That Angel
NAGISING akong nakahiga sa gitna ng kalsada.
"Argggggh." ramdam ko ang sakit mula sa aking likuran. Ano ba ang nangyari?
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang busina ng isang paparating na truck.
Agad akong tumayo nang makita ko ang paparating na sasakyan sa kung saan ako naroroon.
Muntik na ako.
Nakakapagtaka lang, bakit nga ba ako nakahiga sa gitna ng kalsada?
Sa aking pagkakatanda, kasama ko si Mama at papunta kami sa mall para mamili ng damit bukod doon ay wala na akong maalala.
Nasa'n na nga ba si Mama? Bakit niya ako iniwan dito?
Muli akong napahawak sa aking likuran. Mas lalo pang tumindi ang sakit na aking nararamdaman. Maging ang ulo ko ay sumasakit na rin.
Pinipilit kong alalahanin kung ano nga ba ang nangyari pero wala, there's no use. I can't remember a thing.
Madilim ang kalangitan at mukhang ilang minuto pa ay bubuhos na ang uulan. Nagpasya na akong maglakad pauwi.
Nakahawak pa rin ako sa aking ulo, still trying to remember what really happened nang bigla akong napatigil.
Nakatulala lamang ako sa nilalang na lumapag sa aking unahan. God, is this even for real?
Ramdam ko ang hanging dala ng pagaypay ng kanyang pakpak, "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
Napaatras ako. Hindi ako makapagsalita.
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?"
Humakbang siya papalapit sa akin. Ako naman ay patuloy pa rin ang pag-atras.
"Huwag kang matakot, masanay ka rin."
Naniniwala ako kay God at sa lahat ng nilalang na kanyang nilikha but to see one in person ang hindi ako makapaniwala.
Halos wala siyang pinagkaiba sa akin. His structure is more of a human at ang tanging pinagkaiba lang ay ang maputi at mayabong na pakpak sa kanyang likuran. He is glowing. Ngayon lang ako nakakita ng gaya niya.
Patuloy pa rin ang paglapit niya sa akin. He's trying to reach down and touch me.
"H-huwaaag!" manginig-nginig kong sabi.
Ang daming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Is he for real? Kung gayo'n man, bakit niya ako kinakausap? Bakit niya ako nilalapitan? Ano ang pakay niya sa akin?
"Huwag kang matakot, hindi naman kita sasaktan." sabi pa niya, sabi pa ng anghel na kanina ko pang nakikita.
Muli niyang inextend ang kanyang kamay para abutin ako. Napapikit na lamang ako.
Yes, I know he does no evil. Ang sabi sa bible ay mababait silang nilalang pero guyunpaman, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang kanyang kamay sa akin ulo. Hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata, "Totoo ka ba?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin as he nodded, "Yes, I'm real."
Ito ang unang beses na makakita at makakausap ako ng isang gaya niya. I have a lot of questions in mind that I wanted to ask him but I do not know where to start.
Kinuha niya ang isang hour glass sa kanyang bulsa, "Malapit na." sabi niya at saka muli iyong itinago.
Magsasalita na sana ako nang muli akong napahawak sa aking likuran.
"Aaaaargh!"
Heto na naman ang sakit na kanina ko pang iniinda. Sobrang sakit na talaga. Parang di ko na kaya.
"Masakit ba?" tanong niya.
Hahawakan na sana niya akong muli but I insisted not.
"H-huwag. P-please. Huwag mo akong hahawakan." iiling-iling kong sabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay.
Sobrang bigat ng aking pakiramdam. I really feel so unease.
Parang kanina lang bago kami umalis ng Mama ko sa bahay ay normal pa ang lahat. Normal, na ang tangi ko lamang nakikita ay ang mga bagay na nakikita ng mga pangkaraniwang tao pero ngayon ay iba na ang aking pakiramdam. I feel like hindi na ako isa sa mga taong nandito.
"Naiintindihan kita, alam kong naninibago ka lang. Gan'yan din ako nung una." sabi niya na parang alam na alam niya ang pinagdadaanan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Ang tangi ko lang gustong gawin ngayon ay ang makauwi at makatakas mula sa kanya.
Napailing ako.
Paano kung naghahallucinate lang ako? Paano kung ang lahat ng ito ay hindi totoo?
Nagpasiya na akong maglakad papalayo sa kanya, pretending that I didn't see him.
Sinampal sampal ko pa ang sarili ko ng mahina. Hindi ito totoo. Nananaginip ka lang--
"Lara."
Kinilabutan ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan.
Paanong--kilala niya ako?
Ramdam ko ang kanyang pagsunod kaya naman mas binilisan ko pa ang aking lakad.
"Alam kong mahirap tanggapin pero kung ako sa'yo, hindi na ako uuwi." sabi pa niya.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob to stop from walking. Nilingunan ko siya. Ano bang sinasabi niya?
Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita, "Huwag ka ng umuwi."
I looked straight into his eyes, "At bakit naman hindi? Sino ka ba para pagsabihan ako?"
Napabuntong hininga siya, "I'm your former guardian angel, Lara." he said.
For a second ay natahimik ako. He's my former-what?!
"Aaaargh!" ito na naman ang sakit. Bigla bigla na lang umaatake.
Muli akong napahawak sa aking likuran. Siguro ay dahil lang ito sa pagkakahiga ko kanina.
"I'm sorry. Ako ang may kasalanan." malungkot na sabi niya sa akin. Nakayuko lang siya sa aking harapan.
Naguguluhan ako. He's been saying weird stuff since I saw him.
Ano ba talagang nangyayari at ano ang mga pinagsasasabi niya? Kasalanan niya ang ano?
"Ano ba ang sinasabi mo?" medyo inis na tanong ko sa kanya.
Sa halip na sagutin ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata na para bang may vini-visualize siya sa kanyang isipan. Ilang sandal pa ay iminulat niya rin ang kanyang mga mata.
"You don't even know yet?" gulat na tanong niya sa akin.
"Know what?"
From being surprised ay napaltan ng lungkot ang kanyang mukha.
Ano ba yung hindi ko pa nalalaman? May kailangan ba akong malaman
"I'm sorry."
And those were his last words.
Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay bigla na lang siyang lumipad, palayo.
Naiwan akong mag-isa sa daan. And I can't help but to think, ano ba yung hindi ko pa nalalaman?
"Aaargh!" muli ay napahawak ako sa aking likuran. Ito na naman yung sakit na kanina ko pang nararamdaman. Ang sakit na kanina ko pang iniinda.
Kailangan ko na talagang makauwi. Baka maghihintay na rin sa akin si Mama. Ayokong nag-aalala siya sa akin.
Tatlong kanto lamang ang layo ng aming bahay mula sa aking pinagmulan. Kung sanay kang maglakad ay kaya ng lakarin.
Medyo malapit na ako sa aming bahay nang makasalubong ko ang aking best friend. Mukhang galing siya sa amin.
Nakatungo lang siya at tila ba umiiyak. Sandali-bakit siya umiiyak? Is it because of me?
Yes, I remember. My best friend and I had a fight at halos mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap.
Sa totoo lang ay nagsisisi na ako sa mga nangyari. The fight we had is about a guy that she really likes na ayaw ko naman para sa kanya.
The guy has the looks. He's also quite popular. Okay naman sana siya but the thing I didn't like about him is that he's an easy go lucky. Based on my observations ay hindi siya seryoso sa buhay at hindi pa matured mag-isip. For short, hindi siya pasado sa standards ko for my best friend.
Magkababata kami ni Hana at ayokong mapunta lang siya sa gano'ng klaseng lalaki. She's worth having a man than a popular kiddo na sobrang pa-cool lang. That is why last week, when she told me na sasagutin na niya si guy at sinabi kong hindi ako boto, pinapili ko siya between our friendship and the guy she likes-- na pinagsisisihan ko at dapat ay hindi ko ginawa.
Dapat naging masaya na lang ako para sa kanya. Dapat sinuportahan ko na lang siya. Nagsisi ako. Sobrang nagsisi ako nang papiliin ko siya.
I was hurt. Nasaktan ako ng sobra nang piliin niya ang lalaking yun over me.
We're best friends since we're little kids at hindi ko akalaing ipagpapalit niya ang friendship namin for that guy.
Alam kong para sa iba ay sobrang liit lang ng pinag-awayan namin pero para sa akin ay big deal 'yon.
And now, maybe it's time to apologize. I'd been somehow so selfish, but I don't want to lose my best friend because of that selfishness.
Parang kapatid na ang turing ko sa kanya and seeing her like this breaks my heart.
"Ha-" tatawagin ko na sana siya sa kanyang pangalan nang mapahawak ako sa aking lalamunan.
"Ha-" I was stuck frozen.
Bakit gan'to? Bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Sinubukan ko siyang tawagang muli pero wala pa rin. Wala pa rin talagang boses ang lumalabas sa akin.
Nakahawak pa rin ako sa aking lalamunan trying to figure out why all of a sudden ay hindi ako makapagsalita.
I tried to clear ny throat but it's no use. Bakit sa lahat pa ng oras ay ngayon ako napaos?
Hanggang sa hindi ko nalamayang nalampasan na niya pala ako.
"H-hana." I tried to speak one more time and there my voice is back again.
Nilingunan ko siya para habulin, but it's too late. Nakasakay na siya.
"I'm sorry." bulong ko sa aking sarili at naglakad na lang pauwi.
Napangiti ako nang makita ko ang gate ng ang aming bahay. At last, I'm home.
Pumasok ako sa loob at nagulat ako sa aking nakita.
Sobrang dami ng tao. Ang iba ay mga kamag-anak pa namin na matagal na panahon ko na mula nung huli kong makita.
A-anong ginagawa nila dito at-bakit sila umiiyak?
"I'm sorry."
Napalingon ako sa tinig na aking narinig. It's the angel earlier. He's here again.
"I-ikaw?" anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako?
"Kasalanan ko, I'm sorry." malungkot na sabi niya sa akin. Nakayuko lang siya.
Ayan na naman siya. Nagsosorry na naman siya for no reason.
"What are you saying? Hindi kita maintindihan."
Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo. Itinuro niya ang loob ng aming bahay na agad ko namang tiningnan.
Nakita ko si Mama na umiiyak sa tabi ng isang coffin.
Natigilan ako at biglang kinabahan. Who could be in that coffin?
"Ma-" tatawagin ko na sana si Mama pero bigla na namang nawala ang aking tinig.
"Don't try calling them, they won't hear you."
Muli ko siyang nilingunan. Nagsimula nang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"B-bakit?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.
Lumapit siya sa'kin and his wings embraced me. Ramdam ko ang lamig ng kanyang katawan.
Wala na akong ibang nakita kundi purong liwanag. Ilang sandali pa ay napunta kami sa lugar na pinanggalingan ko kanina.
Napatakip ako sa aking bibig.
"This is what happened earlier today." sabi ng anghel na ngayon ay katabi ko.
Nakita ko si Mama na patawid ng kalsada. Sa kanan niya ay nakita ko ang isang train na paparating.
"Maaaaa!" nakita ko ang isa ko pang sarili na tumakbo papalapit kay Mama at itinulak ko siya.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Maging ang lahat ay nagulat.
"Lara!"
Nag-iiyak si Mama habang gagapang gapang papalapit sa aking katawan na nakahandusay sa gitna ng kalsada.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha.
"I'm sorry."
Napatingin ako sa anghel na aking katabi. Nakatungo pa rin siya. Naalala ko yung mga katagang sinabi niya kanina.
I'm your former guardian angel.
Humarap ako sa kanya at sinuntok suntok siya, "Baaaakit?!" patuloy pa rin ang aking pag-iyak. "Di ba sabi mo guardian angel kita? Bakit mo 'ko pinabayaan?!" Hindi ko magpigilan ang hindi siya sisihin.
"I-I'm sorry." Hindi niya magawang tumingin sa akin.
Iyak pa rin ako ng iyak.
Paano siya naging guardian angel kung ang pagbabantay lang sa akin hindi niya magawa ng ayos?
Ang dami ko pang gustong gawin. Ayoko pang mamatay! Ayoko pang iwan si Mama at si Hana, hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.
"L-lara."
"AAAAARGH!"
Muli akong napahawak sa aking likuran. Ang sakit, sobrang sakit.
The pain in my back that I'm feeling is getting worse.
Hinawakan ako ng anghel na aking katabi. Muli ay inilabas niya ang hourglass na nakita ko kanina.
"Magiging ayos din ang lahat." kalmado niyang sabi sa akin.
I can't ease the pain. Ang sakit sakit na talaga.
Ano bang nangyayari sa'kin?!
Muli akong napasigaw sa sakit, God, help me!
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may lumabas mula sa aking likuran.
And for one last time I screamed at the pain. Sobrang sakit na talaga. Hindi ko na kaya.
Muling nabalot ng liwanag ang paligid.
Nakita ko ang aking nakaraan. Mula sa aking pagsilang hanggang sa aking paglaki. These are the happiest memories na hindi ako magsasawang balik-balikan.
"It's time."
Hinawakan ng anghel na kasama ko ang aking kamay. At kasabay nang pagpatak ng huling butil ng buhangin sa hourglass na kanyang hawak ay iminulat ko ang aking mga mata.
Napalitan ng isang puting dress ang damit na suot ko kanina. Ramdam ko rin ang hanging dala ng pagpagaypay ng pakpak sa aking likuran.
The pain has ended and I'm freed from sorrow.
"You're now an angel." he said at sabay kaming naglakad sa hagdan, paakyat papunta sa langit.
One thing I learned in life is that we are only given one chance to live so you better enjoy every moment. Live each day as if it were your last cos you'll never know when your time is up.
Sa ngayon ay sobrang gaan na ng aking pakiramdam. Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang istorya ng aking buhay, bagkus ito ay simula pa lamang ng lahat.
*WAKAS*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top