Chapter 6: Unlucky


The staff at the clinic did my X-ray test, but before doing everything na ipinunta ko roon, I asked if may doctor bang available for the checkup. They did.

Nagpa-check up ako saglit sa available na doctor nila kahit gabi na. May doctor pa rin naman at out daw niya ng 9 p.m. kaya nakaabot pa ako sa second to his last OP. Pina-check ko ang lahat ng kumikirot sa katawan ko at binigyan ako ng dagdag na endorsement for other lab test na parang ayoko nang ituloy.

May CT Scan and MRI pang idinagdag, and I was like, pass. Baka kung ano na ang isipin ni Cody kapag nagpa-CT Scan at MRI pa 'ko.

I took the X-ray exam. Binigyan ako ng maliit na slip at sinabihang bumalik daw bukas para sa result.

"Sure ka, ayaw mong magpa-CT Scan?" tanong ni Kel.

"Ayoko na nga," mataray na sagot ko. "Kapag namatay ako, mumultuhin na lang kita."

"Hahaha! That's overacting."

Sumakay si Kel sa scooter ko. Sumakay rin ako nang wala nang kahirap-hirap. Somehow, hindi na siya gano'n kasakit compared kanina no'ng fresh pa lahat.

It was almost nine nang makabalik kami sa subdivision, at malayo pa lang, kita ko na agad ang liwanag sa mga bintana.

"Nakauwi na yata parents mo," puna ni Kel.

Tell me about it.

Kel halted outside the carport. Nasa harapan lang kami ng hood ng kotse ni Popsie at tahimik na kumikilos. Hindi niya puwedeng ipaandar na lang basta dahil matatamaan niya ang Landcruiser ng daddy ko.

Pababa na 'ko ng scooter nang biglang bumangga ang injured foot ko sa gilid ng mababang bakod na hindi ko rin natantiyang tatama pala!

Feeling ko, kinidlatan ako sa buong katawan nang tumama ang parteng may bukol sa pointed part ng isang wooden plank.

Nakabuka lang ang bibig ko at umaktong sumisigaw nang walang boses nang bumagsak ako sa sahig ng carport. Nagpagulong-gulong pa 'ko sa magkabilang gilid habang tinitiis ang sobrang sakit na—FUCK!

My eyes were watery, and I could feel my face heating.

Napahinto lang ako nang mapansin kong nakatayo na sa gilid ko si Kel at nandidiri na naman ang tingin sa 'kin.

"What the hell are you doing?"

Sumigaw ako nang walang kahit anong tunog at itinuro ng mga kamay kong gigil at naninigas ang paa kong pumipintig sa sakit.

"Crazy."

With a sigh, he took me back in his arms. I was holding back my yell while biting my bottom lip.

I could see myself from a different perspective, and I looked like a fucking mess. I had frizzed out hair. My uniform was soiled after I rolled on the carport's floor. There was a great deal of dust on my body. Kel carried me like filthy laundry that needed immediate cleaning.

The kitchen's back door opened. Light struck upon us before Kel could knock on the door. My pupil's expanded. Popsie's eyes widened. His bitten sandwich dropped. The pain on my foot screamed attention.

That was when I knew I'd fucked up.


• • •


My family didn't know anything about my romantic relationship with Nathan before. Pero kilala naman nila sina Nathan at Vicky as my "friends" na hindi ko na nga nakakasama ngayon.

Kaya rin surprising for Popsie na biglang nagpakita si Kel sa bahay namin tapos buhat pa 'ko.

Wala naman kasing bumubuhat sa 'kin aside kay Popsie mismo at kay Daddy Coco.

Hindi ako makalakad, obviously. And I cursed the idea na hindi nga dahil hindi ako makakapag-walkout sa kanila.

Nasa dining table kami. It was rounded and wide pero nasisikipan na 'ko ngayong gabi. Or maybe because Naynay intentionally turned off all the lights in the house and kept the remaining pendant lamp above the table open para magmukhang nasa interrogation room kami.

Kel was sitting beside me. Popsie was sitting across from us. Naynay was giggling on the kitchen counter habang may hawak siyang baso ng orange juice.

Popsie knew Kel . . . like, I dunno, ten years ago? Si Naynay lang kasi ang laging dumadaan kina Tita Kendra para makipagtsismisan kapag day off niya. Si Popsie, kina Mommy Sabby naman tumatambay kapag wala siyang ginagawa.

Ang weird naman kasi kung kina Tita Kendra siya tatambay, e single mom ang mama ni Kel. Mukha ring hindi niya nakilala si Kel kasi tinanong pa niya ang pangalan kanina.

"Classmate kayong dalawa?" tanong ni Popsie.

"Yes, sir," sagot ni Kel. And he sounded so polite. Ang weird, ha?

Oh well. He should be polite. Marunong ng target shooting si Popsie, kung alam lang niya.

Pops clasped his hands and rested them above the table. He leaned a bit toward the front to interrogate Kel even more.

"Saan kayo galing?"

"Sa clinic n'yo raw po, sir." Kel looked at me to support his answer.

"Sa clinic, Pops. Nagpakuha kami ng lab test."

"Lab test for what?"

"X-ray," sagot ko. "May pilay nga kasi ako. Look at my foot, guys! Please lang! Alam kong mukhang paa si Kel, pero hindi siya ang paa ko! My god!"

I looked daggers at Kel. He cringed at me. Naynay almost blew out her juice and turned around para itago ang tawa niya.

Popsie slightly combed his thick dark brown hair and lightly bit his lips, nodding. "All right." He took a deep breath and asked Kel, "May balak ka bang ligawan ang anak ko?"

"The heck, Pops? Of course, wala siyang balak!" sigaw ko naman.

"Wala kang balak?" tanong ni Popsie. Hindi yata ako narinig kahit buong dining at kitchen na namin ang napuno ng sigaw ko.

"Um—"

I glared at Kel again. At nakuha pa talaga niyang mag-isip?! Wow, ha!

"Wala kang balak?" ulit ni Popsie, at bagsak na bagsak na ang panga ako, hindi ko alam kung titingin ba sa kanya o kay Kel o kay Naynay na natatawa sa likuran.

"Hindi po sa walang balak . . ."

"So sinasabi mong pangit ang baby ko kaya wala kang balak."

WHAT. THE. FUCK?!

"Popsie!" saway ko agad.

"Liligawan ko po si Nalani," biglang sagot ni Kel sabay smile.

Na-freeze ako sa inuupuan ko habang nakanganga at pinandidilatan siya ng mata.

"Ayun. Mabuti nang malinaw," chill na sabi ni Pops kaya sa kanya naman nalipat ang tingin kong di na nakakasunod sa nangyayari. "Pero bawal ligawan ang anak ko. Kaka-18 pa lang niya last year."

"Okay lang, sir. Hindi ko na po liligawan ang anak n'yo," chill ding sagot ni Kel at bumalik na naman sa kanya ang masamang tingin ko.

"Good. Sige, umuwi ka na." Tumayo na si Pops at sumabay na si Kel. Naiwan naman akong palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa na parang sila lang ang nagkaintindihan sa naging usapan nila.

Ang utak ko, feeling ko, napunta na sa kung saang universe pag-alis nina Popsie at Kel sa dining. Naiwan si Naynay na hinuhugasan na ang baso niya ng juice at saka ako binalingan.

"Ano'ng nangyari sa paa mo?" tanong niya pagharap sa 'kin.

"Na-injure ako sa PE exam! Binato nga ako ni Kel ng bola sa ulo!"

"Anong bola ang ipinambato sa 'yo? Bowling ball?"

"Of course, not! Na-sprain lang ako pagbagsak! Binigyan ako ng doctor sa clinic ng endorsement para magpa-X-ray para malaman kung may fracture or something."

Naynay waved her forefinger to warn me. As if namang may magagawa, e injured na nga ako.

"Tatawag ako sa admin office bukas. Ipapa-excuse muna kita sa final exam mo. Hihingi ako ng copy ng results sa clinic n'yo at doon sa laboratory," reminder ni Naynay. "Hindi ka muna papasok." Itinuro niya ang paa ko. "Kung talagang masakit 'yan. Magtigil ka rito sa bahay at hindi ka puwedeng gumala."

Tss. As if namang kaya ko.

I dunno if considered bang grounded ako dahil sa ginawa ko kasi hindi talaga ako pinayagang pumasok kinabukasan. Although compared noong high school, wala namang pakialam ang mga professor ko kung sino-sino lang ba ang pumapasok sa klase nila, pero sana payagan akong mag-take ng special exam.

Mid-March, patapos na ang freshman year ko, ganito pa talaga ang aabutin ko. Napakamalas.

Trapped ako sa bahay for two days, and I fully understood why Popsie didn't know about Kel's existence. Sa two days na 'yon, hindi ko nakita sa morning hanggang hapon si Kel. Malalaman ko lang na nasa bahay na siya kapag bukas ang bintana niya sa gabi. Hindi pa naman ako bumabangon kaya wala akong nakikita sa kuwarto niya kundi bukas na ilaw lang at bintana.

Not that I wanted to see him, duh? I was just checking kung makikita ba siya ng daddy ko any time of the day.

Two days lang, nawala na ang swelling ng paa ko. Wala nga raw fracture. Kailangan lang ipahinga. After two days, nakakalakad na 'ko nang maayos after ng napakaraming hot and cold compress buong maghapon.

Hindi ako nag-visit sa social media accounts ko sa two days na 'yon for the reason na ayokong makita ang mga post ng classmates ko na masaya nang nakaraos sa mga exam nila. Of course, ako, hindi pa. Kaya nga pagbukas ko sa account ko, sobrang daming tagged photos at mentions ang kinailangan kong buksan para lang magulantang sa lahat ng naka-tag sa 'kin.

Like, sheeet!

Bakit ang dami nilang stolen photos na karga ako ni Kelley?!

The fuck?!

Was that the worst part of it all?

NO!

May isang public post si Kelley na may nag-mention sa 'kin, and his caption was:

Wag ka. Nag-joyride pa kami after neto HAHAHAHA

Shit.

I think I need to evacuate to the nearest galaxy. NOW.


♥♥♥

Telegram latest update: Chapter 28

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top