NINETEEN
LORENZO ELRIC GARCHITORENA
"AKALAIN MO 'yon, dito pa kita ulit makikita?" Onemig blurted out while he saw me inside the Learning Resources Center, habang ako, nakapalumbaba sa isa sa mga table. I was about to sleep when he just popped out of nowhere. May pagka-hyper pa rin naman ang boses niya na it's better if I'll just shut his mouth o masita kami ng librarian at palabasin kami nang wala sa oras.
Akalain mo rin 'yon? It's like fate is really trolling me. Magtatagpo at magtatagpo pa rin talaga ang landas namin ng lalaking ito.
"Wala kang klase ngayon?" he then asked me, at saka siya tumabi sa akin sa may vacant seat on my left. Kahit wala talagang permission ay basta na lang siya uupo. Please lang, I don't have time for this.
"Nope, pero gagawin lang kami." Iyon na lang ang isinagot ko sa kaniya with a bored tone. Wala akong interes na makipag-usap and I don't want him to meddle further on my personal life. Tinatamad akong makipag-usap sa kahit sino; drained na talaga ang utak ko from our training.
Good thing at nanahimik na siya. I can sleep at peace. In-open na lang niya ang kaniyang cellphone. Mukhang nawalan na rin siya ng ganang makipag-usap sa akin.
But I was about to shut my eyes when he started to talk once again. What is it all about this time? Napalingon na lang ako at sinamaan ang tingin sa kaniya.
"Luh, may problema ba, Lorenzo?" he asked with a worried tone. Actually, I have my own set of problems, at ayaw ko nang madagdagan pa!
"Pansin ko lang naman, bakit papagkatapos ng report natin sa YoLO, hindi ka na nagpaparamdam?" Oh, shoot! Sabi ko nang mabi-bring-up ito!
I avoided him at napalumbaba na lang ako. I don't have time for this.
"Uy, bakit?" pahabol pa niya.
"Can you please stop talking about that." I finally blurted out of irritation. Ayaw ko nang ma-bring-up pa ang lahat ng mga nangyari sa araw na iyon.
"Huh?" Onemig became more puzzled. Okay, parang wala siyang kaalam-alam, ah? Can he just stop being oblivious sa mga nangyari that time?
"Oh! 'Yong nangyari last Friday? Nah! Huwag mo nang isipin 'yon." Huwag ko nang isipin? It keeps bugging me every single time!
Kung pupuwede lang talaga ay mas gugustuhin ko na lang na pindutin ang self-destruct button.
"Can't you see? Sinira ko ang diskarte mo," I grunted. Iyon lang naman ang purpose ko, eh. I have King Midas's touch, but instead of making all things into gold, I destroy everything I touch.
"Hala, okay lang sa akin iyon! Ang importante ay nairaos natin nang maayos ang presentation natin. Ang mahalaga ay na-share mo sa ibang tao ang insights mo." And he started to talk like a ray of sunshine once again.
"Huwag mo nang isipin iyon. Nangyari na, eh. Wala na tayong magagawa para ibalik iyon." He tried to lower his voice as possible. But still, I didn't care to listen.
"Walang perfect na performance, Lorenzo. We can screw up sometimes. Tao pa rin tayo--nagkakamali."
"So, para sa iyo, okay lang na magkamali?" It's okay to a surgeon to screw up lalo na kung nasa critical condition ang isang pasyenteng inooperahan niya?
"It's okay na magkamali, pero kung uulitin mo ang pagkakamaling iyon nang paulit-ulit, aba! Iba na iyon. Kaya nga we can improve for better. Mapa-practice iyan! You can improve more along the way. "
"I still believe in you, Lorenzo. Alam kong maipalalabas mo pa ang potential na mayroon ka. Naniniwala ako sa capabilities mo na marami kang magagawa. Kaya nga pinush kitang isali sa YoLO, 'di ba?"
I'm hoping na magsuot ng salamin ang mga taong nagsasabi sa akin ng ganito They really need glasses more than mine to see that worth they are talking about.
But actually... Fine! Onemig is right. Ako na nga itong nakasalamin at hindi nakikita ang worth ng sarili ko. But do I really have that? Mayroon ba talaga akong potential sa sarili ko?
Na-realize ko rin sa sinabi ni Onemig na I'm just being to anxious. I am too preoccupied with my thoughts, but it turns out na wala lang sa ibang tao iyon. It's really just me being an overthinker.
"So, Lorenzo, okay ka na?" he asked me then after his lengthy speech na para bang pari ang nagsesermon sa akin.
"Hay, ewan ko." I huffed
"Oh, almost there! Mukhang kailangan mo ng chicken skin para mas maging okay na ang nararamdaman mo."
That makes me hungry, but I'm really more sleepy; kailangan ko talaga ng tulog ngayon para magkaroon pa ako ng energy para sumagot sa training namin.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top