Chapter 16: Open


Kel said he was turned on. My face was melting. I had my heart beating fast. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Gusto mong umuwi na 'ko?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka na ba comfortable?" casual niyang tanong.

"No—not—I mean, hindi naman sa . . . hindi . . . ano."

MY GOD! Naba-blank ako!

"Um . . ."

"Hindi kita pupuwersahing mag-stay. Okay lang kung doon ka muna sa inyo," sabi niya kaya napakamot ako ng palad. "Pero wala akong gagawing kahit na ano. Dito lang ako. We can still talk."

Torn ako kung uuwi o hindi. Ilang pagbuga ng hininga at pagtango, tinigilan ko na rin ang pag-iisip.

"Stay na lang ako dito. Nood na lang tayo ng movie," sabi ko na lang.

"I'm okay with that."

I had a sudden flashback because of what Kel said.

He was turned on.

It reminded me of Nathan asking me for a kiss on the lips. Walang paalam. Walang notice. He touched me on the chin and almost met my lips without asking me if I wanted to do it or not.

I didn't make a big deal out of it kasi hindi naman natuloy since nakalayo ako agad. We were inside the movie theater. He tried to do it in the dark.

Kel and I were in the same setup, the feeling was flashing back, but it wasn't as scary as I first felt it.

I was sitting alone on the wide sofa. Kel brought a plate of popcorn and chips. Doon pa rin siya nakaupo sa hiwalay na sofa. Kandong pa rin niya ang unan. And maybe that pillow helped a lot para hindi ako makaramdam ng intimidation.

The movie playing was Cars 1. The first installment of Lightning McQueen. We were on the scene where McQueen was flexing ka-chow at Sally.

I tried to shift my mind to the movie, pero hindi talaga ako matahimik.

"Kel?"

"Hmm?"

I stole a glance at him and picked up a pillow beside me so I could fiddle with it. "Um . . . hindi mo ba 'ko hahalikan?"

"Ugh!" Bigla niyang inubo ang kakasubo lang niyang popcorn.

"Hala!" Napatayo tuloy ako at mabilis siyang inabutan ng tubig. Pero tinanggihan din naman niya.

"I'm okay. I'm—I'm okay." Ubo pa rin siya nang ubo kahit nakabalik na ako sa upuan ko. "Ba't naman ganyan mga tanong mo? Nako-conscious ka ba sa 'kin?"

"Hindi naman," paliwanag ko. "Explain ko lang kung bakit ko natanong."

"Okay. Go on." Siya na ang kumuha ng baso sa center table saka uminom.

"Naisip ko lang kasi . . . si Nathan kasi . . . parang na-turn off sa 'kin no'ng hindi ko siya pinayagang i-kiss ako."

Bigla siyang napatingin sa 'kin habang nakaangat pa rin ang baso niya. "Um, okay? So . . . um?" Nagpunas siya ng bibig at sumunod ang mata ko sa basong ibinalik niya sa table. "Ano'ng connection n'on sa 'kin?"

"Wala lang. Kasi sabi mo, na-turn on ka sa 'kin. Baka ma-turn off ka rin soon. I mean . . . you get it." I shrugged.

He chuckled again and scratched his head. "Do you expect me to kiss you right now?"

"Hindi naman. Ang point ko lang, baka kasi . . . 'yon. Ma-turn off ka rin."

"I don't think so."

I was anxious about what his reaction could be, and all I got was his smiling lips and a confused face.

"Okay, explain ko lang," sabi niya. "I was turned on, okay, we're on it."

"Was. So, hindi na?"

Then he grinned at me, so I frowned.

"I'm not joking, Kelley."

"Fine," he surrendered. "I'm still turned on. You're still pretty. Although I know, hindi ka talaga nagdadamit ng kita ang balikat mo or anything. Sando siguro, yeah, I expected that. I expected na naka-sando or T-shirt ka lang and shorts. You, wearing light-colored clothes, are never on my bingo card, but I still appreciate na nagdamit ka ng ganyan. Ayokong isiping nagdamit ka niyan because of me kasi hindi ko rin gustong magsuot ka ng ganyan ka-girly na damit."

"Ayaw mo ba nitong damit?"

"No! No, I didn't mean that. I like you wearing comfortable clothes for you. 'Yang damit, kung feel mo, cute ka diyan, then okay? I get it. Pero mas gusto kong magsuot ka ng usual clothes mo."

"Okay . . ."

"And about do'n sa kiss . . . hindi ako matu-turn off. Saka bakit ako matu-turn off? Lumayo nga ako sa 'yo to avoid such things. Gusto kong samahan kita, pero wala sa intention ko na halikan ka or what."

"So . . ."

"Hindi 'yon sa ayokong halikan ka at all. Hindi ako yung ex mo. Kung na-turn off siya kasi hindi ka pumayag na mahalikan ka niya, then it's him. Hindi ko mindset ang mindset niya. If some guy forced my mom to kiss him, I'd be in jail. So isipin mo na lang na gano'n din ako sa 'yo."

Natahimik ako. I somehow felt disappointment kahit alam ko namang hindi ko fault na mas gusto ni Nathan maging horny after naming maging eighteen.

Kaya nga thankful ako na nag-break kami. But I couldn't shrug off the fact na hindi ko alam kung ano'ng puwedeng isipin ng ibang guy about me once I said no.

Popsie said no is no. Daddy Coco said they should accept my no as it is. Naynay said my no will always be valid, and so is my reason to punch them in the face once they don't accept that answer.

"You know . . ." I began. "I'm secure in myself. Pero minsan, naiisip ko rin na baka kung magsusuot ako ng parang mga sinusuot ni Vicky, baka mas maging appealing ako sa ibang ka-age natin."

"Pero gusto mo bang magsuot n'on for yourself?"

I sadly looked at Kel. I wanted to say no because I could wear whatever I wanted to wear.

"Naiisip ko lang naman. Hindi ko naman ina-attempt."

"Pero in-attempt mo ngayon."

Natahimik na naman ako. Akala ko naman kasi magugustuhan niya.

"Hindi mo kailangang mag-effort magpaganda," dagdag ni Kel. "Ang dami ngang may crush sa 'yo na ka-batch natin. Hindi lang makaporma kasi parang lagi kang galit sa mundo."

"Hahahaha!" Ako naman ang napahalakhak sa sinabi niya. "Parang hindi naman! Si Vicky nga yung lagi nilang pinapansin."

"Because some boys are just boys. Siyempre, mase-sexy-han sila kay Vicky kasi sexy ang sinusuot."

"Pati ikaw?" I grinned at him.

But he just cringed. "Part ako ng swimming team. Common sight na nga sa 'kin yung mga naka-bathing suit."

"Oh . . . yeah, sabi ko nga." Bakit hindi ko naisip 'yon? "Pero na-turn on ka sa 'kin."

Natawa na naman siya habang napapailing.

"May crush ka ba sa 'kin, Kel?" deretsahang tanong ko.

Natatawa siyang napatingin sa 'kin at napailing na naman.

"Wala kang crush sa 'kin?" ulit ko. "Na-turn on ka lang? Ano 'yon? Horny ka lang, pero hindi aggressive?"

"Ikaw? Wala kang crush sa 'kin?"

"Luh?"

Ang lakas na naman ng tawa niya. "Feeling ko, may crush ka sa 'kin, e."

"Feeling mo lang 'yon, Kel. Ikaw nga yung na-turn on sa 'kin, ako pa sasabihan mong may crush sa 'yo."

"Pero nagsuot ka ng labas balikat na damit kahit pupunta ka lang dito."

"Hoy! Nagsuot ako ng ganito kasi akala ko, maganda!"

"Maganda naman. Wala naman akong sinabing pangit."

"O, bakit ako sasabihan mong may crush sa 'yo?"

Natawa na naman siya. "Sige na nga, hindi na."

Lahat na lang, tinatawanan niya. Samantalang noong nasa school kami, napakasungit parati.

Saka hindi ko naman siya crush. Naisip ko lang magsuot ng ganito kasi baka magustuhan niya lang. Ako pa sasabihan niyang may crush sa kanya, e siya nga, nanlibre pa ng ilang libo sa lunch.

Ibinalik ko ang tingin sa TV. Nasa scene na si McQueen na sinusundo na siya ng trailer niya. Magsisimula na kasi ang Piston Cup kaya kailangan na niyang bumalik sa dati niyang buhay. Napaisip tuloy ako.

"Ask ko lang, Kel . . ."

"What?"

Nilingon ko siya. Kumakain pa rin siya ng popcorn. "Kailan application mo ng scholarship?"

"Hmm . . ."

Naghintay ako ng sagot niya.

"Um . . . hindi ko pa nasasabi kay Mama pero ayoko nang sumali muna sa swimming team."

Napaurong ako paharap sa upuan ko. "Hala, bakit?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "I don't know if aware ka. Nag-cost cutting kasi sila ng allowance for the varsity players ng ibang sports. Hindi nagalaw sa basketball and volleyball kasi may separate sponsors sila. The rest ng sports, from full scholarship, ginawa na lang nilang 15 percent, regardless kung mag-champion ka man or not. Before end ng sem, sinabihan kami na magpasa ng proposal for the sponsorship para lang may mag-full ng tuition ko."

Nalungkot naman ako para sa kanya. "Ayaw mong magpasa ng proposal?"

Napakamot siya ng dulo ng kilay. "Hindi naman 'yon tungkol sa proposal kaya ako nag-quit, actually."

"Tungkol saan?"

"The mere fact na kailangan pang maghanap ng sponsors means wala talagang support at all galing sa admin. Trabaho kasi dapat nila 'yan, e. And ayokong magsayang ng oras para makipag-compete if ibabasura lang din in the end ang effort ko."

"Pero sikat ka naman sa school paper."

Napatango naman siya. "The hype was there, pero pinupulitika pa rin nila. Babalik na lang ako kapag alam na nila kung paano mag-value ng athletes. I don't need to break a sweat for something na ia-undervalue lang din afterward. After all, hindi lang naman swimming ang kaya kong salihan."

Kel was serious, and his tone was very convincing and strict. This is the Kelley Mijares I knew inside our room. That serious guy who doesn't even care about anything at all aside from his priorities.

"Pa'no 'yon?" tanong ko. "Paano yung matriculation mo?"

"Sa ngayon, nag-iipon ako ng pang-tuition para puwede kong i-fully-paid pag-enroll. Ayokong mag-installment. Mas malaki ang babayaran."

"Hala! Tapos ang laki pa ng ginastos mo sa date—" Napaurong ako. "I mean . . . doon sa kinain natin . . ." mahinang sabi ko at napayuko. Sumulyap na lang ako sa kanya para makita ang reaction niya.

Ayan na naman siya sa mahinang tawa niya.

"It's okay. Treat ko 'yon sa 'yo."

"Puwede mo na 'yong pan-tuition," nakangusong sabi ko.

"Hindi na nga. Ako na bahala."

Nakokonsiyensiya na tuloy ako na pinagastos ko pa siya. Kaya siguro nagalit si Naynay sa 'kin na si Kel pa ang pinagbayad ko sa kinain ko.

Magkano na kaya ang tuition namin ngayon? For sure, mas madadagdagan ang 80k na tuition fee namin no'ng first year. Hindi pa kasama ang miscellaneous and other fees. "Kailan ka mag-e-enroll?" tanong ko na lang.

"Kaya nga tinatanong kita kung kailan, para sabay na tayo."

"Ah . . ." Napatango naman ako. "Gusto mo ng morning class? Okay lang ba sa 'yong mag-morning class ka? May training ka pa ba o wala na?"

"Nag-quit na muna ako sa swimming team. Kapag may sponsor na, saka na lang siguro ako babalik. But I doubt that. So, okay ako sa morning."

Sige, morning na lang kami. Sure naman akong wala na sina Nathan sa morning kasi gusto n'on ng panghapon or panggabing klase.

Kakausapin ko na lang siguro muna si Daddy Coco. Mangungutang muna ako ng 100 thousand para matulungan ko si Kel sa tuition fee niya.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top