Chapter 8
Irene's PoV
"Layla. Hey." Nag-aalalang sambit ng asawa ni Layla atsaka hinahagod ang likod.
Pero winakli ni Layla ang pagkakahawak nito at masamang tinignan.
"Huwag mo akong hawakan kung sino ka mang tangina ka!" Singhal ni Layla sa kalagitnaan ng kaniyang pagsusuka.
Natampal ko ang noo ko. Kahit kailan talaga tong si Layla. Umiiling na tinignan siya ni Vander atsaka hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito.
Ang sweet naman!
Kinikilig ako kahit pinapanood ko lang silang ganon. Ang swerte ni Layla sa asawa niya.
Ilang sandali pa ay tumigil na sa pagsusuka si Layla. Asar niyang nilingon ang asawa na parang baliw na nakangiti habang pinagmamasdan siya.
Naku! Nakakabaliw talaga ang pag-ibig.
"Layla, okay ka na?" Tanong ko rito.
Nag-angat ng tingin sa akin si Layla atsaka parang batang ngumiti sa akin.
"Irene!! Hihihi! Okay lang! Uminom pa tayo!" Saad nito atsaka pinilit na tumayo pero pinigilan naman siya ni Vander.
"Not happening, Layla." Saad nito atsaka pinitik ang noo ni Layla.
"Aray! Anong problema mong tangina ka?!" Galit na singhal ni Layla rito.
Hinihimas ni Layla ang noo niya sa sakit habang masama ang tingin kay Vander. Ang cute nila! Hihihi!
"You're wearing the ring I gave you." Manghang saad ni Vander na nasa sa kamay ni Layla ang paningin.
Gulat siyang tinignan ni Layla. Tila ba'y hindi makapaniwala sa kung sino man ang nasa kaniyang harapan ngayon. Ganun na lang ang gulat namin ng biglang umiyak si Layla.
"V-Vander... B-Bwesit ka! Ikaw ba talaga iyan?! Kingina mo! Bakit mo 'ko binabaan ng tawag kanina?!" Umiiyak na singhal ni Layla atsaka pinagsusuntok ito.
Pero niyakap naman siya ni Vander at ganun na lang ang kilig ko. Yiee! Kahit man ay galit ako sayo Vander dahil sinasaktan mo si Layla pero napaka-sweet mo ngayon kaya boto na kita!
"Stop crying, Layla. I'm sorry." Malumanay saad ni Vander pero mukha atang walang narinig si Layla dahil walang habas itong umiyak sa dibdib ni Vander.
Para lang akong nanonood ng melo-drama nito eh! Kulang nalang pop-corn at coke.
"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Malamig na tanong ni Nurse Ren sa akin.
"Para kasi akong nanood ng kdrama eh!" Bulong ko.
Umirap naman si Nurse Ren. Ako naman ang natuod sa pagkakatayo. Bakit ba kasi ang gwapo niyang twing umiirap siya.
"Baliw." Malamig nitong saad atsaka namulsa.
Napasimangot naman ako. Ang cold talaga niya eh! Pero yun ang gustong-gusto ko sa kaniya. Hay!
Ilang sandali naman at tumigil ang pag-iyak ni Layla at natawa na lang ako dahil naka-pikit ang mga mata nito. Akay-akay siya ni Vander kaya mas lalo akong kinilig.
Lumapit si Vander sa amin kaya natuod ako sa pagkakatayo. Shet! Chairman ng RH Group itong kaharap ko ngayon.
"You're Irene and this man's name is Ren, right?" Tanong nito sa amin.
Tumango kaming dalawa ni Nurse Ren.
"I would like to ask a favor to the two of you." Saad nito at nagtataka ko siyang tinignan.
"What favor?" Malamig na tanong ni Nurse Ren.
Ganun na lang ang lamig ng tingin ng asawa ni Vander kay Nurse Ren. Ano to? Awayan ng mga lalaki? Agad akong tumikhim.
"Anong favor ba yon, Sir Vander?" Tanong ko rito kaya nilingon ako nito.
"Can you not tell Layla that I was here? She will forget about what happened tonight because she's drunk. I would appreciate it if you won't ask any more questions." Saad nito.
Kaya lalo akong nagtaka. Bakit ayaw niyang sabihin kay Layla na narito siya? Bakit ayaw niyang magpakita kay Layla?
Napakaraming katanungan ang nasa isip ko pero ng nag-angat ako ng tingin kay Vander ay parang may kung ano sa mga mata nito. Hindi ko maintindihan dahil parang may halong kaba at takot. Pero para saan?
"S-Sige. Sasabihin ko na lang sa kaniya na sinundo siya ni Major-General." Kahit pa man ay nalilito ako ay sumang-ayon na lang ako sa pabor na hinihingi nito.
It's not okay to meddle with someone's life. It's their's and I don't have any right to question their love and trust to each other because only they know how what the feel for each other.
"Can I ask a question?" Malamig na tanong ni Nurse Ren kaya nagtataka ko siyang nilingon.
"Do you really love, Layla?" Malamig na tanong ni Nurse Ren.
Hindi ko siyang makapaniwalang tinignan. Ano na naman kayang pumasok sa utak ng lalaking to?!
Tiim-bagang siyang tinitigan ni Vander.
"Yeah. A lot." Matalim na saad ni Vander na diretsong nakatingin sa mga mata ni Nurse Ren.
Ngumisi si Nurse Ren. Ganun na lang ang pagkalito ko.
"Then that's fine. Make her feel loved, Vander. Or I will." Nakangising saad ni Nurse Ren.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Parang may kung anong napunit sa aking kaloob-looban. Masakit.
A-Ano to? M-May gusto siya kay Layla?
Layla's PoV
"Argh! Ang sakit na ulo ko!" Inis kong saad atsaka hinihilot ang aking sentido ko.
Ito talaga ang hindi ko gusto pagkatapos kong uminom! Ang letseng hang-over! Si Vander may kasalanan nito eh! Bwesit!
Kahit pa man gaano kasarap ang uminom ay ganun rin kasakit sa ulo ang hang-over. Tsk.
Tinignan ko ang orasan sa aking nightstand at ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng makita kung anong oras na ba!
"WAAAHHH!! LATE NA AKO!!" Sigaw ko atsaka bumalikwas ng bangon.
Shet na malagkit! Alas nwebe na! Ngayon ang general check-up sa RH Building at may plano pa akong ibuking ang bwesit kong asawang multo!
Pero hindi pa man ako nakapasok sa banyo ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nilingon ko ito at si Hans pala iyon. Agad naman akong napa-irap.
Kahit kailan talaga ay nakaka-inis ang mukha niya! Ang nakaka-bwesit pa ay tuwing umaga, mukha niya agad ang nakikita ko! Asar!
"Ano na namang kailangan mo? Bilisan mo kung may sasabihin ka! Late na ako!" Utos ko dito at narinig ko na naman ay nakaka-irita niyang buntong-hininga.
"My Lady, may substitute nurse na ipinadala si Master Yuan sa general check-up sa RH Building. And for you work today, I called the hospital that you won't be coming since you were dead drunk yesterday. Good grief, you still don't learn, My Lady." Sermon nito at hindi ko siyang makapaniwalang tinignan.
"Substitute Nurse?! Nasaan si Yuan at babaliin ko ang buto niya?! Alam mo bang chance ko na to para malaman kung sino talaga iyang baliw mong master?! Naku! Plano ko pang tanungin ang mga empleyado roon kung may babae ba iyang si Vander! Letse!" Singhal ko at ngumiwi si Hans.
"My Lady, you were the only woman that Young Master has his eyes on. And his heart too. No one knew who is Master Vander really is since he rarely comes to the company. It's useless if you asked all the employees in the building. No one knows who he really is. Only us." Paliwanag nito.
Agad na lumaylay ang balikat ko. Talaga bang multo si Vander? Oh my god! Huwag mong sabihin na nagpakasal ako sa isang multo?! No way! He always calls me so that means he isn't. Argh! Nasaan ka ba Vander?!
"My Lady, please take a bath already. You stinks so bad." Ngiwi ni Hans.
Matalim ko siyang tinignan. Tong lalaking to! Hindi pa ako ganun kabaho no!
"Lumayas ka nga dito! Umagang-umaga eh! Layas!" Singhal ko rito at sinenyasan siya ng lumabas na.
Pero matiim niya akong tinignan kaya gulat ko siyang tinignan.
Aba't tong lalaking to! Kung makatingin akala mo ikinagwapo niya iyon!
"Ano?!" Panghahamon kong sabi dito ngunit bumuntong-hininga ito.
Kahit kailan ay nakaka-inis ang mga buntong-hininga niya! Bwesit!
"Breakfast is ready. Be sure to come down or I will really drag you this time, My Lady." Banta nito at umirap ako.
I'm already used to his threats. Nah! It will never ever affect me! Hmp!
"My Lady.." pagod na saad nito at umiirap akong tumango.
Kahit kailan talaga! Asar!
"Oo nga! Lumayas ka na nga dito! Naiirita na ako sa pagmumukha mo! Alis!" Singhal ko dito at binato siya ng unan.
Pero sa kasamaang palad ay hindi umabot ang unan sa mukha niya. Kung sana umabot iyon, first strike of the day yun! Well, nevermind.
Marahas itong bumuntong-hininga atsaka isinarado na ang pintuan. Ako naman ay, well, alam niyo na.
Bumalik ako sa pagkakahiga, of course! Bwahaha! Wala akong pasok ngayon kaya matutulog ako buong araw! Hihihi!
Natural lang yon no! Nakakapagod kaya maging nurse! Heh!
"MY LADY!" Singhal ng parang isang robot.
Napabalikwas ako ng bangon at hinanap kung saan nanggaling iyong sigaw.
Shet! Boses iyon ni Hans!
"My Lady! Maligo na po kayo!" Sigaw ng robot ulit.
Agad akong napatingin sa intercom na nasa gilid ng nightstand. Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Kailan pa nagkaroon ng intercom sa bahay na to?! Bwesit ka talaga Hans! Bwesit ka talaga!
"Bakit may intercom dito?! Gusto mo bang basagin ko to sa pagmumukha mo?!" Singhal ko at natahimik ang intercom.
Kaasar! Bwesit!
"My Lady, ku--"
Pero hindi pa man siya natapos ay binato ko ng flower vase ang intercom atsaka ako tumayo sa pagkakahiga at pinagsisipa ang nabasag na intercom.
Isa kang demonyo sa aking buhay kaya kailangan mong mawala! Bwesit ka sa aking pagtulog!
Ang noon na masakit kong ulo dahil sa hang-over ay mas lalo pang lumala.
"Kaasar!"
Kahit pa ma'y labag sa aking kalooban ay nagpunta ako sa banyo at naligo na lamang. Dahil paniguradong babalik na naman si Hans at mamemeste na naman ang baliw na iyon.
Matapos kong maligo ay namili na ako ng susuutin sa aking closet. Well, hindi naman siya malaki parehas kay Vander kasi lahat ng mga mamahalin mga damit na bigay ni Vander ay nasa isang kwarto.
Pumili ako ng isang kaswal na damit at lumabas na ng kwarto. Bumungad sa akin ang naiiritang mukha ni Hans kaya inirapan ko siya.
Hmp! Kala niya ah! Hindi ako ganun ka lambot! Kayang-kaya kong basagin ang lahat ng gamit sa mansiyon na to. As long as hindi ako ang magbabayad ng mga nasirang gamit.
"My Lady, alam mo bang mahal ang intercom na iyon? Iyon ang pinakamahal na binili ko." Reklamo ni Hans.
Matalim ko siyang tinignan pero ang tingin niya ang nandoon lamang sa nabasag na intercom.
Tong lalaking to! Hala sige! Jowain mo na ang intercom na iyan!
"Ilang beses ko ba dapat na sabihin na ayaw na ayaw ko na may intercom ang kwarto ko. Lagyan mo na lahat ng sulok ng bahay ito huwag lang ang kwarto ko. Napagkasunduan na natin to ah!" Saad ko dito at tinignan niya ako.
"My Lady, kailangan niyo pong makinig sa akin kung hindi maglalagay ako ulit ng intercom sa kwarto niyo. Kahit pa man ay napagkasunduan na natin ang bagay na iyon." Saad nito.
Agad kong ipinakita sa kaniyang ang nakakuyom kong kamao.
"Edi babasagin ko lahat ng intercom na ilalagay mo sa kwarto ko." Ngisi ko sa kaniya.
Agad na natampal ni Hans ang noo. I smirked. Bwahaha! Panalo ako ngayon!
"Anyway, dahil wala akong trabaho ngayon ay magre-relax ako sa aking kwarto kaya huwag mo akong iisturbuhin. Okay?" Nakangiti kong bilin.
Pero umayos ng tayo si Hans atsaka tumikhim.
"Hindi po kayo pwedeng mag-relax ngayon, My Lady. We need to clean your green house. And we need to clean your car. After you eat breakfast, we will proceed to the green house and do as what I plan." Saad nito at hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"No! No way! Ikaw na maglinis ng green house! Pagod ako! Masakit pa ang ulo ko!" Dahilan ko.
Maloko akong tinignan ni Hans. Nang-aasar ang tingin nito kaya nanlaki ang mata ko.
"I will demolish the green house, then." Malokong saad nito.
Matalim ko siyang tinignan. Grr! Nakaka-asar talaga! Not the green house! No way!
Naasar kong nakagat ang aking labi. Kumuyom ang kamao ko. Asar! Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko! Psh!
"F-Fine! I-I'll help you." Napipilitan kong saad.
Inis ko siyang tinalikuran at nagmartsa papuntang dinning area.
Grr! You win this time, Hans! Argh! Hinding-hindi na ako magpapatalo sa susunod! Humanda ka lang sa aking baliw ka!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top