Chapter 13: Haircut
Ang lamig ng hangin. Naka-leather jacket ako pero hindi ako masyadong naiinitan. There was a calming feeling sa biyahe namin ni Kel, and I couldn't point out where it was coming from. Kung dahil ba sa mga puno na mas dumarami sa bawat kilometrong inilalayo namin, o dahil hindi ako ang driver at comfortable ang puwesto ko sa likod ni Kel, o baka kasi compared sa city na sobrang polluted at maingay, hindi masyadong frustrating bumiyahe sa dinaanan namin since ibang ruta nga ang sakayan ng commuters.
The road wasn't as busy as that in Bacoor. After almost an hour of traveling, nakarating na kami sa Cloverdale.
We stopped in front of a white-painted house with hazelnut-colored roofing. The houses here were so many meters apart. Per block, isa hanggang dalawang bahay lang ang makikita tapos puro na damuhan. Maaraw kasi tanghali na pero hindi sobrang init. The subdivision was exclusive, and I understood why the houses were few.
"Puro lang ba 'to sabon?" tanong ni Kel.
Kinuha ko ang dalawang box sa loob ng top box at saglit na ipinatong sa upuan ng motor. But Kel took it.
"Ako na rito," sabi niya.
I could carry those boxes, though. Tig-three kilos lang naman. So six kilos lang 'yon. The three beauty sets were inside a paper bag para isang bitbitan na lang din, and eight to nine kilos lang naman ang kailangan kong buhatin. I could carry a sack of rice. Hindi naman ako gano'n ka-weak para magreklamo na mabigat ang binibitbit ko.
Tumayo kami sa harap ng maliit na brown gate. Hanggang leeg ko lang ang taas nito. I pushed the doorbell button, and we heard a slight ding inside the house.
I took my phone out. "Kukuha ako ng photo," I told Kel. "Proof of delivery lang."
"Sure, go on."
Lumabas sa pinto ng bahay ang isang mommy at nginitian kaming nasa labas.
"Good morning po!" sabi ko agad. "Delivery po ng beauty sets!"
"Hello! Ang aga n'yo naman. Akala ko, mamaya pang hapon." Her face was glowing and expensive-looking. No wonder, bumili pa talaga siya ng maraming set and box ng pampaganda.
Pagbukas ng gate, normally, iniiwan ko lang doon at sila na ang bahalang magpasok sa loob.
"Sorry, nagpa-deliver na 'ko ng door-to-door," sabi niya. "Normally kasi, pini-pick up ko lang talaga sa shop n'yo sa Promenade."
"It's okay po. Thank you rin po sa support sa business namin."
"You're so nice naman." Inabot ko sa kanya ang paper bag.
"Ma'am, kukuha lang po ng proof of delivery."
"Oh! Sure, sure."
Tinapik-tapik ko pa si Kel para patabihin kay Mommy Customer since siya ang may dala ng boxes.
"Done! Thank you po!" I slightly bowed.
"Ipasok ko na lang po sa loob para hindi na kayo magbuhat," alok ni Kel.
"Ay, sure! Salamat! Ang bait n'yo namang mga bata."
Si Kel na lang ang hinayaan kong pumasok sa loob, pero ibinaba lang naman din niya sa may pintuan papasok sa loob ng bahay. Hindi naman siya pumasok talaga sa bahay mismo.
"Thank you, dear! Ingat kayo sa biyahe!" paalam ni Mommy Customer.
My day's task is already done. Ito na 'yon. May commission na 'kong 700 pesos dito, and additional 300 pesos kasi lumampas na sa price ceiling ko for first 10 kilometers ang location. More than 33 kilometers din ang biyahe kasi kailangang umikot pa ng buong probinsiya para sa ruta.
"Okay na?" tanong ni Kel.
"Yeah. Doon na tayo sa pupuntahan mo."
The Sonoma was a few blocks away from my customer, so pagpasok namin sa panibagong subdivision, same setup pero huminto kami sa mas malaki nang bahay.
Ang sabi ni Naynay, tita raw ni Kel ang pagdadalhan ng insulin.
May carport din ang bahay kaya doon ipinarada ang scooter ko.
A lady na ka-age yata ni Tita Rex ang nagbukas ng gate sa 'min. She's Morena, and she's beautiful. She has a toothy smile and long black hair.
"Good morning po," nahihiyang bati ko.
"Good morning din. Hello."
"Tita, yung insulin ni Dave," sabi ni Kel sa tabi ko.
"Oh! Yes. Pasok kayo."
Do we really have to go inside? Akala ko, padala lang?
"Pasok kayo," aya ng tita ni Kel. "Pasensiya na, medyo makalat sa bahay namin ngayon. Naglalaro kasi si Dave."
Pagpasok namin sa malawak na sala nila, ang dami ngang nakakalat na laruan. I couldn't remember when the last time I saw a collection of toys na nakakalat sa sahig.
May mga building block, may mga children's book, may iba't ibang toy car at plushie. Nasa sahig ang batang nasa two or three years old yata.
May nakalatag na mat sa gitna at sinipa na lang ng tita ni Kel ang ibang laruan para makadaan ako sa sofa. Dikit 'yon sa dingding ng sala at ilalim din ng bintana na malapit sa pinto.
Dumeretso sa kitchen si Kelley. Tanaw siya mula sa puwesto ko pag-upo ko sa sofa. Doon niya inilabas sa may mesa ang mga laman ng insulin bag.
"Ang ganda-ganda mo naman . . ." Nalipat tuloy sa tita ni Kel ang tingin ko. Nakatayo lang siya sa tabi ko, bandang harapan na malapit sa anak niya. "Ang tangkad mo rin."
Nahihiya naman akong tumango. "Thank you po, ma'am."
"'Wag na ma'am. Tita Rose na lang."
"Ah, hehe. Okay po . . . Tita Rose." GOSH! Bakit ako makiki-tita?
"Ano name mo?"
"Chyna po."
"Chyna. Chyna pero mukha kang Japanese, 'no?"
"Hehehe . . ." I get that a lot.
Nag-iwas ako ng tingin para sana hindi na matanong, pero tinanong pa rin ako.
"Sa 'yo 'yong motor?"
"Po? Opo." Tumango naman ako.
"Sabi na, e. Si Kel kasi, hindi nagmo-motor. Ang gamit niyan madalas, 'yong Raptor."
Wow. Raptor. Ang alam ko, White na Explorer ang kotse nila.
"Coding ka ba ngayon, Kel?" malakas na tanong ni Tita Rose.
"Yes po," sagot ni Kel kaya ibinalik agad ni Tita ang tingin sa akin.
"Kapag coding ang kotse niyan, Grab talaga siya lagi 'pag nabisita rito."
"Ah, okay po . . ." Tumango lang ako kasi hindi ko alam ang isasagot.
"Ilang taon ka na?"
"Eighteen po. Magna-nineteen po sa December."
"Si Kel, kaka-nineteen lang nitong February. Mukhang malayo ang naging biyahe n'yo, ano? Gaano na kayo katagal?"
"Um . . ." Tama ba ang sentence construction niya? Hindi ba . . . gaano katagal ang inabot namin bago makarating dito? Gaano kami katagal sa biyahe? "Um . . . hindi naman po sobrang tagal pero . . . um, opo. Medyo—hindi naman po masyado. Saktong tagal lang po."
"Ah . . ." Tumango naman siya. "Nakilala mo na mama niya?"
Mabilis akong tumango. "Si Tita Kendra po ang nakisuyo na samahan ko po si Kel dito."
Biglang tumamis ang ngiti sa akin ni Tita Rose. "Si Kel, kuya ko ang daddy niya."
"Ah . . . okay po. Nakilala ko before si Tito Leyton bago po ano . . ." Pilit ang naging ngiti ko nang maalala ang last memory ko ng funeral ng daddy ni Kelley. "'Yon po. Pero naabutan ko po."
"Wow naman. Naabutan mo pa pala kuya ko."
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang hagurin niya ang buhok ko. LUH?
"Mabait 'yan si Kelley. 'Yan nag-aalaga sa mommy niya." Mula sa buhok ko, tinapik-tapik na niya ang likod ko. "Hindi siya nagdadala ng babae sa bahay kasi magtatampo talaga si Mommy niya 'pag may inuwi 'yan."
Ayun lang. Pero may girlfriend ba si Kel? Last year ko lang kasi siya nakita uli sa school. Malay ko ba kung taken siya bago mag-college?
"Okay na 'yan, Kel?" malakas na tawag ni Tita Rose.
Mukhang si Kelley pa ang nagpe-prepare ng gamot na dala namin.
Tinapik na naman ni Tita Rose ang balikat ko. "May diabetes kasi si Dave," kuwento niya tungkol sa batang naglalaro sa sala. "Sarado yung clinic ngayon na malapit dito kaya nagpatimpla ako ng gamot doon sa kakilala ni Kendra. Mahirap kasing maghanap ng premixed insulin dito. Talagang dadayo ka pa sa malayo."
I think she was talking about Naynay. Si Naynay lang naman kasi ang nagtitimpla ng gamot sa medical clinic para sa mga pasyente, especially yung mga liquid na gamot na ini-inject. Kaya nga sobrang strict din ni Naynay sa oras kasi may mga gamot na kailangang i-take sa specific na time. The rest ng pharmacist yatang kasama niya, dispensers na lang and sa cash register.
"Gusto n'yong mag-lunch dito?" alok ni Tita Rose.
"May work pa siya, Tita," sabad ni Kel. "Kagagaling lang namin diyan sa Cloverdale kasi nag-deliver ng package."
"Ah . . . okay. Hindi mo sinabi agad," patawa-tawa pang sabi ni Tita Rose at tinapik ako sa kaliwang braso.
"Okay na po 'yon, Tita," paliwanag ni Kelley. "Nasa tapat ng freezer yung naka-ready nang bote."
"Salamat, anak."
"Una na kami, Tita. Baka hapunin na kasi kami sa biyahe." Nagbeso si Kelley sa tita niya.
Pagtayo ko, nakatanggap din ako ng pagbeso kahit hindi ko naman intensiyon. Nanlaki ang mga mata ko at napapikit-pikit. Kinuha na ni Kelley ang kamay ko at pilit ang ngiting nagpatangay habang nagpapaalam kay Tita Rose.
"Ba-bye po, Tita. See you next time po," sabi ko na lang.
Hanggang makasakay kami sa scooter at makaalis doon, shocked pa rin ako!
Na-awkward-an ako kasi hindi ako sanay. Nakakakilala lang ako ng ibang relatives kapag kasama sina Naynay. Pero yung ako lang, wala talaga.
Parents nga nina Nathan at Vicky o kahit nina Gigi, hindi ako hinahawakan nang basta na lang. Hindi naman sa ayoko o na-offend ako sa ginawa ng tita ni Kel, pero ang weird lang kasi first time ko lang siyang makilala tapos parang malayong relative ako kung mam-brush ng buhok. Hindi ako sanay.
Akala ko, uuwi na kami. Pero two kilometers away lang kami sa malapit na mall, and Kel told me na magpapagupit daw siya.
Sabi ko pa, "Dapat nga. Hindi bagay sa 'yo mahaba buhok." Kasi mukha siyang homeless, so akala ko, sinabi lang niya 'yon kasi magpapagupit siya any time. Hindi ko in-expect na, as in now na.
"Seryoso ka, ngayon na talaga?" tanong ko pa.
"Oo nga. Saglit lang naman," sabi niya.
"Bakit kasama pa 'ko?"
"Do you wanna go home?"
Natulala ako at napaisip. "Uh— Hindi sa— I mean—Fine." Sumuko na lang ako. Ang barber shop na pupuntahan namin, nine steps away na lang mula sa nilalakaran naming daan sa second floor.
Pumasok kami sa barber shop na nasa loob ng mall. The place was full of men. Wood and old country style ang interior. Nagutom tuloy ako nang maisip ang Texas roadhouse dahil sa finish ng bawat display at wall decors.
"Hi, ma'am! Hi, sir! Haircut po?" bati ng lalaking nakasuot ng black T-shirt at khaki pants.
Hindi ako nao-awkward-an na ganitong ako lang ang babae sa loob at nasa sampu silang lalaki roon kasama si Kel. Maybe because I was surrounded by guys mula pa dati. From Kuya Chan-Chan to Kuya Rion and Kuya Rhy to Drake and Cody. Kaya nga rin wala akong girly activities.
Nagtatawanan sila sa loob ng maliit na barber shop. Compared sa salon, hindi ganoon ka-empty ang feeling sa loob kasi parang punong-puno siya kahit maluwag naman.
Kel wanted a haircut. Pinaupo siya sa brown leather reclining chair. I sat across from that. The brown leather sofa was cold, and I began to thank my jacket for keeping me warm.
"Ano'ng gupit n'yo, ser?" tanong ng barbero.
"Nalani, ano gusto mong gupit ko?" tanong din ni Kel kaya nangunot ang noo ko at kinuwestiyon siya ng tingin mula sa reflection ng salamin.
"Ay, kay bossing pala ang desisyon." Biglang nagkantiyawan ang mga tao sa loob kaya tuloy ang sama ng tingin ko sa kanila. "Ma'am, ano gupit ni ser?"
God, these guys.
I cringed at the barber and shifted my eyes to Kelley, who was playfully grinning from ear to ear.
"Yung poging gupit, Kuya," sabi ko sabay tingin kay Kel. "Ang sad naman kasi kung pangit na nga ugali tapos pangit pa gupit. Baka wala nang matira niyan sa 'yo."
"Oooh!" kantiyawan sa loob.
But Kel didn't look offended, natawa pa nga.
"Mukhang masama mood ni bossing," joke ng barbero. "Poging gupit daw ang request. Sige, poging gupit tayo, boss!"
I had no idea about haircuts aside from mullet na hairstyle ni Draco, mid-taper fade or barber's cut na gupit ni Cody, and eboy haircut na curtain bangs kay Kuya Chan-Chan. Saka bakit ba ako ang magde-decide ng gupit ni Kel, e buhok niya naman 'yon?
May dalawang customer na dumating at magpapagupit din yata. Tumayo ako at tumingin-tingin sa mga display nila sa loob ng baber shop. May graffiti sila sa dingding at ilang display na libro sa hanging bookshelf.
"Tangkad mo naman, ma'am," puna ng isang lalaking staff doon na hanggang leeg ko lang ang taas.
"May sports ka, ma'am?" tanong ng isang naka-black apron na nakaupo sa dulo, naghihintay yata ng customer.
"Basketball po," sagot ko.
"Kaya pala . . . ano height n'yo, ma'am?"
"Almost 5'8 po."
"Tangkad naman. Nag-aaral pa kayo, ma'am?"
Tumango naman ako. "Yes. Second year college this coming semester."
"College pala . . . saang school ka, ma'am?"
"Love," boses ni Kel. Napalingon tuloy ako sa kanya para malaman kung sino ang tinatawag niya. Taas-taas na niya ang phone na hawak.
"What?" tanong ko pa.
"Pahawak muna ng phone ko."
"May bulsa ka naman, ipapahawak mo pa sa 'kin," nakasimangot na sabi ko. "Akin na." Pero kinuha ko rin naman sa kanya dahil nire-razor na ang kaliwang side ng buhok niya.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya or what. Nakangiti pa siyang nag-abot ng phone niya.
I went back to the leather couch and crossed my legs. I was holding Kel's phone, and I unconsciously opened it, kasi ang utak ko, akala phone ko ang hawak.
May lock. His lockscreen was a chibi version of a swimmer with cute white goggles and waves around it.
Nate-tempt akong itanong ang pattern ng lock niya. Kaso baka sabihin, pakialamera ako.
Pero nag-try ako once, pa-Z, kaso nag-error. Hindi na ako nag-tempt, baka ma-lock ko nang di-oras ang phone niya.
May naupong staff na naman ng barber shop patabi sa 'kin sa cpuch. May bigote saka payat. Parang ka-age lang yata ni Ate LA, around 30s?
"Taga-saan kayo, ma'am?" tanong niya.
Nag-cringe na naman ako. "That's confidential information, Kuya."
Napahawak siya sa ilong niya at kunwaring nasaktan. "In-English ako ni ma'am! May nus is da bleed!"
Nagtawanan na naman sila sa loob.
There are really some guys who want to get your attention in any way possible. For me, wala namang kaso ang conversation, basta ba walang physical interaction na sobrang invasive na.
Tinatapik-tapik ko ang phone ni Kel sa hita ko at nagsisimula nang ma-bore. May tugtog naman sa loob ng barber shop. Hindi ko nga lang type.
Ipinatong ko ang siko ko sa sandalan ng couch. Nakatukod na ang sentido ko sa kamao habang nakatitig sa phone na hawak ko. Nakakatatlong hikab na nga ako, nakakaantok.
"Love."
Biglang umangat ang tingin ko para makita si Kel sa reflection sa salamin. Natatawa pa siya nang mahina habang nakayuko nang kaunti dahil inaahitan sa batok.
"Ano na naman?" mataray na tanong ko.
"Ano gusto mong lunch?" natatawang tanong niya.
Sumimangot muna ako saka nag-isip. Ano ba'ng masarap na lunch?
"Kahit ano," sabi ko na lang.
"Babae nga si bossing!" pang-asar ng barber ni Kel. "Kakain ng kahit ano. Kakain sa kahit saan."
Nagtawanan na naman sila sa loob.
"Gusto mo ng rib eye?" putol ni Kel sa tawanan ng mga taga-barber shop.
"Hmm . . ." Napaisip tuloy ako. "I'll think about it."
Lumipat ang tingin ko sa tabi ko kasi lumapit pa lalo si Kuya na tumabi sa 'kin kanina. Although, nakatingin naman siya sa phone niya, pero ang lapit na talaga niya. Almost half a ruler na lang ang layo niya sa puwesto ko.
"Love."
Napatingin na naman ako nang masama kay Kel. Kanina pa siya, nakakarami na.
"Phone ko," sabi niya.
Padabog tuloy akong tumayo. "Sabi na kasing ilagay mo na lang sa bulsa mo, e."
Inabot ko ang phone niya, pero buong kamay ko ang kinuha.
"Puwede ba siyang maupo diyan?" tanong ni Kel sa barber niya. Itinuro niya ang katabing barber's chair na walang customer.
"Puwede naman, boss," sabi ng barber.
Kinampay-kampay ni Kel ang kamay niya para utusan akong maupo sa katabi niyang puwesto. "Stay there. Malapit na 'tong matapos."
I sat on that empty barber's chair. And his phone? He didn't take it! Nasa kamay ko pa rin!
Naningkit tuloy ang mga mata ko sa kanya. Feeling ko, nananadya na talaga 'to si Kel.
Pero napansin ko agad na malinis na ang bandang tenga niya saka batok. Pareho na sila ng gupit ni Cody, mas makapal lang ang volume ng buhok ni Kel. 'Yon naman ang inaayos ng barber para kahit ginugulo-gulo, cool pa ring tingnan.
"Pogi na ba, ma'am?" nakangiting tanong ng barber sa 'kin habang inaayos ang top part ng buhok ni Kel.
Natatawa na lang si Kel habang nakatingin sa salamin.
Pinalo ko tuloy siya sa kamay na nakapatong sa armrest. "Tawa ka nang tawa, ipapa-confine na ba kita?"
Nagtakip na lang siya ng bibig gamit ang kamao niya para itago ang tawa niyang ayaw huminto.
"Ano'ng tawag diyan sa gupit niya, Kuya?" usisa ko.
"Barber's cut, ma'am. Pogi naman si ser, 'no?"
"Pa'no 'pag hindi pogi? May money-back guarantee ba?" biro ko.
"Hahaha! Balik din natin buhok ni ser."
Inalisan na ng black coat something si Kel at pinadaanan ng brush ang mga natirang buhok sa damit niya.
Pagtayo niya, nag-pogi pose pa siya pagharap sa 'kin.
"Okay na 'yan, magbayad ka na," sabi ko na lang at umalis na rin sa inupuan ko.
"Grabe naman po talaga."
Nagbayad siya sa counter, naghintay naman ako sa labas. Nakatanaw ako mula sa puwesto ko at pinanonood ko siya. Hindi talaga siya mukhang swimmer, lalo kung naka-letterman jacket. Mukha siyang varsity player ng basketball.
Honestly, I like Kel better sa short hairstyle niya. Mas nagmumukha siyang matangkad lalo sa gupit niya.
Saka ko lang naisip ang lunch. Parang gusto ko na talaga ng masarsang barbecue. Kasalanan talaga 'to ng varnish ng barber shop. Ginugutom na tuloy ako.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top