Chapter 43
Seryoso ang mukhang nilapag ni Hernan ang isang printed paper sa harap ng kanilang manager. Binaba ng medyo may edad na manager ang kanyang salamin para tingnan ang nakasulat sa papel. Kunot ang noong tiningan niya si Hernan.
"Magre-resign ka na?" tanong ni Mrs. Chavez sa isa sa pinakamagaling na teamleader/supervisor ng kanilang company.
Kababalik lang ng binata sa vacation leave tapos ito pala ang ibubungad niya. Ang totoo ay pagod na si Hernan at gusto rin mag-explore ng iba pang fields. Idagdag pang medyo broken siya dahil hindi pa rin nagpaparamdam si Thalia. Gusto niya mahanap ang sarili.
"Yes, ma'am Chavez," sagot niya sa babae.
Umiling-iling ang ginang. Pinatong nito ang dalawang siko sa mesa at tiningnan si Hernan.
"May oras ka pa para pag-isipan, Hernan. You know, magaling kang mag-manage ng team mo. Maganda ang stats ng mga agents mo."
Umiling si Hernan. "Ilang araw ko po yang pinag-isipan, Mrs. Chavez. My decision is final."
Hindi makapaniwala ang babaing manager. Pag nawala si Hernan sa company ay madali lang siyang mapapalitan pero isa na siyang asset ng management kaya mahirap i-let-go.
"Hindi na ba mababago ang isip mo? You know, you have been working here for so many years. You can still change your mind."
"I'm sorry, Mrs. Chavez pero hanggang dito na lang po ang position ko sa company ninyo."
Gagawin niya ito hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa pangako kay Thalia. Iiwan niya ang trabaho at mag-e-explore siya ng ibang bagay.
"Mukhang desidido ka na. Hernan, whatever your reason is, alam kong pinag-isipan mo talaga ito. I support you."
Nilahad niya ang kamay kay Hernan at sila ay nag-shake hands.
"This is an immediate resignation. Right?"
"Yes, Mrs. Chavez."
"I'll wait for an approval from the HR. Thank you again for your dedication in the company. Continue to serve others outside this job."
Ngumiti si Hernan. Kahit papano ay nabawasan na ang bigat sa dibdib niya. Bukod sa pagre-resign ay balak niyang mag-travel papunta sa resthouse ng kanyang papa sa Bicol. Gusto niya ng bagong environment kahit kababalik lang niya galing sa bakasyon.
"Thank you, ma'am. Permission to leave."
Ngumiti si Mrs. Chavez. "You may leave."
Tumayo na ang binata at dahan-dahang lumabas ng office ng manager. Bumuntong-hininga siya pabalik sa kanyang station. Nagsilapitan ang iba niyang agents at inusisa siya.
"Sir, aalis ka na po?"
"Totoo po ba? Iiwan mo na talaga kami, sir?"
Nginitian niya lang ang mga ito saka sinagot.
"Totoo. Galingan ninyo pa lalo ang trabaho ninyo. Baka isa sa inyo ang pumalit sa'kin sa future."
Masakit maiwan ang mga agents na in-assist niya nang ilang taon, masakit iwan ang mga nakasanayan pero alam niyang dito siya mas sasaya.
"Ang daya ni sir Hernan. Wag po kayo mag-resign," sabi ng isa pa.
"Sorry pero kailangan e. Basta galingan ninyo na lang, ah."
"Nakakalungkot naman po. Ingat po kayo, sir. Mami-miss namin kayo."
"Mami-miss ko kayong lahat. Wait," sabi niya at kinuha ang phone niya. Wallpaper niya si Thalia at nakita iyon ng mga kasama niya.
Nagkantyawan silang lahat.
"Ayie."
"Si sir, inlove."
"Sir, sino yan?"
Napangiti lang siya. "Girlfriend ko," natatawa niyang saad. "Picture tayo. Baka huling picture na natin 'to."
Binuksan niya ang camera at nag-selfie silang lahat. Wacky, serious mode, etc. Isang babae ang nagturo sa kanya at nagpaalala na dapat kuhanan ng mga larawan ang mga mahahalagang araw. Dahil sa kanya kaya na-appreciate na rin niya ang pagkuha ng pictures.
Isa-isang naglapitan ang iba pa at nagpaabot ng mga regalo. May ibang nagbigay pa ng pagkain sa kanya. Naramdaman niyang mahalaga siya dahil sa mga pa-regalo nilang lahat. Kung nandito si Liz ay magbibigay rin ito. Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong bumuo sa buhay niya bilang empleyado.
Hindi naman masamang umalis para mag-grow ang sarili mo. Plano niya rin kasing magtayo ng negosyo kung saan siya na ang boss.
Sabi ni Hernan, "Thank you, all. Mami-miss ko kayong lahat."
~~~~~~~
BITBIT na ni Thalia ang kanyang mga bag palabas ng boarding house na nahanap ni Charles para sa kanya. Nakatakda na siyang umalis para pumunta sa kanyang kuya na taga-Bulacan. Doon na muna siya tutuloy at doon na rin maghahanap ng trabaho.
"Thalia, mag-iingat ka. Sorry kung inaway ka pa ng ex wife ko," paumanhin ni Charles sa kanya.
"Sorry talaga kung nadamay ka pa. Wala naman akong balak na gawin kang kabit. Kung gusto man kita ay idadaan ko yon sa maayos na paraan, hindi kita gagawing kabit."
Umiwas siya ng tingin. Ayaw na ayaw niyang makasakit ng damdamin ng ibang babae lalo na at may involved pang bata.
"Sorry din kuya Charles kung umasa ako sa'yo at nagkaroon ka pa ng responsibilidad sa'kin. Salamat dahil noong kinailangan ko ng tutulong sa'kin, nandiyan ka."
Pangako pa naman niya sa sariling makakabangon siya ulit. Naging bigo siya. Bigo sa sarili at pangarap. Alam niyang hindi pa naman huli ang lahat.
"Kaya ko na 'to, kuya. Na-contact ko na ang kuya ko sa Bulacan. Doon raw muna ako sa kanila."
May kinuha sa bulsa si Charles na pera. Iaabot pa sana niya ito kay Thalia pero mariing tumanggi si Thalia.
"Wag na, kuya. Salamat pero marami ka na naitulong sa'kin. Aalis na ako."
Kailangan niyang lakasan ang loob. Nabigo man siya sa unang trabaho ay alam niyang marami pang naghihintay na trabaho sa kanya. Bumigat ang pakiramdam niya at bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha.
Mabilis niya iyong pinunasan ng kanyang kamay. Ngayong paalis na naman siya, paano na si Hernan? Sabi niya noon ay hihintayin niya ang pagbabalik nito. Nasa Maynila na siya ngayon at di malabong nandirito lang yon sa tabi-tabi. Nami-miss na niya ito. Binuksan niya ang bag para silipin ang Rolex na relong bigay nito. Buo pa ito at maayos. Hinawakan niya ito. Ito ang tanda ng pag-asa niyang magkikita sila at pangakong hihintayin niya ito.
Kinuha niya ang de-keypad na cellphone at nagdadalawang-isip kung magpaparamdam na ba ulit kay Hernan o hindi. Naisip niyang ayaw niyang magpakita sa binata sa ganitong hitsura. Mukha siyang kawawa. Ayaw niyang isipin ng binatang naalala lang niya ito dahil kailangan.
Sa huli, nanaig ang puso niya at pangungulila sa binata. Gusto niyang makapagpaalam kay Hernan sa huling sandali bago siya umalis ulit papuntang Bulacan.
Tatawagan niya sana ito pero umiiyak siya at ayaw niyang kausapin ito nang humahagulgol. Alam niyang mag-aalala ito. Alam niyang mabait at mapagmahal masyado si Hernan. Pag nalaman nitong nandito siya ay susundan siya niyon pero ang plano niya ay magpaalam lang sa binata at sana at wag siya nitong piliting tumira sa kanyang bahay dahil kung hindi, malilintikan na. Mag-iiba nang tuluyan ang takbo ng buhay at tadhana niya.
T-in-ext niya na lang ito.
"Hernan,Thalia ito. Magkita tayo sa ***** kung puwede ka. May sasabihin ako."
Kaka-send niya pa lang ng text ay nag-reply agad si Hernan.
"Naaalala mo pa pala ako."
"Buti nagparamdam ka. I miss you a lot. Pupuntahan kita."
"Hintayin mo ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top