Chapter 37
Tinawagan ni Hernan si Thalia pero hindi ito sumasagot. T-in-ext niya na rin pero hindi talaga ito nagre-reply. Tuwing tinatawagan niya ay napupunta lang ang call sa automated message.
"The number you've dialed is out of coverage area. Please check the number and dial again."
Ini-dial niya ulit at gano'n na naman. Dalawang araw nang hindi nag-re-reply si Thalia sa mga texts niya. Kapag tinatawagan niya ay wala rin sumasagot. Sakay siya ng kanyang kotse. Sa sobrang inis niya ay hininto muna niya ang kotse sa tabi. Dinampot niya ang sigarilyo at lighter at saka lumabas.
Balisa siyang naglakad-lakad habang bumubuga ng usok ng sigarilyo. Hindi siya sanay nang hindi nagre-reply si Thalia sa kanya. Dati naman pagkarating niya ng Maynila ay madalas ito mag-update. Kung minsan ay siya pa nga ang naglo-load para lang maka-reply si Thalia.
Iba ito. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Nag-o-overthink na siya ng kung anu-ano. Paglingon niya ay napansin niya ang isang kotseng itim sa tabi ng puno. Makalipas ang ilang segundo ay may lumabas na babae mula sa kotse.
Iika-ika ang babae pagkababa. Inaayos pa nito ang kanyang sleeveless na damit at sinasara ang zipper ng palda. Mukhang kagigising lang ng babae dahil hulas na ang makeup at medyo magulo ang buhok.
"Gaile?"
Galing sa tabi ng driver's seat si Gaile kaya ibig sabihin, may kasama ito.
Nagtama ang mga mata nila ni Hernan at nanlaki ang mga mata ni Gaile pagkakita sa lalaki.
Umiwas ng tingin si Gaile at tatakbo sana pabalik sa kotse pero tinawag siya ni Hernan. Concerned na lumapit si Hernan sa dalaga. Mukha kasi itong ginahasa sa hitsura niya.
"Gaile, teka!"
Nakalapit sa kanya si Hernan kaya hindi siya nakabalik sa kotse ni Jared. Napalunok na lang si Gaile at umaktong walang nangyari. Napatingin si Hernan sa kotseng pinanggalingan ni Gaile. Mukhang nahuhulaan na niya ang nangyari.
Nahihiyang yumuko si Gaile.
"Yes, I had one night stand," mabilis na inunahan na ni Gaile si Hernan sa sasabihin niya. "Stop judging me."
"Akala ko kasi pinagsamantalahan ka."
Tinaasan siya ng kilay ni Gaile. "Kung may namantala man sa'kin dito, ikaw yon kasi pinaasa mo ako."
Nakonsensya si Hernan at naalala ang mga nasabi at nagawa niya kay Gaile, kung paano niya ito niyayang mag-date at batiin ng mga good morning, night at evening.
"I'm sorry," pag-amin niya sa sarili.
"Sinubukan ko namang gustuhin ka e."
"Sinubukan? Hindi mo nga ginawa!"
Napatingin si Hernan sa hickey ni Gaile sa leeg. Mas lalong nahiya si Gaile at tinakpan ang leeg niya ng buhok niya.
"Don't look. Inggit ka lang," pang-iinis niya sa lalaki.
Natawa naman si Hernan sa pagbibiro ng dalaga at napatingin sa kotseng pinanggalingan ni Gaile.
"Aalis na ako. Bye!" pamamaalam ni Gaile at papasok na sana sa kotse ni Jared pero biglang umatras ang kotse.
"Wait!" tawag ni Gaile habang hinahabol ang kotse.
"Jared! Wait for me!"
Walang naitulong ang pagsigaw niya dahil iniwan siya ng kotse. Sinubukan ding habulin ni Hernan pero mabilis na nakalayo ang kotse at ang sakay nito.
"No! Jared !" nagsisigaw na tawag ni Gaile.
Wala na siyang nagawa. Tuluyan nang nakaalis palayo si Jared.
Inayos na lang niya ang suot niyang bag. Agad siyang napatingin sa loob ng bag niya. Wala namang nawawala, ang kaso, paano na siya uuwi? Taxi? E halos wala ngang sasakyan na dumadaan sa kalsada na yon. Ang tanging paraan niya ay si.. Hernan.
Mangiyak-ngiyak niyang tinawagan si Samantha pero hindi ito sumasagot. Kalmado lang na nakatingin si Hernan sa dalaga kasi di niya rin alam kung ano ang nangyayari.
"Jared? Boyfriend mo?" tanong niya kay Gaile.
"Puwede ba manahimik ka muna?" pagtataray pa rin nito sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay niyang tinawagan si Samantha pero hindi talaga ito sumasagot.
"Answer me, Sam," kausap niya sa sarili pero wala talaga, baka busy ito o naka-off ang phone. Minsan ay naka-silent pa naman ang phone ng bruha.
"I can help," offer ni Hernan pero tinanggihan siya ni Gaile.
Pangako niya sa sariling mag-mo-move on na siya sa lalaki kaya hindi niya tatanggapin ang anumang alok na tulong nito.
Pinanood lang siyang mataranta ni Hernan. Hindi siya pinapansin ni Gaile kaya papasok na sana siya sa loob ng kotse para iwan ito pero tinawag siya ni Gaile.
"You can help me, right?" tanong nito.
Nasa pisngi na ang itim na mascara ng dalaga dahil sa pagluha niya. Sana nakinig na lang siya kay Samantha. Hindi pa naman siya nag-pills at hindi rin nag-condom si Jared. Hindi niya rin naman sinunod ang sinabi ni Sam noon na wag muna kumilala ng lalaki.
"Yes, come in," mabait na sabi ni Hernan at pinasakay ang babae sa kotse niya.
Napahagulhol na lang si Gaile sa mga nangyari. Matapos niyang magpakasarap kagabi, ito pala ang mangyayari. Paano na lang kung wala si Hernan, saan na siya pupulutin.
Kinalkal niya ulit ang bag niya para i-double-check kung may nawawala ba at laking panlulumo niya nang mapagtantong nawawala ang wallet niya.
"Oh, no! Jared, fuck you!" pagsisigaw niya sa loob ng kotse ni Hernan at pinaghahampas ang bintana.
"Hey, hey, kotse ko 'to," pag-awat ni Hernan sa kanya kaya tumigil siya.
Cellphone niya lang at mga makeup kits ang nasa loob ng bag niya pero nawawala pala ang wallet niya. May laman pa sana yong P5,000, mga valid ID at ATM card.
"What? Why? Ano ba nangyayari?" naguguluhang tanong ni Hernan.
"Yong wallet ko! Ipapapulis ko siya! Hayup siya!"
Tinawagan niya ulit si Samantha pero hindi pa rin ito makontak. Inis na inis na siya. Sa sobrang inis ay napasabunot siya sa sarili niya. Nagsisisi na siya. Pinagpalit niya ang pera para sa isang gabing may dilig.
Habang nagda-drive sa maluwag na kalsada, panaka-naka namang tinitingnan ni Hernan kung may reply na si Thalia sa kanya pero wala, nganga.
Pinindot niya ang 'call button' pero paglipas ng ilang minuto, wala pa rin talaga sumasagot. Nababalisa na rin siya sa nangyayari pero unahin niya muna ang babaing kasama niya.
"Magkano pa laman ng wallet mo?" tanong niya.
"About P5,000 at yong ATM card ko, nando'n din."
Ihinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. "Shit! Ipapaulis ko siya!"
"Do you know his address?"
"No."
"His name?"
"Oo, yon lang alam ko."
Usisa pa ni Hernan, "Where did you meet that guy? Online?"
Hindi makasagot si Gaile, online lang naman niya talaga nakilala si Jared. Binuksan niya ang Tinder para ipakita ang picture nito pero naka-block na siya sa lalaki. Hindi na niya ito mareplayan. Hindi na rin niya makita ang profile nito.
"Jared?" pagbasa ni Hernan sa pangalan nito.
"Full name, alam mo?"
Umiling-iling si Gaile.
"Tsk!" Di makapaniwala si Hernan. Nakipag-one night stand ang dalaga sa lalaking hindi niya kilala. Wala pang matibay na impormasyon sa pagkakakilanlan ng lalaki.
"Number?" tanong niya pa.
"Meron," sabi ni Gaile. May number siyang sinubukan tawagan pero hindi rin sumasagot.
"Makikipag-one night stand ka na lang, hindi mo pa siniguro yong info nung tao," pangaral niya sa dalaga.
Tumulo ang mga luha ni Gaile. Punumpuno siya ng pagsisisi sa sarili. Mahihirapan siyang kumuha ulit ng mga valid ID. Mahirap din kitain ang P5,000.
Nakaisa nga siya sa isang foreigner pero naisahan din siya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top