Chapter 28: Reveal


The envelope's content was bugging me. I don't know if I'd considered that a negative feeling because it was giving me the ick to know if Kelley would have another dad at this point. He was nineteen, and I couldn't imagine the feeling of having another man in the house apart from you.

Popsie gave us a "few" reviewers, and Pops' few means ten advanced reading chapters. Elements and principles of design; what is art as a kind of communication and expression; what is perspective and context; the difference between objective and subjective means, and all about art na hindi ko alam kung ano ang connection sa sumunod naming course subject na corporate financial management.

First fucking school day of my sophomore year, and my dad was being ruthless. Sana si Daddy Coco na lang ang naging prof namin sa Art Appreciation, sure na hindi niya kami pahihirapan.

Umakyat ako sa room ko at nagbihis ng large T-shirt and comfy cotton shorts. Dala ko ang envelope na may laman ng info ni Tita Kendra. Pumuwesto ako sa harap ng study table, and my window was beside where I sat.

I saw Kelley on the window, naka-black sando na siya at may inaayos sa kama niya. Pagsilip ko, nakita niya agad ako. Kumaway lang siya sa 'kin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

Binuksan ko ang laptop ko para buksan din ang readings galing sa link na nasa course tab ng section namin for Art Appreciation. After that, inilabas ko na naman ang laman ng brown envelope para basahin ang details ni Tita Kendra.

I opened my readings, just in case Kelley asked me something about it, I could find things on the Find tab para mabilis siyang masagot. Still, my mind was focused on Tita Kendra's file.

It was a ten-page document.

The first page contained Tita Kendra's biodata. Tita Kendra's already 40. Eleven years younger kay Naynay pero manager na siya ng clinic.

I was busy scanning the first page when Kelley called.

"Hey," I answered with a smile.

"Hindi sana ako tatawag kaso ayokong sumigaw rito sa kabilang bahay."

"Hahaha! That's awkward."

"Gusto mong pumunta rito?"

OMG. Pupunta ba 'ko? Pero nagbabasa pa kasi ako ng about sa mama niya.

"Um . . . siguro mamaya?" sagot ko na lang. "May tsine-check kasi ako ngayon. Hindi ko kasi magagawa diyan, sorry."

"Nah, it's okay. Ibababa ko na ba 'tong call?"

"Hindi, okay lang. Stay ka lang."

"All right."

I placed my phone on the phone holder of my cute bed lamp. Kelley was still on the line, and I could hear him typing on his keyboard.

I read the next page of Tita Kendra's file. It was a contract.

My brain instantly thought about the contract at the medical clinic she was working at, but the details were far from that.

It was a protection program, like, literally. Stipulation between Afitek Private Security and Tita Kendra.

Shet! Sa Saturday pa ang Business Law namin! Paano ko ba ii-interpret 'to?

Binabasa ko naman. Nage-gets ko naman pero ang deep ng ibang terms, kinailangan ko nang gumamit ng law dictionary at basic English dictionary para maintindihan ko ang binabasa ko.

"Reading ka rin ba ngayon?" biglang tanong ni Kelley na dahilan ng gulat ko.

Mabuti na lang at hindi ako napasigaw. Nag-flinch lang ako.

"Um, yeah. Grabe, ang sakit sa ulo ng terminologies," sagot ko, and I thought for a second that we were reading the same shit.

"Parang hindi naman. Nasa aesthetic discussion pa lang ako. What about you?"

"Uh . . ." SHET! Nasaan na ba ang binabasa niya?

I clicked the Find icon. Typed, aesthetic discussion, and boom! Nakita ko na ang binabasa niya.

"Um, nasa first impression thingy pa lang ako," sagot ko.

"Oh . . . wala pa 'ko diyan. Sige, basahin ko muna."

Shet. Buti hindi na nagtanong kung tungkol saan ang sinabi ko.

HINDI KO ALAM ANG ISASAGOT!

Binalikan ko ang contract ni Tita Kendra. Ten-year contract ang nakalagay sa unahan, pero pag-check ko sa likod, the contract was signed June 25 ten years ago.

Wait . . . eleven days na lang . . .

WAIT!

Naglipat pa ako ng ibang pages, and that was when I realized that the contract was going to expire a few days from now.

Malapit na ang termination of this agreement. What now?

Nao-overwhelm ako sa articles and sections. I could read the whole damn thing, but I couldn't comprehend what it was for.

I read the latter part of the agreement, and the whole thing was meant to be amended for another extension period, pero may written memo galing kay Tita Kendra as the sender.

The header subject stated: Withdrawal of Security Services.


Dear Sir/Madam,

I am writing this letter to inform you about the withdrawal of security services provided by your company. We no longer require the security aide appointed by your company for our house. The assigned agent has been faithfully serving us for the past ten years.

The reason behind discontinuing the services is that I feel that there are no longer threats to our family since the death of my late husband, Attorney Leyton Mijares. As a result, we no longer need a security aide at our residence.

We appreciate the trustworthiness and dedication of the security agent appointed by your company. He/She has always been accommodating and efficient, and we have never encountered any issues during his/her tenure.

Thank you for your services. Should you need any further information, please feel free to contact me at [email protected].

Sincerely,

Kendra Sebastenne J. Rioso-Mijares

[email protected]


I didn't know about those threats. Ang alam ko lang kasi kina Tita Kendra . . . nakahiwalay ng bahay si Kel after mawala ni Tito Leyton. Si Tita, diyan sa kapitbahay pa rin nakatira. Seven years na wala si Kel dito sa West kasi nag-aral siya sa ibang lugar. NDU ang school na alam ko pero hindi na ako sure kung saan pa kasi wala na talaga akong naging balita sa kanya.

Si Naynay at si Tita Kendra ang palaging magkasama. Kaya nga best friend sila. Hindi ako sure kung alam ba ni Naynay ang tungkol dito sa security service thing na 'to kasi pharmacist siya sa medical clinic. Si Popsie ang nasa Afitek, so medyo weird na naka-sign dito si Naynay sa agreement.

She wasn't a witness to this signing, though. The name under her was tagged as "Representative," and whatever that meant, I had no idea.

Hindi ko alam kung para ba 'to kay Popsie o para kay Naynay, pero sure akong hindi 'to para kay Tita Kendra kung galing na 'to sa kanya.

"Kel?"

"Yep?"

"Puwedeng pumunta sa inyo?"

"Sure!"

I brought my laptop and phone with me papunta sa kapitbahay. Ang weird na may threat pala rito kina Tita before. Parang wala naman since ang tagal ko na rin silang kapitbahay, at wala akong napapansing threat dito sa 'min.

Kahit nga siguro si Naynay, walang napapansin. Kung mayroon man, baka hindi ganito ka-free ang area namin dito. Ni wala nga kami masyadong kapitbahay. Hindi naman siguro expensive ang lote rito sa West para walang bumili ng house and lot.

Pumunta na ako kina Kel. Nasa gate pa lang nila ako, bukas na ang pinto at nakaabang na siya.

"I lied," I admitted. "Hindi pa talaga ako nagre-review."

"Hahaha! I'm not your dad, though. Walang recitation dito sa bahay."

"Ugh! Thank God."

I was surprised that their house this time was well-lit. The last time I was here, madilim kasi. Or maybe because Kel was watching a movie, and it wasn't distracting to watch with the lights off.

Kel's perfume at the school was different from his smell inside their house. Masculine and musky kasi ang amoy niya sa school. Amoy-pogi na habulin ng chicks. Pero dito sa bahay nila, amoy-bakery na hindi bakery? He smelled like bread, but not bready? He smelled like childhood meryenda. Ewan ko kung bakit.

Now I'm craving for red velvet. God.

"Okay lang ba, doon tayo sa kuwarto?" tanong niya kaya natitigan ko siya nang maigi.

Sa . . . kuwarto niya . . . kami?

Um . . . may gagawin ba kami sa kuwarto niya?

"Magre-review tayo, right?" I asked, not wanting him to say yes, but to let him say the exact thing we would do upstairs.

"Yeah, I guess." He nodded and shrugged.

He guessed. What comes after that?

Umakyat na kami sa second floor, and I was tempted to ask what else would we do nang kaming dalawa lang.

Not that I was hoping for something else, but . . .

I shouldn't be thinking something nasty here.

Chyna, remember, hindi ka pumunta sa kapitbahay para makipag-flirt. Hindi kayo gagawa ng baby, okay?

Nauna na siyang umakyat para masundan ko. Circular ang staircase nila compared sa bahay namin na winder.

Pagdating sa second floor, saka ko lang napansin na mas malawak sa itaas nila. Walang balcony, di gaya sa 'min, pero may malawak na space sa gitna na mukhang mini library and gaming area. May iba't ibang computer at character cute bean bags doon bilang upuan.

Pumasok kami sa unang pinto na malapit sa hagdanan at napatakip ako ng laptop sa bandang labi nang mapangiti.

First time ko lang kasing makakapasok sa kuwarto ni Kelley. Dati kasi, lagi lang kami sa labas naglalaro. Kapag pumapasok ako sa kanila, sa sala saka sa kitchen lang palagi.

Ang bango sa loob. Amoy-cake na amoy-forest. Sakto sa tapat ng bintana na kita ang bintana ng kuwarto ko, nakatambak sa sahig ang mga dumbell, kettlebell, space saving treadmill, at pull-up bar ni Kelley.

Ngayon ko lang din nalaman na ang kama niya, loft-type! May sarili siyang gym area at study area sa kuwarto!

So yung inaayos niya kanina, itong cute black sofa niya?

"Akala ko, nandito ang kama mo," pagturo ko sa sofa na nasa ilalim ng pinaka-bed frame niya sa itaas.

Katabi ng sofa ang gaming chair niya at desktop pati laptop. Nakabukas ang desktop. Nakasara ang laptop sa tabi.

"Wow . . ."

Space saver ang mga gamit niya. Grabe, parang may sarili siyang bahay sa bahay nila.

"Upo ka," alok niya sa sofa na pinuna ko.

Pag-upo ko roon, amoy-Kelley na snob at choosy sa kinakausap ang amoy ng sofa.

Kinuha niya ang laptop niya at naupo sa tabi ko.

"Ang daming pinare-review ng daddy mo," natatawang sabi niya. "Sa FinMan natin, wala masyadong ibinigay aside sa mag-advanced reading lang."

"Feeling special lang talaga si Popsie sa subject niya," sagot ko naman.

Feeling main character na dapat sa kanya iikot ang buong sophomore year namin, my god. Mabuti sana kung ObliCon ang subject niya, kahit iyakan ko pa ang course niya gabi-gabi, okay lang sa 'kin.

Kel sat beside me, and I was keeping my lips from smiling. Lagi naman kaming magkatabi. Ngayon ko lang siya nakatabi nang ganito kalapit sa sobrang exclusive na lugar tapos sa kuwarto pa niya.

Nagbukas siya ng laptop. Nagbukas din ako.

Pero ayokong mag-aral hu-hu. Puwede bang magkuwentuhan na lang kami, like . . . ano'ng favorite cartoon character niya or, like, ano'ng gusto niya sa mga babae?

"Kelley . . ."

"O?"

"Nagka-girlfriend ka na ba dati?"

I looked at him, and he just cringed at me. Natatawa pa nga.

"Are you serious?" he asked.

"Yeah." I nodded.

"Bakit mo natanong?"

"Curious lang. For future reference."

"Hahaha! For future reference, ha? Sige. Um . . ." He shrugged. "Flings lang siguro? I tried, pero ewan ko. Maybe it's not really my thing."

"So . . . ibig sabihin . . . ayaw mong magka-girlfriend?" awkward na tanong ko.

Then he grinned at me. "Do you want me to be your boyfriend? I can be your boyfriend."

"Huy, gagi!" Naitulak ko tuloy siya sabay tawa ko na medyo kinabahan na. "Wala akong sinasabi, ha?" Naghawi ako ng buhok sabay click ng kung ano-ano sa laptop ko. "Napakaano mo."

"Hahaha! You're blushing."

"Hoy! Excuse me. Hindi 'yan blush. Natural skin color ko 'yan."

"Natural bang mukha mo lang yung red tapos fair skin na sa leeg?"

Tiningnan ko tuloy siya nang masama. Nang-aasar ba siya? Hindi ba niya puwedeng sabihin na lang na, "Ang cute mo, Nalani."

Puwede na 'yon sa 'kin. Bibilhin ko na 'yon. Hindi ba siya marunong makipag-flirt? My god, tuturuan ko pa ba siya? Ano ba naman 'to?

Tawa lang siya nang tawa, para nang ewan. "Hahaha! Uy, pero sabi ng kuya mo, girlfriend na raw kita."

"Legit ba?" Ako naman ang ngumiwi, hindi kumbinsido sa sinasabi niya.

"Oo kaya."

"Sabi ni Kuya o ikaw ang may sabi?"

"Sabi ng kuya mo. Ilang beses kaya niyang inulit no'ng pinakain niya 'ko ng pizza sa inyo."

Lalong sumama ang tingin ko kay Kel. Ang alam ko, siya talaga ang nagsabi n'on, hindi naman si Kuya.

"Kung girlfriend mo 'ko, bakit hindi mo man lang ako tinawagan after nating mag-enroll?" hamon ko sa kanya. "Nagparamdam ka, ngayong araw lang din. Boyfriend ba 'yan? Gawain ba 'yan ng matinong boyfriend na one month bago mag-update? Ano 'ko, naka-subscription lang?"

"Sabi ni Mommy, busy ka raw sa deliveries. Baka kasi nasa biyahe ka tapos tatawag ako. Istorbo, di ba?"

"Kahit sa gabi?"

"Wala akong load pang-call. Tapos hindi ka pa laging online. Dati, online ka naman lagi. Nag-break lang—" He stopped.

Biglang nanliit ang nanghuhusgang mga mata ko. "Tuloy mo."

Napaurong siya at nag-type ng kung ano-ano sa laptop. "Basta."

"Tuloy mo nga," dare ko. "Nag-break lang . . . ?"

"Past is past, Nalani. Move on na."

"Hindi ako magmu-move on hangga't hindi mo tinatapos ang sinasabi mo," ulit ko.

Alam niyang nag-break kami ni Nathan. Alam niyang online ako dati. So what now? Observant lang ba siya kaya niya nasabi 'yon?

"Ayaw mo talaga?" huling tanong ko.

"Fine." Sa wakas, napasuko rin. "Nag-break lang kayo ng ex mong babaero, naging inactive ka na," pagsuko niya at ako naman ang hinamon ng tingin.

"Hindi babaero si Nathan."

"Are you defending him?"

That's bullshit.

"I'm defending the relationship I was in before the breakup."

"So yung kanila ng best friend mo, hindi mo ite-take as third-party issue?"

"Naging sila a month after ng breakup namin ni Nathan. That's not cheating."

"Publicly naging official sila a month after the breakup," pagtama niya sa 'kin.

"Because that's how it works, right? Pero hindi 'yon third party kasi break na kami bago naging sila."

"I don't want to bring this up with you, Nalani. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin 'to kasi hindi ko 'to problema, pero alam ng buong Section B na may inaaya si Jonathan na maka-sex every week. Even yung nasa ibang department, alam kasi inaaya rin sila. Kaya nga in-assume naming lahat na kaya kayo nag-break, kasi nalaman mo ang affair niya sa ibang babae."

I froze.

I fucking froze and couldn't utter even a single syllable.

"That's not my business to tell. That's his business to admit," Kel added. "Kung hindi niya 'yan sinabi sa 'yo o kung hindi mo 'yan alam, now you know. So kung may sasabihin kang pangalan ng boyfriend mo, don't ever mention his name. Wala kang ex. Jonathan is just a nobody, all right? Itanggi mo kung kailangan."

I need to see that fucking Nathan right now.

Nangating bigla ang kamao ko. Parang gusto kong ikayod sa mukha ng ex kong walang-hiya.

Tumayo na agad ako at isinara ang laptop ko.

"Hey. What—" Napatayo na rin si Kel na nalilito.

"Gusto mong sumama?" tanong ko.

"Saan?"

"Good question. Tara."



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top