Chapter 34


Mabigat sa loob ni Hernan na tingnan ang mga bagahe niyang nakahanda na sa sala. Suot niya ang isang gray na sumbrero, brown na slocks at white polo shirt. Sobrang bilis ng mga araw. Napakasaglit na panahon lang ang pagbabakasyon niya pero sa saglit na bakasyon niya, naranasan niyang sumaya.

Babalik na siya ng Maynila. Kailangan niyang bumalik dahil may mga naiwan pa siyang kailangan ayusin doon lalong-lalo na ang posisyon niya sa trabaho.

Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang boses ng babaing mahal niya. Kasama nito si Ferdinand na naglalakad papalapit sa kanya. Sinalubong niya ito at nagkaharap silang dalawa.

"I don't want to leave," ani niya sa isip.

Napatingin din si Thalia sa mga bagahe ni Hernan na nakahanda na. Nakaramdam siya ng lungkot. Kahit saglit lang sila nagkasama ng lalaki, pakiramdam niya ay matagal na ang mga araw na pinagsamahan nila.

Bumalik lahat ng alaala nilang dalawa, noong unang pakilala ni Hernan ng sarili niya, nag-shake hands sila, pumunta sa bukid, sa veranda, sa labas ng bahay nina Robert, at marami pang iba.

"Aalis ka na," turan ni Thalia.

"Yes, I have to."

"Babalik ka pa di ba?"

"Oo naman, babalik ako. I promise."

Tinanggal niya ang Rolex niyang relo sa kamay at iniabot kay Thalia.

"Ano 'to?"

"Remembrance. Para pag makikita mo yan, maaalala mo ako."

Binalik ito ni Thalia sa kamay ni Hernan pero hindi niya ito tinanggap.

"A-ayoko. Mahal 'to saka--"

Kinuha ni Hernan ang relo at ikinabit niya na lang sa kanang kamay ni Thalia.

"Wag ka nang maraming sinasabi, Thalia. Makinig ka sa soon-to-be boyfriend mo."

Wala nang nagawa si Thalia nang maikabit ni Hernan ang relo sa kamay niya. Napatingin na lang siya sa kamay niyang may mamahaling relo.

Napapangiti naman si Ferdinand at Robert sa kanilang nakikita. Bagay na bagay sila kung titingnan. Habang pinapanood nila ang dalawa ay nakikita nila ang kanilang kabataan, kung paano sila magligawan noong mga bata pa sila.

"Itabi mo yan. Pag sunod na nagkita tayo ulit, dapat suot mo yan, ah," paalala pa ni Hernan sa dalaga.

Ngumiti si Thalia at namamangha pa ring nakatuon ang mga mata sa magarang relo. Alam niyang mamahalin ito dahil sa maganda nitong disenyo.

Nag-angat siya ng mukha at nagkatitigan sila ng kanyang kaharap.

Naibulalas niya, "Ang ganda."

Hinawak-hawakan niya pa rin ang relo.

"I'm gonna miss you," seryosong sabi ni Hernan.

"Ako rin," sagot ng dalaga.

"Does it mean.."

"Hindi. Hindi pa kita sinasagot."

Napangisi si Hernan. Alam niyang mapapa-oo niya naman ito balang araw.
Kinuha niya nang dahan-dahan ang kamay ni Thalia at hinalikan. Buong-buo ang respeto niya sa dalaga. Mahal na mahal niya ito na kahit pa sa huling araw niyang kasama ito, nag-iwan pa rin siya ng masayang alaala sa babae.

"Wait for me, please. Aayusin ko lang ang mga dapat ayusin sa Maynila."

Tumango lang ang dalaga bilang sagot. Sa abot ng kaya niya, hihintayin niya ito.

"Mag-iingat ka," ani Thalia.

"Mag-iingat ka rin dito."

Pinapanood lang sila nina Ferdinand at Robert. Napadaan din si Belinda sa sala at nakita niya ang pamamaalam ni Hernan sa dalaga. Napangiti siya sa tuwa. Masaya siya para sa kanilang dalawa dahil ramdam na ramdam na mahal nila ang isa't isa.

Hinawakan ni Hernan ang kamay ni Thalia na sinuotan niya ng relo. Tiningnan niya ang relo niya saka tumingin sa mga mata ni Thalia. Sa mga nakakatunaw nitong tingin, nahuhulog siya at mas mahuhulog pa.

Hinahangin ang buhok ni Thalia sa may mata niya kaya hinawakan niya ang buhok nito at inpit sa kanyang tenga. Hulog na hulog na ang dalaga sa mga pinapakita at pinaparamdam ng binata. Hindi niya pinahalatang gustong magtatalon ng puso niya sa tuwa.

"Please wait for me, Thalia, my love."

Gusto niyang yakapin ang dalaga pero nahihiya siya dahil pinapanood sila ng kanyang lolo at papa ni Thalia. Baka sabihin nilang sobra-sobra na siya at lumalampas na sa limitasyon.

"Hihintayin kita."

Kinindatan ni Hernan ang dalaga saka ngumiti. Kulang na lang talaga ang 'oo' ni Thalia at mabubuo na ang araw ni Hernan bago siya umalis.

"I have your number on my phone. Ite-text kita pag nando'n na ako."

Tumango lang siya.

"Basta mag-iingat ka," pag-uulit ni Thalia sa binata.

"Oo naman. Palagi akong mag-iingat."

Tinuro niya ang relo sa kamay ni Thalia. "Ingatan mo rin yan."

"Promise, pagbalik mo, suot-suot ko pa rin 'to."

"Hernan, baka maiwan ka pa ng bus," paalala naman ni Robert sa kanyang apo.

"Kailangan ko nang umalis," sabi niya kahit labag sa kalooban niya.

Unti-unti na siyang naglakad palayo sa dalaga. Sa huling sandali, sinulyapan niya ito habang naglalakad na palabas ng pinto. Kasama si Ferdinand at Robert na maghahatid kay Hernan sa sakayan ng bus.

Napansin ni Ferdinand ang malungkot na mukha ng kanyang anak kaya nag-thumbs up ito sa kanya para palakasin ang loob niya. Ngumiti na lang si Thalia habang tinatanaw ang tatlong palabas na.

Ito na yata ang isa sa pinakamalungkot na tagpo ng buhay niya. Alam naman niyang babalik si Hernan pero di niya maiwasang isiping naging mahalaga na ito sa kanya.
Pangako niyang sa pagbabalik nito ay sasagutin na niya ito.

~~~~~~

"Pa-fall ka. Akala mo kung sino." Galit na binubura na ni Gaile ang conversation nila ni Hernan sa messenger. In-unfriend niya na rin ito at walang kahit na anumang memory ang tinira sa phone niya.

"May pa-good morning, good evening, nag-aaya ka pa ng date sabi mo tapos may girlfriend ka na pala sa bakasyon mo diyan," naiinis niya pang kausap sa sarili.

Humarap siya sa salamin at inayos ang sarili niya. Gulo-gulo kasi ang kanyang buhok at hindi na nakakapag-ayos.

"Wag na wag ka nang magpapakita sa'kin, Hernan. Paasa ka, sabi mo sa chat, mag-co-coffee date pa tayo."

"Bored ka lang yata kaya mo ako nire-replayan no'n e." Dinuro niya pa ang salamin sa harap niya. "Totoo na, hindi na kita crush. Hindi na ako aasa sa'yo."

Pakiramdam niya ay ginawa lang siyang pampalipas-oras ng lalaki. Sa tingin niya ay ginamit lang siya nito at hindi naman talaga gusto noong una pa lang. Siniksik lang niya ang sarili niya sa taong hindi siya gusto..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top