Chapter 20
Layla's PoV
"My Lady, hanggang dito na lang po ako. Master told me that no one shall know that you are his wife. This is a task and also a challenge he gave to you. And he also said that, if you won the deal between the two of you, he'll grant you atleast one wish." Malamig na paliwanag ni Hans.
Agad na naagaw ang atensiyon sa kaniyang sinabi. Ilang sandali pa ay kumislap ang mga mata ko.
"Waahh! Talaga?! He'll grant me a wish?!" Excited na tanong ko sa kaniya.
Tumango ito.
"That's right. So you should work hard to win the deal. Anyway, it's almost time. You need to go." Malamig na saad ni Hans at tumango ako at excited na lumabas.
The tall building of the RH Group greeted me with such an elegance and futuristic design. Ako naman ay napangisi. At first glance, you can tell the company is worth billions just by the building. Hmm. Vander really had an exquisite taste.
Head held high, pumasok na ako sa loob ng building. Pero nasa entrance pa lang ako ay hinarang na ko ng guard.
Matalim kong tinignan ang guard at bahagya itong napa-atras.
Anong karapatan ng baliw na to na harangan ang pagpasok ko sa kumpanya ng asawa ko?!
"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong rito at napalunok ang guard.
Anong drama ng lalaking to?
"M-Ma'am, ID po sana ninyo." Kinakabahang ani nito.
Ah. Yun pala ang kailangan niya.
"Ah! Yun ba? Teka lang. Kukunin ko muna sa bag ko!" Saad ko at kukunin sana ang ID ko sa bag.
Pero ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng wala akong makapang bag.
Shit! Nakalimutan kong kunin ang bag ko! Kingina!
Nilingon ko ang pwesto kung saan tumigil ang sasakyan ni Hans kanina pero natampal ko ang noo ko ng wala na ito roon!
Lintik na! Ano ng gagawin ko nito?! Naku Layla! Mag-isip ka!
"Ma'am? Ang ID niyo po?" Inosente tanong ng guard at masama ko itong tinignan.
Kinakabahan naman itong napa-atras at nakamot ang batok.
Grr! Huwag na huwag kang dadagdag sa inis ko Manong guard! Letse!
"Wait a minute!" Pasinghal kong saad dito at kinapa ang cellphone ko sa aking bulsa.
Naalala ko pa na sa bulsa ko iyon nilagay eh.q Pero ng kapain ko ang bulsa ko ay wala iyong laman. Agad na pumasok sa isip ko na nasa bag ko pala ang cellphone ko.
Nasapo ko ang noo ko.
Kinginang araw to oh! Bwesit! Bakit ko ba kasi nakalimutan ang mga bagay na iyon sa lintik na sasakyan ni Hans?! Piste!
"Lady Layla?" Sabi ng isang pamilyar na boses at agad ko itong nalingon.
Agad na nasira ang mukha ko ng makita kung sino ang tumawag sa kin.
"Anong ginagawa mo dito, Easton? Atsaka, buhay ka pa pala? Hindi ka pa pinatay ni Vander?" Sarkastiko kong tanong dito at ngumiwi ito.
Ang kaharap ko ngayon ay iyong kidnapper na akala mo kung sinong gwapo.
"You're asking that? My Brother wouldn't kill me, Lady Layla." Saad nito at umirap ako.
Buti na lang sana kung tinuluyan na lang eh! Kapal din kasi ng mukha! Akala naman niya kasing gwapo niya si Vander para magpanggap na asawa ko siya! Naku! Ang sarap kulamin!
"Anyway, why are you here?" Tanong nito at umirap akong muli.
"Magtatrabaho na ako dito simula ngayon." Saad ko at nang-aasar na ngumisi ang animal.
Ano kayang nasa utak ng bwesit na to?!
"Oh? Namumulubi ka na ba at naisipan mo ng magtrabaho dito? Hindi mo na ba afford ang isang mamahaling parfait?" Nang-aasar na saad at ganoon na lang kabilis ang pag usbong ng inis ko.
Aba't tong animal na to!
"Ah talaga? Eh bakit nandito ka rin?" Inis kong tanong rito at humalakhak ito at taas noong tumingin sa akin. Tila ba ay nang mamaliit.
Sarap gilitan ng leeg eh! Mataas lang naman siya ng isang ruler kesa sa kin eh! Gagong to!
"I'm the chief of the Strategic Planning Department. Eh ikaw, anong ginagawa mo rito?" Nangmamaliit na tanong nito.
"Tumatanggap pala ng animal na gago ang kumapanya nato? To think na ginawa ka pa nila na chief ng strategic department?" Walang interes kong tanong dito at nakita ko ang paglabas ng usok sa ilong nito.
Ako naman ay ngumisi. Ha! Akala naman niya matatalo niya ako sa ganitong bangayan! Ha! Hindi no!
"What did you just said?!" Triggered na tanong nito at nagkibit- balikat ako.
"Walang ulitan sa bingi!" Nang-aasar na saad ko at mas lalong nasira ang mukha ng animal.
Pfft! Nawala ata bigla ang nakaka-proud niyang aura, ah? Bwahaha!
"What are you even doing here, Lady Layla? Maninira ka lang ba ng araw?" Inis nitong tanong sa akin at nginisihan ko siya.
"I'm here as a secretary of the RH Group. I'm here to lend my amazing marketing skills to the likes of you." Ngisi ko at blanko akong tinignan ng animal.
"Sure kang hindi ma-ba-bankrupt ang kumpanya dahil sa yo?" Blangkong saad nito at matalim ko itong tinignan.
Tong animal na to!
"Anyway, late na ako at wala akong oras para makipagusap pa sayo." Mataray kong saad at tinalikuran siya.
Narinig ko naman ang mahina nitong tawa at umirap ako. Grr! Ang sarap putulin ng dila ng animal na to!
"Ows talaga? Sige, good luck sa pagpasok. Sana makapasok ka!" Nang-aasar na saad ng animal at nakapamulsang pumasok sa building.
Inis kong nilingon ang animal na nang-aasar na nakatingin sa akin. Nakangisi pa ang gago! Kingina!
Pero paano ako makakapasok sa building nang wala ng ID ko?! Argh! Kaasar! Bakit sa lahat-lahat ng nakalimutan ko ay yun pa?! Bwesit!
"H-Hoy! A-Ani-- este Easton! T-Tulungan mo nga ako!" Labag sa kalooban kong saad at mas lalong lumaki ang ngisi ng gago.
Argh! Kaasar!
"Ano nga iyon, Lady Layla?" Ngisi ng animal at tumiim ang bagang ko.
Kaasar talaga! Tangina! Kingina! Letse! Bwesit! Pesti!
"H-Help me. Please." Labag sa kalooban kong saad at humalakhak ang animal.
Masama ko siyang tinignan pero ang animal ay parang siyang-siya sa nangyayari! Bwesit! Gustong-gusto ko ng kitilin ang buhay niya ngayon din!
In the end, tinulungan ako ni Easton at ang nangyari ay labag talaga sa kalooban ko. Kingina!
"Marunong ka palang magmaka-awa, Lady Layla." Ngisi ni Easton at masama ko itong tinignan.
Kanina pa tong baliw na to! Ang sarap patayin ora mismo!
"Tumigil ka na nga! And I'll pay back that favor someday! Hmp! Diyan ka na nga!" Inis kong saad at pumasok sa elevator at pinindot ang 43rd floor.
Pero bago pa man kusang sumara ang elevator ay nakita ko na naman ang malokong ngisi ng animal.
Naku! Kung wala lang kami sa kumpanya, kanina ko pa iyan ginilitan ng leeg at kinunan ng mga mata! Tangina!
Nang makarating ako sa 43rd floor ay binati ako ng napakatahimik na hallway. Malinis naman ng buong floor pero wala ka talagang makikitang isang tao.
Hindi kaya minumulto na tong opisina ni Vander?
"Hello? May tao po ba?" Tanong ko pero walang sumagot.
Agad na nagsitayuan ang balahibo ko. Kingina! Minumulto ba talaga ang floor na to? Waahh!
Hahakbang na sana ako nang may nagsalita sa likuran ko.
"Miss, where are you going?" Anang ng isang babaeng boses.
Nabato ako sa pagkakatayo ng marinig ang boses.
Lintik na! Taga ibang bansa ata tong multong to! Shet!
Kinakabahan kong nilingon ang multong englishera at agad na nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
May isang napakagandang diwata ang nasa harapan ko!
"Hey, are you listening to me, lady?" Mataray na saad ng diwatang kaharap ko.
Wala ako sa sariling tumango. Eh sa nakakatulala ng kagandahan niya eh! Nakaka-heart heart ng mga mata.
Tumaas ang kilay ng diwata na kaharap ko at pinagkrus ang braso nito atsaka tinignan ako.
"Who are you and what are you doing in the Chairman's floor?" Tanong nito at agad akong nabalik sa katinuan.
Eh sa nagtataray na kasi siya eh!
"I'm Layla Rios. I'm the new secretary." Magalang kong saad.
Aba syempre kailangan mabait tayo sa first meeting. Atsaka kailangan magpa-impress ako sa napakagandang diwata na kaharap ko ngayon.
Mataray akong tinignan ng diwata kaya napalunok ako. Anong drama nito?
"Oh? You're the new secretary? Then, your first task will be that." Mataray na saad ng diwata at tinuro ang meeting room na nasa gilid lang ng opisina ng chairman.
Nagtataka kong tinignan ito. Ano namang meron sa meeting room? Nagtataka kong nilingon ulit ang diwatang mataray pero napakaganda.
"Po? Ano pong gagawin ko diyan?" Inosente kong tanong at inirapan ako nito.
Ang kaninang paghanga ko ay biglang nawala at napalitan ng inis. Aba't tong babaeng to! Kung maka-asta ay parang kung sino!
Ilibing ko na kaya to ng buhay?
"Why are you asking me? Check it yourself." Mataray nitong ani.
Ako naman ay inis itong tinignan. Hindi na siya magandang diwata! Isa na siyang magandang demonyo! Eh hindi mo talaga maipagkakaila na mganda siya eh!
"Okay po." Nakanguso kong ani at nagpunta na sa meeting room.
Binuksan ko iyon at ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
"Clean that up. And after that, make 30 copies of this." Mataray na saad ng magandang demonyo at padabog na ibinigay sa akin ang makapal na presentation prints.
"Then, work hard." Mataray na saad ng magandang demonyo at parang supermodel na naglakad paalis.
Ako naman ay hindi alam kung paano magreact.
Tangina! Sekretarya ba ako rito o katulong?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top