Chapter 14: Lunch Date
Lunchtime, and Kel brought me to a steakhouse kasi fault ng barber shop ang biglaang craving ko sa Texas roadhouse steak.
It was a bit crowded. As much as we wanted to choose a table for two, wala nang available, so ibinigay sa 'min ang isa sa mga table for four nila and sila na raw ang bahala sa ibang customer. May mga table na naka-reserve and pinagamit na rin nila sa iba habang wala pa yata ang mga nag-reserve ng mesa. May mga empty table pa rin, yet pangmaramihan na kasi kaya pinaghintay na lang muna sa waiting list ang ibang customer.
Pag-upo namin, binigyan na kami ng menu. And before ordering, nagbigay na agad ako ng disclaimer kay Kel.
"I eat a lot. Huwag kang ma-shock."
"Okay," he shrugged.
Okay means okay. Moving on.
"I'll have a ceasar salad, grilled barbecue baby back ribs, fettuccine, mashed potatoes, and vanilla ice cream. Cold Acqua Panna lang ang drinks, no ice," I told the waiter, then I faced Kelley. I loudly whispered, "Gusto mo, hati na lang tayo? For two naman yung ribs."
Tinawanan lang ako ni Kel bago niya tiningnan ang waiter na kumukuha ng order namin. Mukhang naghihintay rin na sabihin naming maghahati kami sa order ko.
"One shrimp cocktail, jumbo lobster, steamed Japanese rice, and two lemonade."
Ang dami niyang inorder! Wala akong budget! Akala ko, maghahati kami sa order ko. OMG.
Pag-alis ng waiter, ang facial expression ko, parang nakaamoy ng maasim.
"Hanggang 2k lang ang budget ko," mahinang sabi ko kay Kel.
"It's okay. May pera naman ako. Nagde-date ba tayo?"
"LUH?!"
Natawa siya nang mahina.
"Huy, hindi, a!" depensa ko agad, nanlalaki pa ang mga mata.
"Then ayokong kaharap ka kung hindi naman tayo nagde-date."
"So . . . saan ako?"
"Lipat ka na lang—ay, 'wag na. Ako na."
Tumingala ako para sundan siya ng tingin. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko nang tumabi siya sa 'kin.
"Para ako ang nasa aisle," sabi niya sabay ngiti sa 'kin. "Now we don't look like we're dating."
Nakalingon ako sa kanya pero ang mata ko, napatingin sa itaas. Hmm . . . may point naman.
"Okay," sabi ko na lang at tumingin sa harapan naming blangko. Mas okay for me, hindi nakaka-intimidate kumain lalo't ang dami kong inorder.
Ipinatong ko sa balikat niya ang kaliwang siko ko saka ako naghimas-himas ng baba. "Magkano na lang kaya matitira sa pera ko?"
"Magbayad ka na lang ng 2k, then I'll pay for the rest?"
Nilingon ko siya. "Sure?"
Nakangiti naman siyang tumango. "Yeah."
"Baka maningil ka, ha?"
"Nope. Ambag ka na lang ng kahit magkano, ako na magbayad sa matitirang kulang."
"Sure talaga, ha?"
"Oo nga."
"Bakit ang bait mo ngayon?"
Natawa na naman siya nang mahina. "Isipin mo na lang na payment ko 'to sa pagpapahiram mo ng motor mo papunta kina Tita."
"Oh . . ." Yeah, right. Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip 'yon? "May Raptor ka, sabi ng tita mo. Bakit hindi mo ginamit?"
Nakalingon lang ako sa kanya, inaabangan ang isasagot niya.
"Mas mahal ang gas ng Raptor kaysa scooter mo. The gas is on me, remember?" sagot niya, hinamon pa 'ko ng tingin.
"Mas mahal ang baby back ribs ko kaysa sa gas. Nagtitipid ka ba talaga?"
Sinukat ko siya ng tingin. Nginitian lang niya 'ko habang nagkakamot ng sentido.
"Gusto mong bawiin natin yung order natin?" tanong na lang niya.
Napanguso ako. "Sige, hayaan mo na nga. Baka niluluto na 'yon sa kitchen."
Aabutin pa raw nang ilang minuto bago mai-serve sa amin ang order namin.
"Saan ka pala nakatira ngayon?" tanong ko kay Kel habang binibilang ko ang strands sa dulo ng buhok ko.
"Sa flat."
"Doon ka na talaga titira?"
Bigla siyang natawa na naman kaya binangga ko agad ng kaliwang braso ang kanang braso niya. "Umayos ka."
Lalo pa siyang natawa sa reaksiyon ko. "Nasa flat ako kasi may work ako do'n."
"Lifeguard slash all-around boy? Ano 'yon buong summer?"
"Ngayong week, wala munang guest kasi lilinisan ang pool and papalitan din ang paint saka maintenance ng buong bahay. Open uli kami sa May 1."
"Ah, so doon ka muna sa West?"
Nakangiti na naman siya nang lingunin ako. "Na-miss mo ba 'ko?"
"Hoy! Nagtatanong lang ako. Grabe siya." Ngumuso ako at pasulyap-sulyap sa kanya habang nagkukutkot pa rin ako ng dulo ng buhok.
"Hindi mo 'ko na-miss?"
"Luh?" Saglit akong sumulyap sa kanya bago nag-iwas na naman.
"Ang angas mo naman, hindi mo 'ko na-miss."
"Itsura mo, Kel."
"Hahaha!" Ayan na naman siya sa tawa niya. Lahat na lang, tinatawanan niya. Hindi naman siya palatawa sa school. May sayad na ba siya?
Busy ako sa pag-ikot-ikot ng dulo ng buhok ko nang kalabitin ako ni Kel.
"Hmm?" Nilingon ko siya.
"Update daw, sabi ni Mommy." Napatingin ako sa phone niyang inilayo niya sa 'ming dalawa. "Smile."
Nag-smile naman ako.
"Isa pa. Ang layo mo naman," sita niya.
Tumabi ako sa kanya at inakbay ko ang kaliwa kong braso sa balikat niya. Ngumiti uli ako saka niya pinindot ang capture button.
"Ano sabi ni Tita Kendra?" usisa ko.
"Nagtatanong kung nakauwi na ba tayo. Sabi ko, magla-lunch muna tayo bago umuwi."
"Bakit need ng selfie?"
"Ayaw yatang maniwala na magkasama pa rin tayo."
Sinilip ko ang mukha niya. Tutok kasi sa phone. "May iba ka pa ba dapat na pupuntahan?"
"Of course, wala. Nagtatanong din daw si Tita Kit kung iniwan mo ba 'ko rito sa Laguna. Ayaw mo raw kasi akong isabay kaninang umaga. Napilitan ka lang."
"Huy, grabe naman! Hindi kaya! Inabangan pa nga kita sa gate ng West! Napilitan ba 'yon?" Nakisilip ako sa phone niya para makita ang ginagawa niya. "Sabihin mo kay Naynay, magkasama pa rin tayo."
Pinanood ko siyang mag-type ng sagot sa chat. Kausap niya nga si Tita Kendra.
Wala naman siyang ibang sinabi sa mommy niya kundi "Waiting na lang po sa lunch, Mom." Tapos sent ang photos naming dalawa pati ng lugar kung saan kami kakain.
I noticed na nao-occupy na ang ibang naka-reserve na table. Marami-rami na ring nakaalis na customer na nauna sa 'min. I see no reserved tables available, so I guess this place is already full.
Dumating na ang order namin at nagki-cringe na 'ko sa dami ng naka-serve sa table. The first two plates were okay, until they placed another ceramic bowl, and another plate again, and another bowl again. The whole table was full, and may order pa raw kaming naka-hold sa kitchen. The thing was that apart from baby back ribs, hindi ko na matandaan ang iba ko pang nabanggit na order. So there.
"Where are my ribs?" I asked in the air, looking for the baby back ribs na kine-crave ko kanina pa.
"Eat your salad first, I guess?" Kel said, and I thought, salad? Did I order a salad?
Whatever.
I clasped my hands and prayed briefly. "Lord, thank you for the food we have on this table."
I took my ceasar salad. And . . . I'm not really a salad person, bakit ko ba inorder 'to? Inisip ko bang para 'tong macaroni salad or something?
Kel got his cute shrimp cocktail na nasa martini glass and may dip na tomato whatever sa gitna. My salad was full of greens! My god, I can't release my inner goat today!
"Kel . . ." sumbong ko sa kanya.
"What?" tanong niya at papasubo na ng isang hipon.
"Ang daming ano . . ." Pinagtutulak ko ng tinidor ang mga . . . I dunno? Lettuce? Cabbage? "Ano 'tong brown?" I poked that brown thing and put it in my mouth. "Is this salmon?"
"I think that's crouton," Kel said.
"Lasang cheese. Garlic bread? Not good for the mouth. Baka ma-bad breath ako." Tumusok pa ako ng isa at itinapat sa bibig ni Kel. "Kumain ka nito para same tayong bad breath. Para hindi mo 'ko sisisihin kung smelly ang helmet ko."
"Hahaha! You're not a good accomplice." But he still ate it. "Masarap naman. But if you don't like it, take the shrimp. Ako kakain niyang gulay."
Ipinaling ko ang mukha ko pakanan saka sinilip ang mukha niya. "Kumakain ka ng gulay?"
"Of course. Part ng diet."
"Ay, oo nga pala. Nagpapa-muscle ka nga pala."
He chuckled again. He was always chuckling for no clear reason. Ano kayang tinatawanan niya lagi? Curious na 'ko.
He took my plate full of greens, although I still offered to eat some leaves para maubos naming dalawa ang order ko kasi sayang. Nai-imagine ko tuloy si Daddy Coco na pinapagalitan ako for wasting food, especially veggies.
I dipped the leaf in the tomato dip, and it was okay. Not the best tasting dish ever, but better than bland tasting veggies.
"Masisira ko ba diet mo 'pag pinakain kita ng baby back ribs?" tanong ko agad sabay subo ng shrimp na order niya. "Kaya pala lobster ang order mo. Dapat ni-remind mo 'ko agad."
"It's okay. Kayang tunawin 'yon sa swimming."
"Swimming?" tanong ko pagtingin sa kanya. "Hindi sa pull-ups?"
He chuckled again. "Pinanonood mo talaga akong mag-pull-ups?"
Mahina kong sinuntok ang braso niya. "Magsara ka ng bintana para hindi kita nakikita. Tse."
"Hahaha! I'll let you watch me do my pull-ups."
Ang bilis talagang kumain ni Kel. Nakakadalawang malaking dahon pa lang ako ng lettuce, ubos na niya ang salad na hindi ko bet.
"Do you even chew food?" I asked him. "Daddy ko, hindi kasi mabilis kumain. But my mom does. My Daddy Coco eats fast too. Kuya Chan-Chan eats fast. Do you guys always eat fast?"
"Because we just eat when eating kaya mabilis," he replied. "Baka kaya matagal kapag babae ang kumakain kasi sine-savor pa ang food. Tapos magmumuni-muni pa.
Tapos magsasalita pa about the food itself or anything na puwedeng i-topic."
"I'm just talking about the salad." I gave him a glare.
"Kaya nga po. Kung kain, kain lang kasi. Kayo kasi, multi-tasking pa."
"I'm just talking about the salad, duh?"
"Kita mo 'yan." Itinuro niya ang hipon na hawak ko. "Kanina pa 'yan sa kamay mo. Paano mo mauubos 'yan agad?"
"Grabe! Eto na nga, kakainin na."
Ubos na ang salad, may mga shrimp pa rin, when in fact, seven shrimps nga lang ang nasa cocktail, kinain pa niya ang isa.
Hindi pa ako ubos, dumating na ang lobster niya at baby back ribs ko.
And the fuck! Ang dami! Isang buong ribs? Like . . . six? Seven? Eight bones ang nakikita ko?
Kaya ko naman sigurong ubusin, pero . . .
Paglingon ko kay Kel, natatawa na naman siya nang mahina.
"Bakit ba tawa ka nang tawa?" naiiritang tanong ko.
"Sure ka, mauubos mo 'yan?" nakangiting tanong niya. "I mean, can you? No sarcasm meant."
I pouted at my baby back ribs. I think I can eat it—it's one kilogram of meat and bones? So I guess, less than a kilos 'to if I'll remove the bones.
"We'll see," I told him. I pulled all the bones from the meat and cut it into thin slices.
"Sayang, walang rice—" Hindi ko natapos ang last syllable nang lapagan ako ni Kel ng rice na order niya.
Ngumiti agad ako sa kanya at nagtanong, "Akin na 'to?"
"Kung kaya mong ubusin, go. I'll take the mashed potatoes. Siguro half para may matira sa 'yo for the ribs."
"Thank you, Kelley!"
"Thank you, Kelley!" paggaya na naman siya sa maarteng boses sabay tawa.
Pang-asar talaga.
Paglapat ng karne sa bibig ko, kinikilig pa 'kong nag-bobble ng head kasi craving satisfied! Aaahhh!
Kasalanan talaga 'to ng barber shop.
"Masarap?" tanong niya.
Nakangiti akong tumango. "You like?"
"Eat that first. May lobster naman ako."
"Okay!"
I was enjoying my barbecue ribs. Kel was eating his lobster and occasionally dipping some strips and putting those on my plate para matikman ko naman ang order niya.
The sauce on the ribs is immaculate. I can't say anything but savory and heavenly.
Akala ko, hindi ko mauubos! But when I saw the almost clean plate after Kel wiped all the sauces with the lobster meat, I could say that I ordered the right meal for this lunch.
"Ang sarap kumain . . ." Kaso inaantok na 'ko.
Ibinagsak ko ang sentido ko sa kanang balikat ni Kel.
"Antok ka na?" tanong ni Kel paghinga ko nang malalim.
"Ang dami kong nakain." Nag-pout ako at humigop sa lemonade na hindi ko naman order pero sa 'kin na lang daw sabi ni Kel.
"May pasta ka pa."
"'Yoko na . . ."
Itinawid niya ang kanang kamay niya sa mukha ko at saka ako marahang kinurot-kurot sa pisngi. "Kung malakas kumain, huwag pa ring umorder nang marami. Yung kinain mo, serving for two, all meat pa. Busog ka talaga niyan."
Pasta na lang ang natitirang nasa mesa saka ice cream. Kahit kalahati ang mashed potato na itinira ni Kel for me, ang bigat pa rin sa tiyan.
"Ako na kakain nito," sabi ni Kel at inilagay na sa harapan niya ang pasta na order ko. Kaunti lang naman ang fettuccine alfredo na serving, pero carbs pa rin kasi.
Nakakaantok talaga, shet! Gusto kong matulog. Ang bigat ng tiyan ko.
Nakasubsob na ang mukha ko sa balikat ni Kel. Nakapikit na 'ko at yakap ang isang braso niya. Ang kanang kamay niya, nasa tuhod ko naman nakapatong. Left hand naman ang gamit niya pagkain.
Sinusubukan ko namang maging conscious pa rin pero nakakaantok talaga. Tapos yung kamay pa ni Kel, tina-tap ang tuhod ko. Tapos yung music sa loob, instrumental pa na mellow. E, di mas lalong nakakaantok.
"Inaantok na 'ko, Kel," reklamo ko na naman.
"Ano gagawin natin, ang layo natin sa bahay?"
Umungot lang ako at inuntog-untog ang noo ko sa kanto ng balikat niya. "Antok na 'ko talaga . . ."
"Gusto mong mag-hotel?"
Nagising ang diwa ko nang wala sa oras at napabangon mula sa balikat niya. "Hoy, ha?"
Natawa na naman siya. "Ayan, gising ka na. Okay na 'yan. Huwag ka nang mag-hotel, wala sa allowance natin 'yon."
"Hmp! Pang-asar ka talaga. Nagsasabi lang na inaantok, kung ano-ano na namang iniisip mo . . ."
Itong Kelley na 'to, kaduda-duda na talaga 'to, e. Hindi kaya may crush sa 'kin 'to?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top