PROLOGUE




Twenty six years ago...

Nang ipinanganak ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Believe me, I can still remember everything, vividly.

The time.

The place.

And how my mother cried when she saw my damn gorgeous face, how she held me in her arms. How she looked at me and said: "You're an angel that fell from the sky."

4:04 AM when she delivered the 'Angel' that fell from heaven. Dyan pa lang sa parte na 'yan, bawing bawi na ang buong pilipinas. Kung maaga lang ako binuo ng Ina at Ama ko, panigurado ako na presidente ng Pilipinas natin mahal ngayon.

Sige, para sa'yo, iisa-isahin ko ang magandang naidulot ng pagsilang ko sa mundong ito.

P.S: H'wag mo na ilagay sa slamnote mo o authograph. If you want to join my club, you should know it by heart, baby. This is the pledge, or the password for you to enter my bed.

YEAR 0.0 - 0.9

Akalain mo kahit wala pa akong kamuwang muwang. Nagkakagulo na agad 'yung mga nurses sa hospital pagkalabas ko? Paano ba naman, ako daw ang pinaka unang bata na ngumiti in just five seconds after my mother gave birth to me.

Ang title, baby? Na-Guinness World Of Records ako.

"Ivan Anthony FraizerAKA the first human smile, at the age of 5 seconds."

At dyan palang... Nagsimula na ang pagkakagulo sakin ng mga babae pagnakikita nila ako.

YEAR 1 – 3

Hindi mo natatanong na kahit sobrang bata palang ako niyan, alam na ng mga lalaki na karibal na nila ako sa mga babae.

Minsan pa nga, habang pinag aaralan ko maglakad ng deretso, hindi ko sinasadya na madapa sa harap ng babaeng makinis, nakashort at may mahabang legs.

At, hindi ko din sinasadya na macute-an sila sa'kin. Ang susunod? Bubuhatin nila ako at papaupuin sa hita nila. Sabay yakap sa maliit kong katawan papunta sa malambot na parte ng katawan nila.

Hindi mo padin magets, baby?

CLUE: Parang unan lang, pero dalawa.

Damn. Bawal ang close minded.

Pero dito ako nagsimula yakapin ng mga babae. At dito din ako natuto magsalita ng 'Mama'.

Halos lahat ata ng babae tinatawag ko niyan, kunwari na pagkakamalan ko silang Mama, sabay yakap ulit.

P.S: I've enyjoyed that. *smirked*

YEAR 4 – 6

First day of school was cool. Malakas lang ata talaga ang receptor ng Cerebrum ko, dahil sa pagitan ng taon na 'yan, marunong na ako kumindat sa mga babae.

Alam kong curious ka, baby. Kung anong nangyayari kapag kinikindatan ko sila.

KINDER: Binibigyan ako ng mga babaeng classmate ko ng coloring materials.

PREP: Palagi napupuno ang bag ko ng Zesto.

ELEMENTARY: Kahit sobrang gulo ko, at naglalaro ng jolen sa classroom. Hindi ako nililista ng mga officers ko sa Noisy.

Oo, KO. Ako kase ang President nila. Kung ano ang sabihin ng President kailangan gawin mo. Kung ayaw naman gawin, isang kindat lang. Binubura na nila ang lahat.

YEAR 7 – 9

Kung uso lang si Daniel Padilla ng panahon na 'yan, mapapakanta na lang ako ng nasa akin na ang lahat.

Dito ko totoong naramdaman na kakaibang lalaki talaga ako kumpara sa iba. Paano ba naman dito ko unang narinig ang katagang. . .

"Tol, pakiss."

YEAR 10 – 12

Ang taon na ito ang unang beses ako nagkagusto sa babae. Hindi normal na pagkagusto, dahil kapag nakikita ko si'ya nanunuyo ang lalamunan ko na para bang, she sucked out the air from me all the time.

Para mapansin niya ako lagi ko si'ya binubully, at inaasar na Ms. Minchin. Isang beses pa nga hinagisan ko si'ya ng rubber snake at nilagyan ng maraming fake cockroach 'yung stroller bag niya.

Ang ending, sinumbong ako sa mga kuya niya. At para hindi ako bugbugin, sinabi ko na lang sa kanila na bakla ako, na type ko lang 'yung buhok ng kapatid nila.

It's one of the most embarrassing moments of my life. Pero buti na lang lumipat na ako ng school. Buti na lang hindi niya nalaman ang pangalan ko. Bago niya ako kamuhian habang buhay.

YEAR 13 – 15

Nag imporved ang mukha ko, hindi na kempee ang buhok ko. Ikaw ba naman pag-aralin sa puro chicks na eskwelahan. Damn. Lunod na lunod ang mata ko.

Dito ako nagsimula natuto mangbola ng babae, officially. Simula nito, hindi na sila naka- hindi sa'kin.

YEAR 16 – 21

H'wag na natin masyadong alamin. Dahil nahulog ako sa magkapatid sa pagitan ng taon na ito. Buti na lang andyan ang Bestfriend ko, at nakamove on agad ako.

Oh, baby. Ang pagmomove on sa'kin ay parang pagpapalit lang ng damit. Easy.

YEAR 22 – 25

Nag aral ako sa ibang bansa parang maging pinaka gwapo at tinitiliang PROFESSOR ng Pilipinas.

Reasons:

1. Para ganahan ang mga estudyante sa pagpasok araw-araw.

2. Para mas tilian.

3. Pero nagbibiro lang naman ako, gusto ko ipamulat sa kanila na si "Baby Ivan ang pag-asa ng Bayan!"

PRESENT DAY:

Second week of the semester. Naglalakad ako sa hallway. Panay tilian ng mga estudyante. Halos mabibingi na 'yung tenga ko sa kakatili nila.

"Sir, pwede mo ako taga ligo!"

"Ako, sir. Taga punas ng pawis lang!"

"Taga paypay naman ako, sir! Pag naiinitan ka!"

Huminto ako para bigyan ang mga estudyante ng motivation.

"Thank you," I said.

Naglumpasay sila sa kilig sa sinabi ko kahit thank you lang naman. Damn this face. Ako pa ata magiging rason ng earthquake sa pinas. Gaya ng pagkakaroon ng lindol tuwing Valentine's day.

Araw-araw ganyan ang buhay ko. Minsan namomroblema na ako kung bakit ba ako naging gwapo. Kung pwede lang pupunta ako kay Vicky Belo para papangitin ako ginawa ko na. One time, sinubukan ko kaso hindi s'ya pumayag.

"Goodmorning, class." binati ko ang mga estudyante ko.

Ngiting-ngiti nila akong binati at dito palang nagsisimula nang mabuo ang araw ko.

Sabay sabay silang tumayo at sinabing, "Hello world and goodmorning Philippines, nagkita nanaman tayo, Professor Ivan." That's my spell.

Masaya ako sa trabaho ko. Masaya ako sa araw-araw na may natututunan sa'kin ang mga estudyante ko.

Inside this room, I am well respected Professor. Tinintingala at hinahangaan ng lahat. I guess it took me sometime to earned this title because I'm a fuckboy. But this is my dream... Kahit na loko-loko ako sa labas ng eskwelahan na ito matino ako sa loob ng paarlaan na ito.

But things had changed when a news broke this school.

He got his student pregnant.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top