4: She burps like a fat guy
Vote, comment, like & tweet. Thanks! :3
- Chapter 4 -
She burps like a fat guy
"Where is the off button of love?
I cant take and handle it anymore. "
- Danxxiaoo
xxx-xxx
"Oh ito wallet mo, sa susunod ingat ingatan mo nga yang mga gamit mo." nandito kami ngayon sa may tapat ng 7eleven. Tinext ko kasi sya kagabi sabi ko nakita ko na yung wallet nya sa Greenwich tapos magmeet na lang kami kinabukasan dito sa 7eleven.
"Thanks talaga LSS. Super. Nakakatuwa, talagang bumalik ka pa sa Greenwich para hanapin 'tong wallet ko."
"Sinabi na ngang hindi ko binalikan yan eh, napadaan lang nga ako eh. May binalikan lang ako sa SM kagabi eh, may nakalimutan akong bilhin."
"Weh. Talaga lang ha? Eh ano yung binili mo kung ganun?"
"Wala ka na dun." wala naman talaga akong binili eh. Ang totoo, binalikan ko nga talaga yung wallet nya sa Greenwich. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote ko kagabi... wala lang siguro akong magawa kaya binalikan ko. Tama, wala lang talaga akong magawa. Hindi ko yun binalikan para sa kanya, wala lang talaga akong magawa! Tama! Tama!
"Sus, deny ka pa dyan. If I know, crush mo na ko noh?"
"Kapal mo. Kaw nga 'tong may crush sakin, feeling ka masyado."
"H-hindi kita crush noh!" tignan mo, nautal nanaman. Halatang halata aiy. ::)
"Oo na lang, sige na. Uuwi na ako." tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana pauwi kaso bigla nya akong hinawakan sa braso.
"Uuwi ka na kaaga--- teka! Ang init mo!"
"Malamang! Buhay eh! Magtaka ka kung malamig ako, bangkay na yun!"
"Huurrr. Korni. Teka nga, patingin nga." lumapit sya sakin tapos hinawakan nya yung ulo ko ng dalwa nyang kamay at nilapit nya ang mukha nya tapos nilapat nya yung noo nya sa noo ko.
"O-oyy! Anong ginagawa mo!"
"Sssh. Wag kang malikot, tinitignan ko temperature mo."
"Nanananching ka lang eh!"
"Kapal mo talaga!" sabi nya pagkatanggal nya ng pagkakalapat ng noo nya sa noo ko, "Oy, may lagnat ka bakit hindi mo agad sinabi?! Ang taas eh!"
"Aba. Malay. Tsaka sus, parang lagnat lang eh."
"Anong parang lagnat lang! Sira ka ba, pede kang mamatay sa lagnat lang nuh! Dapat pinadala mo na lang 'tong wallet na 'to sa kasama mo sa bahay o kaya pinagpabukas mo na, tignan mo lumabas ka pa tuloy kahit may lagnat ka. Umuulan pa man din oh, wala ka pang payong!"
"Sus. Lagnat at ulan lang. Tsaka wala akong kasama sa bahay 'no, wala akong mauutusan."
"Edi sana pinadala mo na lang sa aso nyo."
"Harhar. Korni mo din. Sige na uwi na ako."
"Teka, seryoso ka? Wala kang kasama sa bahay nyo?"
"Oo, wala parents ko nasa Hong Kong. Mag-isa lang ako. Pede na ba akong umuwi?"
"Eh teka, paano ka?"
"Anong paano ako?"
"Sinong mag-aalaga at mag-aasikaso sayo? Wala kang kasama sa bahay."
"Sus, parang yun lang. Malaki na ako noh, kaya ko na sarili ko. Inom lang ng gamot sabay tulog, bukas wala na 'to."
"Ano ka ba, samahan kita sa bahay nyo, pagluto kita ng sopas or lugaw."
"Wag na. Baka malason pa ako."
"Naman eh, dali na sasamahan na kita sa inyo baka kung ano pa mangyari sayo pag mag-isa ka lang."
"Wag na."
"Dali na."
"Sinabing wag na."
"Dali na kasi."
"Ayoko."
"Pleaaaaseeee?"
"Bye." tumalikod na talaga ako at naglakad na palayo sa kanya. Hinabol nya ako.
"Sige na nga, oh eto payong. Kung ayaw mo akong pasamahin, atleast man lang kunin mo 'tong payong ko, wag kang magpaulan."
"Eh ikaw? Wala kang payong?"
"Ok lang, nagtatricyle naman ako eh."
"Ok, thanks." kinuha ko na yung payong at naglakad na pauwi.
Malapit na ako samin nun, konting hakbang na lang nasa may bahay na ako kaso napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong bumahing mula sa may bandang likod ko.
"ACHOO!"
Lumingon ako at nakita ko ang babaeng yun.
"hehe. Oops, I got caught."
"WHAT THE HECK?! SIRA ULO KA BA O ANO?!" lumapit agad ako sa kanya at hinila ang kamay nya at dinala agad sya papasok ng bahay ko. Pagkapasok ng bahay, inihagis ko na lang yung payong sa may tabi tapos iniwan ko muna sya sa may tapat ng pinto at nagdiretso sa banyo para kumuha ng twalya at bumalik dun sa babaeng yun.
"Oh, tuyuin mo nga yang sarili mo." hinagis ko sa kanya yung twalya at sinambot naman nya yun at pinunas sa sarili nyang basang basa.
"Isa't kalhating tanga ka ba? Bakit nagpapabasa ka sa ulan? Tsaka, sinundan mo ba ako hanggang dito?!" naiinis kong sabi.
"Hehe. Oo eh, ayaw mo kasi akong pasamahin sa bahay mo eh kaya sinundan na lang kita."
"Ganon?! Tapos binigay mo pa sakin payong mo?! Tignan mo nga yang hitsura mo?! Basang basa ka!"
"ACHOO!"
"Ayan, tignan mo, binabahing ka na! Teka nga, kukuha lang ako ng damit, magkasakit ka pa nyan. Dalwa pa tayong magkalagnat! Dumiretso ka na dun sa sala, aakyat lang ako para kumuha ng damit."utos ko sa kanya sabay diretso na sa taas at pumuntang kwarto ko at naghalungkat sa cabinet ko ng pede kong ipasuot sa kanya.
Anobayan, ano ba ipapasuot ko sa kanya? Puro panlalaki naman 'to eh, wala naman akong kapatid na babae tapos hindi naman pede yung kay mama, masyadong pangmatanda at malaki ang mga damit ni mama eh.
Tae naman oh.
No choice, ito na lang long sleeve na shirt ko. Tama na siguro 'to, mahaba na 'to medyo malaki nga lang pero okay na, pede nya ng gawing bestida.
Bumaba na agad ako at nakita ko syang nakatayo sa may sala na nangangatal habang nakabalot sa katawan nya yung twalya.
"Oh, ito shirt, magpalit ka ng damit dun sa banyo." tinuro ko sa kanya yung banyo at nagdiretso na sya dun ng walang imik pero 'achoo' sya ng 'achoo'. Tsss. Magpaulan ba naman.
Maya maya lumabas na sya ng banyo, suot nya na yung long sleeve shirt ko. Anlaki sa kanya, lagpas pa yung sleeve sa kamay nya, bale konting daliri lang ang kita tapos hanggang tuhod nya yung dulo ng shirt para tuloy talaga syang nakabestida. ;D
"Sinampay ko yung mga basa kong damit dun sa may banyo."
"Ah sige. Yaan mo na yun don. Pag natuyo na yun, umuwi ka na!"
"Papauwiin mo na agad ako?" :( umupo sya sa tabi ko sa may sala tapos pinatong nya sa may sofa yung dalwa nyang paa tapos niyakap nya yung binti nya gamit ng kamay nya. Aba, at home sya ah?
"Oo, in the first place naman ayaw kitang patuluyin dito sa bahay ko eh. Ikaw 'tong nangstalk sakin. Aminin mo nga, stalker kita noh?" mula sa pagkakaupo ko, lumapit ako sa kanya. As in super lapit na konting inches na lang yung mga mukha namin sa isa't isa tapos yung dalwa kong kamay nasa bawat magkabila nya tapos paipod sya ng paipod habang palapit naman ng palapit ang mukha ko sa kanya.
"Ano? Stalker ka noh?" sabi ko ng lumapat na yung ulo nya sa may sofa at yung paa nyang kanina lang ay nakapatong sa sofa ay nakababa na, bale parang yung half ng body nya nakahiga sa sofa at ako nasa may ibabaw nya at yung dalwa kong kamay nasa magkabila pa rin nya. Tutok na tutok ako sa kanya, inaasar ko lang sya pero bakit ganto... medyo kinakabahan ako, lumalakas yung tibok ng puso ko,bumibilis.
"H-ha? H-hindi ako stalker noh..."
"Sabi ng isa kong kaibigan may nakita daw sya sa desk mo na isang album na puro stolen shots ko. Explain mo nga kung ano yun?" nilapit ko pa ng maigi ang mukha ko sa mukha nya.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." halatang nagsisinungaling sya, hindi sya makatingin ng diretso sakin eh.
"Aminin mo na kasi, may gusto ka sakin noh?"
Pagkasabi ko nun, tumingin sya sa mga mata ko. As in nagkakatitigan kami at dahil dun, mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba. Ewan, ano ba 'to, ang abnormal ko naman, kinakabahan ako sa wala.
"Ah-- Ah--" Ah? Napapansin kong kumukunot yung ilong nyo tapos pumikit sya, "ACHOOO!"
"Yuck! Potek!" tumayo kaagad ako at pinunasan ang mukha kong nabasa. Ampotek, tama ba namang bumahing sa mukha ko?!!! >:(
"Ahahaha!" tumingin ako sa kanya, tawa sya ng tawa habang nakahiga pa rin sa sofa, "Ikaw kasi eh, hahaha! Anlapit lapit mo sa mukha ko, hahaha. Yan tuloy! Achoo!"
"Tsss. Malala ka na, malala na yang sipon mo at utak mo."
"Tama na nga." tumayo na sya habang pinupunasan nya yung luha sa mata nya dahil sa katatawa at kakabahing, "Ano gusto mo, lugaw o sopas? Luluto ako."
"Marunong ka?"
"Ata." :D
"Anong 'ata' ka dyan?! Wag ka ng magluto kung hindi ka marunong, mag-aaksaya ka lang ng pagkain!"
"Anla. Gusto kong magluto." naglakad na sya at pumunta sa may kusina at binuksan yung mga cabinet dun at nagkalkal ng ingredients.
"Sinabi na ngang wag ka ng magluto, masasayang lang ang pagkain." pagpigil ko sa kanya.
"Eh gusto kong magluto eh."
"Hindi pede, dyan ka lang." hinila ko sya papunta sa may table, "Maupo ka lang dyan." inutusan ko sya at sumunod naman sya, umupo sya dun, "Wag kang malikot, behave. Magluluto lang ako ng sopas. Ako ng magluluto para kahit papaano pedeng tawaging pagkain. Baka mamaya pag ikaw nagluto, mamatay pa tayong dalawa."
"How mean." binelatan nya ako, hindi ko na lang sya pinansin at nagsimula ng magluto.
Habang nagluluto ako kung anu ano mga kinukwento nya, hindi na nga lang ako nakikinig eh. Grabe ha, andaldal nya kahit bahing na sya ng bahing.
"Oh yan, luto na." sabi ko ng matapos na yung sopas, pinatay ko na yung kalan at kumuha na ng dalwang soup bowl at dalwang kutsara. Nilagyan kong parehas ng sopas at dinala ko sa may table.
"Hmmm. Ang bango, nakakagutom."
"Ano ba, sopas lang yan. Kung makareact naman 'to, kala mo chicken yung sineserve."
"Tignan mo 'to, kaw na nga 'tong pinupuri, kaw pa 'tong may ganang mambara."
Nagsimula na kaming kumain. Natapos agad sya, humingi ulit sya ng panibago. Nung matapos yung pangala nya, humingi ulit sya. At ng matapos, humingi ulit. At ng matapos ulit, humingi ulit. Natapos, humingi, natapos, humingi. Hanggang sa naubos na yung sopas.
"Sluuurp. Sarap!" sabi nya pagkatapos nyang higupin ang panghuling sopas.
"Di ka naman gutom eh noh?"
"Ang sarap eh, sarap sa pakiramdam ng mainit na sopas." sabagay, ansarap nga sa pakiramdam, medyo nawawala yung pagkahilo ko at lamig sa katawan.
"BUUUURP!"
"Bastos."
"Haha. Excuse me!" ;D
Ano ba 'tong babaeng 'to, kababaeng tao ai.
"Burp!"
"Nanaman?! Ano ba, kababae mong tao."
"Haha. Hindi mapigilan eh. Busog eh." natatawa nyang sabi. At natuwa pa sya at dighal sya ng dighal? Manners man lang, please?
"Burp!"
"Ano ba, pangatlo na yan ah!"
"Teka, teka. May isa pa ata, nararamdaman ko, last na 'to!
"BUUUUUUUUUUUUURP!"
Nagpakawala sya ng isang napakalakas na dighal.
"ANO BA!"
"Hahahaha! Excuse me. Hahaha. Last na yun, promise, napuno lang talaga ng hangin ang tyan ko. hahaha." sabi nya habang tawa ng tawa.
Anak ng. Number 4: She burps like a fat guy.
Geez. This girl's out of control.
Nung matapos kaming kumain at sa kanyang burping session, nagpunta na kaming sala at nanuod ng tv.
"Maya maya, umuwi ka na."
"Pauuwiin mo na agad ako? Tignan mo oh, anlakas ng ulan." :(
"Eh ano? May payong, may tricycle na nadaan. Para namang mababasa ka nun?"
*TZZZZ!* <--- sound effect ng thunder. anlabo. hahaha. xD
"Ohmygash." nung kumulog ng malakas, bigla syang sumigaw at nilagay yung dalwa nyang kamay sa magkabila nyang tenga tapos nakapikit sya.
"Ano ba, parang kulog lang."
"Please, wag mo na muna ako pauuwiin. Please, patilain mo muna ang ulan. Ayoko umuwi ng ganto, please, parang awa mo na. Natatakot ako sa kulog at kidlat." sinabi nya yun na nakapikit pa rin at nakatakip pa rin ang tenga nya. Mukhang takot na takot nga sya sa kulog.
"O sige na nga, konsensya ko pa kung mamatay ka dyan sa takot sa paguwi mo."
"Thank you!" sinabi nya yun pero ganun pa din yung position nya.
"Huy, ano ka ba, pede mo ng tanggalin ang kamay mo sa tenga mo at pede ka ng magmulat ng mata, wala pa namang kulog oh."
"Ayaw."
"Tanggalin mo na." lumapit ako sa kanya at pinilit kong tanggalin yung kamay nya sa tenga nya. Para naman kasing bata eh, parang kulog lang.
"No!"
"Dali na." pinipilit kong tanggalin pa rin ang kamay nya pero ayaw talagang papigil, medyo naangat ko na yung kanang kamay nya eh pero pilit nyang binabalik, "Tanggalin mo na kasi eh."
"Ayoko ng----"
*TZZZZ!*
Bigla nanamang kumulog ng malakas at....
"AHHHHH!" biglang nagbrown out at narinig ko syang sumigaw at naramdaman ko ang bigla nyang pagyakap sakin.
"Hala, brown out."
"Andilim! Wala akong makita. Natatakot ako!" sabi nya sa nanginginig na boses. Ano ba yan, ang dilim nga, mga mag-fa-five pm na kasi eh, eh pag gantong magpapasko na, maaga pa lang madilim na kaya pag nagbrown out, wala ka ng maaninag na liwanag mula sa labas.
"Teka, dyan ka muna, kukuha lang ako ng kandila at flashlight." tinanggal ko yung pagkakayakap nya sakin at nagsimula ng maglakad para kumuha ng kandila at flashlight pero naramdaman ko ulit ang pagkapit nya sakin.
"Wag mo akong iwan, please."
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at ini-unlock yun bale nagkaliwanag mula sa cellphone ko, tinapat ko yun sa mukha nya para makita ko mukha nya, "Babalik ako, okay?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top