Chapter 12: Morning Hug
Sobrang thankful ako na one night lang ang itinagal ko sa flat nina Kelley. Wala na talaga. Kahit anong sabi ni Kelley na joke lang daw ang pag-yes niya sa tanong ni Gigi kung kami bang dalawa, hindi na talaga naniniwala ang mga ka-team ko.
Soooobrang thankful din ako na wala ako sa GC. Hindi na baleng magtsismisan sila basta ba wala ako doon para asarin nilang lahat.
Sobrang aga kong umuwi—sobrang aga means four in the morning. Wala nang tulog-tulog nang bumiyahe ako. Sobrang lapit lang naman ng bahay namin, wala pang thirty minutes, nakauwi na 'ko.
Akala ko, okay nang wala ako sa GC ng batch namin noong high school kaya ligtas na ako sa pang-aasar. Pag-open ko ng phone—boom! May bagong GC. Exclusive for me and my love life kuno with Kel, punyeta.
Doon nagwawala sina Gigi at pinaglalapag lahat ng napansin nila mula nang dumating ako at kahit noong wala pa ako.
I honestly waited for Nathan and Vicky's name to pop up sa lahat ng na-backread ko, but all I read were:
Ang hot ni Kel
Athletic body is
Ang sexy talaga ng Moreno
Sobrang sweet
Sobrang caring
Funny guy
Chill lang and sport
Ako lang yata ang magsasabing nakakabuwisit si Kel bilang tao.
Nag-mute ako ng notification dahil ayokong ma-feed pa nang sobra ang delusions nila na taken ako at si Kel ang boyfriend ko. Tapos na ang play time. Summer na, walang pasok, Kel lives somewhere far from West. Wala rin namang chance na magkita kaming dalawa, kasi maliban sa bintana ko, sa school ko lang din siya naaabutan.
For sure, may training siya.
Sure din na may work siya kasi bantay siya ng flat na pinarerentahan nila para sa mga gustong magbakasyon.
I see no reason for us to talk kasi, kahit nga sa school, sobrang rare naming mag-usap. Kung mag-usap man, wala pang three minutes, tapos na.
Mid-April, start na ng aking family "job" para kay Naynay. Bawal ang tamad sa bahay. Main rule ng family 'yon. If we want to have our own money, work. Kaya rin mas gusto ko sa Notre Dame mag-aral kasi may discount voucher ako galing sa Afitek. Discounted ng twenty-five percent ang tuition fee ko, kaya may extra akong pera if gusto kong gumastos for myself.
Nasa upper middle class lang naman kami. Working as a pharmacist si Naynay sa isang medical clinic. Si Popsie ay manager sa IT Department sa Afitek, and kanya galing ang voucher ko.
Sinasabi ng ibang friend nina Naynay na mayaman daw kami—that kind na mayaman na super yaman—kasi both grandparents ko nga raw, mayayaman daw talaga.
Gusto ko na ngang maniwala na one day, biglang ire-reveal nina Naynay na mayaman pala talaga kami at apo ako ng bilyonaryo at pamamanahan ako ng napakalaking amount ng pera—how I wish.
Nakakadalaw lang kami nina Naynay sa mga kumpare daw nila na mayayaman talaga, and they weren't really relatives kasi hindi naman kadugo. But yeah, my family wasn't rich enough para hayaan kaming nakatambay lang whole day.
Umuwi si Ate Chewy pero hindi ko rin naabutan kasi lumipat naman siya sa office ni Ahia Zhi sa Dapitan para mag-part-time job. Gusto ko sanang sumama sa kanya kaso gusto ko si Ahia as a person, pero ayoko siya as a boss. Ang higpit niya kasi. I dunno if it was a Chinese thing, pero dapat sulit na sulit ang ipapasahod nila sa tao kapag nag-hire sila. Ang effort mo, babayaran nila. Ang rest mo, hindi. It does make sense, but that also means, mapapagod ka talaga to earn money.
Ate wants to be there for the experience before the actual employment. Masipag naman si Ate Chewy, pero siya 'yon. My opinion about kasipagan is different.
Pero may work din naman ako, and my summer job right now is to deliver some goods na iuutos ni Naynay. Nakakapagod din, but if I want to rest, I can rest pero paid pa rin kahit paano. Hindi lugi.
Five in the morning, may tasks na agad akong nakalista sa isang leaf ng notepad. Naka-magnet 'yon sa ref at gagawin ko na lang. Ang payment ko ay naka-hold agad sa bank, and all I have to do is to send a proof kay Naynay na nakapag-deliver ako ng goods for the day. Automatically, mase-send na agad ang payment sa bank, then withdraw or use that sa e-wallet ko.
I thought, okay, normal summer job. I needed money. I wanted to buy a new set of decals for my scooter. I checked my task while eating my breakfast sandwich, then I saw the list:
2 mini boxes of Sabrina beauty soap.
3 packages of beauty sets.
Nakalagay sa ibaba ang pin location and exact shipping infos kung kanino ko ide-deliver. Then I saw a footnote saying: 9 a.m. ka na umalis. Sasama si Kelley, may delivery din siya. Kanya mo hingin yung pang-gas mo.
The what?
I immediately took my phone, called Naynay, and after the second ring, she answered.
"Hmm? Bakit?"
"Naynay, bakit kasama ko si Kelley?"
"Magde-deliver siya ng insulin sa tita niya."
"Magde-deliver pala, bakit kailangang kasama ako?"
"Nakisuyo si Tita Kendra mo na baka raw puwedeng makihiram ng motor para mas mabilis ang transport kasi naka-insulated bag 'yon. Alangan namang ipagamit ko kay Kel yung Vespa ni Chewy?"
"Pfft—" Mabilis akong napatakip ng bibig para magpigil ng tawa nang ma-imagine ko si Kelley na sakay ang cute pink scooter ni Ate Chewy.
"Kaya nga sabi ko, tutal may delivery ka rin ngayon, isabay mo na."
Nawala agad ang tawa ko. "Wala bang ibang service? Bakit sa 'kin pa sasabay? May kotse naman sila, di ba?"
"Ayaw mo ba?"
"Bakit nga kasi sa 'kin?!" dabog ko.
"Ano sasabihin ko kay Kendra? Mag-commute na lang si Kelley? Male-late ng dating yung gamot? Ikaw magsabi sa 'kin ng ipapasabi ko sa Tita Kendra mo."
"Hindi—" Napahimas ako ng noo out of frustration. "Malayo po ba?"
"Di ba, may delivery ka ngayon sa Cloverdale . . ."
"Opo."
"Sa Sonoma lang 'yon. Ilang kanto lang ang layo doon sa pagde-deliver-an mo ng sabon."
Napakamot na lang ako ng ulo. Malapit talaga. Walking distance nga lang kung tutuusin. Pero gets din naman na malayo ang Sonoma sa West. Nasa 33 kilometers din kasi ang layo tapos wala pang deretsong sakayan for commuters.
"Ano sasabihin ko sa tita mo?"
"Fine. Hintayin ko na lang si Kelley. Nandiyan ba siya sa kanila?"
"Kakaalis-alis lang niya rito sa clinic. Hintayin mo na lang diyan."
"Okay po. I'll update na lang pagdating niya."
"Nag-almusal ka na? Si Popsie, may ginawang sandwich pambaon mo."
Bigla akong tumingin sa mesa. Baon ko yung sandwich na kakaubos ko lang?! Shet!
"Initin mo na lang yung pagkain na nandiyan sa ref. Nasa clear container 'yon na may pangalan mo."
Mabilis kong binuksan ang ref sa likuran ko at hinanap ang container. Nakita ko agad sa ibabaw ng mga gulay. Rice meal, luto ni Popsie. Kaso busog na 'ko, shocks.
"Kita ko na po. Thank you po sa breakfast."
"Yes po, ma'am?" biglang sabi ni Naynay. "Ano hong sabi ni Doc?"
"Work ka na muna. Ba-bye, Naynay." Ako na ang nag-drop ng call kasi mukhang naistorbo ko si Naynay sa work niya.
Not that I didn't like to be with Kelley, pero kulang-kulang two weeks din kaming hindi nagkita. Wala siya sa West. Tahimik ang GC ng love team kuno namin kasi wala akong sinasabi kina Gigi. Wala rin naman akong sasabihin sa kanila, so I was expecting a stranger named Kelley today.
Since I'd be wearing my favorite black assymetrical cropped biker jacket, okay lang sa 'king mag-white cropped tank top. Nag-skinny jeans din ako and black leather boots. Nagbaon na lang ako ng scrunchie at umalis akong nakalugay ang buhok.
Malayo kami sa entrance kaya nga pinili kong mag-abang na lang sa bungad ng subdivision, just in case lang na dumating si Kelley, hindi na siya lalayo pa.
Normally, naka-saddlebag ako. But since dalawa kami sa scooter, nag-install na lang ako ng insulated top box tutal kasya naman doon ang boxes na ide-deliver ko.
And I was right. May dumaang UV malapit sa entrance. Lumabas mula sa back door si Kelley dala ang isang blue bag na hugis box. Naka-black and white letterman jacket siya na nakabukas ang mga butones, white T-shirt sa pang-ilalim, at black cargo pants.
I waited na mapansin niya 'ko sa entrance pero pagbaba pa lang niya, natutok na agad siya sa phone.
From afar, napansin ko agad na iba ang looks ngayon ni Kel. Probably because his hair grew thicker and longer na lumampas na sa nape and ears, and it resembled Draco's usual hairdo. Not that I didn't like that hairstyle for Kel. Hindi lang siguro ako sanay na mahaba-haba ang buhok niya.
Naglalakad pa rin si Kel. Hindi ako napapansin. Kaya paglampas niya sa puwesto ko, sinigawan ko na.
"Kelley!"
Biglang umangat ang mukha niya at lumingon-lingon. Pagtalikod niya, saka lang niya ako nakita. Nagtaas lang siya ng mga kilay at saka lumakad palapit sa 'kin.
"Kanina ka pa diyan?"
"Secret," pang-asar ko sa kanya.
Natawa naman siya nang mahina at itinago na ang phone niya sa bulsa ng pants.
"May delivery ka daw," sabi niya.
"Yeah."
Nate-tempt ang utak kong magsabi ng long time, no see. Kaso nga lang kasi, baka mang-asar na naman. The last time na nagkasama kami, nag-trip na girlfriend daw ako. Kakahupa lang ng issue na 'yon. Ayaw ko nang magatungan.
Civil naman siya ngayon. Trip lang siguro talaga niyang mang-asar kasi benta kina Gigi ang ginagawa niya.
Binuksan ko ang top box ko at kinuha ang isa pang open face helmet sa loob.
"Kasya naman 'yang box dito. Insulated din naman 'to para sa mga beauty set," paliwanag ko at pinag-uurong ang laman ng top box para may lugar sa insulin bag na dala niya.
"Naka-enroll ka na?"
Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "April pa lang."
Tumango naman siya at inilagay sa loob ng top box ang dala niya. "I'll drive."
Sumimangot ako. "At bakit?" mataray na tanong ko.
"Ako na mag-drive. Ayokong maupo sa likuran mo."
"At bakit?" ulit ko na naman.
"Basta."
Naningkit ang mga mata ko. Mukhang may binabalak 'to, a.
"I'll drive. My scooter, my rules," final na sabi ko at nauna nang sumakay.
Scooter ko 'to, duh? Saka siya ang nag-drive last time kasi injured ako, na fault din niya. Kaya nga ako pumayag noon.
Ako ang driver ngayon. Ako ang masusunod.
Sumakay na siya. His manly scent welcomed me back. The scooter lowered a bit as it carried his weight. The top box was there, hindi ako magwo-worry na bigla siyang tumalsik kapag nag-drive na 'ko.
I was fucking confident driving because my scooter wasn't a girly-girly scooter like Ate Chewy's Vespa. Cool biker girl ang arrive. But it took me five minutes and first half kilometer to understand why Kel wanted to fucking drive.
The top box made the space in my scooter's seat limited. I'm not a tiny petite girl. Kel's not a slim guy either. There were no enough space para sabihin kong umurong pa siya paatras kasi wala nang uurungan paatras!
Hindi ko masasabing reckless driver ako, but I don't drive like I'm an 85-year-old retiree. I did dirt bike racing when I was ten, and entered Motocross seven years ago. And retired early five years ago because study was my priority—same goes sa basketball era ko.
Hindi ko pa naman naririnig kay Kelley na nagrereklamo siya kung bakit puro ako cornering na halos ihiga ko na ang motor ko kada liko sa maluwag na kalsada.
His hands were kept on his long legs, but there were instances na kailangan niyang may makapitan lalo kapag lumiliko ako, so ang tendency, he'll touch a part of my body para masuportahan ang balance niya.
He touched my waist. He said sorry.
He touched my shoulder. He said sorry.
He attempted to touch my shoulder again, but fuck balance and my fucking left arm, it prevented him from touching my shoulder. So he slighty touched my left boob. He said sorry for the next few minutes.
Was touching my boobies the worst?
NO.
He was adjusting his seat position. I was adjusting my seat position. We had no other choice but to have skin-to-skin contact, and I could feel a huge bulge poking my fucking butt!
Ayoko namang sabihin sa kanyang "Kelley, can you push yourself away from me kasi yung sausage mo, tumutusok sa puwet ko."
My god! I could imagine Naynay laughing her ass off at hindi mapipikon kahit ganoon ang situation ko.
Of course, hindi siya magagalit because I could punch Kelley's face. But I wouldn't punch Kelley's face for the idea that he first offered to drive, and I was a hard-headed bitch who told him that my scooter, my rules.
I gave up.
Huminto kami sa isang gas station sa San Pedro para magpa-gas.
Nauna akong bumaba. Sumunod si Kelley kasi siya raw ang magbabayad ng gas.
I was thankful na naka-full face ang helmet ko, hindi makikita ni Kelley na pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. And even if nakababa na 'ko, nararamdaman ko pa rin ang contact ng katawan niya sa 'kin.
His hands touched my boob. His member poked my ass. His chest was on my back.
Wrong move, Chyna. And you can't blame the guy. You said no first, remember?
Nakatambay lang ako sa tabi ng motor ko habang naghihintay matapos magkarga sa tangke. Si Kel, pumunta pa sa convenience store ng gas station.
Pagbalik niya, inabutan niya 'ko ng isang bote ng Pocari Sweat. Kinuha rin niya sa kamay ko ang iniwan niyang helmet para sa kanya.
"Ikaw na mag-drive," sabi ko.
Bahagya siyang yumuko. "Ha?"
"Sabi ko, ikaw na mag-drive."
"Uh . . . hindi kita marinig nang maayos."
Gosh!
"Tsk!" I sighed and removed my helmet. The colder air covered my sweating face. "Ikaw na mag-drive."
I waited for his question na bakit siya na? Bakit hindi na lang din ako? O kaya sabihin niyang, "Sabi ko sa 'yo, ako na, e."
But all he did was looked at me, scanning my forehead down to every inch of my sweating and blushing face.
I looked like a fucking mess, and he was staring at it like he was searching for another thing that wasn't supposed to be on it.
"Ang pula mo. Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Napailag ako nang kaunti nang ilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Nahilo ka ba?"
I was fucking blushing because of your essence, bruh?!
"Gusto mo bang magpalit tayo ng helmet? Open face naman 'to. Para mahanginan ka," sabi niya at inalis na sa ulo ko ang helmet na suot ko.
Para tuloy akong batang pinagagalitan sa isang sulok na nakatayo lang doon at kurot-kurot ang takip ng iniinom ko.
"You should've told me na hindi ka okay para kanina pa tayo huminto," sabi niya at may hinugot na panyo sa loob ng bulsa ng jacket. "If you're not feeling well, sabihin mo agad. Baka puwedeng mag-stopover muna tayo." Then he wiped the sweat off my face using his hanky.
Sinuklay-suklay pa ang ilang hibla ng buhok ko paalis sa mukha kasi dumikit gawa ng pawis saka niya isinuot sa akin ang helmet niya kanina. Ini-lock pa niya ang belt n'on para hindi matanggal.
Nakatitig lang ako sa kanya at napapalunok. Parang gusto kong mag-tantrum nang walang matinong rason.
"Kung nahihilo, kurutin mo na lang ako. Hihinto ako agad." Isinuot na niya ang helmet ko kanina. Na-conscious tuloy ako. Hindi naman ako bad breath at hindi naman mabaho ang helmet ko, pero pawis nga kasi ako! Baka mamaya, iba na ang amoy n'on pagsuot niya! My god!
Sumakay na rin ako pagkatapos niyang sumakay. Okay naman ako. Nailang lang talaga ako sa puwesto namin kanina.
Pero kinuha niya ang magkabila kong kamay saka ipinayakap sa baywang niya. He even tapped my hands twice, as if caressing them would secure my hands, so I would not let go of him.
Itinapat ko ang bandang bibig ko sa kanang gilid ng balikat niya. "Naririnig mo ba 'ko, Kel?"
Nag-thumbs up naman siya para sabihing oo bago siya nag-drive na paalis sa gas station.
Okay lang naman ako, hindi naman masama ang pakiramdam ko. But I dunno? It felt like parang masaya lang na maging vulnerable ngayon sa biyahe. I was thinking about stupid things. I just hugged Kel from behind, and it was a better position than earlier.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top