Chapter 31
"Ingatan mo ang mahal kong anak," ani Ferdinand habang kaharap ang manliligaw ni Thalia na si Hernan. Hinihingi kasi nito ang kanyang permisong manligaw at mag-picnic sa tabing ilog kasama ang dalaga.
"Pangako po, iingatan ko po siya gaya ng pag-iingat ninyo sa anak ninyo," masayang sagot ni Hernan.
Kampante ang ama na may mabuting puso ang ginoo gaya ng kanyang lolo. Kaya nga unang beses pa lang na nagpaalam si Thalia na maging tour guide ni Hernan ay pumayag na siya, ito ay dahil alam niyang mabait ang binata.
"Hihiramin ko po siya nang buo, walang bis, walang kulang at malinis. Ibabalik ko rin po siya nang gano'n."
Ngumiti ang ama sa binata habang tinatanaw si Thalia na nananalamin sa hindi kalayuan sa kanila. Walang naging nobyo ang kanyang anak sa buong buhay niya kaya may pag-aalala pa rin siyang baka masaktan ang anak niya sa unang pag-ibig.
"Alam mo naman sigurong kung sasagutin ka ng anak ko, ikaw ang kauna-unahang magiging boyfriend niya, di ba?"
"Opo." Masuwerte nga siya at siya ang unang iibigin ni Thalia. Handa siyang gawing memorable ang lahat ng alaalang kasama siya.
"Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong maging unang boyfriend ng anak ninyo, sir Ferdinand."
Mahinang tumawa si Ferdinand. "Tito na lang, masyadong pormal ang sir."
Napapakamot sa batok na sumagot si Hernan. "Sorry po, tito."
"O siya, wag na wag gagawa ng kalokohan ah," banta ni Ferdinand sa binata. "Tandaan, respeto dahil hindi pa naman kayo at hindi pa kayo mag-asawa."
"Po?" Nahulaan naman ni Hernan ang tinutukoy nito. Wala naman sa isip niya iyon dahil malaki ang respeto niya kay Thalia.
"Wala po akong gagawing kalokohan. Promise mo. Kung gusto ninyo po, barilin ninyo ako pag may ginawa ako, okay lang po pero wag po kayong mag-alala. Malinis na malinis kung hihiramin ang anak ninyo at ibabalik ko ring malinis," mahaba niyang paliwanag.
Napapailing na lamang si Ferdinand sa makulit na manliligaw ni Thalia. Mayamaya pa, masayang lumapit si Thalia sa kanilang dalawa. Nakapusod ang buhok nito at nakasuot ng maong na paldang hanggang tuhod saka t-shirt na kulay dilaw.
"Aasahan ko yan, Hernan," ngumingiti-ngiting banta ng ama sa binata.
Pinaglilipat-lipat ni Thalia ang tingin sa dalawa. "Ano pong pinag-uusapan ninyo, papa?" usisa niya.
"Wala. Pinapaalalahanan ko lang itong si Hernan na ingatan ang bunsong anak ko," sagot naman ni Ferdinand.
"Ang sabi ko lang sa kanya, ibalik ka nang maayos sa'kin."
"Ah." Napatangu-tango naman si Thalia. "Wag po kayong mag-alala, papa. Pag may ginawa siyang masama sa'kin, isusumbong ko agad sa inyo," sabi niya naman. Sinadya niyang marinig iyon ni Hernan.
Si Hernan naman ay natatawa na lang sa reaksyon ng mag-ama.
"O sige, tama na yan. Umalis na kayo at mag-iingat, ah."
Binitbit na ni Hernan ang dala nilang basket na may mga lamang pagkain at mga gamit na gagamitin sa piknik. Walang kasing saya ang puso niya sa gagawin nilang pagpi-piknik.
"Bye, papa. Balik po kami."
"Bye po, tito."
Kumaway-kaway ang dalawa paalis. Naluluha-luhang sinundan na lang ni Ferdinand ng tingin ang dalawa. Alam niyang darating sa panahong iibig si Thalia at mag-aasawa, maiiwan siya. Tanggap niya iyon at nakakalungkot lang isiping matagal niyang nakasama ang anak tapos mawawalay rin sa kanya sa tamang panahon.
~~~~~~~
Nakarating na sila sa tabi ng ilog na gaganapan ng kanilang picnic. Nilatag na ni Hernan ang telang uupuan nila. Nilagay na niya rin ang basket na may mga lamang pagkain saka sila naupo.
"Ang ganda!" masayang puri ni Thalia sa paligid.
Napakaaliwalas ng paligid. Sa harap nila ay ang malinis na berdeng ilog, sa kaliwa't kanan ay mga matatayog na puno at mga damo. Ang mga halaman ay sumasayaw sa lakas ng ihip ng hangin, idagdag pang hapon na kaya hindi mainit at ang puwesto nila ay hindi nasisinagan ng araw.
Ito na ang hinahanap na peace of mind ni Hernan. Hindi siya lubos makapaniwalang ito na ang payapang paligid na gusto niya kasama ang babaing mahal niya.
Napapangiti-ngiti siyang sinusulyapan si Thalia. Maging ang dalaga ay tuwang-tuwa sa napakalinis at tahimik na paligid.
"Ang ganda, di ba?" tanong ni Thalia sa kanya na ang tinutukoy ay ang paligid nila.
Titig na titig na naman siya sa katabing babae. "Ang ganda," sabi niya. "Napakaganda," ani niya na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.
Napatingin sa kanya si Thalia. "Bakit ka sa'kin nakatingin?"
"Kasi ikaw ang maganda," sagot ng binata.
Inismiran siya ni Thalia. "Bolero." Ang alam niya ay binobola lang siya nito.
"Hindi ako nagbibiro, ah," bawi naman ni Hernan. "Parehas maganda yong view saka yong kasama ko."
"Sus," tinaasan siya ng kilay ni Thalia. Bumulong-bulong siya, "Baka kaya mo lang ako niligawan ay dahil maganda ako sa paningin mo."
"Hindi lang mukha mo ang maganda, pati ugali mo kaya double blessings ka sa'kin."
"Double blessings ka dyan." Tumayo si Thalia at lumapit sa harap ng ilog. Humalukipkip siya. Masaya at tahimik sa lugar, bagay na gustung-gusto niya pero minsan, sa mga tahimik na lugar ay maraming pumapasok sa isip niya.
Sinundan pala siya ni Hernan at tumayo sa tabi niya. "Ano'ng iniisip mo?" usisa nito.
"Si papa. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay."
"Magagawa mo naman yon. Naniniwala ako."
"Magagawa ko lang yon kung aalis ako rito," biglang nalungkot ang tono ng boses niya.
Naisip ni Hernan na ibahin ang usapan para masaya lang sila. "Wag na natin pag-usapan yan. Nandito tayo para maging masaya."
"Hindi, totoo yon." Tumingin siya kay Hernan. "Nililigawan mo ako, di ba? Gusto kong may malaman ka tungkol sa'kin."
Alam niyang hindi magpapapigil si Thalia sa mga gusto niyang sabihin kaya pinakinggan niya na lang ito.
"Pupunta akong Maynila. Aalis ako rito."
Seryoso ang boses ni Thalia kaya alam niyang hindi ito nagbibiro.
"Then, you can come with me," pag-aya ni Hernan."May dalawang linggo na lang din ako rito sa probinsiya. Puwede ka sumama sa'kin."
Umiling-iling si Thalia. "Ayoko maging pabigat. Ayoko nang umasa sa ibang tao dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa."
"Kung aalis ka dito, ibig sabihin magkikita rin tayo sa Maynila. Makakasama rin kita."
"Hindi ko pa sigurado. Ikaw ba--" Napaangat ng mukha si Thalia na tiningnan ang binata. "Dalawang linggo ka na lang dito. Kapag umalis ka, maiiwan mo ako, di ba?"
Saglit na napaisip si Hernan. Tama si Thalia. Kapag umalis siya, maiiwan niya si Thalia kaya paano na ang panliligaw niya?
"Babalik akong Maynila para asikasuhin ang mga kailangan pero babalikan kita."
"I'll quit my job, sell everything I have there. Di ba gusto mo maranasan ang buhay sa Maynila? Ipaparanas ko yon sa'yo. Tapos, dito tayo titira."
"Gagawin mo yon?" Kung gano'n ang gagawin ng binata, ibig sabihin ay gano'n kalalim ang pagmamahal nito sa kanya.
"Oo naman, para sa'yo."
Gaya ng pangako niya kay Samuel, gagawin niya ang lahat para kay Thalia. Kung kinailangan, isusuko niya ang mga meron siya para sa babaing matagal niyang hinanap, si Thalia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top