Chapter 28


Huwebes na...

Balisang pabalik-balik si Hernan sa sofa at kusina.

Aalis na si Thalia sa Biyernes.

Aalis na siya.

Aalis na si Thalia.

Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Ferdinand sa kanya. Aalis siya, maiiwan na siya at baka di na niya ito makausap. Baka tuluyan nang hindi sila magkita ng dalaga.

Ang balak pa naman niya ay hintayin na muna si Samuel makapunta sa kanila at kakausapin niya ito bago magdesisyon kung pupuntahan ba si Thalia o hindi, kaso hindi na siya makapaghintay. Paano kung tuluyan nang makaalis si Thalia at hinding-hindi na sila magkita pa?

Nadatnan siya ni Robert na hindi mapakali sa lagay niya. Natatawa nitong tiningnan ang apo. Umiling-iling siya. Naalala niya ang kanyang kabataan noong mga panahong nai-inlove siya. Ganito rin, nagiging balisa.

"Kung ako sa'yo, puntahan mo na," anang matanda. Nabanggit na niya ang tungkol kay Thalia pati ang plano niyang pakikipag-usap kay Samuel.

Natigil na sa palakad-lakad si Hernan. Tama ba ang narinig niya? Suportado na siya ng kanyang lolo.

"You're old enough. You can do it," pagpapalakas pa niya ng loob sa kanyang apo.

Natutuwa siya para sa apo. Ngayon niya ito nakitang sumaya nang gano'n. Ngayon niya ito nakitang ma-inlove. Baka nga ay tama ang sinabi niyang sa probinsiya niya mahahanap ang pagmamahal.

"How about Samuel, lolo?" May pakialam naman kasi siya sa nararamdaman ng pinsan. Baka pag tinuloy niya ang gagawin nang hindi nakakausap si Samuel ay lalo silang mag-away.

Ngumiti ang matanda, lumapit sa apo at tinapik ang balikat nito.

"He will be fine. Nakausap ko na siya."

Umaliwalas ang kanyang mukha at tila nabawasan ang mga agam-agam niya sa sarili. Ang kailangan niya na lang gawin ngayon ay sundin ang puso.

"Lolo, you must be kidding me. Ayoko na po mag-away kami."

Umiling si Robert. "I'm not kidding. Pupunta siya dito."

Parang batang niyakap ni Hernan ang kanyang lolo Robert. Napakasaya niya. Sa wakas ay maitutuloy na niya ang gusto niyang gawin nang walang iisipin kung may masasaktan ba.

"Go," untag pa ng matanda na pinapaalis na siya. "Show what you got."

"Salamat, lolo. I got this," sabi niya kahit kinakabahan pa rin. "I'll go." Pagkasabi niya niyon ay lumabas na siya ng bahay. Sarili niya lang ang dala niya at sana ay sapat na 'yon para mapatunayang totoo ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Wala nang makakapigil. Susundin na niya ang puso niya.

Nasisiyahang tinanaw na lamang ni Robert ang papaalis na apo. Suportado niya ito kung anuman gusto niyang gawin. Matanda na rin siya at maikli lang ang buhay.

Naiwan pala ni Hernan ang kanyang cellphone sa mesa. Pagtingin niya rito ay may tumatawag.

Gaile calling..

Sa messenger ito tumatawag kaya nakita niya ang profile picture nitong naka-bikini. Naaalala niya ang babaing yon. Siya yong sabi ni Hernan ay hindi siya handang kilalanin. Kung gayun ay nakakausap niya pa rin pala ito.

Nagdadalawang isip niyang dinampot ang cellphone ng apo pero hindi niya ito sinagot. Ayaw niyang makialam kaya hinayaan na lang niyang mag-ring ang cellphone nito hanggang tumigil ito sa pagtawag.

~~~~~~

Lakad-takbo ang ginagawa ni Hernan makarating lang sa kanyang pupuntahan.
Kailangan niyang magawa ang dapat bago pa man makaalis si Thalia.

Kung matutuloy man ito bukas ay at least, nasabi niya ang gusto niyang sabihin.

Hinihingal niyang hinintuan ang bahay nina Thalia sa labas. Napahawak siya sa kanyang mga tuhod habang walang tigil ang pagtagaktak ng kanyang pawis.
Hindi muna siya nagtawag. Pinagmasdan na lang muna niya ang bahay nila sa labas. Manghang-mangha pa rin siya sa simple ng tahanan nila.

Sa mga puno, sa malinis na bakuran at mga berdeng halaman, ang gagandang pagmasdan ng mga ito. Kung sa ganitong bahay siya titira ay ayos lang lalo na kung si Thalia ang makakasama.

Sakto namang binuksan ni Thalia ang pinto. Nakita niyang may guwapong binata sa labas ng kanilang bahay. Nanlaki ang kanyang mga mata at nanlambot ang mga tuhod. Sinara niya agad ang pinto at napaisip kung ano ang gagawin.

"Ano'ng ginagawa niya dito?" tanong niya sa sarili. Sumilip siya sa bintana para makasiguro kung tama ba ang nakikita niya. Si Hernan nga pero mag-isa lang siya.

Kinakabahan siya. Ayaw na nga niyang magpakita sa binata para hindi pa makagulo sa dalawang magpinsan pero ito naman ang lumalapit sa kanya ngayon.

"Ano'ng gagawin ko?" siya namang tanong niya sa sarili.

"Haharapin ko ba siya?" dugtong niya. "Hindi, ayoko."

Nasaktuhan pang wala ang kanyang papa ngayon sa kanilang bahay. Hindi siya tinatawag ng lalaki sa labas. Nakatayo lang siya doon na para bang hinihintay si Thalia na lumabas.

Napapikit si Thalia sa kaba. Magmula nang umamin sa kanya ang magpinsan, hindi na niya alam kung paano haharapin silang dalawa. Pakiramdam niya ay nakakahiyang parehas na ibigin ng dalawang magkadugo.

Hindi siya nakatiis. Lumabas siya para pagbuksan si Hernan. Pagtama ng kanilang mga mata, tila nakukuryente si Thalia sa matatalim na titig ni Hernan. Tila tumatagos sa kaluluwa niya ang mga tingin nito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Thalia. Nakita niyang pawis na pawis ang binata at hinihingal. Gusto niya itong pagalitan pero nahabag siya sa hitsura nito.

"I--," hinihingal nitong sabi. "I want to see you."

"Gusto kitang kausapin," dugtong niya pa. "Please.."

Dahil sa pagod na hitsura nito ay pinapasok niya ito sa bahay nila. Pinaupo na muna niya ito sa upuan, binuksan ang electric fan at tinapat sa kanya. Kumuha na rin siya ng bimpo at tubig. Inabot niya ito kay Hernan na siya namang tinanggap ng binata.

Napapatingin ang dalaga sa kisig ng lalaking nasa tabi niya habang pinupunasan nito ang kanyang mukha at leeg. Binaba nito ang baso sa mesa.

"Salamat," sabi ni Hernan sa kanya.

"Ano pong ginagawa ninyo dito?"

"I've heard you're leaving tomorrow."

Nanlaki ang mga mata ni Thalia. Hindi naman siya aalis at wala siyang pupuntahan.

"Leaving?" di niya makapaniwalang tanong.

"Yes, sabi ng papa mo. At nandito ako dahil may gusto akong sabihin."

Nag-umpisa na namang kumabog ang dibdib niya. Ano na naman kaya sasabihin nito.

"Thalia, " hinarap niya ang dalaga.

"Kung aalis ka na bukas, gusto ko lang sabihing masaya ako. Masaya akong nakilala ka. Masaya akong nakasama ka sa bakasyon ko dito sa probinsiya."

"I'm happy to meet someone like you."

Tiningnan niya si Thalia sa mga mata.

"I want to have more experiences with you, if that's fine for you. Gusto pa kitang makasama."

Ramdam niya ang pagiging seryoso nito sa mga sinasabi niya. May ganito palang tinatago ang isang Hernan de Haro. Nanlalambot din pala ito sa babaing mahal niya.

"Gusto ko rin malaman bakit ka aalis? Saan ka pupunta? Can you stay longer?"

Natatawang napatakip ng bibig si Thalia. Walang aalis. Hindi siya aalis bukas. Wala nga siyang balak puntahan kaya hindi niya maiwasang matawa sa mga pinagsasabi ni Hernan.

"I'm serious. Bakit ka tumatawa?"

Tinigil niya ang pagtawa at tiningnan ang binata.

"Sa mga sinasabi mo kasi, parang mamamatay na ako. Ano bang meron?"

"Yon nga. Kasi aalis ka na, maiiwan mo ako," parang batang asta niya.

Natatawa pa rin si Thalia sa mga pinagsasabi ng lalaki. Di na siya nakatiis na sinabi rito.

"Hindi ako aalis kaya wag ka nang mag-drama diyan."

"Huh?" Di siya makapaniwala. Sinabi mismo ng papa ni Thalia na aalis na bukas si Thalia.

"Wala akong iiwan. Hindi ka maiiwan. Ikaw nga ang malapit na bumalik sa Maynila."

Alam pala iyon ni Thalia. Malamang ay nabanggit yon ni Samuel o Robert noon at nakarating sa kanya.

"Ako ang maiiwan mo, hindi ako ang aalis," sabi pa ni Thalia.

Napalunok si Hernan. Gusto na lang niyang dito na tumira sa probinsya para hindi na mawalay sa dalaga. Dito na lang silang dalawa..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top