Chapter 45


Hinuhugasan ni Thalia ang mga platong pinagkainan nila ni Hernan. Oo nga pala, napapayag na siya nitong sa kanya manirahan habang naghahanap ng bagong trabaho. Napaka-aliwalas nga rin pala ng kuwarto ni Hernan. May malambot na kama, tiles na sahig, mayroong Smart TV at mga mamahaling furnitures. Tipong mabangga mo lang ay nakakatakot na baka mabasag.

Habang naghuhugas siya ng mga plato, nakaramdam siya ng mga kamay at bisig na yumayakap sa kanya. Ito ay walang iba kundi si Hernan. Natigil siya sa kinatatayuan at di makagalaw lalo na nang maramdaman niya ang mainit na hininga nitong dumadami sa kanyang leeg.

"Ano'ng ginagawa mo?" mahina niyang tanong.

"Hugging my soon-to-be-wife," sagot naman ng binata habang di umaalis sa pagkakayakap sa kanya.

Mahigpit ang pagkakayakap nito na para bang takot ba takot makawala si Thalia. Natapos na niya ang paghuhugas ng plato pero di pa rin tapos si Hernan sa pagyakap sa kanya. Kay tagal niyang hinintay na magparamdam si Thalia. Ngayong nandito na ito ay hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa.

"Hindi ako makahinga," reklamo ni Thalia kaya medyo niluwagan ni Hernan ang pagkakayakap sa kanya. Hindi pa rin kumakalas sa pagyakap si Hernan. Napakabango rin ng dalaga kaya nakakaadik ang amoy nito sa kanya.

"O-okay ka lang ba?" tanong niya sa binata.

"Yes, my love lalo na nandito ka," paghirit naman nito.

Hinayaan niya itong nakayakap sa kanya nang ilang minuto pero mayamaya pa, siya na mismo ang nagtanggal ng mga nakapulupot na kamay ni Hernan sa kanyang tiyan. Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata. Inayos ni Hernan ang kanyang buhok at hinintay ang anumang sasabihin niya.

"Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa'kin," simula ng dalaga.

"Hanggang pagpunta ko dito, kung alam mo lang, naiisip kita pero ayoko kasing--"

Tinakpan ni Hernan ng daliri ang kanyang bibig para mahinto niya ang balak na sabihin. "Shh. Wag ka na magsalita ng nakakalungkot. Nandito na ako kasama mo kaya dapat magsaya tayo."

Tinanggal niya rin ang daliri niya pero may dinugtong si Thalia.

"Hindi pa kita sinasagot kaya mag-ingat ka ah. Ingatan mo ako."

Natatawa siyang tiningnan ni Hernan. "Alam ko. Iingatan kita kasi nga virgin ka di ba?"

Namula sa hiya si Thalia. Naalala niya ang kahihiyang yon na napaamin siyang virgin siya dahil lapit nang lapit si Hernan sa kanya. Gusto niya na lang kainin nang buhay ng lupa dahil sa nangyaring yon.

"Pero hindi naman importante sa'kin yong virginity. Virgin or not, mamahalin pa rin kita."

Ito na naman siya sa mga seryoso at nakakakilig nitong linya sa kanya. Malapit na niya itong sagutin. Ngayon pa lang ay gusto na niyang sabihing mahal na mahal niya ito.

"Do you love me?"

Hindi muna siya nakasagot. Pag-iisipan muna niya kung aamin na ba o hindi pero nanaig na rin ang puso sa kanya. Napakabuti ng binata sa kanya. Handa itong ibigay lahat para sa kapakanan niya.

Diretsong sagot ni Thalia, "Oo. Mahal kita. Mahal na mahal."

Tama lang na aminin niya na ang nararamdaman niya para hindi na sila mahirapang dalawa. Bumilis ang kabog ng dibdib ni Thalia habang hinihintay ang isasagot ng binata.

Napangiti si Hernan sa narinig. Kahit malaki siyang tao ay nanlambot siya sa narinig niya. Mahal din siya ni Thalia!

"Paano ba yan, umamin ka na. It means you're my girlfriend now," bigla naman nitong sabi.

Natawa na lang si Thalia. Ayaw na rin naman niyang pahirapan ang binata. Gusto na niya itong bigyan ng pagkakataon para mas maparamdam ang pagmamahal sa kanya, ang pagmamahal na matagal niyang hinintay.

Pinatunayan naman nito kung gaano siya nito kagusto at kadesidong makuha ang puso niya. Mula sa probinsya ng Laguna hanggang dito sa Pasay City, mahal siya ni Hernan at hindi yon nagbabago. Kung masaktan man siya ay ayos lang basta susugal siya sa taong mahal din siya.

"Oo na," kinikilig niyang sabi kay Hernan. "Kulit mo kasi."

Nagtatalon sa tuwa ang binata.

"Yes! Girlfriend na kita!" Tuwang-tuwa ito.

Akmang hahalikan niya ang dalaga pero pinigilan niya ang sarili dahil baka mabigla ito. Tumalikod na lang siya para pakalmahin ang sarili.

"Humarap ka," utos ng kanyang Thalia na ngayon ay girlfriend na niya.

Humarap siya. Hindi siya makapaniwalang ang babaing pinangarap niya ay nakamtan na niya. Araw-araw niyang ipaparanas sa kanya ang kamandag ng pagmamahal ng isang Hernan de Haro. Sweet na siya noong hindi pa sila at mas magiging sweet pa siya ngayong sinagot na siya nito.

Umabante si Thalia sa kanya. Tumingkayad ito at mabilis na hinalikan ang pisngi ni Hernan. Si Hernan naman ang di makagalaw. Pinoproseso niya kung tama ba ang naramdaman niya. Hinalikan siya ni Thalia sa pisngi? Gusto niya na itong rubrubin ng halik mula  noo, pinsgi hanggang labi pero dapat dahan-dahan muna at baka ma-turn off sa kanya ang babae.

Ngumiti si Thalia pagkatapos pero di pa rin nababalik sa huwesyo si Hernan.

"Hoy, magsalita ka naman," tawag ni Thalia ng pansin sa kanya.

Saka lang siya nabalik sa sarili. Hinawakan niya ang pisnging hinalikan ni Thalia at saka niya hinawak sa bibig niya ang kamay na pinanghawak niya.

"Gusto ko pa," hirit niya pa pero umiling si Thalia.

"Tama ka na."

Nagtawanan silang dalawa. Inakbayan ni Hernan si Thalia at naupo sila sa sofa. Tinitigan ni Hernan nang malapitan ang babae. Dalawa lang sila sa kuwarto, malamig ang panahon at sabik na sabik na siyang mahagkan ito pero alam niyang kailangan niyang magpigil. Hindi pa ito ang oras para sa ganoong bagay lalo na bago pa lamang sila. Sumandal na lamang siya sa sofa at tumingin sa kisame.

Napapakagat-labi siya habang inaaalala ang halik na ginawa ni Thalia sa kanya. Sabi na nga ba at mahal din siya nito. Pakipot lang at gusto niya ang challenge ns maligawan at maging nobya ang mahinhing dalaga.

"Gusto ko rito sa bahay mo. Ang ganda," puri ni Thalia sa bahay ni Hernan.

"Syempre. Who knows na dito ko pala patitirahin ang magiging girlfriend ko?"

"Pa-fall ka rin 'no?"

Natawa si Hernan. Totoo naman.

"Kaya ka na-fall sa'kin?" biro ni Hernan sa katabi.

"Dami mo alam," sagot na lang din ni Thalia habang iniisip ang magiging bagong yugto ng buhay niya kasama ang lalaking nagparamdam ng pagmamahal sa kanya.

Napatitig din siya sa kaguwapuhan nito. Ito ba talaga ang magiging boyfriend este ito na pala ang boyfriend niya. Napakaguwapo nito. Kung siya man ay handang masaktan para sa kanya, siya rin ay handa na ring harapin ang anumang mangyayari sa ngalan ng pag-ibig.

~~~~~~

NADUDUWAL na napabangon sa pagkakahiga sa upuan si Gaile. Nagtatakbo siya papunta sa CR niya at doon nagsusuka. Mga ilang araw nang masama ang pakiramdam niya at mukhang kailangan na niya magpa-check up.

Pagtapos niya magsuka ay pinunasan niya ang labi niya at naghilamos. Nanghihina siyang bumalik sa kanyang upuan at inisip lahat ng puwedeng maging rason kung bakit siya nagsusuka at masama ang pakiramdam.

Hindi naman siya nagpagutom, wala naman siyang nakaing panis, natutunaw naman din nang maayos ang mga kinakain niya kaya ano ang posibleng rason ng pagsama ng pakiramdam niya?

"Argh!" Naiinis na siya. Naapektuhan na rin ang trabaho niya dahil dito. Absent na nga siya nang two days e.

"Omg!" Napatakip siya sa bibig niya.

"Di kaya buntis ako?" ang naibulalas niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top