Chapter 20: Enrollment
I was excited seeing Kel again, and it wasn't normal.
Grabe, ilang beses kong sinubukang i-assess ang sarili ko sa buong gabi.
I asked myself: gusto ko na ba si Kel? May crush ba 'ko sa kanya? Na-fall na ba 'ko sa kanya?
Sa sobrang overthinking, sinamahan ko na si Naynay maghugas ng plato kahit hindi naman niya ako inuutusan.
"Wala akong one hundred thousand, Chyna, huwag mo 'kong utangan."
"WHAT?!" I cringed as I looked at Naynay's poker face. "Hindi ako mangungutang!"
"O, bakit ka nandito? Sinabihan ba kitang maghugas ng plato?"
Napanguso naman ako at nag-puppy eyes sa kanya.
"Huwag mo 'kong ginaganyanan, Chyna. Papa mo nga, hindi ako nabebentahan ng ganyan."
"Si Naynay naman, e."
"Tigilan mo 'ko diyan, kukurutin talaga kita sa singit."
Si Naynay, napakaano talaga. Wala na tuloy akong choice kundi tumulong na lang talaga sa paghugas. Baka sabihin pa ni Naynay, lumalapit lang ako kapag may kailangan ako.
Akala ko, tahimik lang talaga kami hanggang maubos namin ang mga plato sa unang paghugas bago ilagay sa dishwasher. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba dapat hugasan ng kamay kung may dishwasher naman.
"Inaway ba ni Daddy Coco mo si Kel?" biglang tanong ni Naynay.
"Hindi po," malungkot na sagot ko. "Chill nga lang siya."
"Sabi ni Connor, may gusto raw sa 'yo si Kel."
"Hala—aw!" Napailag ako ng mukha nang wisikan ako ni Naynay ng tubig.
"Hala-hala ka diyan!"
"Wala namang sinasabi si Kelley kay Daddy . . ."
"Paanong sasabihin, harap-harapan daw kayong naglalandian doon sa workshop niya?! Tama ba naman 'yang asal na 'yan?"
"Hindi kami naglandian! Hala, si Naynay!"
"Ay, nakuu! Ako, tigilan mo 'ko, Nalani. Ang Daddy Coco mo, kapag 'yon ang nagsalita sa mga ganyang bagay, alam n'on ang sinasabi niya. Madaling makaamoy 'yon."
"Pero sinabi naman sa kanya ni Kel na hindi nga raw nanliligaw si Kel sa 'kin."
"Maniwala ako diyan. At ikaw—" Mabilis akong napaiwas nang muntik na akong kurutin ni Naynay sa kilikili. "Mangungutang ka sa daddy mo ng isandaang libo para sa lalaki? Aba'y mayaman ka! Saan ka kukuha ng pambayad, aber?"
"Hindi naman po natuloy, Naynay, e!"
"E, kung hindi nakausap ng daddy mo si Kel? Saan ka nga dadampot ng isandaang libo?"
"Sa allowance—Naynay!" Napaiwas na naman ako bago pa ako tamaan ng palo ni Naynay sa kaliwang braso ko. "Hindi naman nga po natuloy 'yon!"
"Ikaw, tumigil-tigil ka diyan sa kagagahan mo, ha?" Dinuro pa ako ni Naynay habang pinagagalitan. "Magpasalamat ka't Daddy Coco mo ang kumausap kay Kelley. Malaman-laman lang ng kuya mo 'yang ginagawa mo, sinasabi ko na sa 'yo."
Gusto ko sanang kausapin si Naynay about Kel, but I guess I had to let it pass.
Nag-warning na rin si Naynay about Kuya Chan-Chan, so dapat last na yung ginawa kong pangungutang kay Daddy Coco. Maging thankful na lang din siguro ako na nasa retreat house si Kuya at wala rito sa bahay kundi lagot talaga ako.
Sinabi ko na lang kay Naynay na mag-e-enroll na 'ko para makakuha ng morning class kasi ayoko na ng afternoon o night class. Maliban kasi sa nakakaantok ang oras, nakakatamad nang mag-aral.
Siguro nga, nakatulong din ang sermon ni Naynay sa 'kin. Natulog akong hindi na excited makita si Kelley. Tumawag siya pero hindi ko nasagot kasi nga, nasa kitchen ako. Nag-text na lang akong matutulog at magkita na lang kami kinabukasan.
Another morning came, walang note sa ref since aalis nga ako today papuntang school. Popsie prepared a rice breakfast for me and a pair of sandwiches pambaon pag-alis. I checked my phone. Kel replied with a simple good night.
I took a bath and prepared myself. I learned my lesson the last time I visited Kel at their house. Don't overdo the dress.
Nagsuot na lang ako ng square neck black tank top na hanggang itaas ng pusod lang ang haba. I paired it with my favorite mahogany cargo pants and running shoes. Dinala ko na lang ang brown leather jacket ko para hindi mainit sa biyahe. Inilagay ko sa messenger bag ang lahat ng kasyang documents ko along with my tablet.
I didn't miss school that much. Probably because my freshman year ended sadly. I was late taking the rest of my final exams. Nathan and Vicky were a thing. I was injured. I didn't see myself as worthy as a student.
Kaya nga pagtapak ko sa Notre Dame campus, para akong magsisimula sa umpisa—that kind of feeling when I died at my first try of a new game, so I had to restart over again. The feeling was familiar, but the atmosphere was new. I know what I should do, but I didn't know what I should do after that part where I left it unfinished.
I called Kel. The line was busy. I sent a chat, telling him na nasa campus na 'ko.
After I parked my scooter, naglakad na ako papunta sa admin building.
I don't normally go to school without a uniform. Kahit nga bibisita lang, as much as possible, plain T-shirt and denim jeans lang ako. Ngayon na lang uli ako nakapunta nang hindi kailangang mag-uniform. Conscious pa naman ako before na kapag hindi ako naka-uniform, baka sitahin na 'ko ng guard for being a trespasser.
But now na may ID naman akong dala and registration form, okay lang mag-civilian nang hindi sobrang school coded.
I was walking on the campus pathway when a random guy greeted me.
"Hi!"
I smiled. "Hello." Then I continued walking.
Pero naglakad siya paatras para lang masabayan ang lakad ko. "What's your IG?"
"That's private."
"Name mo?"
"Not interested in you, so pass."
The random guy looked mid. He was a four, and I was taller than him. Not my type, so pass. Not against sa mga guy na mas maliit pa sa 'kin, pero mabilis akong ma-turn off kapag kayabangan agad ang una kong napapansin over their other positive traits.
Not my first time to experience such things. Kahit nga sa bawat delivery ko, naging normal na sa 'kin mahingan ng number o ng social media accounts. Maybe they see me as a pretty person, but knowing what Nathan did? There would always be a reminder to me that guys do want something from me, and I couldn't give them that satisfaction.
Maganda lang ako, pero kapag may gusto na silang makuha na hindi ko kayang ibigay sa kanila, from ten, I could be one in their eyes, at pipili pa rin sila ng mga babaeng kaya nilang halikan sa lips, sa leeg, or 'yong kayang makipag-sex sa kanila.
Maganda ka nga, pero nakaka-turn off ka pa rin—that rented free in my head after my breakup with Nathan.
The campus was busy, ang daming students from summer class and new students for the upcoming academic year. Dumeretso na agad ako sa registrar para magpa-evaluate. But lo and behold!
Ang haba ng pila! And it was only ten in the morning!
My batchmates were there, magpapa-evaluate din.
The windows for the evaluation process were on windows 4 and 5 outside of the admin building, and the line was too long, umabot na sa fifty plus ang occupied na monobloc chair sa waiting area.
Papalapit pa lang ako nang tawagin na 'ko ng iba kong classmate last sem.
"Chi!"
Halos karamihan ng nasa pila for evaluation, puro mga kaklase ko last sem. Hindi na nga ako nagulat nang makita ko sina Nathan at Vicky sa waiting area. As usual, dikit na dikit na naman silang dalawa.
"Magpapa-evaluate ka rin, Chi?" tanong ni Marlon paglapit sa 'kin. Wala siyang upuan. Naabutan ko siyang paikot-ikot at nakikipagdaldalan sa mga nakaupo. Pinapaypay nga niya sa mukha ang first year yellow card niya.
"Yeah. Ang dami n'yo na pala rito," sabi ko.
"Cut-off na kasi mamayang twelve. Pero mabilis naman daw, sabi ni Shiela. Kita naman daw kasi agad yung grades sa student portal. Ang matagal daw, doon sa mga hindi talaga pumapasok sa klase."
Kinakabahan na tuloy ako. Pumapasok naman ako, kaso baka kasi hindi ako kilala ng mga prof. Natapos nga ang school year na may grades na silang lahat habang nag-e-exam pa rin ako for my final tests. Naiwan kong blank table ang student account ko. Magpapa-reactivate pa 'ko ngayon ng account para lang malaman kung may grades ba 'ko o wala.
"Chi! Upo ka!" offer nina Jonmark. Apat silang tumayo para alukin ako ng upuan.
Ngumiti lang ako saka umiling. "Nah, okay lang ako." Sumandal ako sa matibay na metal post ng pinaka-support ng roofing sa waiting area. Doon kami tumambay ni Marlon na nagpapaypay pa rin at pinapaypayan na 'ko.
They were right, though. Ang bilis matapos ng iba, especially ng mga may grade na sa portal. After ng short evaluation, papapuntahin na sila sa third floor ng CAS Building para mag-access ng student account nila. Same account pa rin pero bago na ang password.
Student portal din ang reason kaya ako may discount dito sa school kasi under ng Afitek ang student portal namin. Doon nagwo-work si Popsie ngayon. Although, sabi naman niya, sa corporate building naman daw siya working at taga-setup and taga-troubleshoot lang daw siya ng computer ng mga employee kung minsan. Manager naman siya, pero hindi ako sure sa exact na ginagawa niya bilang manager.
From fifty plus, nasa thirty plus na lang ang natitira sa mga nakapila. Marami nang upuan na libre pero nakatayo pa rin ako. Thirty-three minutes had passed at nakailang tanungan na kami kung anong schedule ba ang magandang kunin ngayong second year first sem.
Nathan wasn't saying anything. Basta ako, sure na akong morning class.
"Morning class, Chi? Ayaw mo sa Section B?" dismayadong tanong ni Paulo.
"Inaantok ako sa afternoon class," sabi ko pa.
"Ay, pa'no ako sisipaging pumasok niyan?" sabi pa niya sabay kamot ng ulo.
"Manahimik ka diyan, Pau! Hindi ka talaga sinisipag pumasok! Dami ebas!" pang-asar ni Rosemarie.
"May boyfriend ka na, Chi?" dagdag na tanong ni Paulo.
Nag-cringe lang ako kahit natatawa. "Next question."
"Wala pa? Beke nemen . . ." parinig pa niya kaya lalo akong natawa.
"Wala ka pang boyfriend?" tanong ni Marlon sa tabi ko.
"Wala pa nga."
He didn't say anything pero lalo pa niyang nilakasan ang pagpaypay sa 'kin.
Hindi ko nilalagyan ng malisya 'tong ganito ng mga ka-batch ko before. Ngayon ko lang pinansin nang maalala ko ang sinabi ni Kel na marami nga raw may crush sa 'kin na classmate namin.
Akala ko kasi, joke lang nila 'tong mga ganito kasi wala naman talagang seryosong kausap sa kanilang lahat. Si Kel, seryoso lang palagi saka antukin, 'yon lang.
And speaking of Kel . . .
"Huy, Mijares! Gago, lumipat ka sa volleyball team?" biglang sabi ni Walter na nakapuwesto sa bandang likuran.
Pinigil kong ngumiti pagkakita kay Kel na naka-white V-neck shirt, denim jeans, at 'yong Converse niya. Hindi nakabagsak ang buhok niya at nakaayos nang medyo messy ang itaas.
He gave some of his friends a bro hug, and the questions rained around him.
Big news pala talaga ang paglipat niya sa volleyball team. Hindi pa nga nababanggit ang recruitment sa kanya ng basketball team.
Paglakad ni Kel palapit sa puwesto ko, saka lang niya ako pinansin. "Bakit nakatayo ka diyan? Ang daming upuan dito."
"Pinapaypayan ako ni Marlon, e," sabi ko naman para mang-asar.
Naningkit lang si Kel at nagkrus ng mga braso. Natawa tuloy ako.
I was expecting na magpapaka-low-key lang siya at uunahin niyang kausapin ang mga tropa niyang mas nauna niyang pinansin. Pero nilapitan niya 'ko. Kinuha ang kanang kamay ko. Inalis ako sa sinasandalan kong poste. Saka niya ako pinaupo sa isa sa mga blangkong upuan sa mga nakapila bago niya ako tinabihan.
Saglit na tumahimik sa waiting area.
Nililingon nila kaming dalawa sa puwesto namin.
"Hoy, Kelley, ano 'yan?" buyo ni Ria.
"Mind your own business, guys," utos ni Kelley at inakbayan ang sandalan ng inuupuan kong monobloc.
Napatakip na lang tuloy ako ng bibig para itago ang tawa ko. Kahit sina Aiza na nasa harapang upuan namin, natatawa na rin habang nililingon kami ni Kel.
"Late ka na nga, agaw-eksena ka pa," mahinang sabi ko kay Kel.
"Ang daming upuan dito, nakatayo ka," sermon niya, nakatingin lang sa harapan.
"Choice ko namang tumayo. Saka pinapaypayan naman ako ni Marlon."
All of a sudden, nagulat na lang ako nang may hugutin siya sa likurang bulsa niya. It was a folding fan!
"Gagi!" pigil na tili ko at mahina siyang sinampal. "Bakit may pamaypay ka?"
"Mainit nga kasi."
Nagpipigil ako ng tawa ko habang pinapaypayan niya 'ko. Ang pabida talaga nito!
Nag-alis ako ng leather jacket para masulit ang pagpaypay niya. Grabe ang pawis ng kilikili ko, buti naka-tank top ako. Ang sarap ng daan ng hangin sa katawan matapos mababad sa init.
Mas bumilis ang andar ng pila nang mag-announce ang registrar na lahat ng magpapa-evaluate, iwan na lang daw muna sa window ang yellow card at hintayin na lang na tawagin ang pangalan. So we did. Card na namin ang nakapila. Pag-ipon namin doon sa window 5 at pagbalik sa upuan, random na ang puwesto namin.
Sa pinakaharapan ng window, may baligtarang metal bench doon. Isang nakaharap sa window at isang nakatalikod. Sa nakatalikod na bench, 'yon ang nakaharap sa mga ipinilang monobloc chair.
Pagkapuwesto namin ni Kel sa harapang monobloc, siya namang puwesto nina Nathan at Vicky sa metal chair na sinakto pa talagang kaharap namin.
I heard Kel's noisy smirk. Ako naman ang nakaramdam ng awkwardness.
I was avoiding Nathan's frequent staring at me. But my eyes could see his left hand caressing Vicky's exposed shoulder. Vicky was still a show-off. Naka-floral dress pa siya na kita ang cleavage na gawa ng push-up bra.
Gusto ko sanang umalis sa puwesto namin, kaso siyempre, issue na naman sa mga classmate. Kaharap ang ex-bf and ex-bff. Kapag umiwas, issue agad.
Pinapaypayan pa rin ako ni Kelley. Hindi kami nag-uusap. Siguro kasi malamang na maririnig ng mga classmate namin na katabi lang namin sa puwesto ang magiging usapan naming dalawa.
Nate-tempt akong landiin si Kelley para lang mang-inis kina Vicky. Pero iniisip ko pa lang na lalandiin ko si Kelley, natatawa na 'ko kaya sure na epic fail na 'yon. Tumahimik na lang ako bago pa ako magmukhang tanga sa harap nilang lahat.
"Mendoza," tawag sa Window 4.
Nagulat naman ako kasi hindi ako nauna sa pila pero natawag agad ako. Napatingin tuloy ako sa kanilang lahat at nagtaka.
"Hala, girl, baka wala kang grades," panakot nina Rosemarie.
'Yon din ang naisip ko kaya ako inuuna!
"Oh my god." Kabado akong naglakad papunta sa Window 4. Sumama naman si Kelley sa 'kin. Pareho pa kaming parang timang na nakayuko kasi ang baba talaga ng part ng salamin na puwedeng magsalita na maririnig sa loob.
"Mendoza po, ma'am," sabi ko sa nag-a-assist sa registrar.
"Nag-take ka ba ng final exams last sem?"
"Yes po. Special exam daw po kasi nagka-injury po ako after ng PE exam namin."
Ibinalik sa 'kin ang yellow card ko. "Pumunta ka sa accounting office."
"Okay po. Ano po'ng sasabihin ko?"
"Pumunta ka sa accounting, hanapin mo si Ma'am Lorraine, tapos ibigay mo 'yang yellow card mo."
"Okay po, ma'am."
The fuck? Wala ba 'kong grades?
"Nag-exam ka ba na naipasa mo?" tanong pa ni Kel.
Lost na lost ako na hindi alam kung saan titingin. "Nag-exam ako. Pinasa ko pa sa faculty assistant."
Lahat tuloy ng mga ka-batch ko, inaabangan ang sasabihin ko tungkol sa naging evaluation sa 'kin. Nauna pa naman akong tawagin kahit sila ang nauna sa pila.
"Ano'ng sabi, girl?" tanong ni Ivory.
"Tinanong ako kung nakapag-take ako ng finals," wala sa sariling sagot ko. "Walang ibinigay na grades. Ibinalik lang yung yellow card ko."
"Ah, 'yon lang. Saan ka na raw niyan?"
"Sa accounting daw muna," sabi ko.
"Baka ipapa-confirm lang yung sa exams mo," paliwanag ni Kel na nasa tabi ko. "Or may ipapa-check sa records kung may kailangan kang i-retake na units. Babayaran mo 'yon, di ba?"
I was lost. I looked lost. I could see the worry on my classmates' faces.
"Wait. Check ko nga sa accounting. Baka lang din may need ipa-check. Ayokong umulit ng first year, gagi," sabi ko na lang para pakalmahin ang sarili ko.
Iikot pa sa loob ng building para lang makapunta sa accounting office. Hindi sa cashier, e. Sa cashier kung ready nang mag-enroll.
Grabe ang kaba ko kasi ayokong mag-first year na naman! Sobrang easy na nga lang ng first year ko sa BA tapos ganito lang? Bagsak kahit pinasukan ko naman lahat ng subjects?
Ang daming nakapila sa waiting area sa labas ng accounting office. Nagtanong na 'ko kung ano ang reason nila sa pagpila.
"Sa balance kami. May balance pa kaso hindi pa maka-enroll."
"Balance din."
"Magpapasa ng check for enrollment."
Karamihan sa kanila, puro balance.
Kahit may pila, pumasok na rin kami ni Kel sa loob ng accounting office.
Occupied ang bawat table per partition ng napakaraming papel sa loob. Busy ang lahat ng staff. May table sa bandang harapan na malapit sa pintuan at doon ako lumapit. May staff na nakatayo roon at nagtaas ng mga kilay para tanungin kami kung ano ang kailangan namin sa loob.
"Ma'am, si Ma'am Lorraine po?" tanong ko.
"Ah, yes. Ako 'yon."
Inabot ko sa kanya ang yellow card ko na kinuha naman niya. "Ma'am, dito daw po muna ako, sabi sa registrar. Ask ko lang po kung ano po'ng gagawin dito kasi wala raw po akong grades."
Tinitigan naman niya ang form ko. "Ano 'to? Chai-ril Nalani?"
"Chyril po. Chi."
"Ah, okay. Chi-ril Nalani . . . Mendo—ah! Mendoza. Sige, saglit. Upo ka muna diyan."
May isang folding chair sa harap ng office table kaya doon ako naupo. Natingala ko si Kel na isa ring nagtataka kung bakit kami nandito.
"Pa'no kung wala akong grades?" malungkot na tanong ko sa kanya. "Pa'no kung uulit ako ng first year?"
Kinuha lang niya ang kaliwang kamay ko at hinawakan. "Mag-file na lang tayo ng dispute. Pumasok ka naman, e. Mas madalas ka pa ngang pumasok kaysa sa 'kin."
"Varsity player ka naman kasi. Exempted ka naman minsan sa ibang class."
"Kahit pa. Final exam lang naman kulang mo. Wait na lang tayo ng result."
Kel was trying to calm me down. Ramdam niyang nate-tense ako kasi naglabas na siya ng face towel para ipunas sa kamay kong namawis bigla kahit ang lakas ng AC sa loob ng office.
Waiting kami ng pagbalik ni Ma'am Lorraine. Hagod-hagod ni Kel ang buhok ko habang hawak ang kaliwa kong kamay.
It took her almost five minutes bago ako binalikan.
May dala na siyang blue form at ilang papel.
"Dala mo ang voucher mo?" tanong ni ma'am.
"Yes po." Saka lang ako binitiwan ni Kel para mailabas ko ang voucher ko mula sa bag ko. Inabot ko agad 'yon kay Ma'am Lorraine.
"First time mo lang bang magpa-evaluate?"
Tumango naman ako. "Yes po."
"Okay, sige, ganito." Inabot niya sa 'kin ang blue form na maraming kailangang sagutan. "Next time, kapag nagpa-evaluate ka, deretso ka dito sa accounting office, ha?"
"Hindi po sa registrar?"
"Dito ka na agad, kasi kapag pumila ka sa registrar, dito ka rin papupuntahin."
"May grades po ba ako sa last sem ko?"
"Yes, of course. Ang grades mo kasi, forwarded na sa president after ng exams mo. Magpa-process na lang tayo ngayon ng enrollment mo."
"Ah . . . okay po." Tumango naman ako kahit nalilito pa rin. "Sa cashier na po ba ako?"
"Dito na rin. I-fill out mo na lang 'yang form. Afternoon class ka ba?"
"Morning po sana lahat."
"All right, sige. Ipasa mo sa 'kin 'yang form after mong sagutan tapos ipapa-process na natin ang registration mo. Morning class lahat, ha?"
"Yes po."
"Sige, ise-send ko na muna sa president ang schedule mo for approval. Babalikan na lang kita maya-maya."
"Thank you po, ma'am."
Ma'am Lorraine left. I was still lost. I looked at Kel for an answer. Isa rin siyang nalilito sa process.
Bakit parang iba ang enrollment ko no'ng kasama ko si Popsie saka si Kuya Chan-Chan? Ganito ba talaga mag-enroll?
Saglit kong natingala si Kel para magtanong habang nagsasagot ako. "Yung grades mo, pinapasa rin ba sa president?"
"Hmm . . ." Napakamot siya ng ulo. "Kinukuha ng coach. 'Yong akin, kinuha ni Coach, e. Lister ka ba?"
Umiling naman ako para sabihing hindi. "Nope. Lagi nga 'ko sa likod, di ba?"
"Hindi ako sure kung bakit pinapasa sa president unless president's lister ka siguro."
Ano ba'ng naging grades ko nitong second sem at kailangang ipasa sa president ang grades at schedule ko?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top