Chapter 22: Brother
Kelley looked so pissed. Not sure if it was about Lawrence or about their team's meeting. Basta bad trip siya. Gusto kong mag-joke, kaso baka kapag nagkapikunan kami, baka kami na ang magsapakan out of the blue.
Nag-lunch kami sa malapit na food hub sa labas ng campus. Ang daming estudyante sa loob. May mga naka-uniform, may mga naka-casual lang, may mga mukhang staffer sa school office.
My brain considered this a date kahit hindi naman talaga date, so I sat across Kel's seat, pero sabi niya, "Ayokong kaharap ka," in his goddamn serious voice.
So, sa isip-isip ko, "Shet, galit nga."
Ayaw niya 'kong kaharap. E, saan ako uupo?
Siyempre, sa tabi niya. Wala akong choice. Wala nang upuan sa kahit saan!
But that was a wrong move because that also meant the two-seater bench across us was free to be seated by someone we do or don't know.
The headband guy sa gym kasama ang isang girl ang naupo sa iniwan kong puwesto. The guy was grinning from ear to ear kaya sure na akong mang-aasar siya.
"Hey!" the headband guy greeted. "Upo kami dito, ha?"
"Hi, Kelleybabe!" pa-cute na sabi ng babaeng naka-pink sleeveless blouse na maraming ruffles. "Ang pogi mo ngayon! Sayang, wala ka na sa swimming team!"
Valid bang biglang mainis dito sa girl na nagpapapansin ngayon kay Kelley?
Pink ang damit at pink din ang dulo ng buhok niya. Parang patay na blonde naman sa ibabaw ang kulay. May piercing din siya sa ilong at may suot ding braces na pink ang color ng ties.
"Hey!" biglang sabi na naman nitong pink girl sa 'kin. "Ikaw yung ex ni Jonathan, di ba? Maganda ka naman pala kapag hindi naka-uniform. Bakit kayo nag-break?"
Gusto ba niyang i-break ko ang neck niya?
Pero hindi siya tumigil. And I don't think she even needs my answer to her first question.
"Jowa na niya 'yong kasama mo dating chikababe na famewhore, di ba? Hahaha! Nabantay-salakay ka, girl!"
"We're eating," seryosong sabi ni Kel. Pagtingin ko sa kanya, mukhang bad trip na rin siya rito sa maingay na kaharap namin.
"I know," proud pang sagot ni pink girl sabay hair flip. "Lilipat na raw kayo sa Section A? Aaahhh! Excited na me!"
Siya lang ang na-excite.
Kel ate his meal nang sobrang bilis, like three scoops lang, tapos na siya. Ang meal ko, ni hindi man lang nabawasan kahit hanggang kalahati.
He stood up. He covered my food na nasa styro naman, at saka niya ako inayang umalis na doon.
Hindi ko pa nae-enjoy ang lunch ko pero naglalakad na kami papunta sa kung saan.
Bumalik kami sa campus. Dumeretso kami sa waiting area na wala masyadong estudyante, probably because mainit doon. Concrete ang upuan na nababad sa init ng araw kaya pinatungan pa ni Kel ng face towel niya ang bench para lang makaupo ako.
"Huy! Alisin mo na 'yan, okay lang."
"Nah, sit down."
"Gagi—" Wala na. Hindi na ako nakapagreklamo paghatak niya sa 'kin paupo roon. Hindi na masyadong mainit sa inuupuan ko, pero face towel niya 'yon! My god!
Binuksan niya uli ang styro plate ko at saka niya inilabas ang pamaypay niya para paypayan ako kasi nga, mainit. My god, really?
"Galit ka ba?" kalmado kong tanong at tinitigan siya. Nakasimangot lang siya. Yung mukha niya, iritang-irita. "Hindi ako comfortable makitang mukha kang mananapak, Kelley."
He sighed so loudly and even stretched his eyebrows using his fingertips. Ngumiti pa siya kahit mukha siyang sarcastic. Natawa tuloy ako.
"Bakit ba kasi?" natatawang tanong ko at mahina siyang sinampal. "Galit ka ba?"
"Masarap 'tong lasagna. Ubusin mo muna," sabi lang niya, iniiwasan ang tanong ko.
"Galit ka, 'no?" ulit ko. "Dahil ba 'to do'n sa mayabang na player sa gym?"
He didn't answer me. Pinaypayan lang niya 'ko kahit salubong na naman ang mga kilay niya.
"Magkaaway ba kayo?" tanong ko. Kinain ko na rin ang lunch kong hindi ko ma-enjoy-enjoy.
"Nope."
"Bakit galit ka?"
"Ubusin mo na lang 'yan tapos date tayo after dito."
DATE?!
"Seryoso ka, Kel?"
Hinuhuli ko ang tingin niya pero ayaw akong tingnan nang deretso. Magpapaypay lang siya tapos titingin sa kung saan.
"Bakit tayo magde-date?" nakangiting tanong ko.
"Kasi magandang mag-date ngayon," sagot niya pero nakatingin naman sa kabilang side malayo sa 'kin.
"Ide-date mo 'ko kahit hindi mo 'ko girlfriend?" Sumubo uli ako at tinitigan siya habang ngumunguya.
Nagpaypay lang siya at hindi sumagot. Mukha naman siyang may sasabihin pero parang nahihiya siyang sabihin 'yon.
"Sabi mo kay Daddy, hindi mo 'ko nililigawan. Ayaw mo ba 'kong ligawan?"
Ang lalim ng pagbuga niya ng hininga saka siya pumaling paharap sa 'kin. Itinukod niya ang siko niya sa sandalan ng concrete bench at ipinatong sa kamay ang sentido niya.
Ngumunguya lang ako habang nakatingin sa mukha niyang hindi na aburido pero dismayado naman.
"Bad trip ka ba do'n sa basketball player na 'yon sa gym?" tanong ko pa. Kasi feeling ko talaga, 'yong Lawrence ang reason kaya siya naiinis ngayon.
Imbes na sagutin ako ng salita, idinaan na lang niya ako sa buntonghininga. Natawa tuloy ako.
"Player ako ng basketball, pero ayoko sa basketball player din," disclaimer ko agad. "Kung nayayabangan ka sa kanya. Same. Mabilis akong mainis sa mayayabang."
"Ayoko nang makipag-date. Uwi na lang tayo."
"Pfft—Hahaha!" Napatakip ako ng bibig saka natawa nang malakas.
Grabe! Ang bilis magbago ng isip?! Sinabi ko lang na ayaw ko kay Lawrence, biglang uwi na lang kami?
"Nagtitipid ka ba? Naubos na ba budget mo sa steakhouse?" natatawang tanong ko.
"Huy, hindi."
"Hahaha! Akala ko, naubos na, e. Papagalitan ako lalo ni Naynay niyan. Sinusumbong mo pa naman ako."
"Hindi kita sinusumbong. Kinukulit lang ako ni Tita Kit. Kain ka na lang muna diyan."
Mabilis kong inubos ang lasagna ko kasama ang bottled water kong nangalahati na. Kapag kasi hindi ko inubos agad, lalong mawawalan ako ng ganang kumain.
After five minutes, naubos ko na ang pagkain ko. Nakaabang naman si Kel sa 'kin, naghihintay kung kailan ako matatapos.
"Sure ka, ayaw mong makipag-date?" tanong ko pa.
Umiling lang siya kaya hindi na ako namilit.
Hindi naman sa kating-kati akong makipag-date sa kanya pero . . .
Sige na nga, uwi na lang kami.
Mukha kasi talaga siyang bad mood. Baka lalong ma-bad trip kapag pinilit ko lalo.
Kel drove my scooter from school to West. I somehow waited for him to bring me somewhere for a date, pero hindi talaga. Inuwi lang talaga ako sa 'min.
Gusto kong ma-disappoint, pero kapag naiisip ko na pinagastos ko siya nang halos six thousand pesos habang kulang siya sa budget pang-enroll, sarili ko na ang nagsasabing wala akong karapatang ma-disappoint.
Gusto ko sanang ilibre na lang siya kaso baka lalo akong pagalitan nina Daddy Coco once na malaman nilang ginagastusan ko si Kel para lang sa date.
Hapon na kami nakabalik sa West. My disappointment went too low after Kel dropped me sa carport.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink.
Galit ba talaga siya?
Galit ba siya kay Lawrence o galit siya sa 'kin?
Kung galit siya sa 'kin, bakit? Ano'ng nagawa ko? Wala akong maisip na ginawa kong mali para magalit siya.
Dahil ba sinabi kong hindi naman niya ako girlfriend kaya bakit kami dapat mag-date?
Offensive ba 'yon?
Nabanggit ko ba before kay Nathan ang gano'n?
Nakaka-turn off ba 'yon?
O dapat bang nag-yes na lang ako na mag-date kami?
"Ayaw mo talagang makipag-date today, Kelley?" dismayado kong tanong kay Kel.
"At bakit ka makikipag-date, hmm?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon sa malambing na boses sa likuran ko.
Pumihit agad ako patalikod at bumangga pa ako kay Kel na nagpaparada ng motor ko.
"Kuya!"
Feeling ko, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig pagkakita ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa bukas na pinto ng kitchen malapit sa carport at nakakrus ang mga braso.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa 'kin saka kay Kel.
"Ikaw yung Kelley?" tanong niya kay Kel. Nalingon ko tuloy si Kelley sa likuran ko.
"Yes." Tumango naman si Kel kay Kuya Chan-Chan.
"Uwi ka na," pigil kong bulong kay Kel.
"Hmm?"
"Umuwi ka na, bilis."
"Why?"
"Basta umuwi—"
"Kayong dalawa, pasok sa loob. Kakausapin ko kayo."
• • •
Daddy Coco warned me. Naynay did so.
I didn't want to think that one of them spilled something about me and Kel, but I couldn't think of anyone. Sure kasi akong hindi si Popsie since wala naman siyang pakialam kay Kelley after ng weird talk nila last time.
Nasa sala kami pero nasa magkahiwalay na upuan kami ni Kel. Nasa mahabang sofa siya habang nasa single-seat naman ako. Nakatayo lang si Kuya Chan-Chan habang namamaywang. He was wearing a casual black polo and white pants na panggala niya. Nakapambahay na rin siyang slides kaya mukhang kanina pa siya nakauwi pero hindi agad nakapagbihis. Suot pa niya ang gold-framed eyeglasses niya na mataas ang grado kaya sure na akong galing pa muna siya sa work bago umuwi rito sa West.
"Di ba, ang usapan, bukas ka pa mag-e-enroll?" sermon ni Kuya.
Napakamot ako ng palad ko. I know, usapan na 'yon last March pa. Kaya nga naka-schedule ang evaluation ko bukas pa.
"Naka-enroll na 'ko, Kuya, e," nakangusong sagot ko.
"I know. The accounting office called me habang nasa biyahe ako, nagpapa-confirm ng schedule mo."
Napaangat ako ng tingin habang kunot ang noo. "Tinawagan ka ng accounting office? Why?"
"Ang usapan, ako ang mag-e-enroll sa 'yo ngayong year, di ba?"
"Yeah, I know! Pero second year na 'ko! Nakapag-enroll ako on my own!"
"Nakapag-enroll ka on your own? Congratulations! So you think that's a valid reason not to inform me na mag-e-enroll ka? Mahirap bang tawagan ako para sabihing, 'Kuya, I'll do my enrollment on my own na. I don't need your goddamn help anymore.' Was that too hard?"
"I didn't know na uuwi ka today!" I defended.
"Oh, really?" Kuya challenged me more sarcastically. "After I told you so many times that tomorrow would be your evaluation? I've been telling you that since March. Naynay and Popsie knew that. And that was even on the damn calendar!" He then pointed at the huge calendar on our sala's wall. May 5, evaluation day. "Did you really think na bigla na lang akong magpa-pop up dito sa bahay bukas para hindi mo malaman na uuwi ako ngayon?"
"Excuse me," Kel interrupted. Kuya's glare shifted to him. "Ako ang nagsabi kay Nalani na mag-enroll siya today."
"Nalani?" Kuya repeated. "Who gave you the right to call my sister Nalani?"
"That's her name."
"I'm not saying it's not. I'm asking you who—"
"Kuya, that's my freaking name!" I chipped in. "Anyone can call me Nalani! My god, ha!"
"Are you my sister's boyfriend?"
"Kuya!" He wasn't listening!
"Sinasabi ni Chewy na may boyfriend ka na. Siya ba 'yon?" tanong pa ni Kuya sa 'kin habang turo si Kel.
Hindi si Kel 'yon! Pero break na kami ng nakuwento ko kay Ate Chewy! Matagal na kaming wala ni Nathan, and I'm so thankful na hindi na siya naabutan ni Kuya! My god, stress ko ngayon!
"Siya ba?" tanong na naman ni Kuya.
"It's a long story, okay?!" I explained.
"Whole day akong nag-a-assist sa therapy. Tingin mo, matatakot ako sa long story mo?"
"If nasa therapy ka pala, why can't you just be calm?! My god, Kuya!"
"I'm her boyfriend," Kel suddenly said, and my jaw dropped.
Kuya shut his mouth.
Kel's face looked like that of a kid who admitted that he broke the expensive chinaware of his mom, and he wasn't sorry for it.
Kuya pointed at me. "Go upstairs. Mag-uusap lang kami nitong boyfriend mo."
Oh my god.
I'm doomed.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top