9: She's so gullible.

Malapit na syang matapos. Weee! Sana magustuhan nyo magiging ending. Salamat sa mga nagsupport nito. Makakatapos na ulit ako ng short story, I'm really happy. <3

Vote, like and leave a comment. 

- 9 -

She's so gullible.

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

"one day, everything will change. "

- Unknown

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

-9-

She's so gullible

"I'm here!"

"Wow! On time ka ngayon."

"Shemperds. Magpapalate sana ako ng mga 30minutes kasi nabasa ko sa internet na dapat daw ang babae nagpapalate sa date para masukat nya daw ang patience ng kadate nya."

"Ano namang mga katangahan pinagbabasa mo." =_=

"Hoho. Forum yun! Pero hindi ko sinunod kasi alam kong maiinipin ka eh."

"Buti alam mo..." =__=

"Pero hindi rin totoo yun,"

"Ang alin?"

"Yung maiinipin ka, kasi nung nanuod tayo ng sine at nagpunta tayo sa park nagawa mo akong maintay kahit sobrang late ako."

"Eh? Ginawa ko iyon?" tinuro ko sarili ko ng hintuturo ko na hindi makapaniwala at matandaan kung ginawa ko nga ba iyon.

Pero tumawa lang sya at hinigit ako sa kamay, "Tara na, mamaya dadami na ang tao at sisikip na." ^v^

Oo nga pala, dahil official 'couple' na kami ay halos araw araw nya akong niyayang lumabas na lagi nyang tinatawag na 'date'. Blackmailer itong babaeng ito, ayaw kong makarating sa klase yung recorded voice ko. Ang hirap pa man din ideny yun kung boses na boses ko ang nakarecord. Kaya no choice ako kundi pumayag na maging 'christmas boyfriend' nya. Hanggang new year daw. Pakshet na holiday yan oh, nagkainstant baliw na girlfriend. Great, just great. ~__ ~

December 24 na ngayon at sobrang dami ng tao kasi "last minute" hour na ng pagbili ng mga regalo para sa pasko bukas. Pakshet, ayaw ko man din maglakad sa lugar na matatao, halo halo kasi mga amoy. ~__~

"Dyan ka lang sa labas ok? Wag kang papasok." paguutos nya sakin nung nasa tapat na kami ng isang home materials shop, "Bibili ako ng panregalo ko sayo bukas kaya dyan ka lang ok? Saglit lang ako. Wait ka lang dyan."

"O sige na, sige na. Bilisan mo ha!" 

"Roger!" nakangiting sumaludo sya sakin at pumasok na ng shop. 

Naiwan ako sa labas kaya sumandal na lang ako sa pader malapit sa pinto, nakataas at nakasandal ang isang paa ko sa may pader at sinalpak ko ang headset ng cellphone ko sa tenga ko at binalik ang mga kamay ko sa aking bulsa pagkatapos.

NP: Hate that I love You by Rihanna ft. Neyo

*As much as I love you 

As much as I need you 
And I cant stand you 
Must everything you do make me wanna smile 
Can I not like you for awhile? (No....) *


Pinapanuod ko lang ang mga taong dumadaan habang nagaantay. Ano naman kasi bibilhin nung babaeng iyon at bawal pa akong sumama sa loob? Regalo daw para sakin? Seesh. Sa may isang home material shop nabili? Ano naman kaya ireregalo nun, sinulid? Gunting? Lutuan? Psh. Ewan ko ba dun, napakaweirdo. 

*You wont let me 

You upset me girl 
And then you kiss my lips 
All of a sudden I forgive (that I was upset) 
Can't remember what you did *

Nakow, sigurado maga-ask din yun ng regalo para bukas. Ano naman ibibigay ko sa kanya? Psh, bahala na si batman. =__=

*But I hate... 

You know exactly what to do 
So that I cant stay mad at you 
For too long thats wrong *

"oh no!" mula sa gilid ko may narinig akong babaeng parang nalaglagan ng mga gamit.

Nung tignan ko, nakita kong nakayuko sya at pinupulot yung mga nalaglag nyang gamit. Sa sobrang dami ng tao, may nakabangga siguro sa kanya at hindi man lang sya tinulungang pulutin ang mga gamit nitong babae. Mga bastos nga naman.

*But I hate... 

You know exactly how to touch 
So that I dont want to fuss.. and fight no more 
Said I despise that i adore you *

Lumuhod na lang ako para tulungan ang babae sa pagpulot ng mga gamit nya.

"Naku, thank you." pagkasabi nya nun parang nabosesan ko sya kaya naman sinilip ko kung sino sya.

*and i hate how much i love you boy (yeah...) 

I cant stand how much I need you (I need you...) 
And I hate how much I love you boy (oooh whoa..) 
But I just cant let you go 
And I hate that I love you so (oooh..) *

Tinanggal ko ang headset sa tenga ko.

"Maxene?" pagkabanggit ko ng pangalan nya ay inangat nya ang ulo nya at ngayon nya rin lang napagtanto kung sino ako.

"Uy, ikaw pala!" nakangiti nyang bati.

"Hehe. Kamusta?" pagtatanong ko dito habang inaabot ang gamit nya at tumatayo na.

"Ayos lang naman, ikaw ba?"

"Ayos lang din. Advance merry christmas pala."

"Sayo din. Ah oo nga pala," may kinuha syang envelope at inabot sakin, "Invitation. May christmas party bukas sa may Yoki bar, 8:30pm. Sana makapunta ka, aasahan kita ah?"

"8:30, bukas?"

"Yup, may problem ba? Hindi ka ba makakapunta?"

"Eh kasi..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita syang muli.

"Eto na siguro yung sign na hinihingi ko."

"Ha? Anong sign?"

"Sabi ko sa sarili ko, pag sa araw na ito na sobrang daming tao ay makikita kita... Pagiisipan kong mabuti kung pede pa ba nating ibalik yung dati... Kung may 2nd chance pa..."

Nabigla ako sa mga sinabi nya... Si Maxene ay ex-girlfriend ko, we broke up 5months ago. Sya yung nakipagbreak sakin dahil ayaw nya na daw, nasasakal daw sya sakin. Pagkatapos nun, hindi na ulit kami nagkita o kaya nakapagusap. Nakamove on nanaman ako pero ng muli ko syang makita ngayon... Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na kahit konti ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya... 

"Makakapunta ka ba bukas?" tinignan nya ako sa mga mata ko na parang nagmamakaawa. Matatanggihan ko ba ang ganyang mga mata?

"Oo, maasahan mo ako." i know, i promised to that girl na we would spend christmas tomorrow at 8pm... Pero, I just can't let go of this chance baka pagsisihan ko, di bale ng sumira ng pangako kesa pakawalan ko ang chance na binibigay sakin... 

"Thank you." napakaganda nya talaga pag ngumingiti.

"Here I am!" nabigla naman ako ng biglang lumabas ng pinto ang babaeng yun at kumapit sa aking braso, "LSS, sino sya?"

Naguluhan si Maxene sa pagsulpot nitong babaeng 'to sa tabi ko.

"Ano... Sya ba ay--" hindi ko na pinatapos si Maxene dahil ayaw kong ma-misunderstand nya ang situation.

"Classmate ko, classmate ko sya. Basta maasahan mo ako, dadating ako. Sige, aalis na ako," hinila ko na itong babaeng ito na nakapulupot sa braso ko habang nagpapaalam kay Maxene, "Kita na lang tayo. Pupunta ako, pangako."

Nagwave lang sya ng kamay nya.

"Lss, sino sya?" hindi ko sya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy, sino sya?" ignore.

"Uy uy, sino sya?" kinukulbit nya pa ako but i just keep on ignoring her question.

"Hello! Earth to Lss labidoo christmas boyfriend!"

"Oh ano?!" medyo naiinis na sabi ko sa kanya.

Nagpout sya, "Pansinin mo naman kasi ako, kanina ko pa tinatanong kung sino sya eh."

"Kakilala ko! Ayan, masaya ka na?!" binelatan nya lang ako bilang tugon.

xxx-xxx

1msg received.

From: bebi

Merry christmas!

Umagang umaga tinext nya na agad ako. Hey, hey, hindi ako naglagay nyan sa phonebook ko. Sya nagsave ng number nya sa phonebook ko at naglagay ng name na yan, "bebi" <--- psh, nakakasuka. I wont dare to call her that, NEVER. =_=

Pero paano ba ako makakalusot sa kanya? I mean paano ako makakatakas sa usapan namin mamamaya? I need to go to that christmas party with Maxene... baka magkaroon ng chance ulit yung nasirang relationship namin. Pero... parang nakokonsensya naman ako kung hindi ko sisiputin yung baliw na babaeng iyon... ahhh. Ex-girlfriend or christmas crazy girlfriend? AHHH! I'll choose my ex-girlfriend! WALA NA AKONG PAKELAM SA KONSENSYA KO, pasensya na po Lord kung magsisinungaling ako kahit christmas na christmas. >__<

Type. Type.

To: Bebi

Today, my parents are returning. Susunduin ko sila sa airport ng mga 6pm at baka magdinner na rin kami together. I'm really sorry, I can't meet you today. Babawi na lang ako bukas, merry christmas.

Message sent.

*toot toot*

1msg received.

From: Bebi

Ok.

That's all? She actually believed it? Without even questioning me and stuff? I mean... how can she be this gullible? 

Number#9: She's so gullible.

Sobrang naguguilty ako lalo na pag isang 'ok' lang ang sagot nya, para kasing pinagkakatiwalaan nya talaga ako kaya 'ok' lang yung sinend nya at hindi na sya nagtanong pa ng kung anu ano.

I know this is wrong. Paskong pasko, sarili ko pa rin ang iniisip ko.

xxx-xxx-xxx

< that girl's POV >

December 24.

"Thank you ma'am, please come again."

"Thank you din po! Merry christmas na din po!" nakangiting inabot ko yung nabili ko sa counter. Ansaya saya ko at nabili ko na rin yung pang-christmas gift ko kay LSS. <3

Naku, mabuti pang lumabas na ako baka naiinip na sya sa pagiintay. Mainipin pa man din yung isang yun but I really like him kahit ganun sya. :"3

"Sayo din. Ah oo nga pala....Invitation. May christmas party bukas sa may Yoki bar, 8:30pm. Sana makapunta ka, aasahan kita ah?" napatigil ako ng may marinig akong boses ng babae sa may pinto, nakita kong kausap nito si LSS. Nagtago muna ako sa likod ng pinto para mapakinggan sila. Ewan ko ba kung bakit ako nagtago pero hindi ko kasi feel na magpakita agad sa kanya... parang gusto pakinggan yung pinaguusapan nila... >__<

"8:30, bukas?" 8.30pm? bukas? Bakit sya binigyan ng invitation nung babae? May usapan kami bukas ng 8pm! >__<

"Yup, may problem ba? Hindi ka ba makakapunta?" hindi sya makakapunta kasi may usapan kami! WAG MO NGA SYANG KULITIN! >__<

"Eh kasi..." 

"Eto na siguro yung sign na hinihingi ko."

"Ha? Anong sign?" oo nga, anong sign? wala akong maintindihan. >_<

"Sabi ko sa sarili ko, pag sa araw na ito na sobrang daming tao ay makikita kita... Pagiisipan kong mabuti kung pede pa ba nating ibalik yung dati... Kung may 2nd chance pa..."

2nd chance? Ibalik ang dati? Ang alin? Wala na talaga ako maintindihan. Sino ba itong girlalush na ito na kumakausap sa boyfriend ko? T__T

"Makakapunta ka ba bukas?" hindi sya makakapunta, PERIOD! Layas girl, LAYAS! >__<

"Oo, maasahan mo ako." sabi ko sayo hindi sya makakapu--- WHAT?!  Bakit sya sumangayon? Edi ba may usapan nga kami? Di ba may usapan kami? Diba? T___T

"Thank you."  I hate you LSS! I hate you. T__T

"Here I am!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na makinig lang kaya lumabas na ako at yumakap agad sa braso ni LSS, like a sign sa girl na ito na 'STAY AWAY, HE'S MINE'. >__<

"LSS, sino sya?"

"Ano... Sya ba ay--"  hindi pa nakakatapos magsalita yung girl ng pinutol sya ni LSS.

"Classmate ko, classmate ko sya. Basta maasahan mo ako, dadating ako. Sige, aalis na ako," what? Classmate lang? GIRLFRIEND MO AKO! GIRLFRIEND MO! >__< Pero hindi na ako naka-angal kasi hinila nya na agad ako palayo, "Kita na lang tayo. Pupunta ako, pangako."

Pupunta sya? PANGAKO? Paano yung pangako mo sakin? Diba nangako ka din sakin na pupunta ka bukas? Na sabay tayong magcecelebrate ng christmas eve? Anong pangako ba ang tutuparin mo? Yung pangako mo sakin o yung pangako mo sa kanya? :(

December 25.

From: LSS my love. <3

Today, my parents are returning. Susunduin ko sila sa airport ng mga 6pm at baka magdinner na rin kami together. I'm really sorry, I can't meet you today. Babawi na lang ako bukas, merry christmas.

Click reply button. Type.

To: LSS my love. <3

Ok.

Sinungaling ka, LSS. </3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top