Chapter 15: Good Morning
It was almost three in the afternoon. Kel parked my scooter in our carport. Pinanonood ko lang siyang ayusin ang motor ko sa blangkong garahe namin kasi wala pa ang kotse ni Popsie.
"I'll call my mom para alam niyang nakauwi na tayo," sabi niya.
"Diyan ka na ba talaga titira sa inyo muna?" tanong ko, pero pagngisi niya, parang gusto ko nang bawiin. "Nagtatanong lang!"
"Hahaha! I'll stay here in the meantime. Una na 'ko sa bahay."
"Thank you sa maraming libre today."
Nakangiti lang siyang tumango sa 'kin saka naglakad palabas ng carport. "Sabihin mo kung kailan ka mag-e-enroll. Sabay sana ako."
"Uh—" I was supposed to say something, pero hindi ko na itinuloy. Hindi kasi ako sure kung sino ang kasama kong mag-enroll ngayong second sem.
Last year kasi, si Popsie ang kasama ko sa first enrollment ko sa college. Sa second sem, si Kuya Chan-Chan naman. Siguro kakausapin ko muna sina Popsie kung puwedeng si Kel na lang ang kasama ko since sophomore naman na ako ngayong year. Hihingin ko na lang ang voucher ko sa kanila para ipasa sa accounting office.
Kel said he'd stay sa West pero nakailang silip na ako sa bintana ng kuwarto ko, hindi ko pa siya nakikita mula nang makauwi kami. Pero bukas naman ang mga ilaw sa kanila.
I even went out para silipin kung tulog ba siya or what, pero para lang akong timang sa gitna ng kalsada na pasilip-silip sa bintana ng sala nila.
Dinner time was when Popsie and Naynay got home. Magkasama sila sa kotse kaya baka sinundo ni Popsie si Naynay sa clinic.
"Magkano nagastos ni Kel?" bungad na bungad ni Naynay pagkakita sa 'kin sa sala habang nagwawalis ako.
"Hala! Gastos agad?"
"Kumain kayo sa steakhouse, di ba?"
"Oo nga po. Naynay, kakadating mo lang, e!" reklamo ko naman.
"Wala akong pakialam kung kakadating ko lang. Magkano? Baka sabihin ni Kendra, pinagagastos mo anak niya."
"Si Kel naman nag-offer! Payment daw niya sa pahiram ng motor ko."
"Hmp? Payment? Kulang ba yung bayad sa gas?" Namaywang si Naynay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Saka doon sa kinain n'yo, down payment na ng motor 'yon."
"Nagbayad naman ako ng 2k sa kanya!"
"Dalawang libo lang? Umorder ka raw ng barbecue ribs? Nasa pitong libo mahigit daw lahat ng kinain mo. Pandalawang tao pa!"
"Siningil ka ba ni Kelley?" kunot-noong tanong ko.
Bigla akong hinabol ng hampas ni Naynay. "Kung hindi ko pa tatanungin si Kel, hindi pa 'yon magsasabi. Ikaw! May sarili kang pera, kung sino-sino pinagagastos mo."
"Siya nga kasi nag-offer! Si Naynay naman, e!"
Tinuro niya ang mukha ko. "Ikaw, ha? Kung gagastos ka, may debit card ka,'yon ang gamitin mo. Si Kelley pa ang pagagastusin mo, may sariling gastos din 'yon."
Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi naman ako ang nag-offer na gagastos. Saka akala ko naman kasi, hati kami ni Kelley sa order ko.
Papunta si Naynay sa kitchen nang magpasabi ako. "Naynay, sama daw po kami ni Kel mag-enroll."
Nilingon ako ni Naynay nang naniningkit ang mga mata.
"Sasamahan mo mag-enroll o sasamahan ka?"
"Sabay po daw kami," nakangusong sabi ko. "Magpapa-evaluate pa 'ko sa May 5, e."
Nagtaas ng kilay si Naynay pero mukha siyang nag-iisip.
"Matagal pa naman 'yan. Kausapin ko muna Tita Kendra mo. May lalakarin pang scholarship si Kelley. Yung voucher mo, ipapa-process pa natin kay Popsie. Hindi pa natin sigurado kung kailan mo makukuha 'yon."
"Okay po," matamlay na sabi ko.
Naynay looked skeptical. Ayaw niya yatang magsabay kami ni Kel. We were having dinner when Naynay asked about my delivery today—which was very weird kasi two years na 'ko sa delivery ng beauty products ng family namin. Hindi Cloverdale ang pinakamalayo kong biyahe. Kuya Chan-Chan and I went to Tarlac for delivery dati ng sabon.
"Okay naman po. Si Kel po nag-drive," I pouted.
"Itong Kel ba yung nagpunta rito na buhat si Chyna?" Popsie asked.
"Anak 'yon ni Kendra," Naynay explained.
"Anak ba 'yon ni Kendra? Akala ko, sa Zapote 'yon nakatira?"
"Nakatira din 'yan diyan sa tapat. Pero gabi na umuuwi kasi alam mo namang maingay ang mga guest doon sa kabilang bahay, hindi makapag-aral nang maayos ang bata," explanation ni Naynay.
I didn't know that.
"Nililigawan ka ba n'on?" tanong ni Popsie.
Nakanguso akong sumagot, "Hindi po."
"O, bakit parang malungkot ka pa?"
Nagulat tuloy ako. "Hala! Hindi naman!" Natulak-tulak ko tuloy ng tinidor ang kinakain kong chicken habang nakanguso. "Hindi nga kami n'on close."
"Hindi close? Talaga lang, ha?" biglang sabi ni Naynay tapos kinalabit si Popsie. "Nananghalian sila kanina, ginastusan siya ng pitong libo."
"Nalani!" sermon ni Popsie kaya napaderetso ako ng upo.
"Siya naman may gusto n'on, e! Sabi ko nga, hati na lang kami kasi marami naman order ko!"
"Ginawan kita ng sandwich para baon mo. Nandiyan pa rin sa ref hanggang ngayon yung almusal mo dapat kanina."
"Hala!" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Naynay. "Hindi naman siya nanliligaw! Saka si Naynay naman may gusto sumama si Kel mag-deliver!"
"Ang sabi ko, deliver. Hindi ko sinabing mag-steakhouse kayo," kontra ni Naynay sabay subo sa chicken niya.
Napakamot na lang ako ng ulo. Ayoko nang sumagot.
Hindi ko naman kasi ine-expect na maghihiwalay ng order si Kelley.
"Babayaran ko na lang kay Kelley yung kinain ko," kunot-noong sabi ko at nawalan na ng ganang kumain.
Natapos ang dinner at matamlay akong bumalik sa kuwarto. Tumingin uli ako sa may bintana ng kuwarto ni Kel. Nakabukas at may ilaw naman pero hindi ko siya nakikita mula sa kuwarto ko.
Gusto ko sanang sumabay sa kanyang mag-enroll, kaso hindi ko alam kung ano ang gagawin doon sa scholarship na sinasabi ni Naynay.
Naubos na lang ang gabi na ang huling kita ko kay Kel ay noong bumalik siya sa kanila matapos iparada ang scooter ko. Namatay na lang ang ilaw sa bintana niya nang hindi ko man lang nakita kahit anino niya.
The next morning came, and as usual, Popsie made breakfast for me. Pumasok na rin sila ni Naynay sa work nila. I checked the ref's door for the notes for today's delivery, pero isang note lang ang nakita ko galing kay Naynay.
Wala munang delivery ngayon. Kaka-dispatch pa lang ng mga stock sa branches. Initin mo yung almusal mo sa ref. May pangalan mo 'yon.
Wala naman silang ibang anak dito sa bahay, bakit need pang pangalanan lagi yung food container?
My morning wasn't as chaotic and noisy as my previous mornings. Wala akong work today, meaning wala rin akong sasahurin. But I'm sure na may daily allowance ako kahit wala akong work.
Lumabas ako ng bahay matapos kong initin ang breakfast meal ko. I sat on the porch, and my brain automatically searched for Kelley sa katapat na bahay. But the windows were closed. The wooden gate was locked.
"Sabi mo, diyan ka ngayon nakatira. Hmp! Liar."
Why do I believe him anyway?
My breakfast wasn't as tasty as I usually tasted it. The rice was bland. The tocino was making me feel disappointed for an unknown reason. But Popsie cooked this for me, and I should appreciate it. Sila ang may work pero nalulutan pa rin nila ako every morning.
It was almost eight in the morning, and the sun was reaching my feet on the porch. My food container was almost empty.
"Good morning!"
My head automatically turned itself to search for that familiar voice. There I saw Kelley on the sidewalk, walking with a lot of grocery bags in his hand.
Then there was me, smiling like a stupid dog, after seeing him.
"Namalengke ka?" malakas na tanong ko.
"Yeah! Walang laman ref namin, e."
"Akala ko, hindi ka na diyan nakatira!"
Natawa na naman siya nang mahina. "Wala ako sa kuwarto. Nanonood lang ako ng TV sa sala, baka hanapin mo 'ko."
"Hindi naman kita nakita sa sala n'yo!" Sa sobrang gulat ko sa sinabi ko, napatakip na lang ako ng bibig.
"Hahaha!" Tinawanan na naman niya 'ko.
Hmp! Baka isipin niya, stalker ako sa kanila.
"Wala kang kasama diyan sa inyo?" tanong niya.
"Wala! Wala akong work ngayon."
Tumango naman siya at dumeretso sa gate nila.
I was waiting for his answer, though. Akala ko nga, hindi na sasagot. Pero nasa pinto na siya ng bahay nila nang lingunin ako.
"Punta ka na lang dito kung gusto mo ng kasama," alok niya bago pumasok sa kanila.
OMG.
Mabilis kong inubos ang natitirang breakfast ko saka ako bumalik sa loob ng bahay.
I immediately washed the food container and ran as fast as I could paakyat sa room ko.
I took a bath earlier. Do I have to take a bath again?
I smelled my armpits. I didn't smell bad, though.
Pumasok ako sa bathroom. I grabbed my toothbrush and brushed my teeth. I checked my face. Wala naman akong existing na pimples. After brushing my teeth, naghilamos ako nang mabuti para hindi oily ang face ko. After sa bathroom, dumeretso ako sa closet.
"Hmm . . . what to wear?" Fuck, ano ba mga sinusuot ko kapag magkasama kami ni Nathan? T-shirt? Cargo pants? The fuck would I wear cargo pants?
I widely opened my double-door closet and searched for something cute—but damn! Since when did I wear something cute?
Tumakbo ako papunta sa kuwarto ni Ate Chewy. Siguro naman, mabango pa ang mga damit niya kasi nakauwi siya last time.
I opened her closet, and her clothes were neatly arranged according to the rainbow's colors. Sobrang laki ng difference ng closet namin. Prominent colors na yata sa 'kin ang black, white, gray, maroon, red, navy blue, and royal blue.
Ang daming cute clothes ni Ate Chewy, ang hirap mamili. Ano kayang gusto na damit ni Kel?
Humatak ako ng pastel blue blouse na off shoulder. It was puffy and frilly, and I looked like that thing—banderitas, that! But anyway, the color is cute, though. Then I took a white flowy skirt. It was . . . long. It almost reached my ankle. Hindi ako sanay magsuot ng ganito. I could wear something na below the knee, but the only clothes na nakakaabot sa paa ko kay jeans and pants. Dress? Skirt? Nah.
I went back to my room and checked myself. I looked like I had an accident with a washing machine, but I don't care. The colors were cute and light. I barely fixed my hair, but I tried putting on some cute butterfly clips na gift ni Tita Kendra for me. At least, and at last, magagamit ko na rin ang mga regalo niya for me.
I checked myself in the mirror.
"You look . . . too girly, bitch." Not my fucking taste, my gosh. Mukha na akong si Ate Chewy minus Popsie's face. Although tingin ko, kung same kami ni Ate Chewy na kamukha ni Popsie, baka mas cute ako. But my face was not cute. I looked like the snobbish daughter of a Yakuza boss.
But I think Kel is used to my face. At least I made an effort to look good today.
I showered my body with a mist perfume na gift din ni Tita Kendra. The smell was too girly. Not my type as well. But for the sake of keeping the cutie vibe, go na lang. My colognes smelled like I wanted a cat fight with all the bitches in the city.
I grabbed my phone and keys saka ako dumeretso kina Kel. Bukas ang gate nila kaya pumunta agad ako sa may pintuan saka kumatok.
"Kelley?"
Hindi agad bumukas ang pinto kaya sumilip ako sa may bintana.
"Kelley, busy ka ba?"
"Wait!" sigaw sa loob.
Bumalik ako sa may pintuan at naka-smile agad kahit hindi pa bumubukas ang pinto. After a few seconds of waiting, the door opened and Kel's face showed up.
"Hi!" I greeted.
He scanned my face and body, then my smile was instantly erased after he released a crisp laugh.
"Hahaha! What?!"
I gripped my phone with my left hand.
"Pinagtatawanan mo ba 'ko?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Sorry—" But still, he contained his laugh, and it began to offend me. "Bakit ganyan ang suot mo?"
"Uuwi na lang ako—"
"Wait! Wait! Wait!" He immediately grabbed my waist before I could turn around. "Sorry na. Nagulat ako sa butterfly clips."
"Bakit mo kasi ako pinagtatawanan, e gift naman 'to sa 'kin ng mama mo?!" Nagsalubong ang kilay ko nang tingnan siya sa mga mata.
Natawa na naman siya kaya pinalo ko siya sa balikat.
"Sorry na nga! Hahaha!"
"Nakakainis ka! Uuwi na lang ako!"
"Hindi na po, hindi na. Alisin na lang natin 'yang ipit kasi ano, e . . ." Tapos natawa na naman siya.
Nakasimangot lang ako sa kanya habang isa-isa niyang inaalis sa buhok ko yung clips.
"Bakit kasi naglagay ka pa nito? Maganda ka na nga kapag nakalugay, e." Sinuklay-suklay pa niya ang buhok ko mula sa gilid ng pisngi pababa hanggang ilalim ng dibdib. "Tapos ganito pa suot mo. Saan ka ba pupunta?"
"Dito."
"Dito?!" gulat niyang tanong. "Nagpalda ka tapos dito ka lang?"
"Bakit ba? Hindi ba cute 'to?" Iniladlad ko pa ang skirt na suot ko.
"Hahaha—" Nagtakip na naman siya ng bibig nang sumimangot ako. "Sorry po, sorry. Hindi lang siguro ako sanay. Hindi pa kasi kita nakikitang magsuot ng ganito."
"Hindi ba bagay?" malungkot na tanong ko.
"Hindi naman sa hindi bagay. Ano lang . . ." Tiningnan niya 'ko sa mukha nang natatawa pa rin. Nakakapikon na siya. "Nagsusuot ka ba nito palagi?"
Hindi ako sumagot. Obviously, hindi. Ni wala nga akong skirt maliban sa uniform ko.
Tumalikod na lang ako para sana bumalik sa bahay namin. Gusto ko nang hubarin ang damit ko.
"Sorry na, sorry na." Hinatak niya ang braso ko at ipinaharap uli ako sa kanya. Ang sama na ng tingin ko sa kanya kasi natatawa na naman. "You look cute and girly, but . . . I don't think . . . um . . . I know, hindi mo style 'to. And the . . . cologne or something? You smelled someone you're not. The butterflies? Hindi ikaw 'yan. Seryoso na. Saan ka pupunta?"
"Dito nga . . ." Malungkot akong yumuko.
"Bakit mo pala naisipang magganito?" Hinawakan niya ang ruffles ng bandang balikat ng damit ko.
"Uwi na lang ako."
"Hindi nga. Tinatanong lang, e."
Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Na akala ko, magugustuhan niya 'to kaya ako nagbihis nang ganito? Napapahiya na nga ako rito.
"Uuwi na 'ko. Doon na lang ako sa bahay."
"Sige na, dito ka na. Hindi na 'ko tatawa." Hatak-hatak na niya ang braso ko papasok sa bahay nila. "Exposed pa balikat mo. Paano kita hahawakan niyan?"
Nagulat tuloy ako at nalingon siya nang sobrang OA. "Hahawakan mo 'ko sa balikat? Why?"
"Hahaha! Sige na, upo ka na diyan sa sofa. Gusto mo ng juice?"
Naupo naman ako sa sofa nila. Nasa gitna 'yon ng bahay. Ang layo pa sa bintana. Ang kaharap ng bintana nila na sinisilip ko kahapon, yung shelf na puro trophy niya saka medal.
Pag-upo ko sa sofa, amoy na amoy ko si Kel doon. Amoy men's cologne na woody and good-looking guy.
Kulay puti lahat ng upuan nila rito tapos kaharap ang flat screen TV. May glass table sa harapan ko at doon ko saglit na inilapag ang phone ko.
Ang lawak dito sa bahay nila kaso parang malungkot. Patay ang ilaw pero maliwanag naman kahit paano kasi tumaas na ang araw. Mula sa puwesto ko, natitingala ko ang corridor sa second floor. High ceiling sa sala at may nakasabit na pendant lamps malapit sa ibabaw lang ng mga sofa.
Naka-pause ang TV. Nanonood siya ng movie. Hindi ako sure sa title kaya nagtanong na 'ko. "Anong movie 'to, Kel?"
"Tenet. Time-traveling ang concept." Lumapit na siya sa 'kin at nilapagan ako ng juice sa kaharap kong mesa. Sinusundan ko siya ng tingin. Naka-sando lang siyang black at pambahay na shorts.
Nasa sofa ako na kasya ang tatlong tao, pero doon siya naupo sa single-seater na nasa gilid. Dinampot niya ang unang na may cream and brown chevron print at inilagay niya sa kandungan niya.
Para naman akong kindergarten na sinabihang mag-behave sa upuan. Straight na nakaupo at nakahawak ang mga kamay sa mga tuhod.
Sinubukan ko namang manood. Baka lang mabilis kong ma-pick up ang movie. Kaso puro usap ang nangyayari. Hindi ko masyadong kilala ang ibang bida maliban kay Edward Cullen na actor.
I tried digesting it, pero hindi ko talaga ma-gets ang flow. Siguro kasi hindi ko nasimulan.
Kel was focused on the TV. Nagsisimula na akong makaramdam ng awkwardness. Ang tahimik lang niyang nanonood.
Hindi naman sa ayokong tahimik siyang manood pero para lang talaga akong pumasok sa bahay nila, and that was all.
"May gusto ka bang panoorin?" tanong niya.
Tumikom ang bibig ko saka umiling. "Wala naman. Go lang. Nood ka lang diyan."
"Okay ka lang ba diyan sa puwesto mo?"
Mata ko lang ang iginalaw ko pagtingin sa kanya sabay iwas din at tingin sa kung saan.
Obviously, hindi ako okay. Feeling outcast ako kahit kaming dalawa lang ang nandito.
"Sorry, ayoko munang tumabi sa 'yo," biglang sabi niya kaya nakagat ko ang labi ko saka napayuko. Napatango na lang ako para sabihing nage-gets ko kung bakit.
"Pangit talaga yung suot—"
"You look pretty, though."
Napasulyap ako sa kanya. Parang may something sa lalamunan ko na sobrang hirap lunukin.
"Ayoko munang tumabi sa 'yo because that's a bad idea."
"Mabaho ba 'ko?" tanong ko naman.
"Hahaha! No, of course, not!"
"Pinagtatawanan mo na naman ako." Tinusok-tusok ko na lang ang tuhod ko. Parang ayokong tumayo muna. Parang nanghihina ako sa sobrang disappointment.
"Hindi naman—" Napatingin ako sa kanya pagbuntonghininga niya. "Ayoko talagang tabihan ka ngayon, sorry. Hindi 'yon sa hindi ka mabango or what." Itinuro niya 'ko gamit ang palad niya. "You're . . ."
"Ugly? Hindi ba bagay sa 'kin ang pastel?"
"No. Maganda ka, okay? You look nice. You smell nice. You're showing some skin. Though, I saw more than that no'ng nag-swimming kayo sa kabilang bahay, but—" Kanina pa niya hindi matapos-tapos ang sinasabi niya.
"Gusto kong samahan ka," dagdag niya. "Pero ayokong tabihan ka. But don't get me wrong."
"Naligo naman ako—"
"You're turning me on. There."
My jaw dropped.
"May gusto kang movie? Check ko lang yung catalog. Baka may magustuhan ka."
The fuck did I just hear?!
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top