorphosis during her puberty stage. My puberty hit me as well, but in the gut, bira kung bira hanggang mamilipit ako sa sakit.

I'm not ugly. I just didn't want to wear something Vicky would wear to get attention.

"Hi, guys!" I greeted them all.

Pagdating ko sa pool area, nginitian ko na silang lahat. Compared sa mga suot nilang pambahay at laidback lang, halatang hindi ako marunong sumunod sa dress code kasi naka-cargo pants ako at white hoodie.

Swimming pero balot na balot.

Kakalapit ko pa lang pero paggilid ng tingin ko, nakita ko agad sina Nathan sa sun lounger. Magkatabi sila ni Vicky sa iisang lounger lang. Naka-white bikini si Vicky.

Topless at boardshorts lang ang nakikita kong suot ni Nathan.

God, I hate insects.

I rolled my eyes and smiled at my classmates na nasa pool. "Pasok na muna ako sa loob."

Ayokong makakita ng mga ahas dito sa labas.

"Nasa may doorway ang mga bag, Chi! Look ka na lang ng space mo, ha?"

"Sure!"

I sweetly smiled at Nareen after ng reminder niya. Lumakad na ako paalis at humarap na sa daan kaso—

"Hah!"

Mabilis akong napatakip ng bibig nang magulat sa muntik ko nang mabangga.

Nagtawanan ang mga nasa pool. Kahit ang ibang nakatambay sa pool area.

"The fuck?!" I cursed after I saw Kel's face. "Classmate ka ba namin?!"

Kel's face was asking me if tama ba siya ng narinig na tanong mula sa 'kin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Topless din siya, naka-shorts, at slides. May hawak siyang . . . towel at balde.

Classmate ba namin siya no'ng high school? Taga-ibang academy siya, a!

"What are you doing here?" My brows arched to question him.

Kel looked at me with bored eyes. "This house is ours. Ilagay mo na lang ang bag mo sa loob. I'll tour you around after ko sa bath house."

Shit. Joke ba 'to?


♥♥♥

Telegram latest update: ENDING

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top