Chapter 29: Wrath


I had all the right to be angry before my breakup with Nathan, and this was the first time my anger was validated by facts and not by emotions alone. I couldn't even count how many times I gaslit myself just to say that it was only my preference kaya kami nag-break ni Nathan.

I couldn't say anymore that I was just being emotional or bitter about that breakup kaya ako nagagalit. Now I had something that could support that damn rage inside me na gusto kong ilabas noong January pa.

Iniwan ko kina Kel ang laptop ko. Bumalik ako sa bahay. Kinuha ko ang susi ng scooter. Nag-helmet ako, not minding kung pambahay lang ang suot kong black T-shirt na XL size pa at halos umabot na sa siko ang haba ng manggas. O kahit ang gray shorts kong mukhang shorts ni Kuya na inarbor ko lang.

Nalilito si Kel na nag-aabang sa 'kin sa carport. Inabot ko sa kanya ang isa kong helmet na open face.

"Gusto mo, ako na'ng mag-drive?" alok niya, pero pass.

Wala akong isinagot. Sumakay na lang agad ako at hinawakan ang handlebar. Wala na ring nagawa si Kel. Sumakay na lang siya sa likuran ng scooter ko kahit pareho kaming naka-shorts. Pero nagpatong naman siya ng gray hoodie sa black sando niya.

I could even imagine us doing crime along the road, pulling someone's bag randomly.

It was already five in the afternoon. May araw pa at maliwanag pa para mag-bar, pero alam ko kung saan tumatambay si Nathan kapag ganitong oras.

Ang klase nila sa Section B, magsisimula ng alas-sais ng gabi. Late pa silang papasok n'on, kaya sure akong nasa student hub sila na malapit sa campus. Four blocks away sa NDU, and it was located somewhere inside an exclusive subdivision nearby.

I was hitting seventy, and I didn't mind if there was an enforcer na haharang sa 'kin. Pero nakarating kami sa student hub nang wala pang ten minutes. Wala na akong pakialam kung paano ko inalis at isinabit sa handlebar ang helmet ko. Kahit nga ang buhok ko, gulo-gulo na habang naglalakad ako papasok sa building.

"Nalani, ano ba talaga'ng plano mo?" tanong ni Kel, at tunog kinakabahan na siya.

"I'm just validating my feelings, Kelley. 'Bigay mo na 'to sa 'kin."

Nasa A. Han Building sila, sa rooftop, third floor. Student hub 'yon na ginagawang bar every night. Doon ako dinala dati ni Nathan na hindi ko nagustuhan ang ambience kaya hindi na ako umulit.

And like the memory I had of this place, amoy-lasing na amoy medyas na amoy perfume and humidifier section combined ang bumungad pagtapak na pagtapak ko sa rooftop.

Ang daming estudyante. May mga naka-uniform, may hindi. Ang dami nila sa mga pabilog na mesa. May mga nakatayo at umiinom sa island. May mga sumasayaw sa space sa gitna. Ang daming nakaupo sa bar stool sa bar counter.

Palingon-lingon ako para hanapin si Nathan, pero mas nauna ko pang makita si Lawrence na nakaharang sa mesa ng ex-bf at ex-bff ko.

Pati pala mga varsity palayer ng basketball, nandito rin? Aba! Kuta pala talaga ng mga babaero 'tong lugar na 'to!

Nagtuloy-tuloy ako palapit sa kanila.

"Nalani!" awat ni Kelley at hinatak pa ang braso ko pero tinabig ko agad ang kamay niya palayo.

"Babe!" tawag din ni Lawrence pero hinatak ko ang kuwelyo niya para ibato siya sa tabi paalis sa tunay na pakay ko.

Ah! At last!

"What's up, fucker?!" I punched Nathan so hard on the face, he even landed on Vicky's lap.

Everyone around us gasped.

I folded my wrists and cracked my knuckles.

"Bilib talaga 'ko sa tigas ng mukha mo, e." Sinuklay ko palikod ang mahabang buhok kong nagbabagsakan sa mukha. "Imagine? All this time, katawan ko na pala ang nagre-reject sa 'yo. Iba ka!"

Hawak niya ang panga nang tumayo silang dalawa ni Vicky sa sofa kung saan sila naglalampungan.

"Ano ba'ng problema mo?" maangas niyang tanong sa 'kin.

"Problema ko? Sa 'yo talaga nanggaling, ha? Wow!"

"Hoy, Chyna!" sita ni Vicky sa 'kin at itinulak pa 'ko sa balikat. "Ang kapal ng mukha mo para saktan yung boyfriend ko!"

"Oh, wow! Boyfriend? WOW! Proud na proud na galing sa agaw?"

"What the fuck are you talking about?" Vicky replied, and I smirked sarcastically.

"The fuck I'm talking about? Best friend? Fuck off, Victoria!" I cursed, pushing her on the shoulders. "Katabi ko pa kayong pareho last year. I was telling you everything, ang candid pa ng reactions mo, as if you knew nothing about me and Nathan. Katabi ko siya, katabi kita, what a perfect cheating arrangement for the three of us!"

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?!" sigaw niya. "Naging kami ni Nathan no'ng break na kayo!"

"Lie pa more, bitch! Wala naman akong pakialam kung maglampungan kayo every minute of the day! Gusto ko lang makasapak kahit isa lang sa gagong 'to—" Umamba na naman ako ng sapak pero mabilis na umilag at umatras si Nathan sa 'kin.

"Move on na, Chi!" ganti ni Nathan. "Baka nakakalimutan mo, nag-break tayo kasi masyado kang pa-virgin!" Ipinagsigawan pa niya 'yon sa buong student hub habang tinuturo ako. "Ni hindi pa nga 'yan nahahalikan ng kahit na sino, e!"

"Hey! Stop it!" awat ni Kel at ipinaurong na ako paatras. "You have—"

Hindi na natapos ni Kel ang sinasabi niya nang hatakin ko ang neckline ng hoodie niya saka siya pinalapit sa 'kin. Without a second thought, I kissed him on the lips in front of these people and pushed him away after a few seconds.

Everyone gasped. Vicky's stunned face and dropped jaw were the first reactions I saw after I kissed Kelley. Then my eyes shifted at Nathan's confused reaction.

"That's how easy it was to kiss me, Jonathan, but you're too weak to even land on first base," I proudly said. "Pa-virgin ako? I don't think so. Mahina ka lang talaga, aminin mo na lang. Hindi ako bitter na naging kayo ni Vicky. Hindi ako nabi-bitter sa downgraded replacement."

Vicky tried to grab my hair, but I slapped her right hand in the air. My right palm landed on her face, leaving the mark of her oily foundation and sweat on my skin.

Hawak niya ang pisnging nasampal ko. Nagkakantiyawan na ang mga nasa paligid namin.

May mga kasama pa silang ibang babae na pasugod sa 'kin.

"Nalani!"

Nakita ko na lang ang kamay ni Kel na aawatin sana ako pero kahit siya, napalo ko rin palayo.

Bago pa makalapit sa 'kin ang mga backup nina Vicky rito sa student hub, dinampot ko agad ang dalawang bote ng soft drinks na walang laman sa mesa nila saka malakas na inihampas ang ilalim ng bawat bote sa kanto ng concrete island na malapit din kung nasaan kami.

Nagtilian ang iba pagkarinig ng pagbasag ng babasaging bote. Biglang tumahimik pagkatapos at background music na lang ang naririnig naming lahat habang nakatutok sa kanila ang basag na boteng hawak ko.

"LAPIT! I FUCKING DARE YOU, PEOPLE!"

All of them stepped back.

"Away n'yo ba 'to?! Hindi, di ba? So bakit kayo nangingialam? Gusto n'yong madamay?!" sigaw ko sa kanilang lahat.

"Hey—"

Someone tapped my right shoulder, and I turned around, only to see me pointing the sharp tip of the broken glass at Kel's neck.

I stopped.

My breathing got heavier every second I stared at his dead eyes. My eyes were full of wrath, and as much as I wanted to douse the rage I was feeling, I couldn't.

I brushed my bottom lip with my trembling tongue and smirked at Kelley. "This is not the worst I did, Kel. You should have seen me a decade ago."

If this turned him off, I would gladly respect his decision na alisin na 'ko sa buhay niya. I'm not a good girl, though. Malayo ako sa babaeng gugustuhing maging girlfriend ng kahit na sino. Nakasuwerte lang sa katangahan ko dati si Nathan.

"I've seen worse from you, Nalani. Tama na 'to." Walang kahirap-hirap niyang kinuha ang natitirang katawan ng boteng hawak ko at ibinagsak lang niya sa sahig ng hub.

"The show's over, guys," he told everyone, grabbing my hand.

I knew I was strong enough to drag Lawrence somewhere, knowing he was almost half a foot taller and a few kilos more than me. But Kelley was dragging me outside the building as if I weighed like paper.

Mas nauna pa nga siyang sumakay sa scooter ko na naka-park sa harapan ng building kaya wala na akong choice kundi sumakay sa likuran. Ni isa sa 'min, hindi na nagsuot ng helmet, basta pinaandar na lang niya ang motor ko papunta sa park kung saan sila nag-practice kanina.

The sun was already setting. Wala na rin halos tao sa park kasi maliban sa magsisimula na ang night class, wala na ring estudyante sa basic school.

Hawak pa rin ako ni Kel at binitiwan lang niya ako paglapit namin sa isang blangkong swing.

The screws of the metal swing clanked as I held its chain. The air was colder this time, or maybe it was just the atmosphere between me and Kel.

"Don't ask me to apologize," I began before he even said anything. "First boyfriend ko si Nathan. And if you think na mali ang ginawa ko, puwes mabait pa 'ko. Pasalamat siya, hindi ko pa binato sa kanya yung mesa sa gilid ko kanina—"

I was still releasing my remaining anger when Kel drew me in, holding the back of my head with his right hand and pressing his lips on mine.

All of a sudden, everything went silent—around us and in my rattled mind.

I almost forgot that I kissed him earlier. My anger consumed the best of me, and it was a strange feeling to me this time.

My breathing stopped for a few seconds. My mind wasn't telling me to push him away or do anything that could protect me from him.

The air surrounding us got warmer.

It calmed me in a way I never imagined, far from the feeling I had when Nathan tried to kiss me before.

His lips were soft and not invasive. I had chills on my nape, down my arms. He lightly nibbled my lower lip and pecked at the tip of my nose. I opened my eyes and saw myself wrapped around his arms.

Saka ko lang naisipang huminga pagdilat ko. Halos ipatong ko na ang baba ko sa balikat niya habang bahagya akong nakatingala. Napatulala ako sa dumidilim nang langit at sa di buong buwan na tanaw ko mula sa puwesto namin.

Hindi ko alam kung saan ko na ihahawak ang kamay ko. Kung sa gilid ng shorts ko o iyayakap sa kanya.

"Huwag mo nang uulitin 'yon, ha?" kalmadong paalala niya habang hinahagod ang buhok ko. "Ako ang kinakabahan sa ginagawa mo."

I should be thankful na yakap niya 'ko habang pinagagalitan ako kahit kalmado siya. Because if not . . .

He would definitely see me grinning like a psycho after getting a kiss and a warm hug out of this goddamn mess.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top