A one-shot story
THAT GUY.
30 minutes na lang at mala-late na 'ko, kaya sa abot ng makakaya ay tinakbo ko na ang papasok ng train station nang makababa ng bus. Agad akong nagbayad sa counter at kinuha ang ticket. Dali-dali 'kong nilakad ang line at pumila. Habang naghihintay ay patingin-tingin ako sa relo ko. Shit! 20 minutes left...
"Ah badtrip!" mahinang asik ko sa tagal ng train. Sabi, every 5 minutes may darating pero damn! 8 minutes na wala pa rin. Dapat ko talagang sisihin ang alarm clock ko.
Napalingon ako sa kanan ko, nawala yata ng bahagya ang inis ko dahil nakita ko siya at ka-line pa! Cute.
Matangkad, maputi, mapungay ang mata, at ang bango pa! Attracted ako sa gano'n. Nakapamulsa siya habang nagsa-soundtrip gamit ang kanyang earphone. Naka-cup ito na itim at varsity jacket. Nakasabit ang backpack sa isang balikat at nakaputing rubber. Grabe ang pogi pogi niya!!!
Tatlong exclamation point dahil totoo.
Sa anim na buwan kong nagpaparo't parito papuntang school ay hindi ako ni minsang pumalya na makita siya. Yes, 6 months ko na siyang pinagpapantasyahan. Sa dinami-rami ng nakakasalamuha ko dito bakit siya? Simply because, na-hooked niya 'ko. Nakatabi ko na siya once sa upuan at ang bango-bango niya. Nginitian niya kasi ako no'n kaya ko siya napansin at ayun, nalalaglag ang panty ko. Hahaha! Pero ang nakakalungkot isang beses ko lang siya nakatabi. Ewan ko ba, nagkakataon talagang hindi kami nagkaka-pareha ng line which means magka-iba at magkalayo kami ng pintong papasukan.
Pasimple ko 'tong tinititigan. Taga Adamson University 'to ayon sa ID na palagi kong sinisimplehang tingin. Pero 'yung pangalan hindi ko makita kasi badtrip yung mata ko ang labo. Tsk! Sana taga doon nalang din ako.
Sa tagal kong nakatitig ay natunugan ko na ang train na paparating. Isang beses ko pa 'tong tinignan bago pumasok pero hindi siya tumingin, Asar!
°°
"Magpakilala ka na kasi..."
Sinimangutan ko si Lexi, best friend ko slash Classmate. "Ang panget naman kung ako ang mag-uumpisa!" angil ko na tinawanan niya lang.
"Bakla 6 months na! Araw-araw kwento mo 'yan at naririndi na ako kaya magpakilala ka na! Push!" aniya na tumulak pa sa hangin ang mga kamay.
"Nahihiya ako..."
"Bahala ka, kapag 'yan hindi mo na nakita mami-miss mo 'yan."
Pinatong ko na lang ang baba ko sa kamao. Gusto ko mang magpakilala pero duhh?! Nakakahiya 'yun!
"Alam ko na!" biglang sigaw ni Lexi. Siniringan ko naman 'to.
"Ano?!"
"Magpapansin ka!" suhestyon nito. Nakunot ang noo ko. m-magpapansin?
"That's a big NO!" natawa 'ko, "Ano na lang iisipin sa ‘kin no’n? Shunga ka."
"Ikaw ang shunga! H'wag ka na ngang torpe kung ayaw mong maunang magpakilala oh e ‘di magpapansin ka hanggang sa siya na ang magpakilala!" aniya pa, "Duhh?! Genius here, Infinity?"
Agad ko itong nginusuan, "Stop with the Infinity thingy! Nhoelle, okay? Nhoelle!" pagtatama ko.
Inikutan naman ako ng mata ng bruha. "Whatever, Infinity Nhoelle Garcia!"
"Tsh!"
Ano nga kaya? Gustong-gusto ko na makilala ang lalaking 'yun. Pero paano kung gawin ko nga 'yung suggestion ni Lexi pero may GF naman siya? Hala, baka bombahin pa 'ko ng babae. Wala naman Sana...
Pero nade-desperada na ako! Send help.
"Sige! Susubukan ko!"
Nakita ko naman ang ngiti niya na umabot hanggang tenga, "That's the spirit!"
Sige. Tignan natin kung e-epekto ha? Naku, Lord, sana umepek! Iiyak talaga 'ko pag napahiya ako. Huhu!
MONDAY.
5:30am nandito na 'ko sa terminal ng train, mamayang 7am pa ang klase ko kaya't pinapalagpas ko muna ang mga nadaang train dahil hinihintay ko pa siya.
Oo seryoso ako! Kinakabahan nga ako, e. Baka 'di niya ako pansinin o' tignan man lang.
Nanlaki ang mata 'ko at napasinghap ng matanaw ko na siya. Agad akong umayos ng tayo at bahagyang inayos ang buhok ko. Inamoy ko pa ang sarili kung mabango na ba 'ko. Umupo siya sa upuan, walang ibang nakaupo kundi siya lang. Naka-earphones, naka-grey jacket at Naka-hood. Ang Pogi! Dahan-dahan akong lumapit, sinadya kong hindi siya tignan para magmukhang natural kaya naman nang makaupo sa tabi niya ay lihim akong napangiti, hehe. Umaalingasaw ang bango e.
Heto na, a-aksyon na 'ko. Pinatong ko ang makapal 'kong libro sa dala kong attachcase at pasimple kong inuusog pagilid hanggang sa nalaglag sa tapat ng paa niya.
"Oops..."
Pasimple at nakangiti akong lumingon sa kan'ya pero nanlumo ako nang makitang nakapikit ito. What the!?
Mariin akong napapikit at inis na pinulot 'yon.
Kainis hindi man lang niya naramdaman! Pangiti-ngiti pa 'ko nang ilaglag 'yun. Nakakahiya sa mga nakakita. Hmph!
TUESDAY.
Napangiti ako ng makitang nakatayo siya sa likod ng mga tao sa line, pumwesto ako sa likuran niya at pigil damdamin talaga akong haplusin ang makisig niyang likod. Gusto 'kong hawakan kaso nakakahiya hindi naman niya ako kilala kaya nganga na lang.
Napalunok pa 'ko bago gawin ang 'Pagpapapansin Mission' ko. Kailangan mapansin niya ako ngayon.
May mga tao nang pumila sa likod ko, nang medyo matulak si ate sa likod dahil sa mga dumadaang tao ay binangga ko ang sarili kunwari sa likod ni crush. Take note! Medyo nilakasan ko para talagang mapansin ako.
Gusto kong tumili ng tignan ako nito. Pero hindi ko ginawa dahil nakakahiya. Nagpeace sign ako sa pabebeng paraan, "Sorry po..." Crush.
Pero binalik lang niya agad ang tingin sa harap. Teka, 'yun lang 'yon?! Hindi man lang siya nagsalita ng, "Okay lang," o ngumiti man lang? Ouch.
Snob na naman ako, kainis!
WEDNESDAY.
Papasok na siya ng train station at sakto kaunti palang tao dahil ang aga pa, nagmadali akong lumapit at kunwari'y sasalubungin siya.
"Naku, sorry!" agad na sambit ko ng banggain ko siya at malaglag ang hawak niyang notes. Pansin ko wala siyang bag. Bago pa man siya lumuhod at kunin 'yun ay inunahan ko na siya. Lumuhod ako at dagliang pinulot ang mga nagkalat na papel.
O 'di ba ang gentleman ko? Hihi.
"Uy ako na," aniya at kinukuha ang ibang papel pero inuunahan ko siya sa pagpulot. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis ng makuha ko na lahat 'yun iabot sa kanya.
"Heto," ani ko na tinanggap naman niya.
"Thank you," sagot nito.
"Sana kasi nag----"
And what the heck?! Mabilis siyang umalis sa harap ko at pumasok na ng tuluyan sa loob ng station. Damn! Hindi man lang pinatapos 'yung sasabihin ko! Poging bastos. Tsh!
Ni hindi man lang ngumiti. Buset!
THURSDAY.
Napapabuntong hininga ako habang naglalakad papuntang line, dumadami na rin ang mga tao. Pero si Crush... kahit kaunti ay hindi man lang ako pansinin...
Kanina pa ako dito, maaga palagi si Crush Pero ngayon mukhang wala. May pasok kaya siya? O absent? Nakakalungkot. Umupo nalang ako sa dating inuupuan ko, minsan umuupo siya rito kaya inimagine ko na lang na katabi siya. Napabuntong hininga muli ako. Hindi naman effective 'yung sinabi ni Lexi. Kainis!
Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:30am na. Kapag dumating na ang train aalis na 'ko. Pero si Crush... Wala pa. Hindi nga yata papasok. Habang Wala pa ang train ay naisipan kong ilabas ang ballpen ko, tumagilid ako sa upuan at sinulat ang number ko, na-boboring ako e. Pano dalawang oras kaya akong nandito.
"Ba’t ko ba sinusulat ‘yung number ko? As if kukunin niya! Haist!" Inis 'kong binalik ang ballpen sa bag at sumimangot. Maganda naman ako ha? Bakit no'ng una pinansin niya ako tapos ngayon hindi na? Packing tape.
Kinagabihan ay inihanda ko na ang sarili sa pagtulog, papatayin ko na sana ang lamp shade sa tabi ng kama ko nang umilaw bigla ang phone ko sa tabi. Kinuha ko 'to at tinignan ang nagtext.
"Hi!"
Unknown number. Sino 'to? Ah Baka classmate ko lang.
"Sino 'to?" reply ko.
Maya-maya, "Hello! Ako pala si Royen, Ikaw?"
Nangunot ang noo ko, Royen? Wala akong kilalang Royen?
Duhh?! Kaya nga nagpapakilala, Nhoelle!
"Ah, I'm Nhoelle. Sa’n mo nakuha number ko?"
"Sa upuan sa train station. Kung naghahanap ka ng kausap pwede ako, Nhoelle. :)"
Tsh! Buti sana kung ikaw si Crush! Ang dami-daming tao sa train station malay ko ba kung sino 'to.
"Ah e, gano’n? Hehehe," iyan na lang ang naireply ko, wala akong masabi dahil hindi ko naman siya kilala saka hindi ito si Crush, mukhang masungit at 'di namamansin 'yun 'no!
"Palagi kita nakikita, alam mo bang ang ganda mo?"
Nanlaki ang mata ko sa nabasa! A-Ako? Sus maliit na bagay!
"Thanks! Pero teka, anong school mo?" Nagbabakasakaling tanong ko. Malay natin siya 'to. Cross finger sana siya please!
"Arellano University. Ikaw? :)"
Tila nanlumo ako sa nakita. Hindi ito si Crush, taga Adamson 'yun eh. Haist!
"Pup. Hehe." Nawalan yata ako ng gana makipagtext. Sabi na e, hindi siya si Crush.
Binaba ko ang phone at humiga na, nakita ko pang nag-ilaw ang phone ko pero 'di ko na 'yun pinansin at natulog na lang.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang tawag, pikit mata ko pang pinidot ang phone ko. "Hmm?"
"Anong ‘hmm?!’ tulog ka pa, Infinity?! 7am na!!!"
Naidilat ko ang mata ko at napabalikwas ng upo. S-Seven na ng umaga? Oh shit!
Agad kong naitapon ang phone sa kama at Dali-daling nagpunta ng banyo para maligo. Hindi na ako kakain, tsk!
Pagdating ng train station ay agad agad akong pumila, medyo kaunti na lang ang tao dahil damn! 7:45am na e, yari ako kay ma'am. I'm so late!
"Argh, badtrip ka talaga Nhoelle..." mahinang sabi ko sa sarili ko habang hindi mapakali ang paa, ang tagal no'ng train!
"Mukhang nagmamadali ka?"
Inis kong binalingan ang nagsalita mula sa likod ko. Like duhh?! Isn't obvious? Kanina pa ako 'di mapakali!
"Hindi ba halat---" natigil ako at literal na napanganga...
Si Crush!
O to the M to the G!
Nakangising nakatingin siya sa 'kin, napatitig talaga ako. Kinausap niya 'ko, kinausap niya ako!
"S-Sorry, hehe. Oo nagmamadali ako." napapahiyang ngumiti naman ako. Damn Nhoelle, nakakahiya!
"Nagpuyat ka pa kasi," aniya habang nasa daan ang tingin. Kinakabahan ako ng bongga, as in parang tinatambol ang dibdib ko! Kausap ko siya, nagsasalita siya, kaharap ko siya at... ang pogi pogi pogi niya!
Mahinhin akong natawa, syempre pa-cute. "H-Hindi naman... papasok ka na?" Gusto 'kong tuktukan ang ulo ko sa tanong. Hindi ba halata Nhoelle?!
"Yep."
"Ahh... hehe."
Kinikilig ako. Kinikilig ako! Hahaha kill me now. Joke.
Hindi ko maialis ang titig ko sa kan'ya, nakakahiya man pero talagang sinamantala ko ang moment na 'to para titigan siya. Ang gwapo e.
"Bakit? May dumi ba 'ko sa mukha?" nakataas kilay na tanong nito.
Tumawa ako, "W-Wala..." Bumaba ang tingin ko sa suot niyang uniform at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang patch niya.
Shit! A-Arellano University?
Pero ang alam ko taga Adamson siya?
d>>_<<b
"T-Taga... Arellano ka pala?" nahihiyang tanong ko.
Tumango naman siya, "Oo bakit? May nakakabigla?" medyo natatawa pa ito.
"W-Wala ah! H-Hehehe."
'Yung ID Nhoelle, Check mo dali! Baka siya si Royen!
"Pwede ko bang---"
"Ayan na."
At umingay sa paligid dahil sa pagdating ng train. Haayy... sayang. Mamaya titignan ko.
Pagpasok ay hihingin ko na sana ang ID kaya lang ay nag-earphone na siya. Bahagyang nakatalikod ang ID niya kaya hindi ko makita. Badtrip! Dadamahin ko na nga lang ang moment na 'to dahil ang saya ko! Hahaha!
Makalipas ang ilang oras ay nagtaka ako kung bakit papatay-patay ang ilaw, umuugong rin ang train. What's happening?
(Attention everyone, the train has been---) Kasunod no'n ay ang matinis na tunog sa speaker.
Nataranta na ako nang mag-ingay ang mga tao, mga nag-iiyakan at nakayuko, ang iba ay pinupukpok ang pinto ng train at nag-babakasaling mabubuksan. Hindi humihinto ang train, bagkus ay lalo itong bumibilis. Shit, this is bad! Tumayo ako dahil sa taranta pero natigil din nang may humawak ng kamay ko.
"H'wag ka nang umalis, Nhoelle."
Nagulat ako. Nagkakagulo na ang lahat Pero hindi ko mapigilang magulat sa kan'ya. Alam niya ang pangalan ko. Alam niya... Paano nangyari 'yun e hindi naman ako nagsusuot ng ID pag wala pa sa school?
Magsasalita na sana ako ng biglang umingay na parang may sumabog sa kung saan. Bigla ay lahat kami kasama ang mga nakaupo ay nawalan ng balanse at napahiga ng malakas. Pagkatapos ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
\\\
"Dito! Tara tulungan na natin!"
Dahan-dahan akong dumilat, pakurap-kurap ako dahil pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Ginalaw ko ang braso ko pero agad akong napahiyaw sa sakit, "Ahh!"
"Doon! May sumigaw!"
Naramdaman kong may lumapit sakin at dahan-dahan akong hinawakan sa balikat. "Miss, ayos ka lang? Tara dalhin na natin sa labas." usal n'ya sa kasama n'ya.
Pinagtulungan nila akong buhatin, base sa suot nitong mga 'to ay mga rescuers sila.
"Sandali..."
Natigil sila sa pagbuhat sa 'kin at taka akong tinignan, napapangiwi ako sa sakit ng katawan ko. Ang kanang braso ko ay nakalaylay lang dahil hindi ko magalaw sa sakit. Bumaba ako at lumuhod, unti-unti akong gumapang papunta sa lalaking tinitignan ko.
"Miss, tara na. Kailangan mo nang magamot!" Sigaw no'ng isa pero nagtuloy lang ako.
Napaiyak ako ng makalapit. Siya nga... napaka daming dugo sa uniform nito lalo na sa ulo. Hinaplos ko ito sa mukha, hindi... hindi ito pwede.
"Dito! Iligtas niyo siya parang awa niyo na!" Sigaw ko sa mga rescuers na nagtitingin pa ng taong makakaligtas. "Dito po parang awa niyo na..." Humagulgol ako. Nasasaktan ako sa itsura niya... Nakakaawa masyado ang tinamo niya.
Humikbi ako ng hawakan ako nito sa kamay, lalo akong naiyak ng tignan niya ako sa mata.
"Ililigtas ka nila, pupuntahan ka nila..." Sabi ko saka ulit bumaling sa mga rescuers na papagawi na sa 'min. Nagulat ako nang may ipahawak siya sa 'kin, kunot noo ko 'tong tinignan.
"Balak ko talagang ibigay 'to sa 'yo ngayon..."
Isang papel. Kinuha ko 'to at tinignan, "B-Bakit?" umiiyak na tanong ko.
"A-Ako si... Royen." may tumulong dugo mula sa kanyang bibig.
Royen...?
'Yung kausap ko... kagabi.
Hindi ko napigilang humagulgol nang mayakap ko siya. Natatangahan ako sa sarili ko sa mga oras na ito. Kausap ko na siya kagabi, pero bakit pinalagpas ko pa?!
Nang kumalas ako sa yakap n'ya ay napatingin ako sa kan'yang ID at doon ko nakumpirma na hindi talaga siya sa Adamson nag-aaral, kung hindi sa Arellano University-- kagaya ng sinabi n'ya kagabi.
Naramdaman kong hinaplos nito ang buhok ko, hirap man ay pinilit n'yang ngumiti.
"H-Hindi kita... m-makakalimutan..."
Hinaplos ko ito sa pisngi at umiyak ng umiyak, "B-Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Pero huli na ang lahat, bumagsak na ng tuluyan ang kamay niya saka siya pumikit. "R-Royen? gising... hindi pwede..." nanlulumong sabi ko na bahagyang tinatapik ang mukha niya, "Royen..."
Dumating ang mga rescuers upang tulungan si Royen pero bago iyon, tinignan muna nila ang pulsuhan nito. Nanghina ako ng malungkot na tumingin sa 'kin ang isa, "Wala na siya."
Isang bangungot. Puro pagdadalamhati, iyak, hagulgol, sakit, panlulumo ang nararamdaman ko. Ito ang unang beses naming mag-usap, pero ito rin pala ang huli.
Nanginginig ang kamay ko ng pulutin ko ang papel na may naghahalong dugo at dumi. Natuyo na ito pero ang mukha ko, basa pa rin ng luha. Dahan-dahan ko itong binuklat at namangha sa haba ng nakalagay do'n. Binasa ko ito.
Infinity Nhoelle Garcia,
It's been a long time since I saw you, akala ko no’n masungit ka. Remember no’ng nagkatabi tayo at nginitian kita? Akala ko hindi ka ngingiti, no’ng ngumiti ka, lalo akong nagandahan sa 'yo. Araw-araw tinitignan kita, araw-araw nagbabakasali akong ngitian mo 'ko, bago mo pa 'ko makita dito sa train station, una na kitang nakita sa isang convinience store last year. You were with your friends that time... do'n palang nagustuhan na kita, hanggang sa nagkakasalubong na tayo rito.
Napapikit ako ng mariin nang magdagsaan ang luha ko, nasasaktan ako. Matagal niya na akong kilala. Pinunasan ko ang luha saka nagtuloy sa pagbasa.
No'ng tinabihan mo 'ko sa hintayan, natuwa ako ng sobra. Nakita 'ko kung paano mo ilaglag ang libro mo sa harap ko pero sinadya 'kong pumikit at magpanggap na tulog, kung alam mo lang na gustong-gusto ko 'yun pulutin para sa 'yo, kaso... Nahihiya ako. No'ng binangga mo ako mula sa likod, na-cutan ako sa ngiti mo at sa paraan ng pagso-sorry mo. Gusto ko man ngitian ka pero nahihiya ako kaya tumalikod na lang ako. No'ng Binunggo mo ako at nalaglag ang hawak kong mga notes, natatawa ako sa loob ko no'n dahil nakipag-unahan ka pang pulutin 'yun para sa ‘kin kahit kaya ko naman. Gusto kitang kausapin at makipagkaibigan no'ng time na 'yun pero nang tignan mo 'ko sa mata, nanghina ako bigla kaya umalis na lang ako agad. Kaya nang makita kong may sinusulat ka sa upuan, pag-alis mo ay kinuha ko agad 'yun. Nagtext pa ako sa 'yo kinagabihan pero agad ka ring nawala. Alam ko lahat ng 'yun ay sinadya mo pero ayokong isipin na baka may gusto ka rin sa ‘kin, natatakot akong mapahiya.
Kaya naman itong araw na 'to gusto ko nang umamin. Nahihiya talaga akong sabihin ng personal kaya sinulat ko na lang, sana batiin mo pa rin ako kahit na malaman mong mahal kita... minahal kita ng palihim, minahal kita kahit pa hindi tayo nag-uusap. Ganito ako ka-torpe kaya sana wag ka magalit. Sana itext mo ako mamaya at sabihing nabasa mo na ito, sana sa mga susunod na araw magngitian na tayo, sana makatabi kita para makausap, sana lumabas naman tayo...
infinity, pasensya sa nararamdaman ko, pero jahe e... mahal kita.
Mike Royen Cabaces.
Naibaba ko ang papel at doon bumuhos ng bumuhos ang luha ko. Ang sikip ng dibdib ko, hindi ko alam, hindi ko alam na ang ultimate crush ko ay mahal na pala ako pero hindi ko pansin. Ang dami niyang gustong gawin pero hindi niya magawa dahil nato-torpe siya. At ngayong nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap kami... saka naman siya nawala. Wala na. He left me already. Wala na siya sa mundong ginagalawan ko.
"All this time... I-I'm so sorry, Royen! Sana sinunod ko na si Lexi na unang magpakilala, e ‘di sana bago mangyari 'to nagkausap pa tayo ng matagal!" umiiyak kong bigkas. Ang sakit sakit. Nasasaktan ako dahil matagal ko na siyang gusto gaya niya pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon.
Pero... wala na akong magagawa. Wala na si Royen, wala na ang lalaking gusto ko at mahal ko. Wala na ang lalaking dahilan ng pagiging masaya ko. Wala na...
He's the reason why I became like this, makapagpapansin? Never kong ginawang magpapansin sa lalaki. Ang kapal ng mukha ko ay pinag-ipunan ko pa para lang makapagpapansin. Pero ngayong napansin niya na ako, hindi ko alam na 'yun na pala ang una at huling pag-uusap na mayroon kami.
I will never ever forget him... and I will cherish my memories with him forever. that guy...
I love that guy.
The End.
Thanks for reading! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top