Chapter 32


"Puwede mo ba akong picture-an?" nakangiting tanong ni Thalia kay Hernan. Magkatabi silang magkaupo ngayon at sa harap nila ay ang basket ng pagkaing dala nila.

Walang pagdadalawang isip na kinuha agad ni Hernan ang kanyang cellphone. "Of course, ikaw pa ba."

"Kahit ikaw pa ang makita ko sa araw-araw, okay lang," pambobola pa ng binata na ikinatawa ni Thalia.

"Bolero," mahinang sambit ni Thalia pero lihim siyang kinikilig. Isang guwapong lalaki ba naman ang kasama niya at gandang-ganda pa sa kanya. Saan ka pa?

Nag-pose na si Thalia nang nakaupo habang kinukuhanan ni Hernan ng mga litrato. Gaya ng unang kita niya, napakaganda ng dalaga sa mga mata niya. Hinding-hindi siya magsasawang tingnan ito kahit siya na lang ang nag-iisang babae sa mundo.

"Maganda ba?" paniniguro naman ni Thalia sa mga kuha ni Hernan. Tumabi siya kay Hernan kaya naaamoy ni Hernan ang mabangong buhok ni Thalia. Napalunok siya pagkat naaakit na naman siya sa babaing kasama.

"Ang ganda ng camera mo," puna ng dalaga. "Sana magkaroon din ako ng ganito."

"Bibilhan kita. Gusto mo ba ngayon na?"

Nanlaki ang mga mata niya at napahagikhik. "Joke lang. Sineryoso mo naman."

"I'm serious. Iphone ba gusto mo, Samsung, Vivo o ano?"

Mukhang hindi nagbibiro si Hernan sa pinagsasabi niya. Napakaseryoso naman ng binata at mukhang willing maghanap ng cellphone ngayon para kay Thalia.

"Nagbibiro lang ako," pagbawi niya.

"Ako hindi," sabat ni Hernan. "Kaya kong bilhin ang mga gusto mo. Just tell me."

"Sige, soon ah. Ibili mo rin ako ng iPhone," natatawang biro ni Thalia.

"Ano'ng model?" tanong ni Hernan.

"Model?"

"Ano'ng model ng iPhone gusto mo, iPhone 12, 14, 15?"

Napanganga na lang si Thalia. Hindi na nga siya magbibiro nang gano'n. Nakakatakot pala biruan ang isang ito. Parang bibili agad pag sinabing may gusto siya.

"Saka na nga yan. Ayoko namang isipin ng ibang pineperahan kita. Hindi ko naman kailangan ng material na bagay."

"Don't mind what others will think about us. Mas mahalaga pa ba ang iisipin ng iba kaysa sa relasyon natin?"

Ang advance din pala ng binata.

"Ano'ng relasyon ka diyan? Hindi kaya. Hindi pa kita sinasagot," reklamo naman ni Thalia.

"Hindi pa pero sasagutin mo rin ako." Kumindat siya sa babae. "Not now, but soon."

Magaling mambola ang isang 'to, nakakahulog ng loob ng puso ng isang babae lalo na at malambot ang puso ni Thalia. Unti-unti siyang nadadala sa mga salita nito.

"Akala mo lang yon," pagbibiro niya pa. "Kung bastedin na kaya kita ngayon."

"Up to you," di natitinag na sagot ng binata. "Kahit ilang beses mo pa ako bastedin, paulit-ulit din kitang liligawan."

Natameme na lang si Thalia dahil sa mga pinagsasabi ng manliligaw niya. Nakikita at nararamdaman niyang pursigido itong makuha siya. Sana lang ay hindi hanggang salita lang.

"Sa mga ganyang banat mo siguro nakuha ang mga naging girlfriend mo 'no?"

"Hindi. Sa kaguwapuhan ko sila nakuha."

Napangiwi si Thalia. May tinatago palang pagiging mahangin ang isang Herhan. Akala niya dati ay seryoso lang ito at mysterious. Marunong pala magbiro at mambola ng babae. Tumayo si Hernan at nag-inat-inat. Bumaling siya kay Thalia saka ngumiti.

"I want to swim," dugtong nito. "Puwede ba?" paalam niya pa sa babae.

"Ikaw bahala. Marunong ka ba lumangoy saka nagdala ka ba ng tuwalya?"

Pinatunog ni Hernan ang kanyang mga buto sa kamay. Tinuro niya ang nasa basket. "I can swim saka nagdala ako. Nandiyan sa loob."

Sinundan niya ng tingin ang basket at nakitang may tuwalya nga roon. Talagang pinaghandaan nito ang pagpunta niya sa picnic.

"Mag-ingat ka. Baka malalim yan," paalala ng dalaga.

"Don't tell me you're concerned with me?" pabirong saad ni Hernan.

"Hindi kaya 'no," mabilis na paglinaw ni Thalia. "Baka malunod ka. Kasalanan ko pa."

"Tsk!" untag ni Hernan. "Hindi ka naniniwalang marunong ako lumangoy, ah. I'll show you."

Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang t-shirt. Natigil siya nang pigilan siya ni Thalia.

"Maghuhubad ka?"

"Of course. Alangan maligo ako nang may damit?"

Tama nga naman. "But if you're uncomfortable, puwede namang maligo ako nang ganito lang. Di ko na huhubarin. You decide."

"Bakit ako? Ikaw maliligo e."

"You know." Ngumisi si Hernan. "Sign of respect for my future girlfriend and wife."

Napangiwi na naman siya. Kanina pa siya nito dinadaan sa mga pick up lines at pa-fall na mga linya. Baka konti na lang, ma-inlove na siya nang tuluyan.

"Sige na nga. Gawin mo na gusto mo," tila labag sa loob na sagot ni Thalia.

"You sure?"

"Oo nga. Ang kulit."

Napapangiting hinubad na ni Hernan ang t-shirt niya at tsinelas. Pinagpawisan naman si Thalia nang masilayan ng mga mata niya ang matipunong katawan ng binata. Malapad ang dibdib at mga balikat nito at may kakaunting buhok sa dibdib. Halatang inaalagan nito ang kanyang katawan.

Umiwas ng tingin si Thalia. Nakakaakit kasing titigan ang katawan ng lalaki. Kahit na sinong babae ay mapapatitig sa makisig na katawan ni Hernan. Kung sasagutin niya ito sa future, tiyak niyang marami siyang pagseselosan dahil pipilahan ng maraming babae ang isang Hernan de Haro.

"Watch me," may pagbabantang sabi niya kay Thalia at naglakad na papalapit sa ilog. Dahan-dahang lumubog sa tubig si Hernan. Mayamaya ay lumalangoy na ito habang kinakampay ang mga paa't kamay.
Natatanaw na lang ni Thalia ang paglubog-ahon ng binata.

Pag-ahon nito, tila bumagal ang paligid at huminto ang lahat sa paggalaw. Nakapokus lang ang kanyang mga mata sa magandang katawan ni Hernan. Hindi siya makapaniwalang isang gaya ni Hernan ang manliligaw niya.

"Naniniwala ka na bang marunong ako lumangoy?" tanong niya.

Hindi sumasagot ang kinakausap niya kaya binanggit niya ang pangalan nito."Thalia?"

Nakatulala na pala itong nakatingin sa kanya.

"Hey, okay ka lang?"

Natauhan naman si Thalia at inayos ang sarili. "Ah, oo. Naniniwala na."

Bakit ba naman kasi ang pogi ng kasama niya, macho at mabait pa. Hindi pa man siya umaamin ng totoong nararamdaman kay Hernan, unti-unti niyang natutunang mahalin ang binata. Ang binatang hindi sumusuko makuha lang ang matamis niyang 'oo.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top