Chapter 46
Titig na titig si Gaile sa resulta ng kanyang pregnancy test. Pumikit-pikit siya at dumilat nang ilang beses, nagbabakasaling namamalik-mata lang siya sa kanyang nakikita pero hindi ito nagbabago.
Positive na positive ito!
Natutop niya ang kanyang dibdib at naluha sa halu-halong emosyon. Puwede namang false pregnancy lang ito, hindi ba? Yong tipong nakakaranas siya ng senyales ng pagbubuntis pero hindi talaga siya buntis.
Paano na? Alam naman niya kung sino ang ama pero di niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Dapat ba siyang malungkot kasi hindi naman niya ito inaasahan o maging masaya kasi ito ay bagong blessing?
See, nakipag-sex lang naman siya nang hindi nag-iingat. Ano ba dapat asahan pagtapos makipagtalik nang walang anumang contraceptive?
"I'm pregnant." Naluluha siyang napatakip sa kanyang bibig.
Baka ito na ang kapalit ng pagkawalabng P5,000 niya. Ito na pala ang blessing matapos siyang takbuhan ng nakabuntis na foreigner sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa natutunton.
Bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at iniluwa nito si Samantha. Nag-aalala itong lumapit sa kanya at napatakip na lang din sa kanyang bibig pagkakita ng positive na pregnancy test.
"Buntis ka," sabi nito.
Napatango ang kaibigan. "I'm pregnant, Sam."
Napahawak sa kanyang tiyan si Gaile. Sa dami ng nangyari, pakiramdam niya ay ito na ang isa sa senyales ng pagbabago ng buhay niya. From party at outgoer girl to motherhood real quick.
Niyakap siya ni Sam. Kahit naman madalas siya nitong sermunan ay alam niyang mahal siya ng kaibigan at handa itong damayan siya sa anumang problema.
"Sabi ko na sa'yo e. Di ka nag-iingat," panenermon na naman niya.
"Pero masaya ako para sa'yo. Magiging mommy ka na, Gaile."
Ngumiti si Gaile at pinunasan niya ang kanyang luha. Tama si Sam, magiging mommy na siya. Alam niyang magiging challenge ito sa kanya dahil marami ang magbabago pag nagkaanak na pero alam niyang binigay ito ng Diyos sa kanya.
"Aalagaan ko siya nang mabuti. Palalakihin ko siya at di ko hahayaang maranasan niya ang mga naranasan ko," ani Gaile.
"Ready ka na ba?"
"Para sa baby ko, magiging ready ako."
Naalala ni Sam ang foreigner na naka-one night stand ni Gaile.
"Paano yong tatay niyan?"
"Bahala na siya. Hindi ko naman alam kung saan siya hahagilapin e. Kaya ko na 'to. Kakayanin ko 'to, Sam, di ba?"
"Oo naman," masayang pagpapalakas ng loob niya sa kanyang soon-to-be-mommy na frenny. "Kayang-kaya mo yan. Kinaya mo nga yong sarap noong ginagawa ninyo yang batang yan di ba?"
"Tsk! Pero okay lang, sigurado ako, magandang bata 'to paglabas," nausal ni Gaile. Wala talagang preno ang bibig ng kaibigan niya sa pagka-prangka. Sabagay, malaking tulong sa kanya ang pagiging totoo nito sa kanya. Hindi nito kinokonsinte ang mga maling ginagawa niya.
"Mamili na agad tayo bukas ng baby clothes." Eksayted na si Sam.
"Eksyated yan?"
Nagtawanan silang dalawa. Napaka-suwerte ni Gaile sa kanyang kaibigan. Sa dami ng katangahan niya sa buhay, di siya iniwan ni Sam. Hinayaan siya nitong matuto sa sarili niyang experience kaya heto, unti-unting lolobo ang tiyan niya dahil sa dami ng experience.
"Eksayted na ako sa baby mo," natutuwang turan ni Sam. "Mas eksayted pa yata ako sa'yo e."
"Ako rin kaya. Ako ang mommy e."
"Alagaan mo mabuti yan, ah. Tandaan mo, walang kasalanan yong bata," paalala niya pa.
"Oo naman, blessing kaya 'to. Baka siya na ang magpapaalala sa'kin ng mga dapat ko pang matutunan."
"Dapat lang. Natutuwa ako sa'yo, Gaile. Magiging mommy ka na!" Nagtatalon sa tuwa si Samantha at nahampas-hampas pa si Gaile.
"Teka nga. Wag mo ako itulak. Buntis ako, gaga ka," reklamo ng isa saka sila nagtawanan. Hinawakan nila parehas ang tiyan ni Gaile. Ngayon ay alam nilang madadagdagan na sila ng isa pa at sana lang ay hindi mamana ng bata ang katigasa ng ulo ng kanyang nanay.
"Maiba ako," simula pa ni Sam. "Totoo bang-nagresign na si Hernan?"
"Oo, nag-resign na siya. Nakapag-usap na rin na kami. May closure na kami at wala na akong sama ng loob sa kanya."
"Talaga?" tsismosang tanong pa ni Sam. "Ano? Ano napag-usapan ninyo?"
"Nag-resign siya kasi yon pangako niya sa nililigawan niya at gusto raw niya mag-explore sa ibang industry kasi matagal na rin siyang nagtatrabaho sa management nila."
Napatango-tango si Sam. Hindi nga talaga nagkatuluyan ang dalawa. Pinilit lang ni Gaile ang sarili niya sa binatang iba rin ang gusto. Sila yong matatawag na pinagtagpo pero di tinadhana.
"Thalia daw ang pangalan ng babae, e. Yong girl sa picture sa FB niya. Ang sabi niya, mahal na mahal niya yong girl. Binigyan niya pa ng Rolex na relo. Halos ayaw niya pa nga iwan sa probinsya nila."
Sana ako rin, may magmahal sa'kin nang gano'n."
Pinitik siya sa tenga ni Sam at nanermon na naman. "Nabuntis ka na nga kakahanap ng lintik na pagmamahal na yan. Sa ngayon, ang isipin mo, ang anak mo. Tigil-tigilan mo na yang pagmamahal na yan. Mahalin mo na lang ang sarili mo at ang magiging baby mo."
Umismid si Gaile sa best friend niyang parang mama niya kung magalit at magsermon.
"Oo na, oo na. Magpapakabait na nga ako, e."
"Aba, talaga lang kundi ako na lang magpapalaki diyan sa bata," biro pa ni Sam.
"Eh, ayoko nga. Gumawa ka ng sarili mong baby," reklamo ni Gaile. Wala naman sa kanyang plano na maging mommy agad. Gusto pa niya mag-explore sa maraming bagay pero binigyan agad siya ni Lord ng maagang blessing.
"No, masyado pa akong bata para mag-anak."
"Talaga ba? Mas matanda ka kaya sa'kin."
"One year lang naman pagitan."
"Ewan ko sa'yo."
"Basta ah, ninang agad ako ng baby na yan," pangongontrata ni Samantha. Eksayted na siyang lumabas ang baby ni Gaile. Eksayted na siyang mag-alaga ng baby ng kaibigan. Ang cute-cute at nakakagigil pa naman ang mga babies.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top