Chapter 8
Humahampas ang malakas na hangin at ulan sa wind shield ng kotse ni Hernan. Sobrang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Rinig na rinig sa loob ng kotse ang bawat paghampas ng hangin. Kung kailan namang pauwi na, saka pa umulan. Sana kanina pa habang nasa office siya.
Dumaan siya sa parking lot palabas. Nang nasa labas siya, napansin niya ang isang babaing nakapayong na naghihintay sa labas. Nakatayo lang ito sa gilid, naghihintay na tumila ang ulan. Si Gaile iyon.
Lalayo na sana si Hernan at lalampasan ang babae nang medyo makonsensya siya. Kahit naman kinaiinisan niya ito ay may malasakit pa rin siya sa kapwa lalo na babae si Gaile saka gabi na. Palinga-linga lang si Gaile sa kaliwa't kanan niya. Mahigpit ang hawak nito sa payong habang pilit pinagkakasya ang sarili niya.
Huminto si Hernan sa harap ni Gaile. Binukan niya nang kaunti ang bintana at sinilip ang dalaga.
"Come in," sabi niya sa kanya.
Nangunot muna ang noo ni Gaile bago tuluyang namukhaan ang nagsalita. Pamilyar kasi ang boses niyon. Walang iba kundi ang crush niyang masungit at iritang-irita sa kanya.
"Ayoko," mataray nitong sagot matapos maalalang sinungit-sungitan siya ni Hernan nakaraan sa smoking area.
"You're a supervisor?" manghang tanong ni Gaile. Kaya pala pormal ang dating ng lalaki kasi mataas ang posisyon nito.
"And what do you see?" pilosopong sagot ni Hernan.
Hinablot ni Hernan nang mabilis ang kinuhang yosi ni Gaile sa kanya kanina. Ayaw niya sa mga taong kinukuha ang mga bagay na sa kanya kaya nag-umpisa na naman ang inis niya sa babae. Binaligtad niya ang ID niya at hinithit ang sigarilyo.
"Tsk!" naibulalas na lang ni Gaile. Bakit ba naman kasi sa dami ng puwedeng maging crush ay sa isang masungit pa.
"May regla ka ba?" biglang tanong niya sa binata.
Napaubo si Hernan sa tanong nito. Hindi naman talaga siya masungit, sadyang ayaw niya lang sa babae. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ayaw siya nitong tantanan.
"Napakasungit. Ganyan ka bang klase ng supervisor?"
"Hindi," tipid niyang sagot. "Sa'yo lang ako ganito."
Bumuga naman si Gaile ng usok ng sigarilyo sa hangin at muling nagwika. "Wala kang girlfriend 'no?"
Hindi nakasagot si Hernan.
"Wala nga," ani Gaile. "Sabi nila, kapag masungit yong isang tao, malungkot ang lovelife."
"And you believe that?"
"Of course lalo na nakikita ko kung paano ka magsungit."
"You know what?" anas ni Hernan. "You need to stop following me, Gaile. I don't like you, and I will never like you."
Naningkit ang mga mata ni Gaile. Alam niya sa sariling nagpapakita siya ng motibo sa lalaki pero parang masakit sa kanya na paulit-ulit nito sinasabing hindi siya magugustuhan ng lalaki e hindi pa nga siya nito tuluyang kilala.
"Sinabi mo na yan nakaraan. Ano, sirang plaka lang?"
Nagpaliwanag siya. "You know, what? You need to stop being so arrogant. I'm not following you, 'no? Tinanggap ko na nga sa staycation pa lang na ayaw mo sa'kin."
Humalukipkip siya sa inis habang nakatutok sa sahig ang sigarilyo. "Hello? Hindi ko naman alam na dito ka rin nagtatrabaho. If I ever find out earlier, sana nag-resign na lang ako kaysa makita yang pagmumukha mo!"
Naintriga naman si Hernan sa mga sagot ng babae. Kung nasasaktan ito sa mga sinasabi niya, sana maintindihan niyang kailangan niya ng personal space kaya tigilan na nito ang bigla-biglang paglapit sa kanya.
Napamaang na nakikinig si Hernan sa sunod na sasabihin nito. Kita niyang nagbago ang ekspresyon ni Gaile. Naiinis na ito ngayon.
"Saka friendly lang ako kaya wag kang assuming."
Nakataas ang mga kilay ni Gaile na tinitingnan si Hernan. Napakahangin pala ng binata para sa kanya.
"Diyan ka na nga!" Nagdadabog na iniwan niya si Hernan sa puwesto nito. Bumubulong-bulong pa sa sarili si Gaile.
"Akala niya naman may-ari niya 'tong building. Tss!"
Kunot na kunot ang noo ni Hernan nang iniwan ni Gaile. Siya itong lapit nang lapit sa kanya kaya iisipin talaga niyang may gusto sa kanya yong babae. Siya naman nagsabi noong umpisa pa lang.
"Ako pa assuming? Siya tong dikit nang dikit sakin," naibulong na lang ni Hernan sa sarili at sa isip-isip niya ay natatawa siya.
Kung ganto kahirap intindihin ang mga babae, paano pa kaya kapag ganito ang girlfriend niya?
"Ayaw mo?" pag-ulit ni Hernan sa sagot ni Gaile matapos niya itong ayain pumasok sa loob.
Hindi natinag si Gaile. Iniwas nito ang tingin sa kanya at nagkunwaring walang narinig.
"So ayaw mo nga?" Inulit na naman ni Hernan.
Biglang kumulog nang malakas at sunud-sunod na mga kidlat ang nakita ni Gaile sa di kalayuan.
Unti-unti nang sinasara ni Hernan ang bintana habang nagsasalita. "Bahala ka, sana wag kang makidlatan."
Kahit naiinis ay wala na rin siyang nagawa at napilitan na rin lang sumakay katabi ni Hernan sa kotse. Kanina kasi ay sinubukan niya mag-book ng grab pero walang nag-a-accept. Wala rin namang magsusundo sa kanya kaya napilitan na rin siyang sumakay.
Hindi pa rin umiimik si Gaile mula nang maupo siya sa tabi ng binata. Siniksik niya ang sarili sa gilid ng kotse, lumalayo kay Hernan at tumitingin sa labas. Mula nang mapagtanto na hindi naman siya magugustuhan ni Hernan kahit anong pa-cute niya, sinabi niya sa sarili na di na papansinin ang binata pero heto, nasa loob siya ng kotse nito.
"Where to?" tanong ni Hernan sa kanya pero di umimik ang tinanong.
"Sa'n kita ibababa?" tanong ulit niya matapos ang isang minuto.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hernan. "Iuuwi kita sa bahay ko pag di ka sumagot," pagbabanta niya rito.
"Okay fine," napipikong sagot niya. "Barangay 14, Pasay."
"Sasagot naman pala. Pinapahirapan pa ako."
Mahinang ginaya ni Gaile ang sinabi nito at may pairap-irap pa. "Seseget nemen pele. Pinepeherepen pe eke."
Napansin ito ni Hernan. "May sinasabi ka?"
Pilit na ngiti ang binigay ni Gaile at isang salita lang ang isinagot, "Wala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top