Chapter 40


Dumaan pa ang ilang araw at linggo pero walang Thalia na nagparamdam kay Hernan. Ni anino o anuman ay wala. Tila kinalimutan na siya nito at hinayaan na lang kung anuman ang meron sila ni Hernan.

"Tama na nga yan," pigil ni Ric kay Hernan na walang tigil sa pag-inom ng alak.

"Hernan, stop," Ingles namang pigil nito dahil hindi siya nito pinakinggan sa Tagalog niya.

Hindi pa rin tumitigil si Hernan. Tinungga niya pa rin ang bote. Tumayo na si Ric at kinuha kay Hernan ang bote. Nilagay niya ito sa taas ng mesa.

"Am I not enough?" madramang tanong ng lasing na si Hernan.

"Ang sabi ko, babalik ako dito sa Maynila dahil may mga aasikasuhin lang ako pero bakit ako iniwan?" sabi pa nito.

Awang-awa naman si Ric sa kalagayan ng kaibigan. Kahit mukhang tigasin at malakas si Hernan, grabe ito magmahal pag totoo ang nararamdaman niya gaya ngayon. Pag sobra ang pagmamahal, mas sobra rin ang sakit.

"Okay, I'm not enough. I was never enough," dugtong niya.

"That's not true," pagsalungat ni Ric. "You're more than enough. Tama na nga yan. Matulog ka na lang."

"Hindi," paikut-ikot na sabi ni Hernan.

"Sagutin mo nga ako. Bakit ba ako iniwan?" tanong ulit nito.

Humiga sa sahig si Hernan at pumikit habang nagsasalita.

"Thalia, why? Ginawa ko naman lahat. Sabi ko, babalikan kita. Bakit mo ako iniwan nang gano'n? Does it mean you never loved me?"

"Hays." Napabuntong-hininga nang malalim na lang si Ric sa nakikita niya. Naglupasay na sa sahig ang kanyang kaibigan. Broken na broken ito.

"Hernan, tumayo ka nga diyan," nag-aalala niyang saad. Tumayo siya para patayuin ang kaibigan pero masyado itong mabigat. Humiga na lang siya sa tabi nito para damayan siya.

"Ric, I found her when I didn't expect to meet her. Now, I'm getting broken into pieces. Masakit. Sobrang sakit."

Tumulo ang luha sa mata niya habang bumibigkas ng mga hinanakit. Pakiramdam niya ay binalewala lang ni Thalia ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa. Para saan pa? Bakit gano'n kadali sa kanyang iwan siya.

"I feel like she never loved me. Maybe all of it was a game for her kasi kung mahal niya ako, hindi niya ako iiwan nang gano'n-gano'n lang, di ba?"

"Hernan, maybe she has her reason," makahulugang sabi ni Ric sa tabi niya.

"We'll never know the real reason unless the two of you meet again."

"What could be the other reason aside from the fact that I am not important to her?"

"That's not true. May reason si Thalia for sure. Wag mo muna siya isipin ngayon. Matulog ka na lang."

Pumikit na lang siya para makalimutan ang sakit. Baka sakaling sa pagpikit ng mga mata niya at paggising niya, wala na ang sakit na nararamdaman niya. Nagmahal lang naman siya. Siya rin naman ang nagsabi kay Thalia noon na kung masaktan man siya, handa siyang masaktan basta para kay Thalia.

Tila gusto na niyang bawiin iyon pero wala siyang pagsisising minahal niya ang babaing gaya ni Thalia. Mamahalin niya ito at pipiliin kahit gaano pa karami ang babae sa mundo. Kahit masakit, titiisin niya hanggang mawala ang sakit.

~~~~~~~

SAMANTALA, unti-unti na ring natutunan ni Gaile mahalin ang sarili niya. Pinagde-delete niya na lahat ng dating apps na meron siya at sinunod ang mga sabi ni Samantha na wag na mag-entertain ng ibang lalaki.

Nag-mo-move-on na siya kay Hernan pati na rin sa foreigner na naka-one-night stand niya. Sinubukan niya na lang na tingnan bilang kaibigan si Hernan. Hindi na niya ipipilit ang sariling magustuhan siya nito. May komunikasyon pa naman sila pero minsan na lang at wala nang kilig ang dating sa kanya.

Ngumiti siya at inisip ang future niya at pagbabagong-buhay. Alam niyang kakayanin niya ito para sa sarili. Self-love na muna, sabi niya.

~~~~~~~~

AKAY-AKAY ni Liz ang kanyang anak na namamasyal sa mall. Masaya na ang puso niya ngayon. Natuloy na ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang basagulerong asawa. Lumipat na rin siya ng kompanya kaya ngayon ay mag-isa niyang binubuhay ang kanyang anak.

"Mommy, look!" Itinuro ng kanyang anak ang isang masscot na naka-Jollibee sa labas ng Jollibee.

"Pic Jabe, mommy," sabi pa nito. Lumapit sila kay Jollibee at masayang kumuha ng mga larawan.

Laking pasasalamat niyang sinunod niya ang sabi ni Hernan noon na iwan na ang asawa niya. Kung hindi niya ginawa ang sabi nito, malamang ngayon ay puno pa rin ng pasa at pambubugbog ang katawan niya.

Napatingin siya sa contact number ni Hernan. Nag-aalinlangan siya kung tatawagan ba ito. Baka nag-asawa na nga ito at ayaw na ng gulo. Baka gusto na nito ng katahimikan o galit pa rin sa kanya.

Sa huli, nanaig ang pagiging kaibigan niya sa binata. Tinawagan niya ito. May sumagot ng tawag pero walang nagsasalita.

"Hernan, si Liz ito," pakilala niya.

Hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Hernan? Nandiyan ka ba?"

Wala pa ring sumasagot. Bababaan na sana niya ng tawag ang binata pero sumagot din ito. Malalim ang boses, parang kagagaling lang sa iyak at matamlay.

"Ate Liz?"

"Hernan, ako nga. Buti sumagot ka." Habang kausap si Hernan ay nakikipaglaro naman ang kanyang anak kay Jollibee. Tinitingnan niya ito para masiguro ang kaligtasan.

"Pasensya na ngayon lang ulit ako nakapangamusta sa'yo. Medyo okay na ako ngayon. Ikaw ba?" masaya niyang sabi sa binata.

"I'm not okay, ate Liz," parang bata nitong sabi sa kabilang linya. Napahikbi pa ang binata at mumhang may mabigat na pinagdaraanan.

"I'm not fine," pag-amin niya. "I'm broken."

"Ano'ng nangyari? May problema ba? Bakit?" Dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan, nakilala niya si Hernan na mahilig magtago kapag nasasaktan. Saka lang niya aamining nasasaktan siya kapag di na niya kaya.

Hindi muna sumagot si Hernan. Napakagat-labi siya. Pipigilan niyang wag umiyak. Sariwa ang sakit kahit ilang buwan pa siguro ang lumipas, ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit, ang sakit na maiwan at nabalewala.

"Magkita tayo sa apartment ko, ate. I need someone to talk to. Sobrang nasasaktan ako ngayon." Napaka-seryoso ng boses ng binata. Halatang mabigat ang dinadala nito kaya nakaramdam ng awa si Liz sa lalaking tinuring niyang nakababatang kapatid.

"Sige, pupuntahan kita diyan. Makikinig ako anuman ang nararamdaman mo."

"Thank you, ate. Please see me before I do something to myself."

"Hernan," nag-alala ang boses ni Liz. "Wag kang gagawa ng kung anuman sa sarili mo."

"Just kidding, ate Liz."

"Talagang nagagawa mo pa magbiro ng ganyan ah. Sige, pupuntahan kita. Iinom mo na yan."

Napangiti ang binata. Napaka-suwerte niya sa mga taong nakapaligid niya. Baka sa lovelife lang talaga siya malas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top