Chapter 10: Cheater


"Naglalaro kayo ng bahay-bahayan?!"

"OMG!"

"What's that?"

"Nag-live-in kayo?"

"ANONG LIVE-IN?!" sigaw ko kina Gigi.

"Aaahhh!" Nagtilian na naman sila matapos kong mag-react.

Oh my God. Hindi na 'to maganda.

"Girl, husband, uhmp!" sabi ni Athena sabay hair flip at mataray na pout.

"Ermergherd! I cannot!" Kriselle bobbled her head saka sila naghawak-kamay ni Gigi habang nagtitilian at tumatalon-talon.

Balisang-balisa naman ako habang nakatulala sa tabi nilang nagsasayahan.

Bahay-bahayan lang naman! Saka kaya ko lang naman naging asawa si Kel sa laro namin kasi ayaw niyang maging anak ko!

I tried to explain my side kasi baka lalong ma-misinterpret nina Gigi ang sinabi ni Kelley.

"Guys, listen! Roleplaying lang namin 'yon dati, okay?"

"Oooh . . ." Bigla silang tumahimik at tinutukan ako.

"Roleplaying like some BDSM shit or something?" Athena asked, and my jaw fucking dropped!

What the fuck?!

Bigla silang nagkumpulan.

"Silence means yes, babe," Gigi told Athena. "There's no denial."

"Paano ako magde-deny, nagulat ako?!" depensa ko agad.

"So it's true?" Gigi grinned.

"No! Kaya ko siya naging husband kasi ayaw niyang maging baby ko!"

"Aaahhh!"

"Ayaw maging baby, putang inaaa!"

"Air! I need fucking air, bitches!"

"Kinikilig ako, mga pakshet kayo!"

Oh my God.

Do I still need to explain o dapat i-cover ko na lang ang bibig ko?

I dunno if they were familiar with bahay-bahayan, but we were playing that game kasi marami kaming bata sa subdivision before. And our parents were so busy, we were imagining things as if we were adults.

It wasn't a big deal, though! It was just a fucking child's game!

My former team's assumption went from assuming na boyfriend ko si Kel to nag-live-in kaming dalawa real quick. Eighteen pa lang ako! How come na nagkaroon ako ng ka-live-in before my legal age?

And now there's a manhunt for Kel para lang makakalap pa ng ibang info sina Gigi. Hatak-hatak nila ako para lang hanapin namin siya kahit na wala naman talagang meaning kung naglalaro kami ng bahay-bahayan dati.

Kung sinabi ko rin bang naglaro din kami dati ni Kel ng bugbugan sa swing, kikiligin din ba sila?

Nililibot na nina Athena ang buong flat. Pinaiwan kami nina Gigi sa may pool para lang doon kami balikan kapag nahatak na nila si Kel.

It took them only ten minutes to bring Kel again sa may pool area, and my assumption na maging pulutan ng tsismis because of Nathan and Vicky lowered to zero percent. Kel made the situation more interesting because of his pa-mysterious "secret" answers.

Nakaupo kami ni Gigi sa gilid ng pool. Trapped ako do'n, actually. Bantay-sarado ako nina Jowi at Sef para hindi ako makaalis. Even Sef held the bottom part of my lower leg kahit nasa ilalim ng tubig para lang hindi ako makatayo nang basta-basta.

Hatak-hatak na si Kel nina Athena. May hawak-hawak pa siyang bote ng butane or torch yata kaya sure akong may ginagawa siya somewhere pero inabala pa nina Gigi.

Paglapit ni Kel, tiningala ko siya para tingnan nang masama.

Nagpipigil naman siya ng tawa at nagpunas ng mukha gamit ang face towel na nasa balikat niya—kung punas ba talaga ng mukha ang ginawa niya o nagtatago lang ng tawa.

"Kuya, true ba, nag-live-in kayo ni Chi?" kinikilig na tanong ni Gigi.

"Bridgette!" Hindi ko na alam kung anong facial expression pa ang gagawin ko. Not sure kung magugulat, mandidiri, matatawa, magagalit—I don't know!

"Secret," dinig kong sagot ni Kel kaya natingala ko agad siya.

Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Nananadya na talaga siya!

Napasinghap na naman ako nang bigla niya akong kinindatan.

"Aaahhh!" Nagtilian na naman sina Kriselle at nabugbog na naman ang braso ko kakahatak nila!

"Guys, stop na," awat na naman ni Kelley sa kanila. "Masakit 'yan," pagturo niya sa braso kong lamog na lamog na.

"Huwag n'yo nga raw kasing saktan si Babes!" pang-asar ni Athena at sabay-sabay pa nilang hinimas-himas ang braso ko, as if namang mawawala n'on agad ang bugbog na gawa nila.

"Yung siopao mo, nasa kitchen. Kung nagugutom ka, tawagin mo na lang ako. Hahandaan kita ng meryenda," sabi ni Kel na dahilan ng paglaki ng mga mata ko.

"Aaahhh!" Nagkunwaring nangingisay sa gilid ng pool sina Kriselle habang tawa nang tawa sina Gigi.

Ayoko na. Suko na 'ko.

They were all pushing the fact na may something nga sa 'min ni Kel.

WALA!

Ang something ko sa kanya: sama ng loob!

Mula umaga hanggang mag-dinner, kami lang talaga ni Kel ang maingay na topic. Not sure if I should be thankful for that kasi wala pang nagbi-bring up ng tungkol sa akin at kina Nathan at Vicky.

Maaga ang dinner namin. Maliwanag pa, nagdi-dinner na kami, kaya nga pagdating ng gabi, nag-aaya na silang mag-inuman.

I tried drinking beer, pero sobrang maliit na amount lang. Naynay made me do that. She let me try some alcoholic drinks before kasi nababanggit nina Popsie na bartender daw siya sa cruise before siyang mag-pharmacist.

So yeah, she let me try some of nice mixes, and it was nice, but I didn't like the fact na alcohol 'yon. Apart from hindi maganda sa liver, it was something na kapag na-abuse, nagiging addiction.

Hindi pa ako nalalasing ever, and I had no plan to get drunk.

Pero kasama ako sa kumpulan naming lahat sa tabi ng pool. Nakaupo kami ro'n at nag-iinuman. I got my own plastic cup, and I told them na 'yon ang iinumin ko kasi pagagalitan ako ng parents ako. Gets na nila 'yon.

The air was getting colder, nangangamoy beer and lemon iced tea na sa gilid ng pool. Inilabas na ni Joshua ang gitara niya at kumakanta na naman sila ni Xiana ng acoustic love song.

"I take one step away . . . then I find myself coming back to you . . ."

Bantay sa pool si Kel, pero nasa kabilang side siya. Inaaya siya nina Gigi, pero busy siya habang nasa garden table at focused sa laptop niya.

They started with the topic of our new lives bilang college students. Some of us stopped after ng moving up from Senior High, like Gigi. Hindi kami lahat may problem financially kaya halos lahat ng nag-stop sa mga katabi ko, huminto because of personal decision or gusto na lang mag-work agad.

Magkakaiba na kaming lahat ng school aside sa amin nina Nathan at Vicky. And speaking of new colleges, na-bring up na naman ang tungkol sa amin ni Kel.

"We didn't know na may siya, ha?" sabi ni Gigi at itinuro pa si Kel na nananahimik sa gilid ng pool.

"Hindi 'yon gaya ng iniisip n'yo, guys," reminder ko na naman for the nth time.

"I didn't know about you and Kelley," sabi ni Nathan, and all of a sudden, biglang tumahimik sa grupo namin.

All eyes were on us.

"Nag-break kayo ni Nathan two months ago, di ba?" pagsingit ni Vicky. "So habang may kayo ni Nathan, may Kelley na?"

"Did you cheat on me?" Nathan asked, and I was agape!

Xiana stopped singing. Joshua hit his last strum.

I cursed, "The fuck are you talking about?"

"So hindi coincidence na after ng breakup, mas gusto mo nang umupo sa table kung saan nakaupo si Kel," dagdag ni Vicky. "Hindi ko rin alam na close pala kayo. Akala ko pa naman, best friend tayo."

"Excuse lang," kontra ko kay Vicky. "Wala akong obligation sa kahit na sino para i-inform na close kami ni Kelley, kahit kayo pa ni Nathan 'yon."

"Is it because you were hiding something from me no'ng tayo pa?" tanong ng ex kong kupal. "Ayaw mong sabihin kasi baka maghinala ako?"

Ang bitter ng tawa ko sa sinabi ni Nathan. Bakit ba bigla-bigla na lang kami napunta rito?

"I don't remember cheating on anyone," mataray na paliwanag ko kay Nathan. "Saka nag-break tayo kasi ayokong touchy ka."

"Pero binuhat ka ni Kel mula sa field hanggang sa clinic, pati nga hanggang sa parking lot," kontra ni Nathan, at hindi ako makapaniwalang may ganitong issue na pala ngayon. "Never nga kitang nabuhat."

"Niregaluhan ka pa niya ng beanie, di ba?" dagdag ni Vicky.

"So what's it to you both?" I challenged, and I raised my brow. "If I didn't tell you about Kel, it was my decision. E, sa ayokong sabihin sa inyo. Bakit ba? Saka ano ngayon kung niregaluhan niya 'ko ng beanie? Ano ngayon kung binuhat niya 'ko hanggang sa bahay?"

I heard someone gasped, pero parang pinigilan.

"I knew him ever since we were five. Kilala siya ng mommy ko, kilala ako ng mommy niya, so what?" I looked at Nathan. "Before mo sabihing nag-cheat ako sa 'yo, tingnan mo muna ang sarili mo."

Sunod kong tiningnan si Vicky. "And you, Victoria. Before mo sabihing best friend kita, sana i-consider mo rin muna na kung best friend talaga kita, hindi mo papatulan ang ex ko." I glared at her from head downward. "And don't you dare bring that shit na si Kel ang reason kaya ako lumipat sa likuran. Tuwang-tuwa ka pa ngang inaasar ako sa room na third wheel n'yong dalawa ni Nathan no'ng doon pa 'ko nakaupo sa tabi mo. Best friend? Bullshit."

Inisang inuman ko ang beer na nasa cup ko saka ako tumayo.

"I'm not mad, pero ako na ang magwo-walkout. Mas need n'yo yata ang attention ng lahat, so doon muna ako kay Kelley para mag-overthink kayong lahat buong gabi. Ciao!"


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top