Chapter 9


Limang minuto nang walang imik ang dalawa sa gitna ng biyahe. Naging awkward na rin ang atmosphere nila pero nagpapataasan pa rin ng pride kung sino ang mauunang magsalita.

Hindi na nakatiis si Hernan. "Sorry if I sounded rude last time."

Umirap lang si Gaile na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Paulit-ulit kasi ang lalaki na sinasabi sa kanyang hindi siya gusto.

"Ayoko lang kasi ng--"

Pinigilan na ni Gaile ang sunod pang sasabihin nito.

"I get it, ayaw mo sa'kin kaya wag mo na ulit-ulitin. Puwede?" mataray nitong ganti sa kanya.

Napaismid na lang si Hernan. Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit di siya nagkaka-gf, kasi maiinit lagi ang ulo ng mga babae.

"Di mo pa ako pinapatapos," reklamo ni Hernan. "But, okay. Ayoko lang na may umaasa sa'kin. Baka pag mas pinansin kita, isipin mo na--"

Pinigilan na naman siya ni Gaile sa balak niya pang sabihin. "Isipin mong gusto kita? Nah, not anymore." Sinilip niya ang bintana at gustong sampalin ang kasama. Gusto niya pa bumaba sa kotse kung puwede lang, matakasan lang ang lalaki.

"Sana hindi ko na lang siya nilapit-lapitan, napaka-assuming," sa isip-isip ni Gaile.

Tinaas ni Hernan ang kanang kamay, senyas na suko na siya. "Alright, di ko na babanggitin ang tungkol diyan."

Inirapan na naman siya ni Gaile. Humalukipkip pa siya. Kung may mga salita lang na makakapagpaliwanang ng nararamdaman niya kung gaano na siya kainis sa lalaki ngayon.

Natahimik na si Gaile at di na nagsalita ulit pero si Hernan naman ang nanggugulo.

"We can be friends, anyway," simula pa ni Hernan.

Matagal na rin mula nang may makilala siyang babae. Kung hindi mag-work out, marami pa naman iba.

"Sorry," dugtong niya pa sa babae. Hindi naman siya gano'n kasanay mag-sorry pag may kasalanan pero napapasubok siya ngayon.

Nagkulay-red ang stop light kaya nagkaroon ng oras si Hernan na tingnan ang babae.

"Sorry na nga." Nilahad niya ang kamay sa harap nito para makipag-shake hands. "Ms. Gaile, sincerely, I'm sorry. . ."

Iritable pa rin pero tinapunan na siya ng tingin ni Gaile at nakipag-shake hands nang galit.

"We're good now?" paniniguro ni Hernan. Baka napililitan lang ito.

"Oo na, ang kulit e."

Umilaw na ang stop light ng berde kaya nagmaneho na ulit si Hernan. Napangiti siya pero di niya alam ang dahilan. Baka masyado lang niyang hinusgahan si Gaile noong unang kita nila pero ano itong nararamdaman niya?

"Bakit gusto mo ako ihatid?"

"It's a gesture of sorry," maikling sagot ng kinausap.

"Okay," malamnay lang na sagot ni Gaile. Iniirap-irapan pa rin niya si Hernan at sinasamaan ng tingin.

"Ano'ng tingin yan? Akala ko ba okay na tayo?" tanong ni Hernan.

"Okay na nga," pabalang na sagot ng dalaga. "Pero matanong lang, ang richkid mo 'no?"

Natawa naman si Hernan sa sinabi nito.

"Judgemental ka siguro," natatawa niyang sagot. "Dahil ba may kotse, mayaman na?"

Umiling-iling lang si Gaile. "Halata naman kasing rk ka." Humarap siya kay Hernan habang nagmamaneho.

"If you don't mind, do you have a girlfriend, wife, MU, kalandian, ka-fubu, girl bestfriend, or whatever?"

Natawa si Hernan sa uri ng tanong nito. Sa dami ng sinabi ni Gaile, lahat yon wala si Hernan.

"Kasi. . kung may gf ka na o asawa, bababa na ako sa kotse mo. I don't like cheaters, never, kahit pa sabihing naaawa ka sa'kin kasi maulan, gano'n."

Umiling si Hernan. "I don't have a wife, girlfriend, MU, kalandian or so what," pag-ulit ni Hernan sa mga sinabi ni Gaile.

Dinugtong niya pang, "I'm completely single."

Nagduda pa si Gaile sa sagot ni Hernan. "Kung gano'n, bakit iwas na iwas ka sa'kin? Pangit ba ako?"

"Kung sabihin kong oo, ano magagawa mo?"

Nalungkot ang mukha ni Gaile. Alam niya sa sariling maganda siya at gino-good time lang siya ng lalaking 'to.

"Tsk! Ang alam ko maganda ako, so baka ayaw mo sa maganda."

"I'm not really looking for someone right now." Sinulyapan niya si Gaile sa tabi niya. Ayaw niya sa kanya noong umpisa pero tila gumagaan ang pakiramdam niya.

Sumang-ayon na rin si Gaile sa sinabi nito. "Sabagay, love comes in unexpected time, sabi nila."

"Right. When you're not looking for someone, love comes, but when you're looking for it, it doesn't come," malalim ma sagot ni Hernan.

Pumalakpak si Gaile na tila nasiyahan sa sagot ni Hernan. "Pak! Philosopher ang peg!"

Napatawa nito si Hernan. Guwapo na ito pero mas lalo pang gumuwapo dahil sa kanyang masayang aura. Tinitigan siya nang maigi ni Gaile at na-imagine na ka-holding hands niya si Hernan.

Natauhan din siya at binawi ang titig nang maalalang di pala siya gusto nito, at balak na niyang tanggalin sa pagka-crush ang binata.

"Nakita ko 'yon," sabi ni Hernan.

"Baka matunaw ako niyan ah," dugtong niya pa.

"Wala kang nakita," pagkontra naman ni Gaile sa kanya. "Nag-i-imagine ka lang."

"Ako naman magtatanong. Do you have a boyfriend or seeing someone?"

Mabilis na sumagot si Gaile ng "no".

"I'm single," masigla nitong saad. "And ready to mingle!"

"Halata naman," mahinang bulong ni Hernan.

"Wait," sumandal sa upuan si Gaile at humarap sa nagmamanehong prince charming niya.

"Baka iniisip mo malandi ako, ah? Kung yon nakikita mo, go. Pero kasi alam mo, ako yong tipo ng taong pag gusto ko 'yong isang bagay o tao, ginagawa ko best ko para makuha 'yon."

Si Hernan naman ang napataas ang kilay at sandaling tiningnan ang dalaga.

"Kahit magmukha akong tanga sa ibang tao, wala akong paki kasi ako naman may gusto nun e. At least di ba, pag ginawa mo best mo, no regrets sa huli."

Napaisip si Hernan. May point naman ang babae. Siguro nga ay hinusgahan lang niya nang maaga ang ugali ni Gaile.

"Kumpara naman sa hindi mo ginawa yong bagay na 'yon, sa huli, may what if's ka pa. Like, what if nilapitan ko siya noong first day, what if umamin ako sa kanya in the first place? What if sinabi ko na agad na gusto ko siya in the first place?"

Hindi makasagot si Hernan. May mga beses sa buhay niyang naging duwag siyang sabihin ang totoong nararamdaman kasi mahirap makagawa ng desisyong pagsisisihan din sa huli.

Tuluy-tuloy lang sa pagsasalita si Gaile habang si Hernan ay seryoso sa pagmamaneho.

"Kasi pag di mo ginawa yong bagay na nagda-doubt ka, sa huli magsisisi ka e. Gaya nung gusto mo 'yong isang tao, all your life, di ka umamin tapos nung nagka-jowa yong tao, magsisisi ka."

Tila para kay Hernan ang mga salita ni Gaile.

"Ikaw ba?" Baling ni Gaile sa kanya. "May mga what if's ka rin ba sa buhay?"

Natameme muna si Hernan bago nakasagot.

"Oo naman."

"Gaya ng?" Interesadong nakikinig si Gaile.

"What if nagawan ko ng paraan ang paghihiwalay ng parents ko. ."

"What if we are still a happy family until now?"

Malungkot ang mga mata niyang napatingin kay Gaile. "What if?"

Nakaramdam ng kirot si Gaile sa mga tanong nito. Ang akala niyang puro kasungitan lang na lalaki ay may malungkot palang story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top