6: She's such a whiner.
Vote, comment, like. Enjoy reading! <3
- Chapter 6 -
She's such a whiner.
"Everyone smiles in the same language."
- Unknown
"Something's not right..." parang umiikot yung paningin ko tapos yung tyan ko....
I feel...
I feel like vomiting.
*Uwaaack* <--- sound epeks po ng taong nasuka. (Ang korni ko talaga magsound effects noh? :D)
Ansama ng pakiramdam ko tapos nanlalabo yung paningin ko....
*Tugsh!*
Pagkatapos kong sumuka, bumagsak na yung katawan ko sa sahig.
"OMG!" narinig ko ang pagbukas ng pinto pati na rin ang sigaw ng babaeng yun at pagkatapos nagdilim na ang lahat.
*Tiktilaok!*
Nagising ako sa tilaok ng manok, hinde joke lang. Wala kaming manok noh, nagising lang ako sa sikat ng araw--- teka, sikat ng araw? Huh? (?__?)
Tumayo ako sa pagkakahiga ko and--- ohmen ma loloh! What happened to my clothes? Bakit naka-PJs na ako? I don't remember changing in my PJs... Don't tell me, she raped me? ohmen ma loloh! I'm not a virgin anymore! :o
*TOOT TOOT*
Kinuha ko yung cellphone ko na nasa bedside table lang.
From: +6390000000
Goodmorning LSS! Don't freak out, I only changed your clothes but I didn't touch or did something indecent last night while you were out of commission. Nasukahan mo kasi damit mo eh. Nwy, drink your medicines 'kay? I left it on the kitchen table together with your breakfast. And don't worry, hindi ako ang nagluto, binili ko yung lugaw sa malapit na lugawan dyan. 'Kay, thanks for last night and sorry for bringing trouble to you. Get well soon, LSS. <3
What's with less than three symbol. Seesh.
Tumayo na ako sa higaan, kinapa ko muna yung leeg at noo ko, hindi na naman mainit, mukhang wala na akong lagnat, sinat na lang siguro. Pumunta akong banyo ng kwarto ko para maghilamos pero pagpasok ko ng banyo may nakita akong isang maliit na lagayan na may tubig tapos may nakababad dun na maliit na towel. Hindi kaya...inalagaan nya ako kagabi?
Tapos, bumili pa sya ng lugaw para sakin. Tae, ang sweet.
Teka. Tae. Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Psssh. Makapaghilamos na nga lang!
Pagkatapos maghilamos nagdiretso na ako sa kitchen, kumain at ininom ang gamot tapos nagdiretsong sala at nanuod ng tv.
Ewan ko habang nanunuod ako ng tv, hawak hawak ko yung cellphone ko at maya't maya akong sumisilip dun.
"Ughhh! Magte-thank you lang ako! Yun lang!"ini-unlock ko yung cellphone ko at nagsimula ng magtype ng msg.
To: +63900000000
Uh.. Hi! Thanks nga pala sa pag-aalaga mo kagabi. : )
Hindi ko sinend, ini-erase ko at nagtype ulit ng bago.
To: +63900000000
Thanks.
Message Sent.
Nag-aantay ako ng reply.
10minutes....
15minutes....
20minutes...
30minutes....
Bakit walang reply?
Tungeks ka ba. Syempre, ano bang irereply sa "thanks"? Hindi na talaga yun magrereply sa ganung message.
Pede namang magreply ng "welcome" ah.
Tae. Bakit ko ba kinakausap sarili ko.
At bakit ba ako nagaantay ng reply ng babaeng yun. Who cares, right?
*TOOT TOOT*
Message! Unlock, view and----
From: Ryan
GM
Morning!
Tae. GM lang pala.
Tama na nga, para akong tanga. Ma-charge na nga lang 'tong cellphone ko at malolobat na.
Chinarge ko na nga yung cellphone ko at bumalik ulit sa sala para manuod ng tv.
Natapos ang araw na yun na wala akong ginawa kundi manuod lang ng tv o kaya magcomputer. BORING.
The next day, ano bang pedeng magawa? Errr.... Boring.
Walang magawa sa buhay kundi tumunganga.
Nandito lang ako sa kwarto ko at nakahiga sa kama ko. Hmmm... Ano ba pedeng gawin?
Tumingin ako sa kaliwa, wala. Tumingin ako sa kanan at....
"Right!"tumayo agad ako sa pagkakahiga ko at lumapit dun sa may studytable ko. Kinuha ko dun yung requirement paper.
xxxx-xxx-xxxx-xxx
Course Requirement in Moral and Education Studies 2011
10 things about that girl/boy sitting next to me:
1. That girl sitting next to me is annoying and irritating.
2. That girl is really tone deaf.
3. That girl has a memory of a 150yr old person.
4. That girl burps like a fat guy.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
1 thing about me:
1.
xxxx-xxx-xxxx-xxx
Teka.... 4 pa lang nasusulat ko? Tae. Anobayan, 6 pa pala!
Ah teka, tama.
Number 5: That girl is such a crybaby.
Ang iyakin kasi, kidlat lamang aiy. ::)
Kelangan makumpleto nanamin 'to.
Kukunin ko pa lang yung phone ko para tawagan sya kaso nauna na ng tumunog yung cellphone ko.
Akala ko sya na pero nadisappoint ako ng makita kong si Steve lang pala ang natawag.
"Uy?"
"Pre, sama ka?"
"Saan?"
"Sa langit."
"Ha?!"
"Hindi, joke lang." ;D
"Gagu, saan ba?"
"Mangangarolling daw. Tayong buong klase pero hindi buo, wala yung iba eh. :D"
"Kelan? Tsaka anong oras? Pati saang lugar?"
"Mayang gabi na, mga 8:30pm daw meet up sa tapat ng bahay nina Kate. Ikot lang tayo sa village nila."
"Ah sige, game ako."
Hindi ko na natawagan pa yung babaeng yun kasi may gagawin na pala ako mamayang gabi. Sabagay, halos buong klase naman pupunta mamaya eh, so baka makita ko rin sya.
9:30pm na pero andito pa rin kami sa tapat ng bahay nina Kate, kahit sinabing 8:30pm inabot pa rin kami ng isang oras sa pagaantay, Filipino time. ::)
"Uy pare, kanina ka pa palinga linga ah, sino ba hinahanap mo? Siguro may crush ka sa klase nuh." ^-^
"Ulul, wala." tae talaga 'tong si Steve oh, daig pa babae sa pagkaintrigero eh.
"Asus. Halos mabali na yang leeg mo kakahanap sa kung sino man yun oh."
"Tae. Layuan mo nga ako Steve---"
"Sorry, late ako!" napalingon agad ako ng marinig ko yung boses na yun.The voice that was stuck in my head.
"Lagi ka namang late."
"Haha. Sorry naman, Ana. Nalimutan ko eh.":D
"Napakamalilimutin mo talaga kahit kelan."
"Hehe." tumawa sya sa sinabi ng kausap nya kaso nabigla ako ng mapadako ang tingin nya sa banda ko at dahil dun nagsalubong yung tingin namin at ngumiti sya sakin, pero imbis na ngumiti din sa kanya iniiwas ko yung tingin ko.
"Oy ano yun?" taena. Intrigero talaga tong si Steve.
"Wala." buti na lang nagyakag na sina Kate na magsimula na ng carolling at nawala na sa isip ni Steve ang kulitin ako sa nakita nyang tinginan namin nung babaeng yun.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang tumingin sa dako nya. Tae. Bakit ba ako tingin ng tingin? Amp.
"Silent Night, Holy Night..."
Nagsimula na kaming mangarolling sa iba't ibang bahay.
"Ey, tara na."
"Ayoko na, pagod na ako." napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanila.
"Tignan mo oh, maiiwan na nila tayo. Tara na, tumayo ka na dyan at lumakad na tayo."
"Ayoko. Pagod na ako, sakit na ng paa ko. Kung gusto mo mauna ka na." sabi nung babae na yun kay Ana, yung isa pa naming kaklase. Nakaupo sya dun sa isang malaking bato habang nakahawak sa binti nya.
"Hindi kita pedeng iwan dyan, andilim na kaya mamaya mapaano ka pa. Tara na, antamad naman neto oh. Tara na!" hinigit sya ni Ana sa may kamay nya.
"Ayoko. Mauna ka na Ana. Sunod na lang ako sa inyo pag nakapahinga na ako."sabay bawi nya ng kamay nya sa pagkakahila ni Ana.
Lumapit ako sa kanila,"Sige na Ana, mauna ka na. Sasamahan ko na lang sya."tumingin sakin si Ana, halatang nagtataka yung itsura nya sabay bigla syang ngumiti ng makahulugan.
"Sige, sunod kayo ah." ;) at umalis na sya.
"Antamad mo, alam mo yun?"
"Anong tamad? Sa pagod na ako eh, anlayo na kaya ng nalakad natin."
"Tss." yun na lang yung nasabi ko sabay umupo ako sa tabi nya.
Wala kaming imik dun hanggang sa mga siguro 5minutes yung nakalipas ng mapagdesisyunan na nyang tumayo.
Nakasunod naman kami sa klase, hindi pa naman kasi sila kalayuan.
Habang naglalakad kami panay ang reklamo nya.
"Ano ba yan ang lamok." sabi nya sabay palo sa may braso nya. Naka-tshirt lang kasi sya.
"Ano ba yan, inaantok na ako."
"Ano ba yan, gutom na ako."
"Ano ba yan, anlamig."
Inabutan ko sya ng jacket ko,"Oh please, stop whining." =__=
Number Six: That girl's such a whiner.
"Uy, guys oh, tignan nyo sila!" sa sinabing yun ni Steve, lumingon ang lahat saming dalwa. Nasa pinakalikod kasi kami ng grupo habang naglalakad eh kasi diba nga tumigil kami kanina kaya nahuli kami sa pila ng grupo.
"Oo nga, uyyyy. Ano yan?"
"Ancheesy ah..."
"Something fishy..."
Tae. Tinutukso kami ng klase.
"Kayo ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top