Chapter 4
Inilayo ni Hernan ang phone nya sa dalawang maingay na kaibigan. Kulang na lang ay sila na ang kumausap sa kanyang lolo sa dami ng mga sinasabi nila.
"Kumusta naman ang apo ko diyan?" wika ni Robert sa kabilang linya.
"Single pa rin po," magalang na sagot ni Ric habang pokus sa pagmamaneho.
"Dapat umuwi yan dito may kasamang asawa na. Sayang ang lahi," biro pa ng matanda.
Natatawang sumingit na naman si David. "Baka po probinsya girl ang gusto ng apo ninyo."
"Aba maganda. Mas magaganda ang mga babae rito kaysa sa mga babae diyan sa Maynila," pagsakay ni Robert sa biro ni David.
Naghalakhakan na naman ang dalawa.
"Quiet," mahinang sabi ni Hernan sa dalawa. Sumunod naman ang mga ito pero pabulung-bulong pa rin si David kay Ric. Nakatingin pa sila kay Hernan habang natatawa kaya halata na siya ang pinagtatawanan.
"I'm single and happy, lolo so everything is good," sagot niya sa kanyang lolo.
Ngumiti na lang si Hernan. Paano nga ba niya ipapaliwanag na ang kanyang apo ay malas sa pag-ibig. Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng maglolo bago nagdugtong si Robert ng pangaral sa apo.
"You're not getting younger, Hernan."
Pakiramdam niya ay sobrang tanda na niya. Napatingin siya sa dalawang tahimik na nakikinig sa usapan nilang dalawa.
"Naiinip na ako sa paghihintay ng magiging apo sa'yo, Hernan. Siguraduhin mo lang na hindi lalaki ang gusto mo, dahil kung hindi--"
Napakamot sa batok si Hernan. Nilayo niya ang phone sa kanya at nagkatitigan sila ni David. Pinandilatan lang niya ng mata ang dalawa.
"No, I'm not gay, lolo," nakangiti niyang sagot dito. Pati ba naman lolo niya pinagdududuhan pa pagkalalaki niya.
"Mabuti naman. Just go home her, okay?"
"Wag mo akong bibiguin, Hernan. Sasagutin ko lahat ng gastos mo. Umuwi ka lang."
Manghang-mangha sina David at Ric sa gilid.
"Sana all," hirit pa ni David.
"Di ka maka-relate no?" natatawang sabi ni Ric kay David. "Wala ka na kasing lolo."
Gumanti naman ang naagrabyadong si David. "Bakit, ikaw meron?"
"Wala rin," biglang bawi ni Ric at sabay silang napatingin kay Hernan na busy pa rin sa pagkausap sa lolo nito sa cellphone.
"Sagot ko na pagkain mo, pamasahe, damit, everything. Umuwi ka lang dito. Kahit 1 year ka pa mag-stay dito, ayos lang."
Maluha-luhang napangiti si Hernan. Di niya alam kung paano pasasalamatan ang napakabait niyang lolo Robert. Nami-miss na niya ang kakulitan nito, ang yakap at makasama. Napakatagal na panahon na nang huli niya itong nakasama. Sigurado siyang mag-e-enjoy siya sa pagbabalik niya roon.
Bumaba ang tono ng boses ni Hernan. "I appreciate you, lolo. I promise to go home. Wait for me."
Buo na ang desisyon niya. Magbabakasyon na siya sa kanilang probinsya. Lalanghap ng sariwang hangin, makakaligo sa ilog at makakasama ang mga kamag-anak sa probinsya.
"Sir Robert, may naghahanap po sa inyo sa labas," anang boses ng isang lalaki sa linya ni Robert.
Narinig niyang nag-usap ang dalawa bago sumagot si Robert sa kanyang apo.
"May kailangan lang akong gawin, Hernan. Sa sunod na lang ulit," pamamaalam nito sa kanya. "We will wait for you here."
Nabuhayan ng loob si Hernan. Sumilay sa mga labi niya ang matamis at totoong ngiti. Tutal nakakapagod nga naman ang buhay-siyudad, baka sa probinsya siya magkaroon ng peace of mind.
"Thank you, lolo. Ingat ka po lagi diyan ah."
"You too. See you soon." Pagkasabi nito ay binaba na ni Hernan ang phone. Masaya siyang bumaling kina Ric at David na naghihintay ng sasabihin niya.
Umiling-iling si David. "Iba ka talaga, Hernan. Nasa sa'yo na ang lahat."
"Asawa na nga lang kasi ang kulang, kumpleto ka na," untag ni Ric. Kahit busy sa pag-drive ay di siya nagpapahuli sa pagsabay sa trip ni David.
Tinapik ni David ang balikat ni Hernan.
"No pressure. Kaya mo yan."
"I guess a one-month leave is enough?" pa-Ingles na tanong ni Hernan sa dalawa.
"Up to you, p're," reply ni Ric. "Parang kulang yon kasi mas maganda 1 month, kasama mo lolo mo, bonding kayo. Tapos, one month ulit, maghanap ka ng aasawahin do'n."
"Tama," ginatungan na naman ni David ang sinabi ni Ric. "2 months ka na lang doon. Kung tutuusin kaya ka naman buhayin ng lolo mo. Kahit iwan mo na trabaho mo."
Napaisip si Hernan. May point ang dalawa, kaya nga siya buhayin ng lolo niya, pero dahil sanay naman na nagtatrabaho para sa sarili si Hernan, di sya papayag na aasa siya sa lolo niya.
Matanda na ang lolo Robert. Kung aasa lang siya sa kanya, paano naman kapag wala ito para sa kanya? Hindi naman habambuhay kaya siyang pagbigyan nito.
"I love my job and the life here so I will only go there for a vacation, nothing else," paliwanag niya. Yon ang plano niya, bakasyon lang.
"No lovelife? Do'n mo nga kasi mame-meet ang future wife mo," pang-iinis na naman ni David. "Di ba, Ric?"
"Yeah, yeah."
"Tingnan mo, pagbalik niyan dito, sampu na anak."
"Kanina pa kayo ah," pabiro niyang reklamo pero natatawa rin sa kalokohan ng dalawa.
"Last na 'to. May nararamdaman ako eh," seryosong sabi ni David.
"Feeling ko, yong Gaile na ang 'the one' mo e."
Sumang-ayon naman si Ric. "Tapos yong Gaile pala ang isasama ni Hernan sa probinsya."
"Tama," ani David. "Tapos ipakilala niyang asawa sa lolo niya kasi di ba sabi sa kanya dapat pag-uwi may asawa na siya?"
"Asawahin ninyo mukha ninyo," sagot ni Hernan sa dalawang loko-loko.
Talagang ayaw magpaawat ng dalawa at gumawa pa ng kuwento.
Kaunting pressure lang naman ang nararamdaman niya, gusto na ng lolo niya na magka-gf siya, hinahanapan na nga ng apo, may pananabik at kaba rin dahil iiwan niya ang nakasanayang trabaho sa loob ng maraming taon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top