Chapter 39


"Ano'ng sabi ng pulis sa'yo?" usisa ni Samantha sa kaibigan.

"Sabi nila, mangangalap pa sila ng ilang impormasyon. Binigay ko na lahat ng info na meron ako sa kanila."

Napayuko siya. "But I guess kulang yon para mahanap siya. If ever hindi siya mahanap, baka kinailangan ko siyang ma-meet para matuto." Napatingin siya kay Samantha na naaawa sa kalagayan niya.

"Di ba?" aniya.

Lumapit sa kanya si Samantha at niyakap siya.

"Tama. Lesson na yon sa'yo na wag magtitiwala agad. Mag-umpisa ka ulit. Magpakatino ka na."

"Magpapakatino na talaga ako. Di muna ako maghahanap ng lalaki sa buhay ko."

"Aba, tama lang. Okay na rin wala nangyaring masama sa'yo kasi yong pera, mababalik pa yon pero yong buhay mo, iisa lang."

Kinilig si Gaile. Ngayon ay alam niyang ang best friend lang niya ang maaasahan niya sa hirap ng buhay niya pag kailangan niya ng karamay. Hanap pa siya nang hanap ng lalaking bubuo sa pagkatao niya, andito lang naman ang best friend niyang handa siyang damayan.

"Thank you, Sam," naluluha niyang pinunasan ang mata.

Naging uhaw na uhaw siya sa pagmamahal at napabayaan ang sarili. Ngayon, uunahin na niya ang sarili.

"Okay lang yon. Wag ka na mag-inarte," sabi na lang ni Sam sa kanya.

"Magbabagong-buhay na ako," buo ang loob na sabi niya sa sarili.

~~~~~~

"KUMUSTA na siya, doc?" concerned na tanong ng pulis sa doktor na gumamot kay Thalia.

Paliwanag ng doktor, "Nagkaroon ng fracture ang buto niya sa kanang binti kasi di ba sabi mo tumalon siya sa jeep. Kailangan niya magpahinga nang mga dalawa hanggang tatlong linggo. Nilagyan ko na rin siya ng bandage sa binti."

Tumango ang binata. "Salamat po."

"Kapatid ninyo po ba?" usisa ng doktor.

"Hindi po, hinatid ko lang dito."

"Gano'n ba, sige aalis na ako. Nakausap ko na rin siya at nasabihan. Puwede mo na siya lapitan."

Umalis na ang doktor kaya humakbang na palapit kay Thalia ang binata. Hindi niya maigalaw ang kanang binti niya. Paano na siya at ang bagong trabaho niya. Lumuwas pa naman siya ng Maynila sa pag-asang magiging maganda ang kapalaran niya pero ito pa ang sumalubong sa kanya.

Pinilit niya bumangon pero pinigilan siya ni Charles.

"Magpahinga ka lang. Sabi ng doktor mga 2-3 weeks pa aabutin ng binti mo.

Natahimik na lang si Thalia. Ni hindi niya alam saan siya kukuha ng pera pambayad sa ospital. Sa loob ng 2-3 linggo, matetengga lang siya? Paano na ang pangarap niya? Saan siya tutuloy at paano mabubuhay nang 2-3 linggo kung hindi siya makakapagtrabaho nang gano'n katagal.

"Hindi ko alam kung paano ko mababayaran yong bills ng ospital," malungkot niyang sabi.

"Wala ka bang kakilala na puwede mo makontak? Mama, papa, kapatid o boyfriend?"

Umiling siya. "Ayoko na silang pag-alalahanin. Kakayanin ko 'to. Magagawan ko rin 'to ng paraan."

"Kung ayos lang sa'yo, bakit ka pumunta rito sa Maynila?"

Nag-aalinlangan siya kung sasagot ba sa tanong nito o hindi pero dahil naisip niyang hinatid naman siya nito sa ospital, sinagot niya ang tanong nito.

"Oo, tama ka. Pumunta ako rito kasi may aasahan sana akong trabaho."

"May alam akong naghahanap ng staff sa factory ng yelo. Kung gusto mo, i-refer kita doon."

Nagliwanag ang mukha niya pero mayroon na siyang mapapasukan at nasabihan na niya si Amanda, ang nag-alok sa kanya ng trabaho na nakatira sa probinsiya nila. Ani pa nga nito ay hinihintay na siya rito sa Quezon dahil may nakalaan nang slot para sa kanya.

"Salamat po pero may trabaho na akong papasukan. Salamat din po sa paghatid sa'kin dito."

"Walang anuman yon. Kung sakaling kailangan mo pa ng choice, sabihan mo lang ako. Nangangailangan din kasi sila ng tao ngayon," sabi pa ni Charles sa kanya.

Ngumiti siya sa binata at nagpasalamat. Napakabait nito. Malaki ang utang na loob niya rito dahil sa ginawa nitong paghatid sa kanya sa ospital. Ang hiling niya ay gumaling agad ang binti niya para mapuntahan na agad niya ang naghihintay na trabaho sa kanya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ulit ni Charles.

Pakilala niya, "Thalia po."

"Thalia, kay gandang pangalan."



~~~~~~

GALIT na sinipa ni Hernan ang kanyang sofa at napaupo na lang sa sakit ng pagkakatama ng paa niya sa matigas na sofa. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit: ang pagtama ng paa niya sa sofa o ang pag-iwan sa kanya ni Thalia.

Sabi niya ay babalikan niya ito pero mukhang siya pa ang nang-iwan. Tsinek ulit niya ang phone, nagbabaka-sakaling may text o tawag na ito pero wala pa rin.

Bumuntong-hininga siya at napasabunot sa kanyang buhok. Bula ay nag-ring ang kanyang phoneat tumatawag si Robert. Sinagot niya rin agad ang tawag.

"Hernan," banggit ng matanda sa kabilang linya.

"Lolo," mahina niyang sagot.

"Kumusta ka naman diyan? Nagkausap na ba kayo ni Thalia?"

Bigla siyang nabuhayan ng loob nang marinig ang pangalan nito.

"Hindi po siya nagpaparamdam sa'kin, lolo. Ilang araw na po. I have no idea what happened to her."

"Oh.. hindi niya sinabi sa'yo?"

"Hindi po, lolo."

"Lumuwas si Thalia ng Maynila para diyan magtrabaho. May nag-alok pala sa kanya ng trabaho. Yong kakilala niya dito, may kakilala sa Maynila, ni-refer siya diyan."

"Saan po dito sa Maynila?" usisa niya pa.

"Ang alam ko ay Quezon City pero masyadong malaki ang Quezon pero bakit hindi ka niya sinabihan?"

Natahimik ang binata. Nakakagalit na hindi man lang ito nagparamdam. Kung susundan din pala siya nito sa Maynila ay sana nagsabi man lang.

"Hernan?" sabi ni Robert dahil hindi sumasagot ang kausap niya.

"Bakit nga hindi siya nagsabi sa'kin, lolo? Iniwan niya lang ako nang gano'n gano'n?"

Nalungkot din si Robert para sa kanyang apo. Hindi man lang pala nagsabi ang dalaga sa binata. May pinagsamahan sila kahit na papaano at may karapatan din malaman si Hernan sa kanyang balak.

Napaka-biglaan din ng desisyon nito.
Nasa Maynila na si Thalia. They are both breathing the same air. Ibig sabihin, mas madali na sa kanyang mahanap at makasama ito. Pagkababa ni Hernan ng phone ay napatingin siya sa kanyang orasan.

Hindi niya hahayaang mawala si Thalia nang gano'n lang. Kay tagal niya itong hinanap kaya hindi niya ito susukuan. Maliit lang ang mundo. Makikita at makikita niya rin si Thalia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top