Chapter 44
Kay tagal na hinintay ni Hernan ang pagpaparamdam ni Thalia. Pagka-text pa lang agad nito ay nag-reply agad siya. Hindi na siya makapaghintay na makita ito at makasama. Pangako niya sa sariling pag makita ito ay hindi na niya ito pakakawalan. Hindi na niya hahayaang mawala ito sa paningin niya.
Wala nang pakipot-kipot pa. Aayain na niya itong sumama sa kanya.
Nakaupo sa mahabang upuan si Thalia habang hinihintay ang binata. Nanalamin siya sa dala niyang salamin. Sinuklay niya ang kanyang buhok at naglagay ng lipstick. Hindi siya mahilig sa mga kolorete sa mukha. Lipstick lang at pulbos, okay na.
Siniguro niyang hindi mukhang mugto ang mga mata niya at hindi siya mukhang stressed. Kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Hernan. Baka magpaalam na siyang wag na nila ituloy ang ligawan kahit kailan dahil matagal na siyang hindi nagparamdam sa binata.
Hindi niya na alam. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyong makipagkita sa lalaki. Tumayo siya, luminga-linga sa kaliwa't kanan. Napalunok siya sa kaba. Totoong nami-miss niya ang lalaki. Siya naman ang nagpigil ng damdamin pero sa oras na makita niya ito, baka hindi niya mapigilan ang sarili.
Naglakad-lakad siya saglit at naupo ulit. Mayamaya pa, may humintong kotse sa harap niya. Bumukas ito at iniluwa nito ang walang iba kundi si Hernan. Nakasuot ito ng black long sleeve at itim na pants. Naka-gel ang itim na buhok nitong ginupitan ng undercut at may kaunting bigote at balbas. Napaka-fresh nitong tingnan.
Hindi makapagsalita si Thalia. Parang maling nakipagkita siya sa binata dahil bumabalik ang nararamdaman niya para sa kanya. Bumabalik ang pagkagusto niya sa lalaki na matagal niyang pinigilan kaya nga siya hindi nagparamdam.
"Thalia," sabik nitong nilapitan si Thalia.
Sabik na sabik din nitong niyakap si Thalia nang mahigpit. Nanghina si Thalia sa lakas na binibigay ni Hernan sa kanya. Noon pa man ay alam niyang si Hernan ang isa sa magpapalakas ng loob niya.
"I've missed you. Bakit hindi ka nagparamdam sa'kin?" bulong niya sa dalaga.
"Saan ka pupunta?" tanong nito nang matapos kumalas sa pagkakayakap.
"Ang dami mong dala."
"Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?" nag-alala pa nitong tanong.
Sabi na nga ba at mag-aalala ito pag nakita siya.
"Thalia, saan ka pupunta?" ulit pa nito dahil di siya gumagalaw sa kinatatayuan at di rin nagsasalita.
"Pupunta ako sa kuya ko sa Bulacan ngayon. D-doon ako manunuluyan."
"Nakipagkita ka sa'kin dahil paalis ka na?" tanong na naman nito. Napatingin ito sa mga dala niyang bag na mukhang mabibigat.
Tumango siya. Nanliliit siya sa binatang kasama niya. May kotse pa ito. Napaka-presentable nito tingnan samantalang siya, ang suot lang niya ay rubber shoes, paldang hanggang tuhod at v-neck spaghetti sando.
Hindi siya makatingin nang diretso sa binata. Gusto niyang ikuwento ang mga nangyari sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya.
"Oo, na-scam ako sa Quezon. Akala ko trabaho na," reklamo niya. "Napaka-hayup nila."
"Inalok ako ng trabaho ng kakilala ko sa probinsya. Matagal na kami magkakilala at marami siyang pruweba na pinakita sa'kin na totoo yong trabahong dadatnan ko rito pero--" Napayuko siya. Sobrang bigat sa kalooban ang nararamdaman niya ngayon.
"Pero hindi pala maayos na trabaho ang papasukan ko." Pumatak na naman ang luha niya. Sa harap pa talaga mismo ni Hernan kung kailang nakapag-ayos na siya, saka na naman lumuha ang mata niya.
Nakita ito ni Hernan kaya pinunasan niya ang luha ni Thalia. Naupo silang dalawa para pakinggan niya ang mga kuwento nito.
"Sorry kung hindi ako nagparamdam sa'yo. Ayoko kasing humingi ng tulong sa'yo. Ayokong isipin mong sasagutin lang kita dahil kailangan kita."
"Ayokong magmukha akong pera. Masyado kang mataas kaysa sa'kin. Pakiramdam ko, pag nakatuluyan mo ang gaya ko, nakakahiya sa ibang tao."
Inangat niya ang kanyang mukha at tiningnan ang binatang handang makinig sa anumang sasabihin niya.
"Ayoko sanang makita mo akong nakakaawa sa lagay ko. Pagpunta ko pa nga rito, naholdap yong jeep na sinasakyan ko. Tumalon ako sa jeep kaya ako napilay at di nakalakad nang maayos nang 3 linggo," pagkukuwento niya pa.
"May tumulong sa'king isang pulis pero.. iniwan ko na rin siya."
Usisa ni Hernan, "Ano'ng nangyari?"
"Sinugod ako ng asawa niya at napagkamalang kabit."
Tiningnan niya si Thalia mula ulo hanggang paa. Masakit para sa kanya ang mga dinanas ni Thalia. Kaya pala hindi ito nagparamdam sa kanya nang ilang linggo. Buong akala niya ay kinalimutan na siya nito.
"Pinagsasabunutan niya ako sa harap ng maraming tao," mabigat ang loob niyang dugtong.
Pipilitin niyang maging matatag dahil yon ang dapat.
"Ang baba-baba ng tingin ko sa sarili ko dahil sa nangyari. Wala akong alam na kabit na pala ako. Wala naman akong ginagawang masama.."
Hinawakan siya sa balikat ni Hernan at niyakap. Hinagod nito ang kanyang likod habang wala nang nagawa si Thalia. Napahagulhol na lang siya sa dibdib ni Hernan. Nababasa man ang dibdib ng binata ay hindi niya yon pinansin. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ligtas si Thalia. Gaya ng pangako niya sa sarili, hindi na niya hahayaang mawala sa paningin niya si Thalia.
"Tahan na," pag-alo niya rito. Ramdam niya ang mga hinanakit nito ngayon. Ramdam niya kung gaano kabigat ang nararamdaman ni Thalia nang mga oras na ito.
"Sumama ka na sa'kin," sabi niya pa.
Kumalas sa pagkakayakap si Thalia. Napatingin siya kay Hernan. Ito na nga ba ang sinasabi niya. May side si Hernan na gusto siyang maangkin at bigyan ng magandang buhay kasama siya. Natatakot siya. May mga pumapasok na what ifs sa isip niya.
"Ano'ng sabi mo?"
"Ang sabi ko, sumama ka na sa'kin."
"P-pero--"
Tinakpan ni Hernan ng isang daliri ang bibig ni Thalia.
"Walang pero-pero. Di ba nangako ako sa'yo. Gagawin ko lahat para sa'yo."
Napaka-desidido talaga nito sa kanya. Napatitig siya sa mga mata nito. Dati ay nangangarap lang siya kung ano ang pakiramdam magmahal at ibigin nang tunay. Ito na yon. Pinadala na ng tadhana ang isang Hernan sa buhay niya para mahalin siya.
Nag-aalinlangan niyang tanong, "Seryoso ka ba diyan? Pero kasi paalis na ako papunta sa kuya ko."
"Madali lang yan. Ikansel mo na pag-alis mo. Akin na number ng kuya mo. Ako na kakausap."
Mas lalong natigilan si Thalia. Dire-diretso kasi magdesiyon ang lalaki. Walang pag-aalinlangan na para bang matagal na talaga niyang balak ito.
"Ayoko," sabi niya pa pero di ito omobra kay Hernan.
"Sasama ka sa'kin. Hindi kita tinatanong kung sasama ka o hindi dahil sasama ka talaga. Mahal kita, Thalia at gusto lang kitang bigyan ng magandang buhay."
Nilahad niya ang kamay niya kay Thalia. Hinihintay niyang ilagay rin nito ang kamay sa kamay niya pero hindi nito ginagawa. Alam niyang maraming iniisip si Thalia dahil sa mga nangyari kaya hindi na niya ito pahihirapan.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito at hinalikan.
Sunod ay hinalikan niya ang dalaga sa noo saka binulungan, "I promise to give you everything you deserve. I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top