Chapter 33
Abala sa pag-scroll sa fb si Gaile nang mapukaw ang atensyon niya ng isang post ni Hernan. Nag-post ito ng picture ng isang babaing nakasuot ng maong na palda at dilaw na t-shirt. Madamo ang paligid kaya mahuhulaang sa probinsya ang lugar.
Napatakip siya sa bibig. "Oh, no."
Isang senyales na siguro ito para tigilan na niyang umasa sa binata at hinding-hindi magiging sila ng crush niya kahit pa nagre-reply ito minsan.
Lumapit sa kanya ang kaibigang si Samantha at nakiusyoso. "Ano'ng meron?"
"Look," ani niya at pinakita ang picture. Nilapit ni Samantha sa mukha niya ang cellphone para matitigan ang pinapakita ni Gaile.
May magandang babaing post sa Facebook ang Facebook user na Hernan de Haro. Nakangiti ang babae sa picture habang nakaupo sa isang tela. Kung huhusgahan ang larawan ay mukhang nag-date ang dalawa.
"So fling-fling lang talaga ako sa kanya?" ma+dramang tanong ni Gaile sa kaibigan. "Kinausap-usap niya lang yata ako kasi bored siya. Gano'n?"
Hinagod-hagod ni Samantha ang likod ng kaibigan para aluin ito.
"Yon na yon?" medyo may inis na sambit niya pa. "Matapos niya akong batiin ng good morning halos araw-araw, kahit ang tagal niya mag-reply, hinihintay ko siya tapos-- may girlfriend na pala siya?"
Bumuntong-hininga na naman si Samantha at nagpaliwanag. "Gaile, wala naman kasing kayo. Kung anuman meron kayo, ikaw lang nag-assume no'n."
"Oo na, Samantha. Tanggap ko na."
In-off niya ang phone niya at pinakalma ang sarili.
"Mula ngayon, buburahin ko na siya sa alaala ko. Iisipin kong hindi ko siya nakilala sa tanang buhay ko."
Hinarap niya si Samantha. "Pangit ba ako?"
Hindi malaman ni Samantha ang isasagot. Base kasi sa nakita niyang picture ng babae ay maganda rin ito pero dahil kakampi siya ng kaibigan, sasabihin niya ang dapat.
"Syempre hindi. Mas maganda ka pa do'n. Hayaan mo na yang Hernan na yan. Yang mga lalaki na yan, mga pa-fall."
"Shh." Nilapitan niya si Gaile. "Wag ka na umiyak."
"Gaga," napamura si Gaile. "Hindi ako umiiyak. Naiinis lang ako. Sana hindi na niya ako nireplayan at binati-bati kasi umasa ako."
Natahimik na lang si Samantha. Ngayon ay naintindihan na ng kaibigan niya ang gusto niyang sabihin noon pa, na wag ibigay lahat at wag umasa. Ngayon, nasasaktan tuloy siya.
"Kaya pala ang tagal niya mag-reply. Kaya pala parang hindi niya ako gusto."
"Kasi hindi naman talaga."
"Tse!" pigil niya kay Samantha. "Hindi ka nakakatulong."
"Nakakainis lang kasi.."
"Hay naku, hayaan mo na. Ang dami-daming lalaki diyan. Ako nagsasabi sa'yo. Balang araw, makikita mo rin yong taong para sa'yo."
Niyakap niya si Gaile para pagaanin ang loob. "Balang araw, tatratuhin ka rin nang tama, Gaile. Hindi pa ngayon."
"Sure ka?" nagdududang tanong ni Gaile. "Feeling ko magiging single na lang ako forever."
Natawa naman si Samantha. "Okay lang. Ako rin naman. Okay lang maging single tita basta hindi single mom."
Napatawa niya si Gaile at nagtawanan sila. Mula ngayon, buburahin na niya sa isipan si Hernan. Kakalimutan na niyang nakilala niya ito. Sinubok niya kung magugustuhan siya ng binata pero mukhang hindi nga sila compatible sa isa't isa.
Malala pa, nagka-girlfriend na pala ito nang hindi niya alam. Kaya pala nanlamig na siya nitong nakaraang mga araw kasi may iba nang nagpapainit. Siya, naghihintay ng reply habang may kasama na palang ibang babae ang hinihintay niya.
~~~~~~
Hernan posted a photo.
(1 hour ago)
Caption: Mi amor🤍
Isa-isang nag-comment ang mga kakilala ni Hernan sa larawang ipinost niya.
David: Sabi na nga ba, nasa vacation ang true love.
Ric: Nag-leave ka lang, may mi amor ka na.
Nakangiting binabasa ni Hernan ang mga komento. Natawa siya sa mga comments lalo na ng dalawang kaibigan niya. Hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam noon. Ngayon niya lang naramdaman yong feeling na gustung-gusto niyang ipagsigawan sa mga taong si Thalia ang mahal niya.
Habang tinitingnan niya ang mga nag-react ay nabasa niya bigla ang pangalan ni Liz. Active pa pala ito.
Dali-dali niyang tiningnan ang timeline nito para ma-stalk pero wala itong kahit na anong shared post.
Napangiti siya. Sapat na sa kanyang malamang active pa ito at may oras pa para mag-react sa post niya. Sapat na sa kanyang malamang may paramdam pa rin ito sa kanya.
Tumayo si Hernan at tumambay sa veranda. Naupo siya roon nang ilang minuto nang pumasok si Robert sa kuwarto niya.
"Lolo," masaya niyang bati at parehas silang umupo sa magkaharap na veranda.
"You only have one week left. Right?" paalala ng matanda.
Tumango si Hernan saka sumagot. "Opo."
"What's your plan?"
"I'll quit from my job in Manila. I'll get ready to give the life that Thalia deserves."
Mukhang hindi gulat ang naging reaksyon ni Robert. Natutuwa pa nga siya.
"Gagawin mo lahat yan para sa kanya?"
Nagtawanan ang maglolo bago nakaisip ng sasabihin si Hernan.
" Yes, lolo. I waited for her for a long time. I just want to spend my life with her and with you, lolo."
Bigla naman nag-iba ang ihip ng hangin at naalala ni Robert ang sinabi ni Thalia tungkol sa balak nitong pag-alis ng probinsiya.
"Paano naman ang gusto niyang makaalis dito? Isama mo na siya sa Maynila," sulsol pa niya pero umiling si Hernan.
"Gusto niya raw po makarating ng Maynila nang hindi humihingi ng tulong sa'kin."
Napangiti ang matanda. Noon pa man ay alam niyang ayaw ni Thalia ang umaasa sa ibang tao. Napakataas ng mga pangarap nito sa buhay.
"Thalia can leave whatever is behind for her own growth."
Nangunot ang noo ni Hernan. "What do you mean, lolo?"
"Nabanggit lang sa'kin noon ni Ferdinand. Pag nagdesisyon daw si Thalia, wala nang bawian. She knows her worth and is ready to explore things."
Napaisip naman si Hernan. Kaya pala kapag kausap niya si Thalia ay parang marami siyang gustong gawin sa buhay. Siya rin yong tipo ng babaing alam ang halaga niya.
"But I support the two of you."
Tinapik niya ang balikat ng kanyang apo.
"I hope she's your end game."
Alam niyang marami pang puwedeng mangyari. Marami pang puwedeng makilala si Thalia at gustong maranasan pero gagawin niya ang lahat para mapatunayang totoo ang pag-ibig niya sa kanya.
"She'll be my end game, lolo," naisagot na lang niya.
He'll make sure Thalia will be his end game in this life or in another life. Si Thalia pa rin ang pipiliin niya anuman ang mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top