Introduction: Sitting next to That Girl.
Leave feedbacks, vote. Thank you. :3
-- Introduction --
"Sitting next to that girl."
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
If you cant get someone off your mind they are probably supposed to be there.
-Unknown.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
It's been 3days and up until now her eyes are still close, kelan nya kaya imumulat ang mga mata nya? Gigising pa ba sya? Would there still be a chance for her to see my list? Sana, sana.
"What are you doing?" nagtatakang tanong nung nurse pagkakita sa ginagawa ko.
"I want her to see it when she wakes up. It's not illegal, right?"
"Of course not, it's actually sweet." nakangiting sabi nung nurse nung makita yung kabuuan ng ginagawa ko.
Kahit ako napangiti lalo na ng maalala ko kung paano ko nabuo ang lahat ng 'to...
*Kring!*
"Pwew!" sakto! Pagka-bell nasa classroom na agad ako, kala ko malalate na ako. Grabe, daig ko pa ang aso kung tumakbo kanina eh. Tinanghali kasi ako ng gising kaya ayun, madali to the max.
Hmm... At dahil late ako, wala na akong mauupuan sa likod, gusto ko kasi lagi umupo sa likod eh. Haay, pag gantong late ka asahang ang bakanteng upuan lang ay ang nasa unahan. Alam nyo naman ang mga estudyante may front seat phobia.
Dumiretso na ako sa katangi tanging upuan na bakante sa unahan pero nung papunta na ako dun natigilan ako ng makita ko kung sino ang magiging seatmate ko...
Patay! That girl!
"Hi!"
"Ah.. hi.." sabay upo ko na agad without even looking at her.
Hindi ako kumikilos ng ganto dahil sa may crush or whatsoever ako sa kanya ha?! Infact, natatakot ako sa kanya... hindi dahil multo sya or witch o halimaw o kabayo... Kundi dahil sa kwento ng isang kabarkada ko.
Ang sabi ng kabarkada ko ito daw girl na 'to na katabi ko ngayon ay may super mega hyper crush sakin. As in, isang beses daw nakita nya nakapatong sa desk nung girl na katabi ko ang isang photo album at dahil may pagkapakelamero yung kabarkada kong 'yon, sumilip sya at nabigla daw sya ng makita ang laman ng photo album.
Puro stolen shots ko daw! As in, daig pa daw nung girl na nasa tabi ko ang isang stalker kasi kahit shots ko daw sa computer shops ay meron kahit shot ko ng nangungulangot meron din daw! Err... bakit pati ba naman yung nangungulangot. =_="
Talagang pagkakwento sakin nun ng kabarkada ko kinilabutan na ako dito sa babaeng 'to at never ko ng nilapitan, super iniiwasan ko na. Baka kasi mamaya pumutol ng buhok ko at gayumahin ako eh. Pero right now... super no choice ako kundi umupo sa tabi nya.
Hindi na lang ako lilingon sa kanya, tama! Relax lang, it won't hurt me to sit next to her for half of the day right? Half day lang kami ngayon, wala na kasing pasok mamayang hapon. Buti na lang! Tss. Shet talaga. >.>
"Goodmorning class!" dumating na yung teacher namin at nagsimula na ang klase.
May pinagawa samin yung teacher at...
"Umm..." nagsalita sya! Hindi ako lilingon, hindi naman ako ang kausap nya diba? Sana! >.<
"Excuse me..." wag lilingon... wag kang lilingon!
"Hey..."
"Anakngpatingsinaklubannglangit!" O_O
"Are you ok?" hala! Anakngpating napasigaw ako sa bigla! Kinalabit kasi ako nung babaeng yun sa balikat. Pinagtatawanan tuloy ako ng klase. >_<
"Ah wala ma'am, nabigla ko po ata sya. Kinalabit ko po kasi, hihiram sana ako ng ballpen."
"W-wala akong ballpen."
"Eh ano yang nasa desk mo? Dala dalawa ballpen mo oh."
"Wala, lobat na yang isa."
"Lobat? Cellphone ba yan?"
"I mean, wala na yang tinta."
"Ah ganun ba. May lapis ka?"
"Wala."
"Eraser?"
"Wala."
"Correction Fluid?"
"Wala."
"Sharpener?"
"Wala."
"Scissor?"
"Wala."
"Brief?"
"Wala."
"Wala kang brief?!!! Hahahaha!" anakngtae! Sinabi ko bang 'wala'? Tae. Nadala ako sa kasasagot ng wala. Actually meron ako ng lahat ng sinabi nya pati brief noh! Ayoko lang talaga magpahiram sa kanya, madamot na kung madamot pero she's really creeping me out eh! Kaya as much as possible ayaw kong madikit sa kanya! Tignan nyo naman, lahat gusto ng hiramin! Tapos pati brief tinatanong nya! Creeeeeeepy! >_<
"O sige na, jinojoke lang kita. Hindi naman talaga ako manghihiram. But in case you have a brief, can I borrow it?." kamuntik naa atang lumuwa ang mata ko sa sinabi nya ah.
"Joke lang! Ikaw naman hindi mabiro!" ha-ha! Funny. Really. =_=
"Shut up. Don't talk to me." harsh kung harsh pakinggan pero sinabi ko talaga yun. Naasar na ako eh. Tumahimik naman sya at hindi na ulit ako kinausap sa buong period. Good.
11.00pm
At last! Last period na! 1hour na lang at makakaalis na ako sa tabi nitong babaeng 'to! Woohoo!
Lesson. Lesson. Lesson.
11:55pm.
5minutes! 5minutes! Go clock go!
11.59pm.
"Oh, before I forget. May ibibigay ako sa inyong requirement para sa inyong holiday." tama narinig nyo, bukas kasi start na ng christmas vacation meaning wala ng pasok! Yehey! Pero dahil mahal na mahal kami ng mga teachers namin, ayan nagiwan sila ng requirement.
Ano naman kaya yang requirement na yan?
"Ok. Please pass." may inabot syang papers, kumuha ako ng isa at pinass sa likod pagkatapos tinignan ko yung paper.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
Requirement:
Write 10 things about your seatmate and 1 thing about you.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
"Yung current seatmate nyo ngayon ha. Pede nyong gawin in 10 days or 11 days or kahit 1 day, bahala kayo basta kelangan i-fill up nyo yan. I want you guys to enjoy your holiday with one of your classmates. Ok, class dismiss. Have a nice holiday to everyone!"
*KRING!*
Nagbell na. Nagsisimula ng magayos ng gamit ang mga estudyante at naglalabasan na ang iba...
"Nice! Seatmates tayo, kung ganun, see ya this vacation!" then she left.
Ako?
Hindi makapaniwala sa nangyari.
Alam nyo yung 1minute na lang eh? Tapos naging whole vacation pa? WTF!
Of all the people in my class, why does it have to be that girl?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top