Chapter 30


Kasalukuyang nasa sala si Hernan at nasa harap si Samuel para mag-usap. Sa wakas ay magkakaroon na ng linaw ang nararamdaman ng dalawa. Kailangan nila ng kapaliwanagan lalo na at iisang babae lang ang gusto nila.

"It was great meeting you, kuya Hernan," simula ni Samuel. "I'm sorry for being rude last time."

Ngumiti si Hernan saka sumagot. "It's okay. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo. You love her and it's normal to get hurt."

Si Hernan naman ang nagpaliwanag. "I should be the one to say sorry. Sorry kung iniisip mong inagaw ko siya sa'yo."

"Which is not true," ani Samuel. "Wala naman talagang kami para magselos ako sa'yo." Natawa siya sa sarili niya.

"I'm still sorry, Samuel." Alam niya sa sariling dapat lumayo na siya kasi alam niya namang gusto ng kanyang pinsan si Thalia pero nagpatalo pa rin siya sa nararamdaman ng puso niya.

"I promise to love her just like you did," pagpapatuloy ni Hernan. "I'll do everything whatever it takes for Thalia."

Napangiti si Samuel. Magaan din naman sa pakiramdam na alam niyang mapupunta sa mabuti at tamang tao ang mahal niya. Masakit man para sa kanya ay baka ito na ang senyales na kailangan na niyang bumitaw.

"Thank you, kuya."

"Ang totoo niyan, hinahangaan kita. Alam kong alam mong puwede kang masaktan sa pag-amin sa kanya pero tinuloy mo pa rin."

"Small thing, kuya. Oo nga pala, baka di na ako makabisita ulit dito."

Nanlaki ang mga mata ni Hernan sa narinig. Nagpapaalam na yata ang kanyang pinsan.

"Malapit na OJT namin at meron din akong inaasikasong research. I have to focus in my studies now."

Nakaramdam ng lungkot si Hernan. Bukod sa paalis na siya ay hindi na rin pala niya gaanong makikita si Samuel.

"Good luck, Samuel. I know you can do it."

Si Samuel naman ang ngumiti at nagkatinginan sila sa mga mata. Handa naman silang kalimutan ang mga alitan nila dahil yon ang dapat. Magkadugo kaya dapat magkaayos.

"I'll be leaving in a few weeks too," sabi ni Hernan. Pagtingin niya sa labas ay naroroon si Thalia papasok ng bahay.

"I don't want to leave, actually," ang nasabi na lamang niya. Ayaw niyang iwan si Thalia, ang buhay sa probinsiya dahil dito na siya masaya. Ayaw na niyang bumalik ng Maynila. Dito na niya nahanap ang ligayang buong buhay niyang sinubukang hanapin sa iba.

"Oo nga pala. Malapit na matapos ang leave mo. Take care."

Napatingin na rin si Samuel sa labas at nahagip ng mga mata niya ang babaing iniibig niya. Mami-miss niya ito pero kailangan niyang magpokus sa mas importanteng bagay, ang pag-aaral at naniniwala siyang marami pa siyang makikilala.

"Take care of her too," dugtong ni Samuel. "You know I have loved her since we were teens."

Ito na siguro ang isa sa pinakamasakit na desisyong gagawin niya, ang dumistansiya kay Thalia na matagal niyang nakasama. Kasama na ang pagpaparaya niya dahil alam niyang gusto rin ni Thalia ang pinsan niya.

Para kay Thalia, palalayain niya na ito. Hindi na niya pipiliting kuhanin ang puso niya dahil iba na ang may-ari nito.

"I'll do it for me and for you," sang-ayon ni Hernan.

Nag-shake hands silang dalawa at nagngitian. Isang tanda ito na malinaw na sa kanila ang isa't isa. Sakto naman at nakalapit na sa kanila si Thalia.

"Hi," bati ng magandang dalaga sa dalawang binatang nag-uusap nang magkaharap sa sofa.

Tumayo ang dalawa at naunang bumati si Samuel.

"Thalia," aniya. Walang kupas pa rin ang pagniningning ng babaing minahal niya mula noon hanggang ngayon. Maganda pa rin ito sa mga mata niya.

Nakangiting lumapit kay Samuel ang dalaga at mahigpit na niyakap ang kaibigan. Wala siyang kahit na anong sama ng loob dito dahil nagmahal lang naman ito. Pinanood na lang ni Hernan na magyakapan ang dalawa sa harap niya. Matagal na nagkasama ang dalawa kaya di niya maaalis sa dalawa ang pagiging close nila sa isa't isa.

"I've missed you. I'm sorry," saad ni Samuel pagkayakap sa kanya ng dalaga.

"Wala kang kasalanan kaya wag kang mag-sorry."

Kumalas sa pagkakayakap si Thalia at suya namang pagtama ng mga mata nina Hernan at Thalia. "Hi din," bati ni Thalia sa binata.

Ngumiti si Hernan na bumati. "Hello din."

Napaka-akward ng atmosphere. Nagsama-sama ang isang binasted, isang manliligaw pa lang at isang babaing mahal ng dalawa.

"Late na ba ako?" nakatawang tanong ni Thalia para basagin ang pagiging awkward ng atmosphere.

"Hindi naman," sagot ni Samuel. "Willing naman kaming ulitin lahat ng pinag-usapan para sa'yo."

Umismid si Thalia. Kahit kailan talaga ay palabiro itong si Samuel. "Sira ka talaga."

Pinakikiramdaman ni Hernan kung paano kakausapin si Thalia sa harap ng kanyang pinsan nang hindi masasaktan si Samuel. Isa lang ang alam niya, dapat ipakita niyang nagkaayos na silang magpinsan para sa kanya.

"Okay na kayong dalawa?" turo ni Thalia sa dalawang binata. Nangngitian ang dalawa. Inakbayan ni Hernan ang pinsan para ipakitang ayos na sila.

"Ayos na ayos," nakangiting sambit ni Samuel.

Sumakay na rin si Hernan. "Hindi ba halata?"

"I-kiss ko pa ba si Samuel para maniwala ka?" biro ni Hernan.

Tinulak siya palayo ni Samuel. "Yuck!"

Nagtawanan silang tatlo pagkatapos at natutuwa si Thalia na makitang nagkaayos na ang dalawang magpinsan. Natupad na rin sa wakas ang hiling niyang maging okay sila at sana ay tuluy-tuloy na.

"Na-realize ko lang na kailangan pala kitang i-let go para mapunta ka sa tamang tao," makahulugang sambit ni Samuel at tumingin sa kanyang kuya Hernan.

"Wala namang tamang tao, Samuel, e. Kailangan mo lang gawing tama ang sarili mo para maging tamang tao ka," sagot ni Thalia.

Mas lalong nai-inlove si Hernan sa paraan ng pagsasalita ni Thalia. May laman kasi ang salita nito at may matututunan pa.

"Tama na nga ang drama, baka maiyak pa ako," pabirong saad ni Samuel.

"Basta kuya Hernan, alagaan mo si Thalia. Alam ko namang gusto ninyo ang isa't isa."

Hindi makasagot si Thalia. Tama si Samuel, gusto niya ang pinsan ni Samuel at hindi niya iyon makakaila pa.

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko yon. Ramdam ko yon," dugtong niya pa.

"It doesn't hurt much right now kasi alam ko namang aalagaan kang mabuti ng pinsan ko."

Tiningnan niya ang dalawa, sina Thalia at Hernan. Baka ito nga ang sinasabi ng ibang blessings in disguise. Blessing dahil isang blessing para kay Samuel si Thalia at disguise dahil hindi pala siya ang makakatuluyan nito kundi ang pinsan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top