10: She's afraid of explosions
- 10-
She's afraid of explosions
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
"To love is not to find the right person, but to be the right person to love."
- anonymous
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
NP: All I want for christmas is you by Mariah Carey
*I don't want a lot for Christmas
There's just one thing I need
I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree
I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
All I want for Christmas is...
You *
"Kamusta na brad?"
"Woah! Long time no see!"
Pagkapasok ko ng Yoki bar, andaming bumati sakin na mga kakilala ko... Mga kaibigan ni Maxene na nakakausap at nakakasama ko dati nung kami pa. Pero hindi ko na sila nakita pa ulit nung magbreak kami ni Maxene. Glad to see these guys again.
*I don't want a lot for Christmas
There's just one thing I need
I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree
I don't need to hang my stocking
There upon the fireplace
Santa Claus won't make me happy
With a toy on Christmas day
I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
All I want for Christmas is you
You baby *
"You came!" sinalubong ako ni Maxene na naka red skirt at red na t-shirt na may nakasulat na 'merry christmas', nakapig tail ang mahaba nyang buhok. She looks so cute sa kanyang outfit.
"Halika, magsisimula na ang party," hinila nya na ako sa kamay.
May mga party games at madalas kami ang partner ni Maxene, natukso pa nga kami nung apple eating game na dahil halos magkahalikan na kami. May nagpatugtog pa nga ng 'muling ibalik'. Nagenjoy naman ako sa party kaya nga hindi ko namalayan na 10.30 na pala ng matapos ang party.
Sabay kaming lumabas ni Maxene, at nagusap habang naglalakad.
"Yeah... About sa atin..." bigla nyang ini-open ang topic na iyon. Nakaramdam naman agad ako ng kaba.
"I'm sorry kung nakipaghiwalay ako sayo dati... Dapat pala cool off lang ang ini-ask ko sayo kasi alam mo ba nung nawala ka, sobrang namiss ko ang presence mo. Gustong gusto kitang balikan noon pero lagi na lang akong nawawalan ng lakas ng loob..."
"Uy ikaw pala, bakit magisa ka lang ngayon?" nadistract ako sa pakikinig kay Maxene ng may marinig akong pamilyar na boses sa hindi kalayuan.
"Pero yung kahapon nga..." salita ng salita si Maxene pero half listening lang ako dahil hinahanap ko yung pamilyar na boses.
"Asan yung boyfriend mo? Yung maangas na kasama mo sa park?"
"Wala sya..." that girl's voice!
"Break na kayo noh? Sabi ko na eh gago yun eh. Akalain mo ba naman, iniwan ang isang magandang dilag na tulad mo sa araw ng pasko? Sayang naman mag-isa ka lang."
Sa palinga linga ko, nakita ko rin sila sa may tapat ng fountain. Kausap ng babaeng iyon yung sira ulong manyakis sa may park.
"Gusto mo samahan kita? Para naman hindi malamig ang pasko mo." nakangising inakbayan sya nung manyak na iyon.
"Kung maaari lang naman, bigyan natin ng pangalawang pagkakataon yung relasyon nating dalwa?"
"Wag ka sumama!" napasabi ko habang pinagmamasdan ko pa rin yung manyak na nakaakbay sa babaeng yun.
"Eh? Ano?" bigla naman akong natauhan ng marinig ko si Maxene.
"ha?" yun lang naitanong ko. Nakalimutan ko ang presensya ni Maxene simula ng makita kong kausap ng manyak yung babaeng iyon.
"Ha? Ano yung sinasabi mo? Yung wag sumama? Ano yun?"
"Ha? Ano... Eh... May sinasabi ka ba kanina?" medyo naguguluhan tuloy ako.
"Hindi ka naman nakikinig sakin eh!"
"Hala... Eh kasi... Ano... Eh..."
"Bitawan mo nga ako, ayoko sumama." nadistract nanaman ako ng marinig ko yung boses ng babaeng iyon.
"Sus ang arte naman nito, dali na, sumama ka na."
"Ayoko nga kasi," pinipilit nyang tanggalin ang pagkakaakbay ng manyak sa kanya.
"Uy! Ano na? Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?" naguguluhan na ako.
"Oh! Tignan mo nga naman," things couldnt be worse than this. Dahil hindi kami kalayuan sa kanila ay nakita ako nung manyak at itinuro ako kaya naman napatingin sakin yung babaeng iyon.
Nagkatinginan kami, parehas kaming nabigla ng magsalubong mga mata namin.
"Diba sya yung maangas na kasama mo nun sa park? Aba, aba! May kasamang ibang babae? Iniwan ka miss?"
"Let me exp--" hindi pa ako tapos magsalita ng putulin nya ako.
"No, it's not him."
"Eh? Papaano? Eh kamukhang kamukha nya eh!"
What are you saying? Hey, it's me.
"Hindi sya yan! Hindi sya ang Lss ko! Ang lss ko ay nasa airport, sinundo ang parents nya! Ang lss ko kasama nang nagdidinner ang parents nya! Ang lss ko wala dito! Wala sya dito..." diretso lang ang tingin nya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga iyon.
"Sure ka ba? Ayan sya oh, nasa harap mo unless kakambal nya yan? Kung meron man syang kakambal. Haha!"
"Hindi ko alam... Baka kamukha nya lang, may tiwala ako sa lss ko... Hindi sya sinungaling..." sobrang lungkot ng mukha nya.
Bakit? Bakit ganyan ka magsalita? Sobrang nakokonsensya ako at... Wag mo ipakita sakin na ini-endure mo ang sakit dahil pag nakikita kitang ganyan... Nakakaramdam ako ng sakit...
All of a sudden, I felt like asking apology and hug you...
"What's happening?" pagtatanong ni Maxene na kasalukuyang gulong gulo sa sitwasyon.
"Tara na, sasama ako sayo."
"Nice! That's more I like it."
No, no... Don't go with him... Please, don't.
"Hey, whats going on?!" hinawakan ako sa braso ni Maxene at iniharap sa kanya.
Dahil sa frustration, naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok, "Look, Maxene. I've missed the real chance. I'm sorry, I can't go out with you anymore... I already have a girlfriend. I'm really sorry,"
Niyakap ko si Maxene, "Merry christmas."
At tumakbo na ako paalis pagkatapos, hinahabol sya.
Antanga ko, bakit iniwan kita? Wag kang sumama sa kanya, please. Hindi na kita iiwan pangako...
"Hey!" sa wakas naabutan ko rin sila. Hinawakan ko kaagad sya sa braso nya para tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin.
"Hoy! Ikaw nanaman!" sigaw sakin nung manyak pero hindi ko sya pinansin.
"Bebi," tinitigan ko sya sa mga mata nya, "Tara na?"
Nabigla sya sakin at hindi agad nakasalita.
"Hoy, hoy," biglang umalis sa pagkakaakbay sa kanya yung manyak at humarang samin, tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso ng babaeng iyon at maangas na sinabi, "WALANG AGAWAN HA?!"
Tinulak ko ito sa dibdib, "Talagang walang agawan, dahil akin sya."
"Kapal mo ah?" tinulak nya ako pabalik, "Akala mo kung sino ka?! Iniwan ka na brad, tanggapin mo na lang."
"Hindi nya ako iniwan... ako yung nang-iwan," nakayuko kong sabi, "At pinagsisisihan ko iyon."
"ALAM MO NAKAKAASAR KA TALAGA." nabigla ako ng kwelyuhan nya ako at sinuntok ng malakas, "Pambawi sa suntok mo sakin dati."
Hindi pa ako nakakabawi mula sa unang suntok nya ay nilapitan nya na ako para sundan pa ulit ng isang suntok sa aking sikmura, "Ito pa!"
"H-hey! Stop it!" that girl pushes him away from me.
"Umalis ka dyan!" hinawakan nya lang sa braso ang babaeng iyon at hinigit palayo sakin para muling suntukin ako.
Bumalik ulit yung babaeng yun and this time sinusuntok nya ang likod ng manyakis na ito, "Bitawan mo sya! Wag mo syang saktan!"
"Ang kulit mo ha!" hinarap sya nung manyakis at hinawakan sa magkabilang braso.
Nakita kong umiiyak na sya, "Please stop it, don't hurt him."
"ANDRAMA MO! MAY PAIYAK IYAK KA PA!" at pagkasabi nya nun ay sinampal nya ng malakas ang babaeng iyon dahilan para mapaupo sya sa sahig.
"Now back to business," humarap ulit sya sakin ng nakangisi at kinwelyuhan ulit ako.
Nakayuko lang ako pero galit na galit na ako sa ginawa nya, "Nasaktan ko nga nga sya, SINAKTAN MO PA SYA LALO?! How dare you!"
"Aba nakakapagsalita ka pa!" susuntukin nya sana ako sa mukha pero iniangat ko ang ulo ko at pinigilan ang kamao nya gamit ng isa kong kamay.
"Once you hurt her, you're dead." yung nahawakan kong kamao nya, iniikot ko ito para mamilipit sya sa sakit. Sinuntok ko rin sya sa sikmura nya at inihagis ng pabaliktad sa sahig. Nung nakalupasay na sya sa sahig, sinipa ko pa sya sa tyan nya.
Pero hindi pa ako nakuntento, yumuko ako at iniangat sya sa paghawak sa kwelyo nya at susuntukin ko pa lang ulit sana sya ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Tama na please..." napatingin ako sa kanya na kasalukuyang umiiyak ng sobra. Napabitaw agad ako dun sa lalaking manyak at hinawakan sya sa kamay at hinila na sya palayo sa lugar na iyon.
Dinala ko sya sa bahay ko... ewan ko ba kung saan ko sya pedeng dalhin kaya in the end, nakapagdecide akong dalhin sya sa bahay ko. Sumakay kami ng tricycle at walang umiimik miski isa.
Pagkapasok na pagkapasok ng bahay ko, pumunta agad ako ng banyo at kumuha ng bimpo at binasa ito ng konti at bumalik ulit sa kanya na kasalukuyang nakatayo sa may sala at nakayuko lamang.
"Ayos ka lang ba?" tinaas ko ang mukha nya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pinunasan ng basang bimpo ang pisngi nya na kanina ay nasampal ng malakas, "Masakit ba? Masakit pa ba? Sabihin mo sakin."
Sumagot sya pero umiyak muli sya, "Masakit..."
"Saan? Saan masakit? Dito ba?" pinahid ko ng maingat ang bimpo sa isang parte ng pisngi nya, "O dito ba? Saan sabihin mo sakin? Dito? Dito?"
"Hindi dyan," tinanggal nya ang kamay ko sa mukha nya at pinatong ito sa kaliwang dibdib nya, "Dito."
Hindi ako nakaimik.
"Ansakit... kahit napilitan ka lang, nangako ka pa rin sakin. Pinangako mo sakin na sabay nating icecelebrate ang pasko kaya nga diba christmas boyfriend kita? Kahit napalitan ka lang, kahit binablackmail lang kita... nangako ka pa rin. Yung pangangako mo, hindi ko pinilit yun. Ikaw mismo ang nagbigkas ng salitang 'pangako'. Pero bakit hindi mo tinupad? Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo ako niloko?" binitawan nya ang kamay ko at tinakpan nya ang mukha nya ng mga kamay nya habang patuloy pa ring umiiyak, "Pasensya na kung masyadong mabigat yung hiling ko sayong maging boyfriend ko ngayong pasko. Pasensya na talaga... sinira ko ata ang pasko mo. Kung wala siguro ako ngayon, ibang tao ang kasama mo... siguro yung babae kanina ang dapat nasa harap mo ngayon at kausap mo. Hindi siguro dapat ako. Pasensya na ah kung dumating ako sa buhay mo, nagulo ko tuloy ang masaya mo sanang pasko..." :'((
Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong ipaliwanag. Marami akong gustong ihingi ng tawad. Marami akong gustong ipaalam sa kanya.
Pero naisip ko, minsan ang salita mas lalong pinagugulo ang sitwasyon kaya naman...
Hinawakan ko ang mga kamay nya na nakatakip sa kanyang mga mukha, dahan dahan ko itong inalis palayo sa mukha nya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ko sya.
"Merry Christmas, bebi."
Baliw na rin siguro ako at nagkagusto ako sa baliw na babaeng ito.
xxx-xxx-xxx-xxx
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagkaintindihan na kaming dalwa. Bumalik naman kami sa dati, yun bang makulit at baliw pa rin sya tapos maaasar ako sa kanya. Pinipilit nya ako parating tawagin syang "bebi" dahil nung pasko tinawag ko syang ganun pero syempre hindi ko na ulit sya tinatawag na ganun. Hindi sa ayaw ko pero inaatake ako ng hiya kasi naman diba, yung babaeng lagi mong sinisigawan at sinusupladuhan bigla mong tatawagin sa isang endearment? Ehhh... >__<
Kami naman ni Maxene, ayun siguro ayos na kami. Tinawagan ko sya at ini-explain ko ang lahat sa kanya... move-on na pala talaga ako pero nung araw na makita ko sya, siguro nabigla lang talaga ako sa muling pagsulpot nya sa buhay ko kaya naman siguro naguluhan ako nung araw na iyon at nagpadalos dalos ako sa sitwasyon na mas piliin sya kesa sa babaeng 'iyon'. Pero hindi ko na ulit gagawin ang pagkakamaling iyon lalo na ngayong nalaman ko kung gaano pala kaimportante sakin ang babaeng ito... nakakatuwang isipin na noon, diring diri ako sa kanya kasi mistulang stalker sya at hindi ko talaga type ang ugali nya pero dahil sa requirement na ito, kahit papaano nagkasama kami at nakilala ko sya kahit sa maikling panahon... at sa maikling panahon na iyon, nagustuhan ko sya. Ngayong narealise ko na ang nararamdaman ko, feeling ko hindi na ako binablackmail ngayon kasi 'more than willing' na akong maging boyfriend nya.
Hindi pa ako masyadong handa pero sa tingin ko, pagbalik namin sa school at natapos na itong requirement na ito, saka ako magtatapat ng ayos sa kanya para mapagpatuloy namin ang relasyon naming ito...
Nung christmas pala, binigyan nya ako ng isang stufftoy image ko. Kahit pala kasi sinabi ko sa kanya sa text na hindi ako makakasipot ay nagintay pa rin sya sakin kaya pala andun sya sa fountain noon. Umaasa sya noon na sisiputin ko pa rin sya. Mas lalo tuloy akong nakonsensya pero nagsorry na talaga ako sa kanya at pinatawad nya na ako.
Alam ko na pala kung bakit sa isang home material shop sya bumili... bumili kasi sya dun ng mga materials para makapagtahi at makagawa ng stufftoy na kamukha ko. Hindi ako mahilig sa stufftoy 'coz I think it's so gay pero nung binigay nya sakin ito, sobrang nakyootan ako at katabi ko na rin ito sa pagtulog --- katabi namin pagtulog.
Ah oo nga pala, nung pasko ng gabi, pagkatapos ko syang halikan at pagkatapos namin mapagusapan ang mga bagay bagay. Naglabas ako ng kutson, ng kumot at mga unan sa may terrace ng bahay ko... Oo, nahiga kaming parehas sa kutson na iyon, magkatabi naming pinapanuod ang mabituin na langit hanggang sa nakatulog na kaming magkatabi... parehas naming yakap ang regalo nya saking stufftoy.
Yung regalo ko sa kanya? Pagmamahal.
December 31.
Napagusapan namin icelebrate ng sabay ang New Year's Eve. This time, hindi ko sya lolokohin at iiwan.
"Andaming tao." she exclaimed.
Inakbayan ko sya, "Sa sobrang dami ng tao, natutuwa ako kasi ikaw ang katabi ko ngayon."
"Sows. Tawagin mo muna akong 'bebi'."
"Wag na kasi iyon." =_= ang kulit nya talaga, type na type nyang tawagin ko syang 'bebi'. =_=
Nasa may town plaza kami, may fireworks display kasi mamaya pagpatak ng midnight. Andami tuloy tao ngayon sa paligid. Saglit na lang naman eh, malapit ng magbagong taon. 1minute na lang. Nagka-countdown na nga eh.
50...49...48
"Excited ka na ba sa fireworks?"
"Ha? Medyo..."
33...32...31....
"Medyo? Bakit medyo lang?"
"May sasabihin ako sayo..." hinigit nya yung sleeve ng shirt ko na para bang pinababa ako para maabot nya ang tenga ko. Bumaba naman ako at nilagay nya kamay nya sa paligid ng tenga ko at bumulong, "Natatakot ako sa fireworks."
20...19...18...
"Ha? Bakit takot ka? Maganda naman sila ah."
"Oo, maganda sila... pero katulad ng kidlat na may kasabay na kulog.... nakakatakot sila." oo nga pala, takot din sya sa kidlat at kulog, "Takot ako sa malalakas na tunog... let's say, i'm afraid of explosions."
14...13...12...
"Bakit naman? Masyado ba silang malakas?"
"Nope pero... everytime I hear explosions it makes me remember something..."
"Ano iyon?"
"It makes me remember that a sudden explosion is also the one that will take me away..."
Hindi ko narinig yung huli nyang sinabi dahil umabot na sa "last 10" ang countdown at dahil dun mas lalong lumakas ang boses ng crowd.
Ang narinig ko lang sa kanya ay ganto, "Remember... explosion... away..."
"Eh? Ano yon? Hindi ko narinig?" nakasigaw kong tanong dahil sobrang lakas na ng boses ng crowd.
8! 7! 6!
"My heart is about to explode and when it does, I'll have to say goodbye!" ang hina ng boses nya hindi ko talaga marinig. Piece by piece lang narininig ko...
Ito yung narinig ko sa kanya ---> "about to... does... goodbye..."
Bakit may goodbye? Huh? Hindi ko magets. >__<
"HINDI KO MARINIG LAKSAN MO BOSES MO!" nakasigaw na talaga ako kasi nakasigaw na rin ang crowd sa countdown.
Nilagay nya ang kamay nya sa may paligid ng bibig nya at sumigaw, "May Atrial fibrillation ako!"
"Ha? Ano yun?"
4! 3! 2!
"Isa syang---" hindi pa man nya natatapos ang explanation nya ay...
1! HAPPY NEW YEAR!!!
Nagkaroon ng malakas na ingay mula sa mga tao at higit sa lahat mula sa langit na ngayon ay punong puno na ng mga paputok. Napatingin agad ako sa kanya na sa kasalukuyang nakatungo at nakatakip ang mga tenga, takot na takot sya.
Niyakap ko agad sya, "Bakit hindi mo agad sinabi sakin na takot ka sa fireworks? Edi sana hindi na tayo lumabas!"
"Gusto ko kasi kasama kita... gusto ko matry mapanuod ang fireworks kasama yung boyfriend ko katulad ng mga napapanuod ko sa anime..."
Pinukpok ko ang noo nya ng mahina, "Ikaw talaga."
Tinanggal ko yung mga kamay nya na nakatakip sa tenga nya at pinaltan ko ito ng mga kamay ko, habang tinatakpan ko ang tenga nya ng mga kamay ko ay nilapit ko ang mukha ko sa kanya, "Happy new year, bebi."
Hinalikan ko sya. Hindi ko sya binitawan hangga't hindi natatapos ang mga paputok. Gusto ko makalimutan nya ang ingay at ang takot nya sa paputok habang hinahalikan ko sya. Gusto kong hindi sya makaramdam ng takot pag nasa tabi nya ako. Gusto ko iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko ngayon...
Sana wag syang matakot sa malakas na pagsabog ng puso ko.
"Mahal na ata kita." binitawan ko na sya ng matapos ang mga paputok.
"Ako din, mahal din kita." sa hindi ko malamang dahilan, bigla syang umiyak.
----
A/N: ito na po yung last chapter. I'll post the epilogue tomorrow.
Vote at magcomment po kayo sa last chapter. :"3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top