Chapter 26: Park
I usually use my laptop during class, but Popsie's class was different. He didn't want us showing our devices out, and he only wanted us to listen.
Everyone was participating—we had no choice. Sobrang random ni Popsie magtawag. Buong three hours, parang wala kami sa first day of class. Para kaming nag-start last March and nagkaroon lang ng "summer break" na parang Christmas break lang tapos midterm na agad. He was asking questions randomly and calling our surnames, as if he knew us since we were in high school.
Dalawa lang ang subject namin ngayong araw pero ang pagod ko, para akong nagklase ng limang subject sa buong three hours. Pagdating ng FinMan namin, gising na gising kaming lahat.
Kaya nga pagkatapos ng klase namin, magkasama kaming nag-lunch ni Kel sa pantry habang nag-iimbestiga.
Of course, mag-iimbestiga ako—kasama lang siya.
Nakatutok ako sa laptop ko habang tinitingnan ang faculty and staff ng College of Business and Accountancy.
I was searching for Popsie pero wala siya sa kahit sino sa faculty namin.
"He's not here," I murmured.
"Lumalamig na ang pagkain mo," reminder ni Kel sa 'kin.
"Popsie's not here sa faculty natin."
"Eat first." Sa sobrang tutok ko sa laptop, sinubuan na ako ni Kel ng hindi ko maubos-ubos na spaghetti.
The university pantry wasn't as crowded as those food hubs outside. Mainly because the food here was so expensive, double to triple ng regular price sa labas ang amount ng pagkain. The 500 ml water here costs 290 pesos, and I was like . . . twenty pesos lang 'to sa labas, a? Sa water-refilling station, isang drum na 'yon. Panligo ko na 'yon kapag nagkakaroon ng maintenance ng tubig sa area namin minsan.
Pero sa pantry pa rin kami kumain ni Kelley kahit ang mahal talaga ng pagkain tapos hindi pa super sarap. Madali kasing mag-access dito sa campus ng university portal. Hindi na kailangan ng maraming online security and password shits para lang makapagbukas ng server.
"Wala man lang bang nagtanong sa mga classmate natin kung bakit same kami ng surname ni Popsie?" tanong ko pa kay Kel. "I mean . . . he's a Mendoza. I'm a Mendoza. Get it?"
"Common naman kasi ang surname mo."
"Hmm . . ."
Okay, I'll buy that reason.
I got tired of searching for the faculty and staff list, so I decided to search for Popsie's name sa search tab.
I honestly didn't trust the search tabs kasi sobrang bagal ng loading tapos ang daming inilalabas na results. Hindi compressed, and the data was scattered all over the place. Nobody got time to read those irrelevant shits, but I tried
searching for Popsie's name. First time in my college life that I searched for my daddy's name on our university portal.
Why didn't I do this before?
Yeah, mainly because my dad has no job on our campus—or so I thought.
Carlisle Arjeantine D. Mendoza.
My expectations were too low, so the data scanned absolutely overwhelmed me.
"What the fuck?" I murmured.
Popsie's face showed up on the right side of the screen, and the rest of the page flashed his information along with the NDU admin.
I never imagined myself clicking on the link for officers and administrators of the university.
Popsie's name was highlighted in yellow, showing his position on the list. It was highlighted on the Board of Trustees.
Board of Trustees
Chairman
Dr. Eugene C. Scott
Vice Chairman
Dr. Magdalene L. Phoa
President
Dr. Carlisle Arjeantine D. Mendoza
Oh my god.
I covered my mouth in disbelief. How come I didn't know this?
I was lost. Sinusubuan nga ako ni Kel nang hindi ko nararamdamang may kinakain ako.
"My dad is our school president," I almost whispered to Kel, yet my eyes were looking somewhere. "Bakit hindi ko alam?"
"Um . . . baka kasi hindi tayo uma-attend ng orientation?" Kel hesitated.
"No, I mean, hindi ba puwedeng sabihin sa 'kin na, 'Uy, Chi, president ako ng NDU.' Like, was that hard to tell?"
"That was the same thing your brother told you no'ng nag-enroll tayo tapos hindi ka nagpaalam."
Saka lang nagkaroon ng direksiyon ang tingin ko kay Kel para lang tingnan siya nang masama. "Magkaiba 'yon, okay?"
"But still, the idea was there. At saka open naman yung portal para i-check natin any time, right? Hindi siya secret at all."
"Pero hindi 'yon ang point. Ang point ko, bakit hindi man lang sinabi sa 'kin. Magkakasama lang kami sa iisang bahay! Grabe naman!"
"Wala akong puwedeng sabihin diyan. Decision 'yan ng parents mo."
I stopped searching for Popsie's info sa school portal. Maliban sa mga credential niyang alam ko naman na, wala na akong ibang makitang interesting doon.
Siya ang president ng university namin. Okay, sige, that was clear.
So, bakit naka-voucher lang ako? Dapat libre na lang ako, e!
Although, hindi naman sa amin ang school. Chairman si Tito Jijin. Isa pa 'yong strict sa pera.
Bakit ba kasi kapag may pera kami, required kaming alamin pati serial number ng bawat pera?
Dapat ba, magbaon na lang ako ng five pesos every day para wala nang auditing whatnots?
May practice daw sina Kel sa labas ng campus kasi may gumagamit ngayon ng gym. Akala ko, sina Lawrence, pero kahit sila, pinaalis din muna.
Most of the time, kapag may practice sina Howie dati, doon sila pumupunta sa gym na malapit sa park. Owned din 'yon ng NDU pero para naman sa elementary and secondary school.
At dahil sinamahan ako ni Kel sa pantry, sasamahan ko rin siya sa practice nila para fair.
Hinintay ko siya sa labas ng locker room nila kasi magpapalit nga siya ng damit.
Nakasimangot tuloy ako sa mga lalaking dumaraan doon sa entrance ng locker room. Tingin kasi nang tingin.
"Hi, mi—"
"Ano?" maangas na tanong ko doon sa lalaking lumapit. "May kailangan ka?"
"Uh, never mind." Palingon-lingon siya sa 'kin nang maglakad siya palayo.
Masama na bang tumambay rito sa labas ng locker room? Lahat na lang, pinapansin. Hindi ba sila puwedeng maglakad na lang na parang wala silang nakikita?
Ilang sandali pa, lumabas na si Kelley na iba na ang suot. Nakabihis na siya ng white T-shirt niya at jersey shorts. Dala niya ang duffel bag niyang first time ko lang yatang makikita. Lagi kasi siyang walang bag o kaya 'yong maliit na parang wallet ko lang yata ang size.
Naka-uniform pa rin ako kaya naisip kong baka puwede rin akong magbaon ng ibang damit tapos ipapatago ko na lang sa kanya. Useless kasi ang locker ko, pagkaliit-liit naman. Kahit nga PE pants ko, hindi kasya do'n, e.
"Sa gym na tayo?" tanong niya nang akbayan ako.
"Daan muna tayo sa guard. May itatanong lang ako."
"Okay, sige."
Bago kami lumabas ng campus, nagtanong muna ako sa guard.
"Kuya Guard, kilala n'yo si Carlisle Mendoza? Yung president nitong school?"
"Yes, ma'am," pagtango ni Kuya.
"Nandito pa ba siya? May klase pa ba siya ngayon?"
"Ayun lang. Nakaalis na kanina pa si ser bago mag-lunch. Monday and Wednesday ang schedule niya rito, seven to ten. Doon siya sa third floor ng CBA nagkaklase."
Kahit si Kuya Guard, kilala si Popsie tapos alam pa ang schedule niya rito sa school.
Tapos hindi ko alam?!
Ganoon ba ako ka-occupied dati kay Nathan at hindi ko 'to nalaman ever since?!
"Ask mo na lang daddy mo pag-uwi niya," paalala ni Kel.
Am I mad after knowing na president pala ng university namin ang daddy ko?
NO.
Why?
Hindi nga niya dinadagdagan ang allowance ko! One hundred thousand pa rin!
Aanhin ko ang pagiging university president niya kung kailangan ko pa ring mag-deliver para may sarili akong allowance?
And since ngayong nalaman kong prof ko pala siya sa Art App, baka naman puwede akong makapag-request kahit additional 20k lang sa monthly allowance ko. May isa pa siyang work, and that also means may another source of income pa siya.
Pambili ko lang naman ng makeup kit. May makeup kit si Ate Chewy pero dala niya kasi sa Manila. Nahihiya naman din ako kay Kelley, wala nang ibang ginawa kundi punasan lagi ang mukha kong haggard.
Although hindi naman nakaka-reduce ng sweating ang makeup, but at least, hindi ako mukhang haggard. Saka siguro puwede akong dumaan kina Mommy Sabby para manghingi ng night cream or something. Hindi ako familiar sa beauty products aside sa lipstick, lip gloss, at face powder, but I'll try learning about those shits starting from now.
Lumabas kami ni Kel sa campus at dumeretso sa kabilang gym. Two blocks away 'yon sa main campus at wala masyadong gumagamit sa mga oras na 'yon. Maybe because wala pang uwian ang mga high school at nag-uwian na ang mga nasa elementary. Sa NDU kasi, hindi pinalalabas basta-basta ang mga elementary pupil nang walang sundo kaya walang kakalat-kalat na bata sa paligid.
Hindi ako normally napapadaan sa part na 'to ng park kasi hindi naman talaga ako taga-NDU dati. Hindi rin gusto rito ni Nathan o kahit ni Vicky kasi ang daming batang ma-attitude. Sa Las Piñas pa ako nag-elementary and high school. 'Yong school na malapit lang sa bahay namin kaya mas familiar ako roon.
Kilala ko lang itong park because I've been there before, and some of my memories of this park weren't really nice.
"Doon ka na lang muna maupo sa bleachers," paalam ni Kel.
"Sige, punta ka na sa coach mo," sabi ko saka ako naghanap ng mauupuan sa dulo ng sementadong bleacher.
Covered court lang itong gym kung tutuusin. Though, may grills na bakod naman.
My eyes were scanning the place. I didn't consider my memory here the worst memory I had. Ibang-iba na kasi itong lugar compared sa childhood memory ko.
Nalipat na ang swing sa gitna ng malaking sandbox sa labas. Katabi n'on ang monkey bars at mataas na slide. Isa na lang din ang seesaw na dating tatlo. Malayo na rin ang parking lot sa playground.
I was eight when I first went here. Supposedly, dito ako mag-aaral dapat. Si Kelley ang dati pa talagang taga-NDU. Hindi pa 'to NDU dati. Simpleng Notre Dame International School pa lang.
Random summer day n'on nang pumunta kami rito sa park nina Naynay. Ang sabi nila, pasyal lang. Pero pumasok sila sa loob ng school. Naiwan kami nina Kelley sa labas kasama si Tito Leyton.
Kelley and I were playing along with other kids. Dala niya ang robot niya. Dala ko ang robot ko.
Wala akong Barbie doll or girly stuff. Kapag may robot si Kuya, may robot ako. Si Ate Chewy, ayaw niya ng baby doll. Gusto niya ng mga naka-set na toy. Sala set, kitchen set, cleaning set, toy house. Basta yung maraming maliliit na laruang madaling mawala. Ayoko n'on, ayaw ni Kuya n'on. That was our playtime dynamics.
Tito Leyton was running as the city councilor at that time, so famous siya somehow. May mga lumalapit sa kanya para bumati. For me, I saw that as friendly gestures lang. I was nine years old and dense as fuck.
"Nalani, stay muna kayo ni Kelley sa car. Mainit dito sa labas."
The park at that time had no roofing or something na protection sa araw. Kaya nga kapag tanghali, ang kaunti ng mga batang naglalaro. Sobrang init kasi talaga, wala pa masyadong puno compared ngayon na may ilang mango tree na sa paligid.
The sun was high. It was noon. I ran toward Tito Leyton's sedan kasi sure na may AC sa kotse kaya malamig. But Kelley left his robot's detachable arm in the sandbox. He was yelling that he had to go back to the sandbox kasi nawawala nga raw ang braso ng robot niya na may sword.
Tito Leyton was waiting at the opened door of the passenger seat side kasi doon mauupo si Kelley pagbalik. Nasa back seat naman ako at ine-enjoy ang AC doon.
Then all of sudden, a man walked near Tito. Ang nasa isip ko, makikipag-handshake gaya ng iba. But he didn't.
He pulled a gun out of his denim jacket. Two deafening gunshots were heard all over the place. Tito tried to reach for something on the car's compartment.
The first thing I did was throw the unopened can of soda at that gunman. Tinamaan siya n'on sa mata. Nagpaputok pa siya ng isa pero hindi ko na alam kung saan 'yon tumama.
I went out of the car and kicked his balls hard. Bumagsak siya sa lupa. Kinuha ko ang baril saka ko itinapon sa malapit na kanal. Tapos binalikan ko siya saka ko siya sinipa uli sa tiyan at sa mga parteng sure na masasaktan siya. I even kicked him on the face with my sneakers.
The adrenaline kicked in. Tito Leyton was bleeding in the car. Kelley wasn't aware of what was happening. Nagkakalkal pa rin siya n'on ng buhangin sa sandbox at nagdadabog kasi nawawala ang braso ng robot niya. He was shouting at me, ninakaw raw ang braso ng robot niya kasi hindi niya makita.
Adrenaline shit consumed the best of me. Nine years old, and I drove a fucking sedan. The door of the passenger seat was still open. I revved the car. Tito Leyton was coughing blood. And I was like, "Tito Leyton, don't bleed! Mamamatay ka!"
Stupid bitch.
I drove past the entrance of the now-NDU campus saka ako sinita ng traffic enforcer. First, bukas ang pinto ng kotse. Second, nine years old lang ako.
Then they brought Tito Leyton to the hospital.
Dinala ako nina Naynay somewhere na hindi ko alam, basta empty room lang 'yon. Tinanong ako kung ano ang mga natatandaan ko sa nangyari.
And this damn mouth talked like I'd witnessed a huge dragon in a fantasy world na ang overacting ng pagkakakuwento. Even ang pagsipa ko sa gunman o kahit ang pagtapak ko sa clutch ng kotse ni Tito, nire-reenact ko pa talaga!
Five days or more ko yatang kinukuwento 'yon na parang proud na proud pa 'ko sa mga ginawa ko.
But soon after that, Tito Leyton died, so I stopped talking about it.
Saka ko lang din nalaman na magiging classmate sana kami ni Kelley kung hindi lang dahil sa incident na 'yon. Kaya nga nakahiwalay ako ng school.
It wasn't that much. Siguro para kay Kel, traumatic. Para sa 'kin naman, naging adventure 'yon. That was sad, and everyone thought that it was a traumatic moment for me kaya rin hindi ko na masyadong bini-bring up.
Pina-test pa 'ko nina Naynay sa psychiatrist n'on kung may PTSD ba ako kasi huminto ako sa pagkukuwento, but the results said otherwise.
Hindi na lang ako nagkuwento mula noon kasi biglang lumipat ng bahay si Kelley. So parang . . . wala nang sense magkuwento pa. Not because I was traumatized or something.
Mukhang naka-move on naman na si Kelley tungkol doon. Hindi na rin kasi gaya ng dati ang itsura nitong park. Somehow, mahirap na sigurong memoryahin ang nangyari dati, pero isa 'yon sa mga dahilan kaya rin ayaw akong paalisin nina Naynay sa bahay, di gaya nina Kuya Chan-Chan at Ate Chewy.
Reckless and clumsy nga raw ako kaya kailangan laging bantayan. Haaay.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top