Chapter 25: What is Art?
Nalipat kami ni Kel sa Section A. And that also meant we would be dealing with a different environment compared to our afternoon and night class.
Nakakaantok ang klase sa hapon kasi mainit. Nakakaantok na ang klase sa gabi kasi pagod na. Sana lang, hindi nakakaantok sa umaga kasi kakagising pa lang.
June 10, nag-start ang klase namin, but before that, sobrang busy na namin ni Kelley. He was attending his everyday training. I should work double-time sa delivery kasi kailangan ko ng maraming pera sa pasukan.
I almost forgot our unusual closeness because of our hectic schedules. Hindi ko na rin siya masyadong nakikita sa West. Kahit nga online, ang last post niya, three weeks ago pa.
First day of class, ang aga naming pareho. Hindi kami nagsabay sa pagpasok pero pareho kaming maagang nakarating sa school.
"Aga mo," sabi niya pagpasok ko sa loob ng Room 306.
"Ikaw, bakit maaga ka?" usisa ko.
"Log in para sa training."
"Ah, okay." At dahil sigurado na akong bagong section na ang papasukan ko, malakas na ang loob kong maupo sa harapan. Doon ako naupo sa corner ng mahabang table na malapit sa pintuan at glass window. Malapit sa white board para kitang-kita talaga ang lectures.
Kel was sitting at the back.
"Diyan ka talaga mauupo?" tanong pa niya.
Inaayos ko ang bag ko sa mesa nang sagutin siya. "Alam mo naman ang reason kaya ako naupo sa likod last sem, di b—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang ilapag niya ang maliit niyang bag sa katabi kong upuan.
Tiningala ko siya para magtanong kung bakit doon siya mauupo.
"Wala akong ibang kakilala sa Section A, ikaw lang," katwiran niya.
Same. Pero . . . tabi pa rin kami? Sa harapan?
"Hindi ka makakatulog dito, Kel," paalala ko agad.
"Wala 'yan. 'Pag nakatulog ako, gisingin mo na lang ako."
My god, talaga ba? Ako talaga?
Hindi naman sa ayokong katabi si Kelley, alam ko lang na uubusin niya ang oras sa pagtulog at kapag time na, lalayas na lang siya kung kailan niya gustuhin.
Seven in the morning ang start ng first class namin, Art Appreciation. Walang nakapirmang prof sa part na 'yon compared sa ibang table cell na pipirmahan ng prof ang registration form as proof na enrolled kami doon sa course. Sa registration form ko, signed na 'yon bago ibigay sa 'kin ang iba kong textbook at handbook.
May maliliit kaming textbook para sa lessons. Ang Monday ko, Art Appreciation nang three hours. Seven to ten in the morning. After that, corporate financial management na two hours naman. Tapos uuwi na eksaktong lunchtime.
Wala kaming idea kung sino ang professor sa Art Appreciation kaya ang assumption namin, either si Ma'am Gumabao o si Sir Medalla.
Dumadami na ang pumasok sa room. Ang table namin, kasya ang limang estudyante. May tumabi kay Kel na lalaking nakasalamin at payat. Katabi niya ang isa pang babaeng nakasalamin tapos blank seat na sa aisle.
I was expecting new faces until someone knocked on the side of my table.
"Good morning, babe."
And I was like, the fuck?!
Taga-Section A ng BA-FM si Lawrence?!
Nakanganga pa ako nang lingunin siya. Kinindatan pa niya ako habang naglalakad siya papunta sa likuran.
What the—
Biglang hinawakan ni Kel ang kaliwang pisngi ko para ipaharap ako sa kanya.
"Really, Nalani?"
"Classmate natin siya—" Isisigaw ko sana 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko saka ako sumiksik sa kanang braso ni Kel. "Bakit classmate natin 'yan? Alam mo bang BA 'yan?"
"Don't ask me. Hindi ko rin alam."
Nagsunod-sunod na ang ibang varsity players sa pagpasok. Si Howie lang kasi ang napadpad na varsity player sa section namin dati. Sila ni Kel ang madalas ma-excuse sa klase dahil sa training at competition.
Kaya nga nang makita ko ang ilang mga member ng volleyball at basketball team, saka ko lang na-gets kung bakit gusto ni Nathan na mag-BA. Feeling ko, madaling mag-excuse dito sa program na 'to kapag may training o league compared sa ibang program na kailangan talagang pasukan every courses.
Ten minutes had passed, wala pa ring dumarating na prof. Wala na ring pumapasok na estudyante sa loob ng room namin. I really assumed na wala pa kaming professor.
Si Kel, nakayukyok na naman sa table. Wala namang bago. Hotel room nga niya lagi ang room namin. Bad news sa kanya, malayo siya ngayon sa AC. Pero malapit naman kami sa ceiling fan na nasa harapan. Malamig pa rin kaya aantukin pa rin siya.
"Hi!" bati sa 'kin ng girl na nasa kabila ng nerdy-looking guy sa tabi ni Kel.
"Hello," bati ko rin.
"Siya yung swimmer natin, di ba?" tanong niya at itinuro si Kel na tuloy.
"Um, hindi na ngayon. Volleyball player na siya."
"Hala, why?"
"Lumipat kasi siya ng team."
"Oh . . ." Napatango-tango naman siya saka inilapat ang palad sa dibdib. "I'm Ace. He's Sammy, my boyfriend."
My god.
Kaya nga ako lumipat ng section, e! Para wala akong katabing mag-jowa!
Sammy shyly waved at me and fixed his eyeglasses bago niya inalis ang tingin sa 'kin.
"Ang tagal ng prof, 'no?" sabi ni Ace. "Sabi ni Ma'am Belen, naka-reserve daw 'tong class natin sa Art Appreciation para pasukan ng university president. Kinakabahan tuloy ako."
Seryoso ba?
Binulungan ko agad si Kel. "Kelley, huwag kang magtulog-tulugan dito. Baka pagalitan ka ng president, gagi."
"Umm . . ."
Kita mo 'to. Wala talaga 'tong pakialam sa mundo.
"Sweetie, put your reg. form na here sa table para 'pag signing na, ready na us," sabi ni Ace kay Sammy.
Pinanonood ko lang silang dalawa na ipatong ang yellow card nila sa table. Kahit awkward, nakigaya naman ako. Dinukot ko sa bag ang yellow card ko para hindi na ako magkakalkal mamaya. Unang-una pa naman ako sa table.
Siniko ko ang katabi ko para ilabas din ang yellow card niya. "Kel, labas mo yellow card para pirmahan ng prof."
"Good morning, Section A."
Nag-angat naman ako ng tingin. "Good mo—OH MY GOD!" Mabilis akong napatakip ng bibig at nagsumiksik payuko sa mesa ko pagkakita ko kay Popsie na nakasandal sa hamba ng pinto ng room namin.
Ano'ng ginagawa rito ni Popsie?!
"Parang ang dami n'yo naman ngayon."
Shet! Si Popsie nga! Boses pa lang, Diyos ko!
Tiningala ko uli siya. Nasa harapan na niya kami. Pinagpapalo ko tuloy ang hita ni Kelley kasi tulog pa rin ang animal!
"Mijares! Gising!" pigil na sigaw ko.
But it was too late. Kinatok na ni Popsie ang table sa gilid mismo ng ulo ni Kelley at kaharap mismo ng mukha ko.
"Mijares," tawag ni Popsie. "Inaantok ka pa?"
Nakasimangot si Kelley nang mag-angat ng ulo. Para naman akong nanonood ng horror movie habang tinititigan ko siyang bumusangot.
"Haah!" Kung wala lang table sa likuran namin, malamang na tumumba na sa sobrang pag-atras si Kelley. Kahit siya, nagulat din, e!
"Gusto mong mag-jogging sa labas?"
"No, sir!" mabilis na sagot ni Kelley kay Popsie.
Nakarinig kami ng tawa sa kung saan. Malamang sa likod yung tumatawa.
Paglampas sa 'min ni Popsie, parehas kami ni Kelley na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.
"Siya ba first class natin?" shocked na tanong ni Kel.
"I dunno!" I squeaked.
Four in the morning, naghahanda na ang daddy ko ng breakfast, so by five, wala nang ibang tao sa bahay aside sa 'kin. Wala akong naaabutan sa dining every time na may pasok sila ni Naynay, basically because the traffic chose no one, and they have to travel as early as five para lang hindi sila ma-late sa work.
I got used to that setup na gabi lang kami nagkikita-kitang pamilya. Matutulog sila ni Naynay pagdating ng nine or ten in the evening, tapos maagang gigising.
Hindi ko naman alam kung bakit nandito ang daddy ko at umeepal sa klase namin.
Ni hindi siya naka-corporate suit! Nakasuot lang siya ng white V-neck shirt at khaki pants! Kahit nga sapatos niya, slip-ons lang! Mukha lang siyang mamamalengke! May dala pa siyang tablet saka white board marker?
"Kilala n'yo ba 'ko?" tanong ni Popsie sa 'ming lahat.
Of course, kilala ko siya! Daddy ko siya, e!
But most of my classmates' answers surprised me.
"Yes, sir," sabay-sabay nilang sagot. Hindi naman buong class pero ang dami nila, even si Ace! Si Sammy, hindi sumagot.
"Good news, maraming kilala ako rito. Um-attend ba kayo ng orientation?" tanong ni Popsie, naka-smile pa.
"Yes, sir."
Hala, hindi ako uma-attend ng orientation. Nakakatamad kaya!
"Buti pa kayo, uma-attend ng orientation. Sa mga hindi familiar sa 'kin . . . surprise." And he was looking at me, as if he were saying that to me alone. "I'm your art appreciation professor this first term."
Oh . . . my . . . god.
Popsie didn't look like he was joking. He even went to the white board to write his name.
"My name is Carlisle Arjeantine Mendoza. Take note of the name, sinasama ko 'yan sa exam." After he finished writing his name sa white board, humarap na siya sa 'min. "Since my name is too long, you can call me Sir Cheese."
Sheeeeet.
AAAAHHHHH!
I was shouting inside my head. Reality was slapping me from the right cheek to the left.
Popsie is my professor in my art appreciation class, and it wasn't on my fucking bingo card!
Naupo siya sa edge ng table na nasa gitnang harapan ng room. Nag-scan pa siya ng tablet niyang dala.
"Kapag first day, ang daming masisipag pumasok, 'no?" biro niya yata pero sure akong sarcasm niya 'yon. "Kasi pirmahan ng reg. form."
Lumapit ako kay Kel para bumulong. "Bakit kaya daddy ko yung prof natin?"
"Ayokong mag-assume, siya na lang tanungin mo."
Sa bagay.
Pero paano na yung work ni Popsie sa Afitek? Nawalan na ba siya ng work doon?
Grabe, three hours kong makakasama si Popsie sa klase every Monday, tapos may Wednesday pa na same time?!
"All right, short intro," Popsie began, still scrolling on his tablet. "Ang quiz ko, nasa university portal. Search this course under your term, look for your section, hanapin ang name n'yo, buksan ang quiz section. May time limit 'yon. Kapag hindi kayo nakaabot sa deadline, hindi na 'yon bubukas. Ma-e-expire na ang quiz. So you better answer as early as possible kasi hindi ako nagpapa-retake. Automatically, incomplete na kayo."
"Sir, what if hindi stable ang internet?" tanong ng isa naming classmate.
"We have our computer laboratory. Use those computers. Hindi libre 'yon. Kasama 'yon sa fee na binabayaran n'yo," sagot ni Popsie, and he sounded like he knew what he was talking about.
Of course, he knew what he was talking about! Siya nga ang nagpapasa ng proposal para sa computer-related projects dito sa school! Kaya nga ako may voucher!
Popsie continued, "Exams, nasa portal din. Modules, nasa portal din. But majority of my grading system, nasa perfomance assessments. Ten percent lang ang written quizzes and exams ko. Recitation and class participation, thirty percent. Designing, painting, photography, printmaking—hindi n'yo 'yan puwedeng ipasa sa portal kaya diyan ako magbabase ng sixty percent ng grades n'yo."
Nakuwento na sa 'min dati ni Daddy Coco na naging professor si Popsie bago sila magpakasal ni Naynay. Hindi lang ako sure kung ano'ng course ang tinuruan niya, basta naging professor siya. I assumed na computer-related course kasi IT manager siya sa Afitek.
Art appreciation is far from computers, I guess. Bakit kaya biglang naging prof si Popsie ngayon dito sa school?
"I know you already know each other, pero kayo 'yon. Second year na kayo pero ngayon ko pa lang kayo nakita. Kaya magkakaroon tayo ng introduction. Magpapakilala kayo isa-isa, and you have to answer this as our first recitation for this course: What is art for you?"
The fuck?! Introduce yourself pa lang, may biglaang recitation na agad?! Hindi ba puwedeng magpakilala lang kami tapos okay na?
"Start tayo sa 'yong nandiyan sa tabi ng pinto."
I gasped after Popsie pointed his finger at me. I eyed him to ask if he was serious. Ako talaga? Hindi ba siya puwedeng mag-random na tawag sa mga kaklase ko?
"Kapag hindi agad tumayo, sixty na agad sa recitation."
"Hala, grabe!" Nakasimangot tuloy akong tumayo.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo sa klase ko?" biro pa ni Popsie. Napairap tuloy ako.
Humarap ako sa mga bago kong classmate para magpakilala. "Hi, I'm Chyril Nalani Mendoza. You can call me Chyna, galing ako sa Section B." Pasulyap-sulyap ako kay Popsie na nginingitian lang ako. "Um . . . art for me is ano . . . freedom of expression." Saka ako naghawi ng buhok kong nakalugay mula sa hati sa gitna. "'Yon lang po. Bow." Umupo na agad ako bago pa ako tanungin ni Popsie.
Walang mali sa sinagot ko, akala niya, ha? Kanya-kanyang interpretation naman 'yon.
Sunod na tumayo si Kelley at sumagot. Himas-himas niya ang kaliwang balikat sabay kakamot sa batok. "I'm Selim Kelley Mijares. I define art as the concrete expression of human's ingenuity to define their culture, their history, and the possibilities for the future they imagine."
Hala. Sana all hindi sabaw sumagot.
Kahit sina Ace, napabilib sa sagot niya.
Tiningnan ko si Popsie. Patango-tango lang siya habang nakatingin sa tablet. Parang hindi pa kumbinsido sa sagot ni Kelley.
"That's all, sir." Naupo na rin si Kelley pagkatapos. Saglit ko tuloy siyang tinapik sa hita.
"May kodigo ka ba?" tanong ko pa.
"For what?"
"Ang haba ng sagot mo."
"Okay na 'yon." Napahimas siya ng noo at nagkamot na naman ng batok. "Hindi tuloy ako makakatulog niyan. Haay."
"Sabi na kasing doon ka na lang sa likod. 'Tigas ng ulo mo. 'Yan tuloy."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top