Chapter 6


"He is clearly abusing you. Wala ka ba ibang gagawin kundi tiisin mga pananakit niya?"

Masakit para sa kanya na nakikitang sinasaktan-saktan lang ang ate Liz na tumayong ina at ate sa kanya. Inugali na yata nito maging martir sa walang kuwentang asawa.

"Kaya ko pa naman," maikling sagot ni Liz. Pinilit niya pa ngumiti sabay sabing, "Hayaan mo na ako. Ginagawa ko lang naman ito para sa baby ko."

Nagsalubong ang mga kilay ni Hernan at hinarap si Liz. "Naririnig mo ba ang sarili mo, ate Liz?"

"Do you think your daughter will love seeing you with bruises everyday?"

Umiling-iling si Liz habang inisiip ang sunod na sasabihin. Lahat gagawin niya para sa anak niya, titiisin niya ang pananakit nito para lang mabuo ang pamilya dahil mahirap lumaking walang ama.

Sa ganitong usapan ay naalala ni Hernan ang isang flashback.

Pumupungas-pungas na bumangon sa kama ang 4-taong gulang na si Hernan.

"Mommy?" unang salitang sinambit niya kahit kagigising pa lang.

Pumunta siya sa kusina at sa sala pero wala ang mommy niya roon. Nakarinig siya ng busina sa labas ng bahay nila. Sumilip ang batang Hernan sa bintana.

Doon ay nakita niyang may bitbit na dalawang malalaking maleta ang kanyang mommy. Sa labas din ay may nag-aabang na isang lalaki. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata para makita kung daddy niya ba ang lalaking 'yon.

Nasa work ang kanyang daddy, walang paalam ang mommy na aalis siya saka  medyo matanda na yong lalaking nag-aabang sa labas.

Nag-kiss ang mommy at ang lalaking yon bago sumakay sa kotse ang kanyang mommy.

Kumpirmado, hindi niya daddy yon!

"Mommy!" tawag ni Hernan habang nasa bintana. Dali-dali siyang nagbukas ng pinto para habulin ang kanyang ina pero nakaalis na ang kotse nito.

Naiwan siyang umiiyak sa may gate nila habang paulit-ulit na sinisigaw ang "Mommy!"

"Hanggang kailan mo yan titisin?" baling ni Hernan sa babae.

Sumagot na si Liz. "Hernan, wag mo na ako pakialaman, please."

Natigilan si Hernan. Concern lang naman siya sa kalagayan ng babae at anak nito. Gusto niyang mapabuti ang buhay nito at mangyayari lang sana yon kung hiwalayan na niya ang asawa.

"Fine, wag pakialaman," disyamado niyang sabi.

"I already told you. I know how it feels to have a broken family, but it's better than seeing a complete family, which is broken."

"Naiintindihan ko naman, Hernan pero buhay ko na 'to. . . "

"Tama," sang-ayon ng binata. Sorry for the words, but you're being selfish. Your husband is nothing but a useless man."

Masasakit pero totoo ang mga salitang binitawan niya. Sobrang tagal na niyang sinasabihan ang ginang na wag nang tiisin ang asawa.

"Wala kang karapatan pagsalitaan nang ganyan ang asawa ko."

Napataas ang boses ni Liz. Kahit papano ay pinipilit naman niyang tingnan ang good side ng asawa. Mapagmahal na ama naman ito at hindi sila ginugutom.

"Kaibigan kita pero wala kang karapatang sabihang walang kuwenta ang asawa ko," galit na paliwanag ni Liz. Naninikip ang dibdib nito na nakatingin kay Hernan. Pati  ibang tao ay napapatingin na sa kanila.

Tumayo si Hernan. Mukhang siya pa ang napasama.

"Why? Does it hurt? If hurts you, it's because truth hurts, ate Liz."

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hernan saka naglakad palayo. Iniwan niya na ang ginang mag-isa para makapag-isip-isip nang matino. Sana nga ay matauhan ito.

Umaasa pa siyang magbabago ang asawa na hindi naman magawa nito. Halos araw-araw ay puro pasa ang inaabot niya, at kahit anong sabihin ni Hernan ay hindi siya nakikinig.

"Hernan, sandali!" Sinubukan pang habulin ni Liz ang binata pero mabilis na itong nakalayo sa kanya.

Mahaba-haba pa naman ang oras ni Hernan. Dala ng init ng ulo ay pumunta na lang siya sa smoking area para magpalamig ng ulo.

Nakakadalawang sigarilyo na siya nang matanaw sa malapit ang pamilyar na pigura ng isang babae. Bumubuga ng usok ng sigarilyo ang babae, maikli ang buhok, naka-blouse na kulay-puti at nakasuot ng pencil cut na palda habang may kausap na isang babaing nagyoyosi rin.

Inalis niya ang tingin sa dalawa. Baka nag-i-imagine lang siya. Sinindihan niya ang pangatlong sigarilyo nang mapansing may binulong ang babaing kasama ng naka-blouse na babae. Dahil dito, napatingin sa gawi ni Hernan ang pamilyar na babae.

Si Gaile!

"Hanggang dito ba naman, sinusundan niya ako?"

Naglakad papalapit kay Hernan ang pamilyar na dalaga. Hindi nga siya nagkakamali. Si Gaile nga ito. Pormal ang suot nito ngayon at mukhang kagalang-galang.

Wala sa mood na kumausap ng tao si Hernan kaya hindi niya pinansin ang paglapit nito sa kanya.

"Ikaw pala yan, Mr. Snob," ani nito.

Nang mapansing hindi natitinag sa paninigarilyo si Hernan, kinuha ng babae ang sigarilyo ni Hernan.

Kunot ang noong binalingan siya ni Hernan. "What's your problem, flirty woman?"ganti ni Hernan.

Napaawang ang bibig ni Gaile. Tinawag siya nitong flirt.

"Dis you just call me, flirt?" Mukhang nainis ang dalaga sa pagkakatawag sa kanya ng gano'n ni Hernan.

"Yes, aren't you?"

"Di kaya ako malandi." Tumaas ang kaliwang kilay ni Gaile. "Friendly lang ako 'no."

"Ano ba'ng ginagawa mo dito?" usisa ni Gaile.

"I should be the one to ask you that, and why do you keep on following me?"

"Well," luminga si Gaile, tiningnan ang iba pang tao sa smoking area. "This is a smoking area, so I am smoking."

Bumuga ng usok si Gaile saka muling sumagot. "And hello? I'm not following you. I work here."

Umirap si Gaile sa binata. "Ang assuming mo naman para isipin na sinusundan kita."

Pagtingin niya sa lanyard ni Hernan ay may badge ito. Nakalagay roon na "supervisor Hernan."

Manghang napatanong si Gaile. "You're a supervisor?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top