Epilogue: 10 things about you & 1thing about me. Me&You. (Part 1)
Epilogue: 10 things about you & 1thing about me
(Part 1)
That Girl: Me & You. ♥
...ends here.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
"Gravitation is not responsible for people falling in love. "
- Albert Einstein
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
January 04.
4days na ang nakakaraan since last ko syang nakausap at nakita. Pagkatapos kasi ng New Year's celebration, patay na yung cellphone nya at wala na akong balita sa kanya. Hindi na rin sya nagpakita sakin, I absolutely do not have any idea what happened to her.
Back to school na ulit, excited akong pumasok hoping na makikita ko sya ngayon para matanong ko kung bakit hindi sya nagparamdam these past few days. Saka gusto ko na rin linawin sa kanya yung relationship namin, I mean tapos na yung Christmas and I do not want to stay as her "Christmas boyfriend", I want to be her "forever boyfriend". Seryoso ako, kung ayaw nya man, liligawan ko sya hanggang sa maging "kami" na talaga for reals at hindi dahil lang sa blackmail or whatsoever. Gusto ko rin syang ipakilala sa mga kaibigan ko at i-announce sa klase na girlfriend ko sya, sigurado mabibigla si Steve pag nalaman yun. Aasarin ako nun at sasabihing, "Nagayuma ka na ata ng stalker mo."
Haha. Nagayuma man o hindi, wala akong pakelam... eto na yan eh, tumitibok na eh. I maybe under her spell but I won't ask for any antidote, I don't want to escape from this spell.
"Oy pre! Woo! Happy new year!" pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom sinalubong agad ako ni Steve.
"Yeboi! Kamusta? Woo!" sinundan pa ng isang kaklase ko na inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.
Total chaos sa loob ng classroom syempre excited kasi ang lahat sa bawat isa, maraming kwento dahil sa nagdaang bakasyon. Sobrang ingay at tumahimik lang ito ng dumating na yung teacher namin pero nagpatuloy pa rin ang kwentuhan dahil nagpakwento si maam.
Pero teka... may isang bagay akong kanina pang napapansin... where's that girl? Iniikot ko na ang paningin ko sa buong classroom pero wala sya at nung nagroll call para sa attendance... absent.
Nalungkot ako dahil wala sya. Tinanong ko yung ilan sa mga kaibigan nya pero ang sabi nila, wala daw silang balita, hindi daw kasi nagpaparamdam. Natapos yung klase ng wala sya. Ipinass na nga namin yung requirement namin sa moral studies, yung 10things about your seatmate and 1thing about me requirement. Asan ba kasi sya? :(
Lunchbreak na nun eh, kasabay kong maglunch sina Steve ng biglang tumunog yung cellphone ko.
bebi calling...
Sa sobrang bigla ko sa tumatawag eh naibuga ko pa yung kinakain ko kaya naman nagtaka sina Steve, "O pre anong nangyari? Sino tumatawag?"
"Teka lang, sagutin ko lang ito. Importante." lumayo ako sa table nila at pumunta sa isang sulok ng canteen para sagutin ang tawag nya.
"Uy anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit hindi ka na nagparamdam pagkatapos ng new year? Bakit wala ka ngayon? Bakit ka absent? Ba---"
"Sshhh. Pede humingi ng favor?"
"Ha?"
"Promise me, you'll do this favor." seryoso yung tono ng boses nya.
"Teka anong nangyayari... saka anong favor?"
"Promise me... please."
"Sige, promise. Ano bang favor yan?"
"Simple lang... sa phone call na ito, hindi ka iimik --- ako lang iimik hanggang sa mag-end ang call."
"Eh? Ano? Bakit?"
"Nagpromise ka... please just do the favor."
"S-sige."
Bago sya muling nagsalita eh nakaranig ako ng malalim na paghinga, "Ten things about the guy sitting next to me..."
10things? Hindi ba ito yung requirement namin sa moral study?
"Number 1. That guy is hot tempered." ako ba tinutukoy nya? Malamang ako kasi ako seatmate nya noon at kami ang magkapartner sa requirement na ito! Pero why all of a sudden sinasabi nya itong requirement list sakin?
"First time kong tawagan sya sa number nya, dati pa akong may number nya eh kasi matagal ko na syang crush simula pa lang nung 1st year kami lagi ko na syang pinagmamasdan sa malayo. Hindi nya naman ako napapansin eh, para sa kanya isa lang ako sa mga kaklase nya ni hindi kami naging close kaya nakuntento na lang ako sa pagiging stalker. haha!" bigla syang tumawa ng mapait, "Nakakatawa naman kasi kababaeng tao ko, napakastalker ko. Pero totoo nyan, natuwa talaga ako nung nakatabi ko sya nung araw na iyon kasi yung mismong araw na iyon, nagbigay ng requirement ang teacher namin at yung requirement na yun ay may partnership between seatmates. Sabi ko sa sarili ko, ito na siguro yung chance na hinihingi ko kay God? Kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa, nilakasan ko na ang loob ko at tinawagan sya. Nung nakasagot sya, inis na inis pa sya sakin kasi sino nga ba namang hindi maiinis sakin kung tumawag ako ng maraming beses para lang itanong kung ano ang nauna sa itlog at manok... pero actually, hindi naman dapat yun yung sasabihin ko pero dahil nga sa kaba ko dahil for the first time natawagan ko yung taong matagal ko ng gusto, ayun na lang ang lumabas sa bibig ko...Napakamainitin ng ulo nya at ang supla-suplado, saksakan pa ng taray pero kahit ganun yun, hindi ako naturn off sa kanya kahit kelan."
"Uy an--"
"Shhh. Promise mo..." tinikom ko na ulit ang bibig ko kahit andami kong gustong itanong pero nangako ako sa kanya... Pero bakit nya ba kasi sinasabi ang lahat ng ito? Parang may masama akong pakiramdam sa nangyayari...
"Number 2, that guy has a good voice. Never syang sumasali sa kahit anong singing contest sa school or pag may group presentation man sa classroom na kelangan kumanta, katulad sya ng ibang lalaking hindi kumakanta ng ayos. Kaya ayun tuloy, hindi ko alam na may maganda pala syang boses. Sobrang natuwa ako nung kumanta kami sa videoke room, kinanta nya yung In my head ni Jason derulo pero sa tingin ko, mas prefer ko na yung version nya kesa sa version ni Jason Derulo... sobrang nastuck nga sa isipan ko yung boses nya at pagkanta nya kaya simula nun tinawag ko na syang LSS. Tapos nung pumunta or let's say sinundan ko sya sa bahay nya at kumulog ng malakas at since matatakutin ako sa mga ganung bagay eh kinantahan nya ako... hindi ko makakalimutan yun kasi nung kumanta sya nun, nawala yung takot ko... yun bang parang wala na akong ibang narinig kundi yung boses nya..."
Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? Bakit? Gusto kong itanong pero nangako akong hindi magsasalita.
"Number 3, that guy is patient. Sasabihin nyang mainipin syang tao pero ang totoo nyan kahit mainipin sya nagawa nya akong maintay noon, hindi lang isang beses kundi dalwa pa. Nung una nung nanuod kami ng sine, nalate ako nun pero nagawa nya akong maintay kahit asar sya sakin. Tapos yung sumunod nung dun sa park, nalate din ako ng sobrang tagal pero hindi nya ako iniwan, nagintay lang sya dun. Mainipin syang tao pero nagawa nya akong intayin at sa tuwing maaalala ko iyon, napapangiti ako."
"Number 4, that guy is a gentleman. Nung first day namin together sa mall, may binili akong wallet na sobrang gusto ko kaso dahil nga sa burara at malilimuting tao ako, nakalimutan ko yung wallet ko sa greenwich pero ang nakakatuwa kasi kahit gabing gabi na, binalikan nya para sakin iyon. Tapos nung nagda-dance revo din ako dati, may mga namboboso sakin pero pinagtanggol nya ako sa mga namboboso kahit nasaktan pa sya sa mga suntok. Ganun din sa manyak sa park, pinagtanggol nya din ako. Lagi nya akong pinagtatanggol, he's not just my lss but he's also my superhero."
"Number 5, that guy is scared of haunted houses. Tanda ko nung pumasok kami dun, hinawakan nya kamay ko at sinabing 'wag kang matakot, andito lang ko', sa loob loob ko ako'y natatawang kinikilig. Kasi alam ko namang takot na takot na sya nun, kitang kita sa facial expression nya pero kinilig ako sa sinabi nya... sa sinabi nyang andito lang sya... andito lang sya sa tabi ko dapat hindi ako m-matakot...." biglang narinig kong nag-crack yung voice nya sign that she's about to cry or maybe she's already crying? I don't really know, I don't have any idea. I can't even speak to ask her.
"Number 6, that guy is a liar. Nagpromise sya sakin na sabay namin ise-celebrate ang christmas pero nagsinungaling sya, sinabi nyang susunduin nya ang parents nya sa airport when truth is nakipagkita sya sa isang babae, sa ex nya daw. Aaminin ko, I hated him for that. Ansakit kasi na bukod sa hindi na nya tinupad ang pangako nya, nagsinungaling pa sya sakin. Pero tapos na iyon eh, nagsorry naman sya sakin ng sobrang sincere na hindi ko sya natiis at pinatawad. In the end, sabay pa rin naming cinelebrate ang christmas eve... and I had my sweet kiss."
"Number 7, that guy is sincere. After that kiss, we had something "real"... it felt like hindi ko na sya boyfriend dahil lang sa binlackmail ko sya, he acted like he was actually "my boyfriend" because he wants to be my boyfriend. His gestures and all was so sincere that day by day, it felt hard to accept the fact that sooner or later my fantasy has to end."
Has to end? Ang alin? Ano ang dapat matapos? Patagal nang patagal na nagsasalita sya, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko at pasama ng pasama ang nararamdaman ko.
"Number 8, that guy is easily embarrassed." tumawa muna sya, "I don't know, ito na ata ang pinakakatawa sa listahan ko. Paano kasi yung guy na yun ayaw man lang akong tawaging 'bebi' dahil sobrang nahihiya sya pero once na tinawag nya akong 'bebi' sobrang napapangiti ako kasi alam ko tinawag nya akong ganun kasi importante yung sasabihin nya sakin at special yung moment na iyon."
"Number 9, that guy is thoughtful. Ugh.." napatigil sya sa pagsasalita tapos narinig kong suminghot sya.
"Umiiyak ka ba?" hindi ko na napigilan at nakapagsalita na ako.
"Shh. Please d-dont talk." ngayon, mas clear na sa voice nya na umiiyak sya kasi nagiging hoarse na ang boses nya at pautal utal na sya, tapos maririnig mo pa yung heavy breathing nya dahil sa pag-iyak, "He's thoughtful because he gave me the best christmas gift ever... his love."
Gusto kong magsalita, gusto kong magtanong. Please... hayaan mo akong magsalita. :(
"Number 10, that guy... he said he loves me." pagkasabi nya nun sumunod ang malakas na hagulhol, "That time I kissed you in the park, sobrang nadala ko ng emotion ko at nahalikan kita at dahil sa naghalong excitement, love and fear... hindi kinaya ng puso ko ang rush of emotions kaya tumakbo ako palayo dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko, I was having a heart attack. Nadala ako sa hospital after that, the doctor told me how my situation's worsening. Sabi nila sakin I need an immediate operation daw but the operation won't assure me life dahil 50% ang chance of success. Sobrang natakot ako kasi if I would take that operation, I don't know if I'll survive or not kaya around 2am that day... I called you. And everything I said was true except the word "joke"."
"One thing about me? I'm having my operation today, if I survive... please be my boyfriend."
xxx-xxx-xxx
To be continued...
A/N: ipopost ko na sana yung whole epilogue pero may kinailangan akong i-edit sa last part kaya pinutol ko na muna. If possible, ipopost ko na talaga yung ultimate part ng that girl 2 :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top