Chapter 3
Maliwanag na ang sikat ng araw. Oras na para magsiuwian sina Hernan, David at Ric galing sa kanilang staycation sa Makati.
Sa isang itim na van ay pinagtutulungang isalansan ng mga binata ang kanilang mga bagahe.
Dismayadong saad ni Ric, "Back to work na."
"Okay lang, nag-enjoy naman ako," sumagot naman si David.
Pinagpagan ni David ang dalawa niyang kamay saka tiningnan ang pool na may nagsi-swimming na mga babae, mga sexy na babae.
"Hey!" tawag ni Ric sa kaibigan nang mapansing nakangiti si David habang kinakawayan ang dalagang kumakaway rin sa pool.
Natatawang sumingit na rin sa usapan si Hernan. "Hayaan mo na yan. Sumbong na lang sa gf niya para matapos na kaligayahan."
Umayos na sa huwesyo si David at pinagpatong-patong yong mga bag sa likod ng van nila.
"Napaka-seryoso ninyo," reklamo ni David. "Di ba puwedeng friendly lang?"
"Sus, friendly," sagot ni Hernan.
"Kung may dapat maging friendly dito, yon ay si--"
Nagkatinginan sina David at Ric sa kaibigan lalo na nang matanaw sa malapit na papalapit sa puwesto nila yong babaing nagbigay ng maliit na papel kay Hernan.
Kinindatan ni Ric si Hernan at sinenyasang papalapit yong babae. "Pare, alam mo na."
Walang emosyong tiningnan ni Hernan ang papalapit na babae. Ngayon niya lang ito mas natitigan nang maigi.
Maputi nga siya, sakto lang ang taas, mga nasa 5'5, may nunal ito sa kaliwang pisngi, nagkulay-rosas ang pisngi sa lagay na blush on, may eyelash at kung anu-anong pampaganda sa mukha. Sa suot naman, maikling stripe na palda ang suot nito at isang pink tube lang. Tumatambad pa ang malulusog niyang dibdib.
Sa harap ni Hernan tumigil ang babae. Ngumiti muna ito at inilahad ang kamay kay Hernan.
"Hi," pakilala nito. "I'm Gaile."
Nag-unahang lumapit sina Ric at David. Mas nauna pa sila makipagkamay kaysa kay Hernan.
"I'm David." Nagmamadaling nakipagkamay si David at akmang hahalikan pa ang kamay ng dalaga pero pinigilan siya ni Ric.
Malapad ang ngiti ni Ric na bumati sa babaing si Gaile. "And I'm Ric."
Tumango lang si Gaile sa dalawa. Kaya lang, mukhang walang pakialam sa kanya ang binata dahil nakasimangot ito. Hindi man lang nakikipagkamay sa kanya. Para bang asiwang-asiwa ito sa kanya.
Binulungan ni Ric si Hernan na makipagkamay sa babae dahil nakalahad pa rin ang kamay nito. Nabawasan ang ngiti ni Gaile dahil nakatingin lang si Hernan sa kanya, tigin na parang wala lang.
"Hernan," tipid nitong pagpapakilala.
Nakapakamot sa batok ang dalawa niyang kaibigan. Kulang na lang, itulak nila ito kay Gaile para maging lalaki.
"Actually, nakaraan pa kita tinitingnan, ang guwapo mo kasi," pagpuri nito sa kanya.
Parang di naapektuhan si Hernan sa sinabi nito. Kunot ang noo lang niyang tinanong si Gaile. "And?"
Nakangiti pa ring sumagot si Gaile sa kanya. "You look special and different kaya wala lang, crush lang kita," pagpapa-cute pa nito.
"Well, thanks."
"Can we hang out sometime?" pag-aaya ni Gaile.
Nagulat ang dalawang kaibigan niya sa tanong nito. "Say yes," mahinang utos ni David pero di ito pinansin ni Hernan.
"Sorry, but we have to go. Nice to meet you." Sinenyasan niya ang dalawa na umalis na pero hinawakan siya sa kamay ni Gaile. Tiningnan ni Hernan ang pagkakahawak sa kanya nito.
"Gaile or whatever, I honestly do not like you," biglang sabi ni Hernan kay Gaile.
Nalungkot ang mukha ng magandang dalaga. Pinahiya lang siya ng crush niya. Nanlaki rin ang mga mata nina David at Ric sa sinabi nito.
Di pinahalata ni Gaile na medyo nasaktan siya sa nalaman na di siya gusto nito. "It's okay."
Sobrang tipid na sumagot si Hernan ng, "Good."
Mukhang pagalit na si Hernan kaya lumapit na sa kanya sina Ric. Kinawayan na lang nina Ric at David si Gaile para magpaalam.
Naupo na si Hernan sa tabi ng driver's seat habang hinihintay na makaupo sina Ric at David. Sa ganoong tagpo naiwan si Gaile. Gusto niya lang naman mapalapit sa lalaki pero mukhang ilag ito. Lumapit sa kanya ang dalawa niyang kaibigan, isang babae at bading.
"Ano girl, di effective?" usisa nung babae.
"Ano sabi sa'yo?" tanong ng beki.
Nakasunod lang ang mga mata ni Gaile sa umaalis na van nina Ric. Wala sa mukha nitong naging maganda ang encounter nila ng guwapong lalaki kaya hinintay nila ang sagot nito.
"Ayaw niya sa maganda," pagsagot ni Gaile sa dalawa.
"Ay, sayang pero hayaan mo na, baka guwapo rin gusto niya."
"He's interesting though. Kung makita ko ulit siya, I'm sure magugustuhan niya ako."
"Hayaan mo na siya, Gaile. Ang dami-dami pang lalaki diyan."
"Oo nga." Sumang-ayon din ang isa pa niyang kaibigan. "Baka mamaya may girlfriend o asawa 'yong tao. Edi naging kabit ka pa, kaya naku, Gaile, hayaan mo na 'yon."
SA kotse ay di umiimik ang tatlong magkakaibigan. Si Ric ang nagmamaneho, si Hernan katabi ni Ric at si David ay sa likod katabi ng mga gamit nila.
"Hernan, galit ka ba?" simula na naman ni David. Tumahimik na kasi ito at di sila pinapansin mula nang lapitan sila ni Gaile kanina.
"Nah, I'm good," sagot ng tinanong pero halatang hindi pa rin ito natutuwa.
"Baka mamaya napipikon ka na sa'min, ah," si Ric naman ang sumagot. "Mukhang type na type ka talaga e."
Lumapit si David sa kanila para maki-usyoso nang biglang tumunog ang phone ni Hernan. Tumatawag ang kanyang lolo Robert. Inayos na muna ni Hernan ang sarili bago sinagot ang tawag.
Ni-loud speaker niya ito para marinig ng dalawa.
"Hernan!" bungad agad ng matanda sa kabilang linya.
"When are you going home?"
Nagkatinginan sina Ric at David. Pinapauwi na naman siya ng kanyang lolo. Wala na itong bukambibig kundi pauwiin siya.
"Almost near, lolo."
"Ikaw ba ay may kasama ng asawa pag-uwi?" diretsong tanong pa nito na ikinagulat nina Ric at David.
Napahagikhik si Hernan. "Gf nga po lo, wala eh. Asawa pa kaya?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top