Chapter 24
Pinaglilipat-lipat ni Thalia ang tingin kay Samuel at sa kanyang papa. Hindi niya lubos akalain na sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Samuel ay aaminin lang nitong may gusto siya sa kanya. Buong akala niya ay magkaibigan lang sila, yon lang ang kanyang tingin.
Bumuntong-hininga muna si Samuel at iniabot ang bulaklak sa kaharap na dalaga.
"Thalia," ani nito.
Pinapanood lang ni Hernan ang tagpong iyon. Pakiramdam niya ay alam ni Samuel na may pagtingin siya sa babae dahil sa mga pagbabanta nitong matutuwa siya sa gagawin niya, para bang sarcasm.
Tinanggap ni Thalia ang bulaklak. "Salamat."
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa." Inangat niya ang mukha. "Gusto ko po ang anak ninyo, tito Ferdinand."
"Gusto ko po siyang ligawan."
Tumingin siya kay Thalia. "Mula bata pa tayo, marami na tayong mga napagdaanan, mga memories at mas lalo kitang nakilala. Napakabait mong babae, napaka-simple at masaya ako kapag kasama kita."
Hernan rolled his eyes. Hindi siya makapaniwala sa mga nasasaksihan. Sinama talaga siya ng kanyang pinsan para lang makita kung paano ito umamin ng pagmamahal sa dalaga. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Maya't maya niyang ginagalaw ang kanyang tuhod at iniiwas-iwas ang tingin sa nakikita niya. Hindi niya kaya.
"Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa'yo. Natatakot kasi akong hindi mo ako magustuhan o masira ang pagkakaibigan natin. Pero ngayon, buo na ang loob ko. Inaamin ko na sa'yo, mahal kita."
Hindi pa rin makapaniwala si Thalia. Hindi sumagi sa isip niyang mahulog sa kanya. Matagal din niyang iningatan ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Sumagot si Thalia. "Samuel, salamat sa pagmamahal mo."
Malungkot niyang tiningnan sa mata ang kaibigan. "Na-appreciate ko na nagustuhan mo kung sino ako at hindi mo tiningnan yong mga bagay na wala ako."
Seryoso pa rin si Hernan sa pagkakaupo pero wala siyang magagawa kundi makinig at manood.
"Kaibigan kita mula pagkabata at nakilala ko rin kung sino ka. Natutuwa akong may kaibigan akong gaya mo pero--"
Napayuko muna siya saka tinuloy ang sasabihin.
"Pero pasensya ka na. Hindi ko maibabalik sa'yo ang pagmamahal mo sa'kin."
Parang nawarak nang isangdaang beses ang puso ni Samuel pero inaasahan niya naman ito. Dalawa lang naman ang magiging resulta: aamin si Thalia na gusto rin siya o ibabasted siya.
Ngumiti na lang ang binata para itago ang sakit. "It's your feelings, Thalia. Hindi ko yon mababago."
Sumagot na rin si Ferdinand. "Masaya akong malakas ang loob mo, Samuel. Ganyan ang lalaki, hindi natatakot umamin kahit masaktan man o hindi."
"I'm sorry," sorry ni Thalia. Hinawakan niya ang kamay ni Samuel bilang kaibigan. "Hanggang magkaibigan lang tayo. Pasensya na, Samuel."
"Okay lang. Ano ka ba." Pinilit niyang ngumiti. "We're still friends."
"Sana wag magbago ang pagkakaibigan natin kahit may ganitong nangyari."
Tumango ang dalaga. "Oo naman, magkaibigan pa rin tayo. Di yon magbabago."
Nadismaya si Hernan sa reaksiyon ni Samuel. Dapat ay humingi siya ng chance na patunayan ang pagmamahal niya sa dalaga, hindi yong bigla na lang siya susuko dahil ayaw sa kanya ng babae.
Minahal na niya nang ilang taon ang dalaga. Sa gano'n katagal ay marami na silang pinagdaanan, kilala na nila ang isa't isa at baka may chance pa. Bakit naman sumusuko at tinatanggap agad nitong talo na siya? Akala pa naman niya ay pinaghandaan nang maayos ng kanyang pinsan ang pag-amin nito.
"You can keep that flowers," aniya sa dalaga. "Binili ko talaga yan para sa'yo."
Inamoy niya ang bulaklak. "Mabango. Salamat."
Nagngitian sila pero bakas sa mata ni Samuel na nasasaktan pa rin siya.
"Sobrang tagal ko bago nasabi sa'yo 'to. Ngayon alam mo na," saad ni Samuel.
"Salamat sa pagmamahal mo."
"Hindi kita pipiliting gustuhin ako. Kung hanggang magkaibigan lang talaga tayo, tinatanggap ko."
Dugtong niya pa, "Nandito pa rin ako para sa'yo, Thalia."
Ngumiti ulit ang magandang si Thalia. Napatingin siya sa katabi niyang ama at sinulyapan si Hernan sa gilid pero hindi ito tumitingin sa gawi nila. Napansin ni Samuel ang tinginan ng dalawa, at kumpirmado na niya kung ano ang namamagitan sa kanila.
Hindi na nakatiis si Hernan. Nagpaalam siyang lumabas.
"Sorry to bother you, but I'll just go outside."
Hindi na niya hinintay ang sagot nila at naglakad na siya palabas. Gusto niya makahinga nang maluwag at i-sink in sa utak niya ang mga nangyari.
Lumapit siya sa mga halaman sa bakuran ng mag-ama. Malalago ang mga bunga nito at may mga gulay pa. Talaga namang magaling mag-alaga ng halaman ang hardinero nitong ama.
"Puwede ba kitang makausap, saglit Samuel?" paalam ni Ferdinand.
Naintindihan ito ni Thalia kaya iniwan niya muna ang dalawa para makapag-usap nang maayos. Sumunod siya sa labas kung saan pumunta si Hernan. Nadatnan niyang nakatayo lang si Hernan at malayo ang tingin. Mukhang malalim din ang iniisip.
"Sir Hernan," mahina niyang banggit sa likod nito at dahan-dahang lumapit sa binata.
Tinapunan siya ng tingin ni Hernan pero hindi ito nagsasalita. Parang naiilang na sila sa isa't isa dahil sa nangyari pero nilakasan ni Thalia ang loob na kausapin ito.
"Sir, may gusto lang po sana akong linawin."
Sa pagkakataong ito, tiningnan na siya ni Hernan. Mata sa mata. Mukha sa mukha.
Ito na naman sila. Iwas na nga siya nang iwas sa babae para hindi masyadong mahulog pero siya naman ang lapit nang lapit sa kanya. Kapag lumapit naman sa kanya, hindi siya makatiis na hindi ito tingnan. Ano ba naman ito!
Para bang may nagkokonekta sa kanilang dalawa.
"Ano 'yon?" seryosong tanong ni Hernan.
Hindi muna nakasagot si Thalia. Huminga siya nang malalim.
"Napapansin ko po kasi yong mga kinikilos ninyo. Yong mga tingin ninyo sa'kin na parang may gusto kayong sabihin."
Natigilan na si Hernan. Yari na, naramdaman na ni Thalia ang mga pinapakita niya.
"Sir, may gusto po ba kayong sabihin sa'kin? Ayoko lang po na may tinatago sa'kin yong isang tao."
Napayuko siya. "Siguro po ay nasasaktan kayo dahil binasted ko ang pinsan ninyo. Sorry po, sir Hernan."
"Sana wag po magbago ang tingin ninyo sa'kin dahil sa hindi ko pagsagot sa pinsan ninyo."
Hindi inaalis ni Hernan ang tingin sa babae. Pag-angat ng mukha nito ay nakatitig pa rin siya sa ganda nito.
"Gusto mo bang malaman kung bakit kita madalas tingnan o bakit iba ang mga titig ko sa'yo?"
"Bakit po?" interesado niyang tanong.
Kinakabahan si Thalia sa mga naiisip na puwedeng sabihin ni Hernan. Napaka-intense na para bang nasa loob sila ng nobela at ang dalawang bida ay nag-uusap ng nararamdaman nila para sa isa't isa.
"Wanna know the truth?" Lalakasan niya ang loob. Sasabihin na niya ang totoo.
Naalala ni Hernan ang mga bagay na naranasan kay Thalia. Kung paano siya nito samahan sa mga bagay na hindi niya pa nagagawa dati, kung paano nito pakinggan ang mga salita niya at kung paano siya nito pasayahin.
"Because I like you." Tila paulit-ulit na nag-echo sa pandinig ni Thalia ang sinabi nito. Baka nagsisinungaling lang ito, sabi niya sa kanyang isip.
"Funny how tricky it is." Natawa si Hernan sa sarili. "Sabi ko ay magbabakasyon lang ako dito, na-inlove pa nga."
Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Thalia.
Dine-deny niya sa sarili na magugustuhan siya ng binata pero umaamin na rin ito ngayon. Kung nananaginip lang siya ay sana may gumising sa kanya ngayundin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top