Chapter 19: Wait


Kel told Daddy na hindi nga raw siya nanghihingi ng pera, which was true from every angle. Pero gusto ko nga kasi siyang tulungan na makapag-enroll, that was why I tried to compromise.

But Daddy Coco didn't like what I did.

"What are you doing, kid?" Daddy sounded so irritated, he even called me 'kid.'

Napakamot tuloy ako ng ulo. "Daddy, gusto ko lang naman siyang tulungan."

"He doesn't need help. And I don't think he even needs your help pagdating sa tuition fee."

I pouted and played with the ends of my hair. Gusto ko lang namang sabay kaming mag-enroll ni Kel. Mas mabilis kasi kung manghihiram ako ng pera since mababayaran din naman namin 'yon kung sakali.

"May gusto ka ba do'n sa kapitbahay mo?"

"Hala!" Sa sobrang gulat ko sa tanong ni Daddy, hindi ako agad nakasagot ng matinong salita.

"Ayoko niyan na ginagawa mo ngayon, anak. Hindi maganda 'yan."

"I only wanted to help . . ." I pouted and sadly looked at Daddy.

"You wanted to help, pero dapat tinanong mo muna siya kung need ba niya ng help," Daddy scolded. "Mangungutang ka ng one hundred thousand for a guy who wasn't even aware na mangungutang ka pala for him. You almost give him an obligation to pay for something na hindi niya naman hinihingi in the first place. What did we tell you about asking for permissions?"

"Gusto ko lang namang tulungan si Kelley . . ." I explained, and my voice started to crack.

"Yes, I know you want to help him. Sige, sabihin na nating friend mo siya at gusto mo lang siyang tulungan, but you are putting him in a risky situation. You are putting yourself in a risky situation. Anak, hindi twenty pesos ang hinihiram mo para sa kanya."

"Alam ko naman po . . . nag-try lang po ako . . ."

"Nag-try ka kung makakalusot?"

Tumango na lang ako para sabihing gano'n nga.

"Be thankful na sa akin ka pumunta para manghiram. Sa akin, palalampasin ko 'to. Kung kay Kuya Charley ka nanghiram, makakarinig ka talaga ng mas mahabang sermon sa lolo mo."

I know. Kaya nga sa kanya ako pumunta, hindi sa kung sino man sa family ko.

"Pero nag-promise ka na tutulungan mo si Kelley, di ba?" I pouted again and gave him my puppy eyes. "Di ba?"

But Daddy's reaction wasn't bought by it. "Don't do this again, anak. Hindi ako mangingialam sa inyo, but don't do this again. If that kid needs help, we'll see. But if not and ina-assume mo lang na kailangan niya ng help, then hindi ako magbibigay ng kahit ano kung hindi niya naman kailangan."

Daddy Coco is not strict pagdating sa pera. I know because he could spend a lot of money on us. Yung scooter ko nga, regalo niya 'yon for me. Compared kina Kuya Chan-Chan na kapag nanghingi ako ng pera, dapat may breakdown and receipts pa. Even the serial numbers, dapat naka-note.

Saan gagastusin, sino ang mag-i-issue ng receipts, saan ipa-process ang transactions, kailan nagawa ang transaction—it was weird, though. Kay Daddy Coco nga, kapag sinabi kong manghihingi ako ng pera, he'd just say, "Magkano?" Then that's it. Bigay agad.

Siguro, iba lang ngayon because I wasn't asking money for myself. Wrong move. Sana sinabi ko na lang na mangungutang ako pambili ko ng bagong bag.

Sabay kaming nag-lunch ni Daddy, and I'm so thankful na princess niya 'ko. I didn't feel like I was castigated the whole lunch. Kung kay Kuya Chan-Chan ako nanghingi, hundred percent sure akong may sermon din si Ahia Zhi tapos papagalitan din ako ni Tito Jijin. Isusumbong pa 'ko kay Papa Rico, and worse, baka i-offer pa niyang doon ako tumira sa kanila sa retreat house. Ayoko nga. Baka magulat na lang ako, may nirereto nang guy si Papa Clarky sa 'kin without my knowledge.

Buti si Daddy Coco, mabait. Hindi ako natatakot mag-reach out sa kanya any time kahit pinapagalitan niya 'ko.

Tinanong lang ni Daddy kung ano ang ine-expect ko ngayong paparating na academic year, and he gave pointers about dealing with some school stuff. Nag-encourage pa siyang sumali ako sa mga organization para din hindi ako laging mag-isa at may field experience akong naiipon habang nag-aaral.

Umuwi akong hindi sure kung ano na ang next na gagawin. Plano ko pa namang magpa-evaluate at mag-enroll na rin sa May 5 kaso mukhang malabo pa 'yon sa ngayon.

Kel said that he would stay there sa West until May 1, but I barely see him every day. There were days na walang tao sa kanila. Tita Kendra was staying sa quarters sa clinic, and sometimes, Naynay chose to stay overnight with her lalo kapag understaffed sila. Popsie was okay with that. Uuwi lang siyang mag-isa tapos papasok na lang din sa work without complaining kung may shift si Naynay na grabe ang OT.

I didn't feel alone, though. Delivery pa nga lang ng mga sabon at beauty products, kahit siguro nasa bahay nila si Kel, hindi rin kami magkikita. Buong maghapon akong nasa kalsada at nagtatrabaho.

May 1 came, and I didn't bother myself searching for Kel in their house. Sure kasing nasa Zapote na siya at balik siya sa flat para mag-asikaso ng guest.

I got his number. I knew his social media accounts. But I didn't even try calling him again or sending him a message.

Ayokong sa akin magmula ang first random conversation namin nang hindi kami magkaharap. Sa call the last time, it was needed kasi utos ni Daddy Coco. But I prevented myself from calling again dahil lang miss—

Wait. Erase that.

Siya dapat ang nakaka-miss sa 'kin kung talagang may gusto siya sa 'kin.

May gusto ba siya sa 'kin?

Paano kung wala?

Baka kaya hindi niya ako kinakausap . . . kasi wala naman pala talaga siyang gusto sa 'kin.

Si Nathan kasi, kinakausap ako dati palagi kahit wala naman kaming magandang pinag-uusapan.

Sasabihin lang niya parati, kaya niya ako kinakausap kasi gusto niya akong kausap—which did make sense, though. Of course, kaya ka nga kinakausap kasi gusto kang kausap.

So did that also mean na ayaw akong kausap ni Kelley?

May 3 nang makarating sa bahay via postal delivery ang voucher ko from Afitek and some details ng coverage ng pagiging scholar nila. Naisip ko tuloy na baka puwedeng ayain ko si Kelley na mag-apply ng scholarship kung saan working si Popsie para may discount din siya.

My voucher looked like a gift certificate. My name was printed on it bilang receiver. Attached doon sa envelope ang coverage ng voucher ko. Discount na 25% sa total ng matriculation fee ko, covered din ang ID fee, ang NSTP fee, and library access fee, and computer laboratory fee. The rest ng units na dapat bayaran, need ko pa ring bayaran. May pambayad naman ako since marami pang matitira sa debit card ko kahit mag-enroll ako ngayon.

I told myself na gusto kong si Kel ang maunang mag-reach out sa 'kin. Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa utak ko na gusto ko siyang mag-reach out sa 'kin pero hindi ko man lang in-install ang Messenger ko.

Nag-uninstall ako para lang hindi ako maasar nina Gigi na laging online daw pero hindi naman ako sumasagot.

Hindi active ang Messenger ko at binuksan ko lang uli para makapagtanong sa mga classmate ko kung nakapagpa-evaluate na sila. Saka ko lang nakita ang lahat ng unread messages ko from Kel after I activated my fucking account.

April 21
Hi Nalani
Nag-drop by lang ako to say na wag ka nang magworry about my tuition fee. I can handle it.
Pasabi sa daddy mo, it's nice to meet him.

April 22
Hi Nalani
May sched ka na ba?

April 23
Hi Nalani
Nakita kitang online kanina
I tried to call you kaso busy yung line

April 24
Hi Nalani
Wala pa rin sched?

April 25
Hi Nalani
Nag-ask ako kay Tita Kit
Wala ka pa daw voucher
Wait na lang ako sayo

April 26
Hi Nalani
May tryout sa volleyball team
Interested akong mag-try today
Share ko lang hehe

April 27
Hi Nalani
Naka-hold ako ngayon sa tryout, but not yung kahapon. Interested daw si Coach Timmy na kunin ako sa basketball team.

April 28
Hi Nalani
Tumawag ako kay Mommy
May delivery ka pala today
Nakapasok ako sa volleyball team
OK na yung scholarship ko
Morning class pinapakuha sa'kin ni Coach France
Morning tayo diba?

April 29
Hi Nalani
Wala ka ba sa bahay?
Ask ko lang. Sarado kasi gate nyo

April 30
Hi Nalani
Dito na ko sa flat
Baka kasi dumaan ka sa bahay
Nag-call ako kanina busy yung line mo
May delivery ka ba today?

May 1
Hi Nalani
Si Coach na kumuha ng sched ko
Sorry talaga. Urgent daw yun eh
Samahan na lang kita sa enrollment

May 2
Hi Nalani
Inactive ka ba dito o galit ka lang?
Galit ka ba?
May ginawa ba ko?
Sorry na
Sabi ni Mommy ok ka lang naman daw
Call ako wait
Busy ka ba?
Bat walang ring?


SHEEEEET!

Nagmamadali tuloy akong tinawagan siya. After ng tatlong ring saka niya sinagot.

"Hi, Kelley! Sorry, ngayon lang ako nakapag-reach out! Sorry talaga . . ."

"Hindi ka na ba busy?"

"Hindi. Hindi naman na. May schedule ka na? Sorry talaga, ngayon ko lang nabasa mga chat mo. Inactive kasi ako sa Messenger, wala naman kasing pasok."

"I thought so."

Then I heard a voice of a girl. Para akong biglang kinidlatan nang makarinig ng malakas na tili.

Napaupo ako sa sofa nang manghina. Biglang nanginig ang mga kamay ko at natulala sa harapan.

"Uh . . . are you with . . . someone?" I softly asked.

[ Kuya, pa-picture po kami! 'Wag n'yo 'kong basain, pota! ]

"Wait po, ma'am. Don't drop the call, Nalani. Kukuha lang ako ng picture."

I instantly took a pillow beside me and screamed as loud as I could after realizing na nasa flat nga pala siya!

My face felt so hot. Nahiya ako sa sarili kong biglang nag-isip na may iba na siyang kasamang babae.

I held my chest. It was beating fast. My hands were shaking, and it felt like how I felt noong nalaman kong may Nathan-Vicky na pala without my knowledge.

Itinapat ko uli ang phone ko sa tenga at nakinig sa call kahit hindi pa ready si Kel.

[ Dito ka! ]

[ Jerome! 'Wag kang makulit! Isa! ]

[ Si Lola! Saan na si Lola? ]

Kahit wala ako doon, feeling ko, ang chaotic ngayon sa flat nina Kel.

"Okay na po?" malakas na tanong ni Kel, dinig na dinig sa call. "Bibilang na po ako. One . . ."

It wasn't a Nathan-Vicky situation, though. It was far from that. Working lang naman si Kel at mukhang buong pamilya ang guests nila ngayon sa flat.

But thinking about him seeing other girls gave me unexpected anxiety.

"Hey!" Kel went back. "Um, where were we?"

"Busy ka yata, Kelley."

"No! Okay lang. Bantay lang naman ako ngayon sa pool. Ang dami kasing bata. Kanina pa sila nagtatalunan sa slide."

"Do you want me to call later?"

"No, it's okay. Na-miss kita."

"Luh?"

I grabbed the pillow on my lap and slightly screamed before I went back to the call with a full smile.

"Di kita miss," sabi ko na lang . . . kahit gusto kong sabihing same.

"Sad naman. Ako lang pala nakaka-miss sa 'yo. Pero okay lang. At least, you call pa rin. By the way, si Coach France pala yung kumuha ng sched ko. Need kasing align sa training ang free hours ko. Puro morning class."

"Sabi mo nga sa chat."

"Wala pang 5 pero enroll ka na. Para same tayo ng morning. Baka kasi ma-full yung morning class, mapunta ka na naman sa night class. May copy na 'ko rito ng schedule, samahan kita kumuha ng sign ng mga prof."

"Today ba? Busy ka yata, e."

"Um, yeah . . . siguro, tomorrow? Sabihin ko kay Tita Cielo, sila muna magbantay ngayon dito sa flat. Diyan lang naman sila sa harapang bahay. Mauna ka na sa school bukas, magpapaalam lang ako dito, then puntahan na kita."

"Tomorrow, ha? Sure ba?"

"Yes. Morning siguro para wala masyadong pila."

"Okay, sige."

"Drop ko muna 'tong call. Nagka-cartwheel yung mga bata dito sa poolside, baka mabagok kasi. Call ako mamayang 7 p.m. okay lang?"

"Yeah! Sure. Work ka muna."

"All right. Bye."

I picked up the pillow once again and yelled so loud.

Shocks! Oh my god, bakit kinikilig ako?!


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top