Chapter 35
Everything felt new para kay Hernan pagkabalik niya sa Maynila. Para bang pumasok siya sa isang portal. Ibang mundo, ibang mga tao at pakiramdam. Pumasok siya sa apartment niya nang pagod na pagod at iniwan na lang ang mga gamit sa sala. Hinubad niya ang damit, humiga sa sofa at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
~~~~~
"Pasindi nga," sabi ni Gaile at lumapit kay Samantha na may lighter. Nasa smoking area na naman siya. Madalas naman siya manigarilyo. Walang araw na hindi siya naninigarilyo. New day, new stress sa work, ika nga kaya new cigarette na naman.
Bumuga siya ng usok sa hangin habang nag-i-scroll sa Tinder. Napukaw ang atensyon niya ng isang foreigner na taga-Pasay lang din. 28 years old ito, maputi, may blue eyes at ayon sa information nito sa Tinder ay smoker din at walang anak. Pinindot niya ang 'heart' option para mag-match sila. Nag-chat agad ang foreigner ng 'hello'.
"Wah, look, Samantha." Natutuwa niyang pinakita kay Samantha ang hitsura ng kausap niya at ang chat nito sa kanya.
"Pogi ah," puna naman ni Samantha.
"Naglalandi ka na naman?" dugtong nito.
"Siyempre. Kailangan ko lang siguro ng dilig para sumaya."
Natawa si Samantha at hinampas ang kaibigan.
Binulungan niya ang kaibigan, "Pag foreigner daw, malaki kaya baka masaktan ka."
Nagtawanan silang dalawa habang hawak-hawak nila sa mga kamay ang kanilang mga sigarilyo.
"Okay lang, at least masarap, di ba?" natatawa pang saad ni Gaile.
Alam niya sa sariling liberated siya at open sa mga matured na bagay. Siya yong tinatawag na babaing party goer at gagawin niya kung anuman gusto niya nang hindi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Kahit pa sabihin ng ibang malandi siya, ayos lang sa kanya kasi totoo naman.
Abala sila sa pagtatawanan nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Paparating di ito sa smoking area habang nag-ce-cellphone.
Nakabalik na pala siya! At talagang bumalik pa siya kung kailang handa nang mag-move-on yong isa.
"What the--" Nanlalaki ang mga matang sinisiguro ni Gaile ang nakikita ng dalawang mga mata niya.
"Is that Hernan?" tanong niya kay Samantha. Napatingin din si Samantha sa lalaking medyo malayo sa kanila. Nagse-cellphone ito nang seryoso habang naglalakad. Baka kausap ang girlfriend niya.
"Sabihin mo, namamalik-mata lang ako," ani Gaile.
"Feeling ko hindi ka namamalik-mata. Siya yan. Nakabalik na nga."
"Ang sabi ko mag-mo-move on na ako. Paano na ang plano, Samantha?"
Iniwas niya na ang tingin sa lalaki. Act cool, sabi niya. Dapat ipakita niyang hindi siya apektado sa ginawa nito sa kanya.
Busy pa rin si Hernan sa kanyang cellphone habang bumubuga ng sigarilyo. Pasalamat si Gaile at malayo sa kanya ang lalaki.
Naalala na naman ni Gaile ang mga pinagsasabi niya sa chat nila. Nakakahiya lalo na ang kiss na ginawa niya noong hinatid siya ni Hernan sa bahay nila.
"Papatulan ko na talaga 'tong foreigner na 'to," biro niya pa kay Samantha.
"Ikaw bahala. Pagod na ako mag-advise sa'yo. Malaki ka na," pagod namang sabi ng kaibigan.
Totoo naman kasi. Kahit anong sabi niya, hindi naman nakikinig ang kaibigan. Mas maigi pang matuto na lang siya sa sarili niyang mga desisyon.
Abala sa pag-text si Hernan kay Thalia kaya napapangiti siya habang nagtitipa ng mga letra sa keyboard ng phone niya.
Kahit hindi niya ito kasama ay masaya pa rin siya. Pakiramdam niya pa rin ay nasa tabi niya lang ang dalaga.
Tumigil sa pag-reply si Thalia kaya napaangat siya ng mukha. Hinithit niya ang sigarilyo saka binuga ang usok sa hangin. Napalinga-linga siya sa paligid. Nakita ng mga mata niya si Gaile kasama ang kaibigan nito.
Biglang pinaalala sa isip niya ang ginawa niya sa dalaga. Nirereplayan lang niya ito pag gusto niya noong nasa probinsiya siya. Inaya niya ng mga dates ang dalaga noong mga panahong hindi pa siya nanliligaw kay Thalia.
Tinigil niya ang pagpaparamdam sa dalaga noong mas napadalas ang pagkakasama nila ni Thalia. Sa madaling salita, kinausap lang niya si Gaile para libangin ang sarili niya pero wala siyang balak na seryosohin ito. Sinubukan niya naman pero si Thalia talaga ang gusto niya.
Nagtatalo ang isip at puso niya kung lalapitan ito para magpaliwanag pero naisip niya si Thalia at ang loyalty niya sa kanya. Mas maiging kalimutan na lang sigurong nagkakilala sila ni Gaile.
"He ignored me like that. Hindi ko rin siya papansinsin," may hinanakit na sabi ni Gaile kay Samantha.
"Kahit magkasalubong pa kami sa bawat floor ng building natin, hinding-hindi ko siya papansinsin."
Napatingin si Gaile sa binata at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Iisipin niya na lang lahat ng hindi magandang ginawa nito sa kanya. Iisipin niyang wala itong magandang dulot sa kanya para mabilis niya itong makalimutan.
"He'll taste his own medicine," pagbabanta niya pa.
Tinatawanan lang siya ni Samantha sa ka-oa-yan niya. Ang seryoso kasi nito habang sinasabi ang mga salitang yon. Nagbabanta pa siya, hindi naman sigurado kung masusunod.
~~~~~
Suot ni Samuel ang airpods sa magkabilang tenga habang seryosong binabasa ang kanyang research paper. Ginugugol na lang niya ang oras niya sa pag-aaral para hindi masayang ang oras niya. Sa pag-aaral, may mapapala pa siya.
Pumunta siya sa kanyang book shelf para hanapin ang isa niya pang libro nang makita niya ang kanyang drawing book. Binuklat niya ito at una niya agad nakita ang mga sketches nila ni Thalia. Natigilan siya. Masaya sila dati.. noong hindi pa dumadating ang kuya Hernan niya.
Masaya naman sila dati noong hindi pa pumapasok sa buhay nila ang kanyang pinsan..
"I guess they are meant to be. I know you're in good hands now, Thalia."
Yon ang alam niya, aalagaan nang mabuti ng pinsan niya ang babaing pinangarap niya.
Ang babaing binuo niya ay binubuo na ngayon ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top