Chapter 7

Layla's PoV

"Ang sakit ng katawan ko." Nakanguso kong saad habang ini-stretch ang aking mga braso.

Para na kasi itong matatanggal sa katawan ko sa sobrang manhid. Nilingon ko si Irene na inaayos ang mga patients charts sa counter.

"Ako nga rin eh. Hindi ko ini-expect na tatawagin na naman tayo sa Emergency Room. Hay!" Pagod na saad ni Irene.

Pagod itong naupo sa couch ng nurse station. Nakapikit na ang mga mata nito. Tila ba ay inaantok na.

"Eh kahapon, tinawag rin tayo eh." Reklamo ko at na-upo sa tabi niya.

Sobrang daming pasyente kanina kaya napilitan na naman kaming pumunta sa ER upang um-assist! Naku! Wala na bang ibang nurse dito? Kami nalang ang tinatawag eh!

Ilang sandali man ay biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at ganun na nalang ang pagliwanag ng mukha ko ng makita kung sino ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Hello?" Bungad ko sa tawag ni Vander.

"Did you see my surprise? Did you like it?" Nakangiting tanong nito sa kabilang linya.

Agad na lumawak ang ngiti ko. Of course! Gustong-gusto ko! Lalong-lalo na ang singsing!

"Yep! Hindi ko inaakala na bibigyan mo pala ako ng sasakyan! Hindi ka ba natatakot na baka ibangga ko lang iyon?" Nakangisi kong tanong roto at narinig ko ang matunog na halakhak ni Vander sa kabilang linya.

Ang ganda talaga pakinggan ng tawa niya. Hihihi.

"No. I figured out that you're not a kid anymore so I decided to give you a car. But always be careful, my dear Layla. I don't care if you broke the car but always stay safe. You're a reckless driver after all." Paalala nito.

Agad naman akong napa-irap. Bakit ba ang hilig nilang insultuhin ang pagda-drive ko?! Hmp! Just becauss I go full throttle doesn't mean I don't take cautions! Psh!

"Hindi ako reckless driver!" Singhal ko rito.

"Then, what happened with my Bugatti Veyron a year ago? You were the last one who drove it, My dear Layla." Nanunuyang saad ni Vander sa kabilang linya.

Agad akong sumimangot. Out of line na yun ah!

"A-Ano.. k-kasi.. Argh! Don't bring that up! Nahihiya na nga ako dahil doon eh! Dahil doon ay hindi na ako pinag-drive ulit ni Hans!" Asar kong saad. Narinig ko ang naman ang halakahak ni Vander sa kabilang linya at agad akong napairap.

A year ago, I got into an accident because I drove Vander's Bugatti. Well, I drove it not knowing that it was still in the process of upgrading. Luckily, the accident was not really bad so I survived. Though, I still have the scars on my back because of it.

"Anyway, always be careful when driving. I told Hans to have it checked every day." Saad nito sa kabilang linya.

Pumasok sa isip ko ang isa pa niyang regalo sa akin kaninang umaga.

"Vander, about the ri--"

Ngunit hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin ay bigla siyang nagsalita.

"I have to go, Layla. There's an emergency. Bye. I love you." Saad nito atsaka tinapos na ang tawag.

Dismayado kong tinignan ang aking cellphone. I want to ask him about the ring and tell him I will wait for him.

Hmp! Bahala siya sa buhay niya! Letse!

Mahigpit kong hinawakan ang aking cellphone habang naniningkit ang matang nakatingin sa kawalan

Bahala siya sa buhay niya! Hindi ko na siya hihintaying bwesit siya! Tangina mo!

"U-Uy, sisirain mo ba ang cellphone mo?" Tanong ni Irene at doon pa lamang akong kumalma.

Nilingon ko siya na nagtataka at nag-aalala sa akin. Peke akong ngumiti.

"Si Vander iyon diba?" Tanong nito at agad akong napasimangot.

Dismayado akong tumango. Bwesit siya! Hmp!

Inakbayan ako ni Irene atsaka marahang tinapik ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakangiti ito sa akin.

"Gusto mong uminom? Sasamahan kita." Suggest niya.

"Weeh? Diba walang magbabantay sa mga kapatid mo? Sus! Huwag na! Kaya ko naman ang sarili ko!" Nakangiti kong saad.

Ngunit ganoon na lang gulat ko ng bigla niya akong niyakap. Para naman may kung akong tumusok sa puso ko at napa-iyak ako.

"Layla, alam kong nahihirapan ka. Kahit hindi mo pa sabihin sa akin ay nakikita ko sa mga mata mo ang kagustuhang makita si Vander pero hindi mo magawa kasi alam mong pareho lang kayong mahihirapan." Paliwanag ni Irene.

Tanging naisagot ko lang ay ang aking mga hikbi na hindi ko na ata mapigilan.

"Kaya sasamahan kitang uminom hanggang sa ma-knock out ka." Nakangiting saad ko at para akong baliw na tumatawa habang umiiyak.

Napaka-swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan tulad niya. She, Niña and Amanda were my very first true friends.

Matapos kong magdrama ay agad kaming lumabas ng hospital. Nakasakay na kami sa elevator ng bumukas ito at nakita namin roon ang papauwi na ring si Nurse Ren.

Nakapang-casual na kasi ito atsaka may dalang backpack. Agad kong siniko si Irene na natuod sa pagkakatayo. Namumula ang pisngi nito at nanlalaki ang mga mata. Napangisi ako.

Tong babaeng to! Kung maka-advice sa akin kanina eh pero nabato lang pala ng makita ang mukha ni Nurse Ren. Naku! Mas delikado pa siya kesa sa akin eh!

"Uuwi ka na, Nurse Ren?" Tanong ko rito.

Nakangisi kong sinulyapan si Irene at gulat na tinignan ako. Kinindatan ko siya.

Don't worry, Irene! Ako ang magiging bridge sa love story niyong dalawa! Bwahaha!

"Oo, kayo rin?" Tanong nito pabalik at pumasok sa elevator.

"Uuwi na sana kaso gusto kong uminom eh. Kaya sabay na lang kami. Gusto mong sumama?" Pag-aya ko at nilingon ako nito.

Dumapo ang tingin niya kay Irene na nakatulala sa kaniya. Pulang-pula ang pisngi.

"Sure ka? Eh mukhang ayaw naman ni Irene." Malamig na saad nito.

Kinurot ko ang tagiliran ni Irene kaya napa-igik ito sa sakit at masama akong tinignan. Nginisihan ko naman siya dahilan para umirap siya sa akin.

Nahihiya niyang nilingon si Nurse Ren.

"O-Okay lang po, Nurse Ren. He he he." Nahihiyang saad nito at mahina akong natawa.

"Sige, sasamahan ko nalang kayo." Malamig nitong saad atsaka namulsa tumalikod sa amin.

Siniko ko ulit ang nakatulalang si Layla. Pinaningkitan niya ako ng mata pero tumawa lamang ako.

Wala eh! Nakakatawa talaga siya kapag nakikita niya si Nurse Ren! Hindi mapakali atsaka tulala! I wonder how she was able to concentrate when working with him.

Dumating na kami sa bar at agad akong nag-order na maiinom.

Maglalasing ako ngayon kaya walang pwedeng pumigil sa akin! Naku! Patay ka talaga sa akin Vande kapag nakita kita! Tangina mo! Grr!

Irene's PoV

"Psh! Isa pa!" Lasing na saad ni Layla.

Agad kong natampal ang noo ko. Anong gagawin ko sa kaniya?

"Tama na yan, Layla. Lasing ka na!" Nag-aalala kong saad at kinuha ang hawak niyang baso na may lamang alak.

Hindi na talaga kita aayaing uminom, Layla!

"Ano ba?! Letse! H-Hindi pa ako lasing!" Wala sa katinuan nitong sabi.

Bumuntong-hininga ako. Naku naman!

Akmang kukunin pa niya ang baso ni Nurse Ren pero agad itong inilayo ni Nurse Ren sa kaniya. Ngunit ang palad nito ay nasa mukha ni Layla at pinipigilan itong lumapit sa kaniya.

Pagod kong hinila si Layla pero nagpumiglas ito atsaka tumayo. Ako naman ay muntikan ng mahulog sa upuan buti na lang ay may nakapitan ako.

Tinignan ko naman si Layla na pa-ikis-ikis ang lakad sa kung saan.

"Irene. Can't you do something about her?" Naiirita ng tanong ni Nurse Ren.

Dismayado akong umiling. Wala naman kasi akong magagawa sa kaniya. Ang lakas kasi niya eh. Baka mabali lang ang buto ko kapag pinigilan ko pa siya.

"Ang lakas niya eh! Ikaw na lang kaya?" Tanong ko.

Marahas siyang bumuntong-hininga atsaka tumayo. Pero hindi pa man siya nakakahakbang ay biglang may kung anong nahulog sa kabilang table.

Nilingon ko ang pinaggalingan ng kalabog at ganun na lang ang gulat ko dahil pinapaligiran si Layla ng napakaraming naka-tattoo na lalaki.

Tatakbo na sana ako sa kinaroroonan niya ng pinigilan ako ni Nurse Ren. Malamig ang tingin nito sa akin.

"Stay still, Irene." Utos nito at nalunok ko ang aking laway.

Kahit pa ma'y nag-aalinlangan ako ay tumango na lang ako. Magiging sagabal lang ako kapag nakisali pa ako doon.

"Hoy! Kung susuka ka, huwag sa table namin!" Singhal nung kalbong lalaki atsaka pinagtutulak si Layla.

Malamig siyang tinignan ni Layla na ikinatigil ng mg lalaki. Maski nga ako ay nabato sa pagkaka-upo.

Nakakatakot siya! Grabe!

"Huwag mo akong hawakan." Naiiritang utos ni Layla sa mga ito pero tumawa lang ang kalbong lalaki atsaka pinagtutulak pa siya.

Pero ganun na lang ang gulat namin ni Ren ng biglang suntukin ni Layla ito. Napahiga ang kalbong lalaki at dumudugo ang ilong. Gumewang naman si Layla pero nakabalanse naman ito.

"Bwesit! Kapag sinabi kong huwag mo akong hawakan, makinig kang letse ka! Tangina! Kung ayaw mong ibalibag kita papunta sa ibang mundo!" Lasing na singhal ni Layla.

Agad kong natampal ang noo ko. Grabe ang kaba ko roon eh! Tong babaeng to! Hindi-hinding ko na talaga siya dadalhin rito!

"Bwesit! Alam niyo bang problemado na ako ngayon kaya huwag kayong dumagdag pa! Letse!" Sigaw pa nito.

"Wala kaming paki-alam sa problema mo, baliw!" Singhal pa noong kasama ng kalbo.

Aakmang susugurin nila si Layla pero agad na natigil ang lahat ng nandoon na biglang pinaligiran si Layla ng napakaming naka-itim na lalaki. May baril na dala ang mga ito na itinutok sa mga basag-ulo na nakipag-away kay Layla.

"Hala! Sino sila?" Kinakabahan kong tanong atsaka tumakbo papalapit kay Layla.

Sumunod naman sa akin si Nurse Ren. Lalapitan ko na sana si Layla nang hinarang ako ng isang naka-itim na lalaki.

"H-Hoy! Sino kayo?" Kinakabahang tanong ng lalaking kanina ay sinuntok ni Layla.

"Ah. Sorry for late introduction. I'm Major-General Yuan Sol." Malamig na saad nung kakarating na lalaki.

Ako naman ay nagulat! Siya yung lalaking kahapon ah! Hindi ako makapaniwala na Major-General pala siya! Ang bata pa kasi niya atsaka mukhang playboy.

Dumapo ang tingin niya sa amin. Ngumiti ito.

"Oh! You guys! I saw you two yesterday!" Nakangiti nitong saad. Ako naman ay nakamot na lang ang ulo.

"I'm sorry for the trouble Layla caused to the two of you. She's a bit unpredictable sometimes and very ill-tempered. But I'm happy to see that she made friends now. Please continue to take care of her." Pag-umanhin nito at nagtaka ako.

Made friends? Walang kaibigan si Layla? Sabagay, sa ugali pa lang ni Layla ay mahihirapan talaga ang sinuman na makipag-kaibigan sa kaniya.

"Yuan?! Anong ginagawa mo ritong baliw ka?!" Galit na singhal ni Layla nang makita si Yuan.

Nakapa-mulsa siyang nilingon nito.

"And what are you even doing here? You do know that it's already late, Layla. Butler Hans was sick worried for you." Malamig na anas ni Yuan.

Agad akong kinilabutan. Anong meron sa dalawang to at kung makatingin sa isa't isa ay parang papatay na?!

Ilang segundo pa sila nagtitigan na ikinatahimik ng lahat ng tao roon. Binasag iyon malakas na kalabog ng pintuan.

Pumasok roon ang isang napakagandang lalaki na naka-itim na suit. Muntik ng mahulog ang panty ko sa aking nakita! Isang Adonis ang narito sa loob ng bar.

Malaki ang hakbang nitong lumapit sa kinaroroonan namin. Pero ang tingin nito ay na kay Layla lamang.

"Is she okay?" Tanong nito kay Yuan.

"Yeah, she's fine. But look at her, Vander. She's a mess." Nandidiring saad ni Yuan atsaka tinuro ang nagsusukang si Layla.

Ako naman ay napamaang. Ang lalaking to. Siya ang asawa ni Layla!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top