Chapter 21: Gym


I got my morning class, yey!

Ang bilis ng process sa accounting office. Kung nakapagtanong pala ako pagpunta ko sa registrar, hindi na sana ako pumila para sa wala.

I signed the blue form with my basic information for three copies—one for the accounting office, one for the registrar's office, and one for the admin office. They printed my details na inilagay ko sa blue form para i-transfer sa yellow card. They gave me my second-year yellow card with my printed schedule. My earliest class would be seven in the morning, and my last class would be twelve at noon.

"Same ba tayo ng sched?" tanong ko kay Kel.

Hindi niya dala ang yellow card niya pero nasa locker daw.

"Same pa rin. Exempted ako sa PE 3 and 4 pero sabi ko, ite-take ko pa rin para classmate pa rin tayo."

Napangiti ako pagtingala ko sa kanya. "Bakit ayaw mong magpa-exempt?"

Tinawanan lang niya ako nang mahina saka itinuro ang yellow card ko. "Para may grades ako."

"Weh?"

"Oo nga—wait." Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang phone. Sunod-sunod ang lumabas na chat notification sa kanya.

Kulang na lang, mag-dive ako palapit sa phone niya para lang makita kung sino yung nantatadtad sa kanyang ng chat.

"Sino 'yan?" pag-iimbestiga ko agad pagtingala sa kanya.

Kunot-noo lang siyang natawa sa ginawa ko.

"Sige, ikaw sumagot." He handed me his phone, and really, grabe ang kaba ko sa ginawa niya.

Torn ako kung huhusgahan ko ba muna siya o sisilipin ko na kung sino 'tong bigla-bigla na lang nag-cha-chat sa kanya habang magkasama kami.

"Babae ba 'to?" tanong ko pa saka binuksan ang chat head na kalalabas lang.

Patawa-tawa lang siya habang hinihintay kong lumabas ang nag-chat.

Kapag babae talaga 'to, huwag na niya 'kong kausapin.

NDU Volleyball Team

Anton Suarez III
Coach wait lang eat lang me

Coach France
Where r d others?
@Kel Mijares gym ASAP

Oscar Tajado
Coach otw na


Tiningala ko si Kel. Nginingitian lang niya 'ko.

"Reply ka na," utos pa niya.

"Ano sabihin ko?" tanong ko na lang.

"Ikaw? Pupunta ba 'kong gym?"

"Puwede akong sumama?" Saka ako ngumiti.

"Sure. Doon ka lang siguro banda sa 'min kasi baka may nagpa-practice din ng basketball ngayon."

"Okay!" Nakangiti naman akong nag-type ng:

On the way na po, Coach. ♥♥

"Bakit may puso?!" Ang lakas ng tawa ni Kel nang makita ang s-in-end ko.

"Hala! OMG! Wait! Sorry!"

But it was too late. Sunod-sunod na haha reactions ang lumabas sa reply ko sa GC nila.


Coach France
Wag mo kong mapuso puso jan Mijares
Pumunta ka nlang dito

Anton Suarez III
HAHAHAHA


"Sorry, Kel. Nakalimutan ko, account mo pala 'to. Ano sabihin ko? Hindi ikaw ang nag-reply?"

"Nah, okay lang 'yan. 'Yaan mo sila."

"Hala, inaasar ka na nila," sabi ko pagsilip ko sa GC.

"Let them. Deretso na lang tayo sa gym."

Ibinalik ko kay Kel ang phone niya. Masyado na 'kong nangingialam ng gamit.

Naabutan na kami ng cut-off. Wala na ang mga classmate namin sa waiting area. Lunchtime na pero imbes na kumain, dumeretso pa muna kami ni Kel sa gym na nasa kabilang building pa.

It was a covered gym na may 1,000 seating capacity. May ilang nakatambay sa bleachers at doon kumakain. Marami-raming nasa court din. May nagpa-practice nga ng basketball. There were ten guys on the other side of the court, may grupo rin malapit sa kung saan kami pumasok. I guess they were Kel's new team. First time ko siyang makikitang maglaro ng volleyball at may team. Sa swimming kasi, nasa individual sport lang siya at ang team niya ay sobrang limitado lang.

Pagkakita sa 'min ng mga lalaking nagkukumpulan sa isang side ng court, may mga natawa agad at inasar si Kelley.

There was this guy na may curtain bangs ang gumawa ng heart sign gamit ang dalawang kamay. Kumembot-kembot pa siya habang inaabangan si Kelley na makalapit sa kanila.

Kel tapped my shoulder and pointed at one seat near them para doon ako maupo.

Tumango naman ako at pumunta sa bench na madalas upuan ng mga player na binabangko.

Papalapit pa lang ako sa mga upuan na may nakapatong na gamit ang iba, nakita ko agad ang bola ng basketball na pagulong palapit sa 'kin.

"Miss! Pabato rito!" utos ng isang nagpa-practice sa kabilang side ng court.

May matangkad na guy namang naglalakad palapit sa 'kin. Basa na ng pawis ang white T-shirt niya. Hinubad ko ang messenger bag ko saka ko dinampot ang bolang huminto pagtama sa sapatos ko.

"Puwedeng pa-try?" nakangiting tanong ko sa lalaking papalapit.

Hindi siya sumagot pero nagkibit siya ng balikat. "Um, all right?" Hindi pa siya sure sa sagot.

Nag-dribble ako gamit ang kanang kamay. Huminto siya at namaywang habang pinanonood ako.

"Okay na 'yan, miss. Give me the ball."

I began to walk near him. "You can take it." I smiled.

Paglapit ko, sinubukan niyang agawin sa kamay ko ang bola, but he failed at doing so. I did a crossover, dribbling from my right hand to the left. Pumihit ako pakaliwa para lang lampasan siya. I continued dribbling until I reached the three-point line. I held the ball, raised it in the air in the right posture, and I jumped—throwing the ball with enough force. My hands were still in the air as I landed on the court. After a few seconds, the ball dropped exactly in the middle of the ring.

"Mendoza for three! BAM!" I yelled.

I punched the air and did the Dougie dance while celebrating my first ringless three points after retiring. That shit felt good!

Biglang nag-sink in sa 'kin kung gaano sila karaming nakatingin sa 'kin. Nag-peace sign na lang ako sa mga nagpa-practice ng basketball kahit hindi naman sila mukhang galit.

Pagtalikod ko, nakakrus na ang mga braso ng matangkad na lalaking nilampasan ko kanina. But he was smirking at me.

"What's your name, babe?" he asked.

"I'm not your babe, dude," I warned. "They got the ball. Kunin mo na lang sa kanila."

I fixed the strap of my tank top as I walked, but I stopped after he blocked my way.

"Lawrence. Nice to meet you."

"Okay?" I nodded, not planning to tell him my name.

"Do you play basketball, babe?" He smirked again.

"I did."

"Did. So . . . what about now? Still playing?"

"Love." That was Kel's voice.

Sumilip ako sa gilid ni Lawrence. Kahit pala buong team ni Kel, nakatingin na rin sa 'min.

Kel looked so serious, and he was handing me his phone. "Pahawak muna ng phone ko."

Ito na naman siya sa phone niya. May practice ba sila ngayon?

Lumapit na ako sa team nina Kel. Ang kalat na ng buhok ko sa balikat kaya sinuklay ko muna gamit ang mga daliri mula sa gitnang hati. Mula sa tuktok, isa-isang nagbagsakan ang strands pabalik sa balikat ko saka ko hinawi palikod para hindi sagabal sa balat.

Saka ko lang naalala na wala pala akong baon na scrunchie ngayon.

Paglapit ko kay Kel, kinuha ko agad ang phone niya.

"Love pangalan mo?" tanong nitong nag-puso-puso kanina kay Kel. "Mijares, Love name niya?" Siniko-siko naman 'to ng mga kaakbayan niya para awatin siya sa pagtatanong.

"Chyna," sabi ko na lang dito sa makulit na nagtatanong.

"Chyna. Wow. 'Cute naman ng name mo. Tangkad mo, ha?"

Gusto ko sanang sabihing magka-height lang yata kami kaso 'yon naman yata ang point niya.

"Student ka rin dito?" tanong ng ka-team ni Kel na nakasuot ng black headband at may black earrings sa right ear. "Anong year mo na?"

I nodded. "Sophomore ngayong year."

"BA din ba siya?" tanong nila kay Kel sunod sa akin. "BA ka rin?"

"Yes." Ako na ang sumagot.

"Sayang, akala ko, tourism student ka. Bagay sa 'yo mag-tourism. Ang ganda mo. Nagpa-pageant ka?"

"Psst!" saway ni Kel sa ka-team niyang usisero.

Natawa na lang ako nang mahina. Pang-ilang beses na yata akong tinanong kung nagpa-pageant ba 'ko. Naitatanong lang 'yon sa 'kin kapag nakikita akong naglalakad mula sa malayo.

Sinilip ko ang coach nila na may kinukuha sa bag na nasa bench. Kaya nakukulit pa nila ako kasi walang sumasaway.

Pumuwesto na ako sa bench habang hawak ang phone ni Kel.

Saka ko lang napansin na dalawang magkaibang team ang tumitingin sa 'kin. May mga player sa basketball na na-distract ko yata ang practice. Kahit yung isang nagdi-dribble, nakatingin din sa 'kin. Ang team din naman ni Kel, gano'n din at inaasar siya dahil sa 'kin.

Hindi ko 'to normally napapansin before because of Nathan. I didn't even consider the guys drooling over me, especially those times when Vicky was stealing the spotlight. Ayokong mag-generalize ng mga lalaki, but most of them, if not all, would prefer someone they could fuck.

Naynay even said na kaya lang siya pinakasalan ni Popsie, kasi naghahanap si Popsie ng makaka-sex, which was weird to tell to your kids, but it was the truth. Popsie seconded, Daddy Coco admitted, Tita Ram said the same.

Tapos first kiss nila sa isa't isa, noong kasal na nila. They had sex after the wedding. Kaya rin ayokong magpahalik kay Nathan sa lips. Kung na-kiss ni Popsie si Naynay noong wedding lang nila, then maybe I could wait until I get married for my first kiss.

Saka love naman daw ni Popsie si Naynay. Iiyak daw siya every day kapag naghiwalay sila.

Not all guys are the same, true. Si Daddy Coco, he'd rather stay sa workshop niya kaysa mambabae. Si Popsie, not sure kung may time pa ba siyang mambabae kasi antukin. Si Kuya Chan-Chan, hindi ako sure kung may girlfriend na ba. Pero sure akong malala ang pagka-crush niya kay Ate Trillian.

Bata pa sina Cody at Drake pero sure akong hindi sila titingin sa face card lang ng girls. Knowing the two of them, they'd rather date someone who looks four but has a brain of ten than the opposite of that.

I checked Kel's phone, and I didn't expect the lockscreen kaya bigla akong napatakip ng bibig para itago ang ngiti ko.

Yung photo naming dalawa noong unang lunch date namin.

Ang wallpaper niya, iba na rin. Hindi na yung chibi swimmer. Chibi pa rin pero kahawig niya. Barber's cut, may gold K pendant in black leather necklace, naka-V-neck shirt, denim jeans, and Converse. Even his Moreno skin, kuha rin.

Saka lang nag-sink in sa 'kin na wala na pala siyang password after I saw his wallpaper.

Sumulyap ako sa kanya. Busy na sila ng team niya habang kinakausap ng coach nila, so I tried peeking at his Messenger app. My mind was searching for conversations na magpapa-realize sa 'king delusions ko lang ang pagiging close ni Kel.

That there was another girl—or girls, maybe?

But I opened his Messenger app. I cringed after I saw how clean it was—clean, I mean, the latest chat for him was from his team's GC. The next was a chat two days ago, and that was me na hindi ko naman ni-reply-an kahit isa. The rest of his chats, puro na inquiry sa flat and those were three to five days ago pa.

Wala ba siyang kinakausap sa chat na hindi nagtatanong kung magkano ang rate sa rent-a-house nila? Wala bang may crush sa kanya rito sa school at magtatanong kung gusto siyang maging boyfriend?

Mabilis akong nag-out at nag-lock ng phone niya. Baka isipin niya, porke wala nang lock ang phone niya at hawak ko, free na 'kong mangialam ng gamit any time.

Ginugutom na 'ko. Ibinulsa ko sa isang pocket ng cargo pants ko ang phone ni Kel, then I saw the rolling ball on the floor coming in my direction again.

Bakit ba dito lagi napupunta ang bola nila? Nandito ba sa puwesto ko ang center of gravity dito sa gym?

Nire-ready ko na ang kamay ko para kunin ang bola, pero hindi pa nakakalapit sa courtside, may tumapak na sa bola at sinipa paitaas. Pati tuloy ako napatingin sa gumawa n'on.

Si Kel.

Dakma-dakma na niya ang bola gamit ang kaliwang kamay. Nakatingin siya kay Lawrence na papalapit na naman para kunin ang bola.

"Sana sumali ka na lang ng basketball team, Mijares," nakangising sabi ni Lawrence. "I know you can play best with us. Sayang ka."

"Play better para hindi ka manghinayang kung wala ako sa team mo," maangas na sagot ni Kel at ibinato nang malakas ang bola mula sa puwesto niya sa half court.

Half court. Farther than the three-point line.

Pagka-shoot ng bola sa ring, saka ko lang naalala kung paano niya 'ko literal na napatalsik sa field matapos akong batuhin ng bola sa ulo.

Hindi lang pala dahil lutang ako kaya ako tumalsik. Sa lakas niyang bumato, parang napatunayan ko na rin na ganoon katigas ang bungo ko para hindi magkaroon ng injury na gawa niya.

Mas bagay siya sa volleyball kahit nakakabuwisit maalala ang ginawa niya sa 'kin no'ng March.

"Lunch na tayo," aya ni Kel sa 'kin at kinuha ang kamay ko.

Magrereklamo sana ako kung bakit iba ang hawak niya ngayon sa 'kin—that kind of holding hands where his fingers fit between mine? Gusto ko na sanang tanungin ng, "Boyfriend ba kita?"

But he was serious and silent. Wala na rin ang mga ka-team niya, saka ko lang din napansin. Na-busy ako sa pag-check sa phone niyang wala nang lock.

Siguro saka ko na tatanungin tungkol sa tryout niya sa basketball team pag-alis namin dito sa gym.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top