8: That girl is a deceiver

Enjoy reading! Don't forget to vote, like & leave a comment. Thanks! <3

- 8 -

That girl is a deceiver.

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

"Decisions shape your destiny; it is in the moments of indecision that fate takes over. "

- Mark Amend

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

Arghhh! Putekkk. Asaaar. AHHHH!!

Hindi ako makatulog. Buset na buhay yan. Buset na babaeng yun. Buset na araw na ito. Buset na halik yun. =__=

Paano ba naman kasi, pagkatapos nya akong halikan bigla syang tumakbo paalis. Kamusta naman daw yun, diba? >__<

Pero nabigla talaga ako ng halikan nya ako at to tell the truth, I liked it. Pero bakit ganun? Bakit nagkakaganto ako? Bakit may nararamdaman akong ayaw kong maramdaman.  AHHHH!!

Tapos... bakit nya ba ako hinalkan? Pero sabi sakin ni Steve dati na stalker ko daw yung babaeng yun... dahil sa gusto nya ako? Eh... bakit sya tumakbo pagkatapos nya akong halikan? Ehhh.... Wala na akong maintindihan.

ANG NAIS KO LANG NGAYON EH PATULUGIN NAMAN SANA AKO NG ISIPAN KO. >__<

Pasado alas dos na oh! Amfff. >__<

Gulong gulong sa kama, hindi mapakali, gulong gulong. Takip unan, tanggal unan. Baligtad ng pwesto, tatayo hihiga. Gugulong ulit. =_=

 (Ringing tone: Hate that I love You by Rihanna ft Neyo)

*As much as I love you
As much as I need you
And I can't stand you
Must everything you do make me wanna smile
Can I not like you for awhile? (No....)*

AYY IMPAKTO!

*BOOGSH*

Sa bigla ko sa pagtunog ng cellphone ko ako ay nalaglag tuloy sa aking higaan. Pakshet, ang sakit ah. =__=

*But you won't let me
You upset me girl
And then you kiss my lips
All of a sudden I forget (that I was upset)
Can't remember what you did*

Sino naman kaya natawag? Kinuha ko yung cellphone ko sa table sa tabi ng kama ko habang hinihimas ko pa ang masakit kong pwet sa pagkakabagsak.

+6390000000 calling....

 *But I hate it...

You know exactly what to do
So that I can't stay mad at you
For too long that's wrong*

Up until now hindi ko pa rin pala nasesave number nya sa phonebook ko but ohwell, kilalang kilala ko na yung number nya eh. Pero teka... bakit sya tumatawag ng gantong oras? 2.47am na oh! O__O

Sasagutin ko ba o hindi?

*But I hate it...

You know exactly how to touch
So that I don't want to fuss.. and fight no more
Said I despise that I adore you

And I hate how much I love you boy (yeah...)
I can't stand how much I need you (I need you...)
And I hate how much I love you boy (oh whoa..)
But I just can't let you go

And I hate that I love you so (oooh..)*

Eh bakit ko naman hindi sasagutin? Hala, masagot na nga!

"H-hello?" tae, nangangatal boses ko. Abnormal ko. >_<

"...."

Walang nagsasalita?

"Hello?" paguulit ko.

"Help me..." :"(

Huh? Teka... bakit sya umiiyak? What? Help her? Anong nangyayari? O__O

"W-wait! Bakit ka umiiyak? Saka ano ba nangyayari? Paanong i-he-help kita?" O__O

"I'm dying... help me, I don't want to die." T___T

END CALL.

*Hampas sa pader*

Sa sobrang bigla ko napindot ko yung "end call" tapos hinampas ko ulo ko sa pader, baka kasi nanaginip lang ako but I think hindi ako nananaginip, gising talaga ako... ansakit ng pagkakahampas ko eh. =__=

Wait! Wait! Na-end ko yung call, tatawagan ko sya! >_<

Isang ring pa lang, nasagot nya na agad.

"I'm so sorry kung naibaba ko yung call." 

"W-wala yun..." malungkot yung boses nya. Naririnig ko pa syang sumisinghot, umiiyak ba sya? 

"Teka... joke lang yung sinabi mo kanina diba? Yung mamamatay ka?"

"Masaya sana kung joke nga sya... pero hindi ko kayang tumawa eh kasi hindi sya joke..." :(

"Eh... wait, teka... pero anong sakit mo? I mean, mukha ka namang malusog ah? Kiti kiti ka pa ngang kumilos eh, napaka-energetic mo... paanong magkakasakit ka?" :O

Ewan ko, I feel so concerned about her. 

 "Basta... may sakit ako... hindi sya yung klase ng sakit na kinakain ako o pinahihina ako... hindi sya nakikita physically... yung sakit ko,  bigla bigla syang pumapatay... Dun ako natatakot, kasi hindi ko alam kung kelan ako mamamatay... hindi ko alam kung kelan nya ako kukunin... Natatakot talaga ako..." habang sinasabi nya yung mga yun, lumalakas yung hagulhol nya... halos mahirapan na nga akong macomprehend yung mga sinasabi nya

"Talaga? Hindi ko akalaing may sakit ka pala... ano ba ang sakit mo?"

"Saka mo na lang malalaman pag namatay na ako..."

"Ha? Hoy! Walang ganyanan! Wag kang mamatay!" kinikilabutan naman ako sa kanya eh. >_<

"Malapit na akong mamatay... sabi sakin ng doctor ko, palala na daw ng palala ang sakit ko... anytime, pede na akong kunin ng sakit ko... Pero bago ako kunin ng sakit ko... pede ba akong humingi ng favor sayo?"

"Eh? A-ano yun?" gulong gulo na utak ko sa mga sinabi nya. Hindi madigest ng utak ko na itong kaklase kong ito na halos hindi ko nakakausap sa classroom dahil sa takot ko sa pagiging stalker nya sakin na kamakailan lang ay naging partner ko sa isang vacation requirement ay MAY MALALANG SAKIT PALA. Ako lang ba nakakaalam sa classroom? 

"Pede ka bang maging boyfriend ko bago ako mamamatay?"

AYY PAKINGSHETT.

Boyfriend nya? Hindi ko alam isasagot ko... Ayaw ko kasi hindi ko naman sya mahal... Pero parang nakokonsensya naman ako kung magiging selfish ako at hindi ko pagbibigyan ang hiling nya... paano pag namatay nga sya at hindi ko sya pinagbigyan? Hala, gagambalain ako ng konsensya ko nun habambuhay... ang malupit pa, baka gambalain din ako ng kaluluwa nya. >__<

"Teka, bakit ako? Bakit hindi na lang ibang tao? I mean... yung iba nating kaklase... bakit ako pa?"

"Dahil ikaw ang gusto ko, wala ng iba." nung sinabi nya yun, firm yung boses nya. Feeling ko parang tumagos sakin yung mga sinabi nya.

"Pero..." hindi ko na talaga alam gagawin ko... pagbibigyan ko ba ang hiling nyang maging boyfriend ako bago sya mamatay? Pagbibigyan ko ba? Hindi ko alam gagawin ko. >_<

"Pero okay lang naman kung ayaw mo... Ayoko mamilit..." haay buti naman okay lang pala sa kanya kahit tanggihan ko sya.

"Pasensya na talaga ha..."

"Pero sayang naman... gusto talaga kitang maging boyfriend bago man lang ako mamamatay... gusto ko lang naman ma-experience na mahalin ako ng taong gusto ko bago ako kunin ng sakit ko..."

TAE! BAKIT KELANGAN NYANG MAGSALITA SA GANUNG TONO? YUN BANG SOBRANG LUNGKOT NA TONO? NAKOKONSENSYA AKO MGA PARDS! SOBRANG NAKOKONSENSYA. >___<

"O sige, sige. Magiging boyfriend mo na ako bago ka man lang... uhh... mamatay..." nahihirapan akong sabihin yung "mamatay" kasi hindi pa rin ako makapaniwala na mamamatay isa sa mga kaklase ko ng ganun ganun lang...

"Talaga?" medyo nagbrighten up yung voice nya. "Payag ka ng maging boyfriend ko?"

"Ah eh," napakamot ako ng ulo ko, "Oo. Payag na ako."

"Salamat! Maraming salamat talaga," alam nyo yung boses na sobrang saya na parang maiiyak na? Yun yung tono ng boses nya habang nagpapasalamat sya. Para bang yung saya nya parang nabigyan sya ng 1million pesos.

"Wala ng bawian yan ha?"

"Oo, oo..."

"Please ask me to be your girlfriend para maging official na tayo..."

"Ha? I'll have to ask you? H-ha?"

"Eh kasi... ayokong basta bastang "tayo" na agad... gusto ko din kasi sanang ma-experience yung maligawan o i-ask out ng lalaking gusto ko pero I think that'll be too much to ask kaya naman... ang hiling ko na lang, i-ask mo na lang ako maging girlfriend mo para kahit papaano may formal na opening yung relationship natin..."

"Ah ganun ba," hindi ko talaga mapigilang mapakamot sa ulo ko. Medyo ang awkward kasi talaga ng hinihiling nya. "O sige,"

Bahala na nga, gagawin ko na lang ito para sa mabuting intensyon. Makatulong man lang ako sa kaklase kong mamamatay na, na dati ay pinandidirihan ko. Makabawi man lang ako sa mga paglayo at pandidiring pinakita ko sa kanya dati. Huminga na ako ng malalim at,

"Can you be my girlfriend?"

"Yes!"

"Ayan, tayo na...." eto na nga, naitali ko na ang sarili ko.

"HAHAHA!" nabigla ako ng bigla syang tumawa. Anong nakakatawa? O__O

"JOKE JOKE JOKE! Hindi pa ako mamamatay pero walang bawian, TAYO NA! You asked me to be your girlfriend, nag-yes ako so yeah... WE'RE OFFICIALLY A COUPLE! AYEEE!"

"H-hoy! A-ANONG SABI MO?! JOKE LANG ANG LAHAT? YUNG SAKIT, JOKE LANG? YUNG MAMAMATAY KA JOKE LANG?!" I can't believe this... I just cant. =_=

"HAHAHA! Yup! Pero don't worry, boyfriend na kita kaya PARTEYYY PARTEYY."

"Hoy gusto mo masapak?! Hindi! Hindi tayo! Pinagsasabi mo! Hindi mo ako boyfriend! Manahimik ka! Niloko mo ako! MAY SAKIT KA NGA, SAKIT SA UTAK! Malala na yan! Ipadoctor mo na, baka mamatay kang mental patient!"

"Behlat! Walang bawian! Recorded yung part na tinanong mo akong 'can you be my girlfriend'! BWAHAHA! Sige ka pag hindi ka umaktong boyfriend ko, ipagkakalat ko ito sa classroom pagkabalik natin sa school from the vacation! Haha! Don't worry, I'll just ask you na maging boyfriend ko kahit hanggang end of the year lang! haha. Saglit lang yun kaya dali na, pagbigyan mo na ako! Pag pinagbigyan mo ako, promise walang makakaalam sa classroom ng christmas relationship natin! Pero pag hindi mo ako pinagbigyan, ipagkakalat ko talaga yung recorded voice mo. MWAHAHAHA!"

"Blackmailer." =__=

Number 8: That girl is a deceiver.

Asar lang. Asar lang. Asar lang.

Mag-3.30am na! Buset kang babae ka! Buset! LAKI NG SAKIT MO SA UTAK! Asar. >___<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top